You are on page 1of 3

SANTA FILOMENA NATIONAL HIGH SCHOOL

Ikatlong Markahan - Ikalawang Lagumang Pasulit


sa
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Basahin at unawaing mabuti ang isinasaad ng bawat pangungusap. Piliin at isulat ang titik sa iyong papel.
1. Ano ang tawag sa sistematikong pagbubuo, paghahanay, at pag-uugnay ng mga ideya upang magkaroon ng malinaw na ugnayan sa pagbabalakangkas ng
mga kaisipan, ideya, saloobin, katotohanan, at mga impormasyon.
A. Impormasyon B. Impormatibo C. Pangungusaap D. Tekstong Impormatibo
2. Alin sa mga sumusunod ang hindi layunin ng tekstong impormatibo?
A. Alisin at bigyang-linaw ang mga katanungan, agam-agam o pag-aalinlangan na bumabalot sa isipan ng bumabasa hinggil sa paksang tinalakay.
B. Binabaklass ang mga di-maunawaang kaisipan sa isang paksa.
C. Hinihimok nito ang mga mambabasa para sa iyong pananaw.
D. Maging daluyan ng makatotohanang impormasyon.
3. Alin sa mga sumusunod ang hindi gabay na tanong sa pagsusuri ng ilang tekstong impormatibo?
A. Makatotohanan ba ang mga impormasyon o datos? C. Naayon ba isa iyong pananaw sa buhay ang tekstong binasa?
B. Mapagkatiwalaan ba ang may-akda/tagapaglathala? D. Napapanahon ba ang mga impormasyong inilahad?
4. Hindi mo kilala ang may-akda kaya sinaliksik mo siya. Anong gabay ang ginamit mo?
A. Makatotohanan ba ang mga impormasyon o datos? C. Naayon ba isa iyong pananaw sa buhay ang tekstong binasa?
B. Mapagkatiwalaan ba ang may-akda/tagapaglathala? D. Napapanahon ba ang mga impormasyong inilahad?
5. “Sa 2022 National Demographic and Health Survey (NDHS), lumalabas na 5% ng mga Pilipina na may edad 15-19 ang nabuntis na…” Totoo kaya ito?
A. Makatotohanan ba ang mga impormasyon o datos? C. Naayon ba isa iyong pananaw sa buhay ang tekstong binasa?
B. Mapagkatiwalaan ba ang may-akda/tagapaglathala? D. Napapanahon ba ang mga impormasyong inilahad?
6. Anong hanguan ng impormasyon ang mga indibidwal o awtoridad?
A. Hanguang Elektroniko B. Hanguang Primarya C. Hanguang Sekondarya D. Hanguang Tersiyarya
7. Anong hanguan ng impormasyon ang telepono o cellphone?
A. Hanguang Elektroniko B. Hanguang Primarya C. Hanguang Sekondarya D. Hanguang Tersiyarya
8. Anong hanguan ng impormasyon ang mga aklat tulad ng diksiyunaryo, ensiklopeyda, taunang-aklat o yearbook, almanac, at atlas?
A. Hanguang Elektroniko B. Hanguang Primarya C. Hanguang Sekondarya D. Hanguang Tersiyarya
9. Anong hanguan ng impormasyon ang mga kaugalian?
A. Hanguang Elektroniko B. Hanguang Primarya C. Hanguang Sekondarya D. Hanguang Tersiyarya
10. Anong hanguan ng impormasyon internet saa pamamagitan ng e-mail?
A. Hanguang Elektroniko B. Hanguang Primarya C. Hanguang Sekondarya D. Hanguang Tersiyarya
11. Anong hanguan ng impormasyon ang mga tesis, disertasyon, at pag-aaral sa feasibility, nailathala man ang mga ito o hindi?
A. Hanguang Elektroniko B. Hanguang Primarya C. Hanguang Sekondarya D. Hanguang Tersiyarya
12. Nag-interbyu ka ng isang politiko para makakuha ng impormasyo sa kaniyang mga nagawa.
A. Hanguang Elektroniko B. Hanguang Primarya C. Hanguang Sekondarya D. Hanguang Tersiyarya
13. “Ang mga kaalaman ay nakaayos nanag may pagkakasunod-sunod at inilahad nang buong linaw at kaisahan.” Ang salaysay na ito ay tumutukoy sa
________ ng tekstong impormatibo.
A. hanguan B. kahalagahan D. katangian D. layunin
14. Straight cut, bell-bottoms, de-baston, de-rimatse, at burdado ay tumutukoy sa?
A. Estilo ng buhok B. Estilo ng denims C. Estilo ng pang-ibabang damit. D. Uri ng damit
15. Ano ang tawag ng denims sa mga Pilipino?
A. Levi’s B. Maong C. Salawal D. Tshirt
16. Sino ang nakatuklas ng di sinasaday sa kasuotan na ito?
A. Levi Strauss B. Lirag Testile Mills C. Prinsesa Anna D. Susan Ford
17. Mahalagang malinaw na mailahad ang mga detalyeng ito upang matumbok ang pangunahing ideya ng teksto.
A. Hulwaran B. Istilo C. Pantulong na ideya D. Pangunahing ideya
18. Ano ang paraan ng pagkalahad ng tekstong impormatibo?
A. nagsasalaysasy B. naglalahad C. nangangtuwiran D. nagpapaliwanag
19. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng tekstong impormatibo maliban sa isa, ano ito?
A. artikulo B. balita C. editoryal D. pananaliksik
20. Ang mga sumusunod ay layunin ng tekstong impormatibo maliban sa isa, ano ito?
A. maghatid ng kaalaman C. magbigay-kahulugan sa mga ideya
B. magpaliwanag ng mga ideya D. mangumbinse

Para sa 21-24
Ano ang mga sintomas ng bagong coronavirus?

Kasama sa mga sintomas ang lagnat, pagkapagod, ubo, at pananakit ng kalamnan o katawan. Ang sakit ay maaaring umunlad sa igsi ng
paghinga at mga komplikasyon mula sa pulmonya. Ang mga sintomas ay maaari ring isama ang pagduduwal sa pagsusuka, pagtatae, panginginig, pawis
sa gabi, namamagang lalamunan, sakit ng ulo, pagkalito, o pagkawala ng lasa o amoy. Ang ilang mga nahawaang pasyente ay nakakaranas lamang ng
mga banayad na sintomas habang ang iba pa - lalo na ang mga matatandang indibidwal at ang mga may kalakip na kalagayan sa kalusugan - ay
maaaring magkaroon ng mas malubhang sintomas. Ang mga sintomas ay maaaring bumuo ng 2-14 na araw pagkatapos ng pagkakalantad sa virus.
www.sccgov.org
21. Ano ang layunin ng may-akda sa kanyang teksto?
A. Nagbigay ng impormasyon B. Nagpapaliwanag. C. Nagsasalaysay. D. Nangungumbinsi.
22. Anong pananaw ang ginamit ng teksto sa paglalahad ng mga impormasyon?
A. Unang panauhan B. Ikalawang Panauhan C. Ikatlong Panauhan D. Kombinasyon
23. Ano ang tonong nangingibabaw sa loob ng teksto?
A. malungkot B. mapangutya C. masaya D. seryoso
24. Ano ang paksa nangingibabaw sa loob ng teksto?
A. Babala ng Coronavirus C. Mga Dapat Gawain kung may Coronavirus
B. Mga babala ng emerhensiya para sa COVID-19 D. Sintomas ng Coronavirus
25. Ito ay isang uri ng di-piksyon na pagsulat upang kumbinsihin ang mga mambabasa na sumang-ayon sa maununulat hinggil sa isang isyu. Ang manunulat
ay naglalahad ng iba’t ibang impormasyon at katotohanan upang suportahanang isang opinyon gamit ang argumentong estilo ng pagsulat.
A. Gabay sa Pagbasa ng Teksto B. Kahulugan C. Layunin D. Mga Elemento
26. Umapela o mapukaw ang damdamin ng mambabasa upang makuha ang simpatya ng nito at mahikayat na umayon sa ideyang
inilahad.________________ ng tekstong nanghihikayat.
A. Gabay sa Pagbasa ng Teksto B. Kahulugan C. Layunin D. Mga Elemento
27. Ang ethos, pathos at logos ay ang mga ________________ ng tekstong nanghihikayat.
A. Gabay sa Pagbasa ng Teksto B. Kahulugan C. Layunin D. Mga Paraan Upang Makahikayat
28. Ito ay salitang Griyego na nauugnay sa salitang etika ngunit higit na itong angkop ngayon sa salitang”imahe.”
A. Ethos B. Logos C. Pathos D. Ethos, Logos at Pathos
29. Ang salitang Griyego na tumutukoy sa pangangatwiran
A. Ethos B. Logos C. Pathos D. Ethos, Logos at Pathos
30. Ang Karakter, Imahe, o Reputasyon ng Manunulat/Tagapagsalita
A. Ethos B. Logos C. Pathos D. Ethos, Logos at Pathos
31. Ang Opinyon o Lohikal na pagmamatuwid ng Manunulat/ Tagapagsalita
A. Ethos B. Logos C. Pathos D. Ethos, Logos at Pathos
32. Emosyon ng Mambabasa/ Tagapakinig
A. Ethos B. Logos C. Pathos D. Ethos, Logos at Pathos
33. Ang elementong ito ang magpapasiya kung kapani-kapaniwala o dapat pagkatiwalaan ng tagapakinig ang tagapagsalita, o ng mambabasa ang
manunulat.
A. Ethos B. Logos C. Pathos D. Ethos, Logos at Pathos
34. Tumutukoy rin ito sa pagiging lohikal ng nilalman o kung may katuturan ba ang sinasabi upang mahikayat o mapaniwala ang tagapakinig na ito ay totoo.
A. Ethos B. Logos C. Pathos D. Ethos, Logos at Pathos
35. Emosyon ang pinakamabisang motibasyon upang kumilos ang isang tao. Kaya naman marami sa mga pahayag pampulitika at mga patalastas ay
gumagamit ng ganitong paraan upang makuha ang ating boto, mapaniwala tayo sa isang panig ng usapin, o mapabili ng kanilang produkto.
A. Ethos B. Logos C. Pathos D. Ethos, Logos at Pathos
36. Pagbuo ng makatotohanang kaisipan.
A. Elemento B. Hakbang sa Pagsulat C. Katangian D. Paraan upang Makahikayat
37. Saliksikin ang iyong paksa.
A. Elemento B. Hakbang sa Pagsulat C. Katangian D. Paraan upang Makahikayat
38. May panimula, katawan at konklusyon.
A. Elemento B. Hakbang sa Pagsulat C. Katangian D. Paraan upang Makahikayat
39. Piliin ang iyong posisyon.
A. Elemento B. Hakbang sa Pagsulat C. Katangian D. Paraan upang Makahikayat
40. Sumasagot sa aryumento.
A. Elemento B. Hakbang sa Pagsulat C. Katangian D. Paraan upang Makahikayat
41. Ano ang pangunahing paghahandang kailangang gawin sa pagsulat ng tekstong nanghihikayat?
A. Anong damdamin kaugnayan ng iyong layunin ang nais mong mangibabaw o mapukaw sa kanila.
B. Linawin kung ano ang layunin ng isusulat na teksto, uri ng mambabasa o tagapakinig na tatanggap ng isinusulat na teksto
C. Pag-aralan ang target na tagapakinig o mambabasa.
D. Upang makamit ang damdaming iyon, ano-anong kaisipan o ideya ang dapat sumuporta sa iyong layunin o paksa?
42. Alin sa mga sumusunod ang hindi halimbawa ng tekstong nanghihikayat?
A. kuwento B. leaflets C. posters D. talumpati

Para sa mahal kong kababayang kabataan sa Pilipinas. Ako si May Jane, isa akong biktima ng ipinagbabawal na gamot, dahil sa kagustuhan kong
mabago ang buhay ng aking pamilya, naniwala ako sa isang tao na bibigyan niya ako ng trabaho sa ibang bansa bilang katulong at dahil sa kabaitan niya sa
akin hindi ako naghinala na may masama siyang balak sa akin.
Nakuhanan ng drugs ang dala-dala kong bag na binili ng kaibigan kong nagsama sa akin sa ibang bansa at hinuli ako ng pulis at hinatulan ng
kamatayan.
Sa limang taong pananatili ko sa loob ng kulungan marami akong nalaman, araw-araw kong kasama ang mga taong nalulong sa ipinagbabawal na
gamot, karamihan sa kanila ay mga kabataan at dahil sa maling pakikihalubilo o pakikipagbarkada sa mga taong gumagawa ng ipinagbabawal na gawain,
marami ang nagiging biktima at nalilihis ng landas.
Karamihan sa kanila ay itinakwil ng kanilang pamilya, napapariwara, at nasisira ang pag-aaral. Meron ding nagkakasakit dahil sa ipinagbabawal na
gamot at marami na rin akong nakitang namatay dahil sa sobrang paggamit ng drugs.
Huwag ninyong sayangin ang inyong buhay, huwag na huwag kayong gagamit ng ipinagbabawal na gamot o magbebenta, walang idudulot na mabuti
sa inyo at masisira pa ang inyong buhay.
Naniniwala ako sa hindi ninyo paggamit ng drugs o masasangkot sa ano mang klase ng iligal na trabaho, may magandang kinabukasan na
naghihintay sa inyo.
Huwag kayong makakalimot sa Panginoong Diyos, Siya ang gagabay sa inyo para hindi malihis sa tamang landas.
Kayong mga kabataaan ang pag-asa ng ating bayan at magiging bayani ng ating bansa. Patnubayan nawa kayo ng Poong Maykapal at palaging
mapasainyo ang pagpapala ng Panginoong Diyos magpakailanman. Amen.
Atanacio 2016
__43. Ano ang layunin ng teksto?
A. Para mahikayat ang mga mambabasa na ayusin ang kanilang buhay.
B. Para mahikayat ang mga mambabasa na huwag gumamit ng ipinagbabawal na gamot.
C. Para mahikayat ang mga mambabasa na iwasan o ayawan ang paninigarilyo.
D. Para mahikayat ang mga mambabasa na sumunod sa utos ng magulang.
__44. Sino ang sumulat ng liham?
A. Atanacio B. kabataan sa Pilipinas C. Magdalena D. May Jane
__45. Ano ang kaniyang katauhan?
A. Biktima ng illegal recruitment B. Biktima ng ipinagbabawal gamot
C. Biktima ng karahasan D. Biktima ng prostitusyon
__46. “Ako si May Jane, isa akong biktima ng ipinagbabawal na gamot, dahil sa kagustuhan kong mabago ang buhay ng aking pamilya, naniwala ako sa
isang tao na bibigyan niya ako ng trabaho sa ibang bansa bilang katulong at dahil sa kabaitan niya sa akin hindi ako naghinala na may masama siyang
balak sa akin.” Ang ginamit na elemento nito ay?
A. Ethos B. Logos C. Pathos D. Ethos, Logos at Pathos
__47. “Sa limang taon ng pananatili ko sa loob ng kulungan marami akong nalaman, araw-araw kong kasama ang mga taong nalulong sa ipinagbabawal na
gamot, karamihan sa kanila ay mga kabataan at dahil sa maling pakikihalubilo o pakikipagbarkada sa mga taong gumagawa ng ipinagbabawal na gawain,
marami ang nagiging biktima at nalilihis ng landas.” Ang ginamit na elemento nito ay?
A. Ethos B. Logos C. Pathos D. Ethos, Logos at Pathos
__48. “Karamihan sa kanila ay itinatkwil ng knailang pamilya, napapariwara, at nasisira ang pag-aaral. Meron ding nagkakasakit dahil sa ipinagbabawal na
gamot at marami na rin akong nakitang namatay dahil sa sobrang paggamit ng drugs.” Ang ginamit na elemento nito ay?
A. Ethos B. Logos C. Pathos D. Ethos, Logos at Pathos

You might also like