You are on page 1of 4

WRITTEN WORK #2 in Filipino sa Piling Larang (Akademik)

Unang Markahan
PANGALAN ____________________________________PETSA:_____________LAGDA NG MAGULANG: _______

I. PANUTO: Basahin at unawain ang bawat tanong at piliin ang titik ng tamang sagot sa mga pagpipilian. Isulat
ang sagot sa patlang bago ang bilang.

____1. Alin sa mga sumusunod na uri ng pagpapaikli ang ginagamit sa mga akademikong sulatin tulad ng pananaliksik,
tesis, artikulo, rebuy at proceedings?
A. abstrak B. bionote C. buod D. sintesis
____2. Anong bahagi ng gawaing pananaliksik kadalasang nakikita ang abstrak?
A. hulihan B. gitna C. bago ang pamagat D. pagkatapos ng pamagat
____3. Ano ang ibig sabihin ng salitang Latin na Abstractus kung saan nagmula ang salitang abstrak?
A. apply for B. drawn away C. put in D. sum up
____4. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa siksik at pinaikling bersyon ng teksto?
A. abstrak B. bionote C. buod D. sintesis
____5. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa pagsasama-sama ng mga ideya tungo sa isang pangkalahatang
kabuoan na nangangailangan ng analisis sa simula?
A. abstrak B. bionote C. buod D. sintesis
____6. Alin sa mga sumusunod na akademikong sulatin ang ginagamit bilang pansuporta sa isang proposisyon o tesis?
A. abstrak B. bionote C. buod D. sintesis
____7. Alin sa mga sumusunod ang HINDI bahagi ng buod?
A. metodolohiya B. pangunahing ideya C. paksang pangungusap D. Kongklusyon
____8. Bakit kailangang iwasan ang paglagay ng statistical figures o tables sa pagsulat ng abstrak?
A. Malilito ang mga mambabasa.
B. Hindi kailangang detalyado ang abstrak.
C. Hindi ito kasali sa mga mahahalagang detalye.
D. Nangangailangan ito ng karagdagang pagpapaliwanag.
____9. Alin sa mga sumusunod ang HINDI taglay ng abstrak?
A. Introduksyon B. Metodolohiya C. Resulta at konklusyon D. Paksang pangungusap
____10. Bakit mahalaga sa sintesis ang organisasyon ng mga ideya?
A. dahil nanggagaling ang mga ito sa iba’t ibang batis ng impormasyon
B. dahil mahaba at magulo ang orihinal na teksto
C. upang mas maging makabuluhan ang kalalabasan ng sulatin
D. upang maayos at madaling maunawaan ang daloy ng sulatin
____11. Bakit HINDI maaaring maglagay ng opinyon sa buod?
A. dahil ang buod ay muling pagsulat ng binasang teksto
B. dahil magbibigay ito ng kalituhan sa mga mambabasa
C. upang hindi mabago ang pangunahing kaisipan ng teksto
D. upang mas maging maayos at organisado ang gagawing buod
____12. Bakit mahalaga ang pagbubuod?
A. Ginagamit ito sa pagpapaunlad ng argumento.
B. Ginagamit ito bilang mapaikli ang isang pananaliksik.
C. Pinapaliwanag nito nang maayos ang orihinal na teksto.
D. Ginagawa nitong organisado ang mga ideyang nanggaling sa iba’t ibang batis ng impormasyon.
____13. Paano sinisimulan ang pagsulat ng abstrak?
A. Tukuyin ang paksang pangungusap o pinakatema ng teksto.
B. Hanapin at isulat ang mga pangunahing kaisipan o ideya ng bawat bahagi ng sulatin.
C. Buoin ang mga pangunahing kaisipang taglay ng bawat talata at isulat ang unang burador ng papel.
D. Basahing mabuti at muling pag-aralan ang papel pananaliksik o akademikong sulatin na gagawan ng abtrak.
____14. Sa pagsulat ng abstrak, ano ang susunod na hakbang ang gagawin pagkatapos buoin ang mga pangunahing
kaisipan?
A. Muling isulat para sa pinal na kopya.
B. Hanapin at isulat ang mga pangunahing kaisipan o ideya ng bawat bahagi ng sulatin.
C. Basahing muli ang ginawang abstrak. Suriin nang mabuti kung may nakaligtaang mahahalagang kaisipan na
dapat isama.
D. Basahing mabuti at muling pag-aralan ang papel pananaliksik o akademikong sulatin na gagawan ng abtrak.
____15. Ikaw ay inatasang sumulat ng pinaikling bersyon ng nobela ni Dr. Jose Rizal na Noli Me Tangere, anong uri ng
pagpapaikli ang iyong gagawin?
A. abstrak B. bionote C. buod D. sintesis
____16. Upang magkaroon ng kaalaman ang mga mambabasa sa papel pananaliksik na iyong ginawa, kailangan mong
isulat ang mahahalagang detalye nito kagaya ng introduksyon, kaugnay na literarura, metodolohiya at resulta at konklusyon.
Anong uri ng pagpapaikli ang iyong susulatin?
A. abstrak B. bionote C. buod D. sintesis
____17. Alin sa mga sumusunod ang pormat na susundin kung tayo ay magsusulat ng buod?
A. Introduksyon, Pangunahing Pangungusap, Konklusyon
B. Pangunahing ideya, Paksang pangungusap, Konklusyon
C. Introduksyon, Metodolohiya, Resulta at Konklusyon
D. Paksang Pangungusap, Pansuportang datos, Konklusyon

Para sa bilang 18 – 19, 21 – 22, basahin ang teksto sa ibaba at sagutin ang mga tanong na kasunod nito.

Abstrak
(TEKSTO 1)
Ang layunin ng pananaliksik na ito ay ang malaman at mabatid kung ano ang mga pinagdadaan ng mga batang
ina sa anim na aspeto: emosyonal, espiritwal, mental, pinansyal, relasyonal at sosyal. Ang sinabing pananaliksik ay
sumailalaim sa quantitative method at ginamitan ng nonrandom convenient sampling, kung saan ang mga respondente
ay pinili ng mga mananaliksik base sa “convenience”. Ang bilang ng mga respondente ay tatlumpo‟t lima (35) na batang
ina na may edad na labing-dalawa hanggang labing-walo na naninirahan sa Sta. Rosa Alaminos, Laguna. Ang lumabas
na resulta ay walang pagkakaiba ang mean score ng anim na salik kapag grinupo sa antas ng huling pag-pasok, edad
ng unang panganganak at kapag igrinupo sa pagkakakilanlan; kung ito ay tumigil o ipinag patuloy ang kanilang pag-
aaral at mayroong pagkakaiba sa mean score sa emosyonal at sosyal na salik kapag igrinupo sa estadong marital.
Source: LPU Laguna Journal of Arts and Sciences Psychological Research Vol. 2 No.2 September 2015
____18. Ano ang layunin ng tekstong binasa?
A. malaman at mabatid kung ano ang mga pinagdadaan ng mga batang ina sa anim na aspeto: emosyonal,
espiritwal, mental, pinansyal, relasyonal at sosyal
B. makapagbigay ng suportang emosyonal, espiritwal, mental, pinansyal at relasyonal sa mga batang ina na
naninirahan sa Sta. Rosa, Alaminos, Laguna
C. makalikom ng sapat na impormasyon tungkol sa pangangailangang emosyonal, espiritwal, mental,
pinansyal, relasyonal at sosyal ang mga batang ina
D. makapagpatuloy sa pag-aaral ang mga batang ina na naninirahan sa Sta. Rosa, Alaminos, Laguna
____19. Anong pangungusap matatagpuan ang metodolohiyang ginamit?
A. Unang pangungusap C. Ikatlong pangungusap
B. Ikalawang pangungusap D. Huling pangungusap
____20. Alin sa mga sumusunod ang katangian ng buod?
I. Tinitukoy agad ang pangunahing ideya o punto kaugnay sa paksa.
II. Gumagamit ng sariling pananalita.
III. Inuulit ang mga salita ng may akda.
IV. Mga ⅓ ng teksto o mas maikli pa dito ang buod.
A. I at II B. I at III C. I at IV D. II at IV
____21. Ano ang pamagat ng isinagawang pananaliksik batay sa Abstrak na binasa (TEKSTO 1)?
A. Ang Karaniwang Edad Ng Mga Mag-Aaral Na Maagang Nanganganak
B. Antas Ng Huling Pag-Pasok Sa Paaralan At Edad Ng Unang Panganganak Ng Mga Batang Ina Sa Sta.
Rosa
C. Batang Ina Na May Edad Na Labing-Dalawa Hanggang Labing-Walo Na Naninirahan Sa Sta. Rosa
Alaminos, Laguna.
D. Mga Pinagdadaan Ng Mga Batang Ina Sa Anim Na Aspeto: Emosyonal, Espiritwal, Mental, Pinansyal,
Relasyonal At Sosyal.
____22. Ayon sa abstrak na binasa (TEKSTO 1), ano ang resulta ng isinagawang pananaliksik?
A. hindi sapat ang mga impormasyon sa teksto upang malaman ang resulta ng pananaliksik
B. walang pagkakaiba sa mean score sa emosyonal at sosyal na salik kapag igrinupo sa estadong marital.
C. walang pagkakaiba ang mean score ng anim na salik kapag grinupo sa antas ng huling pag-pasok, edad ng
unang panganganak at kapag igrinupo sa pagkakakilanlan
D. may malaking pagkakaiba ang mean score ng anim na salik kapag grinupo sa antas ng huling pag-pasok,
edad ng unang panganganak at kapag igrinupo sa pagkakakilanlan
____23. Anong uri ng pagpapaikli ang inilalarawan ng diagram sa kanan?
A. Abstrak
B. Bionote
C. Buod
D. Sintesis

____24. Paano isinasagawa ang pagsulat ng abstrak?


A. Pagsamasamahin ang mga ideya mula sa iba’t ibang batis ng impormasyon upang makabuo ng
pangkalahatang ideya.
B. Basahing mabuti ang tekstong gagawan ng sintesis at itala ang mga pangunahing ideya, paksang
pangungusap at konklusyon.
C. Basahin at unawaing mabuti ang papel pananaliksik at isulat ang mga mahahalagang impormasyon gaya ng
introduksyon, mga kaugnay na literature, metodolohiya at resulta at konklusyon.
D. Manood ng isang episodo ng programa pagkatapos ay isulat ang iyong reaksyon at opinyon tungkol sa
pangunahing paksa ng pinanood na episode.
____25. Paano isinusulat ang buod?
A. Pagsamasamahin ang mga ideya mula sa iba’t ibang batis ng impormasyon upang makabuo ng
pangkalahatang ideya.
B. Basahing mabuti ang tekstong gagawan ng sintesis at itala ang mga pangunahing ideya, paksang
pangungusap at konklusyon.
C. Basahin at unawaing mabuti ang papel pananaliksik at isulat ang mga mahahalagang impormasyon gaya ng
introduksyon, mga kaugnay na literatura, metodolohiya at resulta at konklusyon.
D. Manood ng isang episodo ng programa pagkatapos ay isulat ang iyong reaksyon at opinyon tungkol sa
pangunahing paksa ng pinanood na episode.

Inihanda ni:
Iwinasto ni:
NOELEEN N. SIBAYAN
Subject Teacher MA. CRESTITA G. DANDOY
Principal II

You might also like