You are on page 1of 3

Pagbasa at Pagsusuri ng iba’t-ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

Baitang 11

Pangalan:_____________________________________ Iskor:__________________
Pangkat at Seksyon: ___________________________ Petsa: _________________

I. Panuto: Kilalanin ang katangian at kalikasan ng iba’t ibang uri ng teksto. Isulat ang titik
ng wastong sagot sa unahan ng bilang.

1. Isang uri ng teksto na nangangailangang ipagtanggol ng manunulat ang posisyon sa isang


tiyak na paksa o usapin gamit ang mga ebidensiya mula sa personal na karanasan, kaugnay na
literatura at pag-aaral, ebidensiyang kasaysayan at resulta ng empirikal na pananaliksik.

A. Tekstong Argumentatibo B. Tekstong Prosidruyal


C. Tekstong Persweysib D. Tekstong Naratibo

2. Isang uri ng paglalahad na kadalasang nagbibigay ng impormasyon at instruksiyon kung


paanong isasagawa ang isang tiyak na bagay.Layuning makapagbigay ng sunod-sunod na
direksyon upang maisagawa ang mga gawain sa ligtas, episyente at angkop na paraan.

A. Tekstong Argumentatibo B. Tekstong Prosidyural


C. Tekstong Persweysib D. Tekstong Naratibo

3. Isa sa nilalaman ng teksto ay ang naglalaman ng mga pamamaraan kung paano masusukat
ang tagumpay ng pamamaraang isinagawa.

A. Layunin o target ng awtput B. Ebalwasyon


C. Kagamitan D. Metodo

4. Kailangang malinaw at lohikal ang kabuuan ng kwento. Madalas na makikitang ginagamit na


paraan ng narasyon ang iba’t ibang estilo ng pagkakasunod-sunod ng pangyayari. Anong
katangian ng tekstong naratibo ang pahayag na ito?

A. Pamamaraan ng narasyon B. Oryentasyon


C. Resolusyon D. Estruktura

5. Uri ng teksto na kung saan nakapagturo ng kabutihang asal. Makapagsalaysay ng


pangyayaring nakapanlilibang o nakapagbibigay-aliw o saya.

A. Tekstong Argumentatibo B. Tekstong Prosidyural


C. Tekstong Persweysib D. Tekstong Naratibo

6. Ang tagapagsalaysay ang magpapakilala o maglalarawan sa pagkatao ng tauhan.

A. Expository B. Dramatiko C. kasukdulan D. wakas

7. Sa paaraan ng pagpapakilala ng tauhan dito ay kusang mabubunyag ang karakter dahil sa


kanyang pagkilos.

A. Expository B. Dramatiko C. kasukdulan D. wakas

8. Sa mga tauhan sa akdang naratibo, dito umiikot ang kwento mula sa simula hanggang
wakas.
A. Katunggaling Tauhan B. Pantulong na Tauhan
C. Pangatlong Tauhan D. Pangunahing Tauhan

9. Ayon kay E. M. Forster ito ay ang tauhang may multidimensiyonal o maraming saklaw ang
personalidad. Nababago ang kanyang katauhan sa kabuuan ng akda.

A. Tauhang Lapad B. Tauhang Bilog C. Tauhang pahaba D. Tauhang Tatsulok

10. Tauhang nagtatglay ng iisa o dadalawang katangiang madaling matukoy o predictable.


Hindi nagbabago ang pagkatao mula sa simula hanggang sa katapusan ng akda.

A. Tauhang Lapad B. Tauhang Bilog C. Tauhang pahaba D. Tauhang Tatsulok


11. Tumutukoy hindi lang sa lugar kung saan naganap ang mga pangyayari sa akda kundi
gayundin din sa panahon (oras, petsa, taon) at maging sa damdaming umiiral sa kapaligiran
nang maganap ang pangyayari.

A. Tauhan B. Tagpuan C. Banghay D. Paksa

12. Ang sentral na ideya kung saan umiikot ang mga pangyayari. Mahalagang malinang nang
husto sa kabuoan ng akda upang mapalutang ng husto sa kabuoan ng may-akda
pinakamahalgang mensaheng nais nyang maiparating sa kanyang mambabasa.

A. Tauhan B. Tagpuan C. Banghay D. Paksa

13. May puwang o patlang sa pagkasunod-sunod ng mga pangyayari na nagpapakitang may


bahagi sa pagsasalaysay na tinanggal o hindi isinama.

A. Ellipsis B. Prolepsis C. Analepsis D. Analisis

14. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa mga tiyak na katangian ng wika ng isang
tekstong prosidyural.

A. Nakakasulat sa kasalukuyang panauhan


B. Nagkakaroon ng kaalaman kung paano gumawa ng isang produkto.
C. Nakapokus sa pangkalahatang mambabasa at hindi sa iisang tao lamang
D. Tinutukoy ang mambabasa sa pangkalatang pamamaraan sa pamamagitan ng
paggamit ng mga panghalip.

15. Si Santiago ay gustong magparehistro upang makaboto sa darating na eleksiyon. Ang


sumusunod ay mga requirements na dapat niyang isaalang-alang sa pagkuha ng Voter’s
registration, maliban sa:

A. Mamayan ng Republika ng Pilipinas


B. Labing walong taong gulang bago ang araw ng eleksyon
C. Sinentensyahan ng hukuman upang mabiupang mabilango sa isang taon
D. Residente ng Pilipinas sa loob ng isang taon.

16. Si Arah ay !abing walong taong gulang (18) na at napagpasyahan niyang pumunta sa
comelec upang magparehistro dahil nasa tamang edad na siya at ma-exercise nya ang
kanyang karapatang bomoto bilang isang mamayan ng bansang Pilipinas. Paano niya ito
gagawin ayon sa pagkakasunod-sunod o proseso na binigay ng comelec?

I- Magpa biometrics
II- Itago ang Acknowledgement receipt
III- Punan ang tatlong kopya ng registration form para marehistro
IV- Magdala ng isang Valid ID sa local na opisina ng COMELEC

A. IV-III-II-I B. IV-III-I-II C. I-II-III-IV D. III-I-IV-II


17. Sa pagsulat ng tekstong ito, hindi dapat magpahayag ng mga personal at walang batayang
opinion ang isang manunulat.

A. Tekstong Argumentatibo B. Tekstong Nanghihikayat


C. Tekstong Impormatibo D. Tekstong Naratibo

18. Ang Tekstong ito ay gumagamit ng wikang puno ng imahinasyon, nagpapahayag ng


emosyon, at kumakasangkapan ng iba’t ibang imahen, metapora, at simbolo upang maging
malikhain.
A. Tekstong Impormatibo B. Tekstong Prosidyural
C. Tekstong Persweysib D. Tekstong Naratibo

19. Nilalaman ng bahaging ito kung paano ang kalalabasan o kahahantungan ng proyekto ng
prosidyur.
A. Layunin o Target ng Awtput B. Ebalwasyon
C. Kagamitan D. Metodo

20. Nakapaloob ditto ang mga kasangkapan at kagamitang kakailanganin upang makompleto
ang isasagawang proyekto.
A. Layunin o Target na Awtput B. Ebalwasyon
C. Kagamitan D. Metodo
21. Ito’y paraan ng Manunulat na ginagamit upang makapagganyak o makahikayat ng mga
kaisipan at kaugalian.
A. Pathos B. Ethos
C. Logos D. Eros
22. Sa elemento ng panghihikayat, Anong karakter ng isang tagapagsalita ang madaling
mahikayat ang mga tagapakinig kapag ang nagsasalita ay…
A. hindi maganda ang ugali B. Di-maayos kausap
C. may mabuting kalooban D. Di-maganda ang hangarin

23. Ang opinion o lohikal na pagmamatuwid ng Manunulat, pangangatwiran, panghihikayat


gamit ang lohikal na kaalaman at katuturan ng sinasabi upang makahikayat ng iba.
A. Pathos B. Ethos
C. Logos D. Eros
24. Elemento ng panghihikayat gamit ang emosyon na isa sa pinakamabisang motibasyon
upang kumilos ang tao. Malaki ang impluwensya nito gaya ng galit, awa at takot sa
pagdedesisyon at paghuhusga.,
A. Pathos B. Ethos
C. Logos D. Eros

25. Naglalayong manghimok o mangumbinsi, ginagamit upang maimpluwensyahan ang


paniniwala, pag uugali, intension at paninindigan ng ibang tao.
A. Tekstong Argumentatibo B. Tekstong Persweysib
C. Tekstong Impormatibo D. Tekstong Naratibo
26. Alin sa sumusuod ang HINDI kabilang sa mga gabay na Pagbasa ng tekstong
Nanghihikayat?
A. Kredibilidad ng may akda B. nilalaman ng Teksto
C. Bisa ng panghihikayat ng teksto D. Walang kaayusan ang teksto

27. Mga ilan sa halimbawa ng sulatin o tekstong nanghihikayat.


A. Sanaysay B. Talumpati C. Tesis D. Posisyong papel

28. Layunin nito ang manghikayat sa pamamagitan ng pangangatwiran batay sa katotohanan.


Pagtatanggol ng manunulat sa kanyang paksa o pagbibigay ng kasalungat laban sa nauna
gamit ang mga ebidensiya.
A.Tekstong Nanghihikayat B. Tekstong Argumentatibo
C. Tekstong Impormatibo D. Tekstong Naratibo

29. Ilan sa mga halimbawa ng sulatin o tekstong argumentatibo ay ang sumusunod, alin ang
Hindi kabilang sa mga ito?
A. Editoryal B. Petisyon C. Tesis D. patalastas

27. Alin sa sumusuod ang HINDI kabilang sa mga gabay na Pagbasa ng tekstong
argumentatibo?
A. Masayang pag-aralan ang teksto
B. pagpapahayag ng tesis at balangkas ng teksto
C. Tibay ng argumento
D. bias ng panghihikayat ng teksto

You might also like