You are on page 1of 7

MODULE NO.

GRABSUM SCHOOL INC.


Masalukot 1, Candelaria Quezon FILAK
PANGALAN:
PETSA:

BAITANG & SEKSYON: GURO: Bb. Monique Mendoza

ARALIN 4:

PAGSULAT NG IBA’T IBANG URI Mga Kasanayang


NG LAGOM (ABSTRAK) Pampagkatuto:
Nakasusunod sa istilo at teknikal na
pangangailangan ng akademikong
sulatin.CS_FAPU-0d-f-93
PANGKALAHATANG IDEYA

Ang modyul na ito ay tungkol sa akademikong sulatin: Uri ng paglalagom na inihanda para sa pag-aaral ng
Filipino sa unang semestre ng ikalabindalawang baitang. Ito ay naglalayong sanayin ang mga mag-aaral sa pagsulat ng
iba’t ibang sulating lilinang sa mga kakayahang magpahayag tungo sa mabisa, mapanuri at masinop na pagsusulat sa piniling
larangan.
Tatalakayin sa modyul na ito ang iba’t ibang uri ng paglalagom at ang kahulugan katangian, layunin at gamit ng
bawat isa. Hahasain ka sa pagsulat ng iba’t ibang akademikong sulatin sa pamamagitan nang maayos na pagsunod sa mga
panuntunan upang matamo ang mga kasanayang hinahangad.

Ang mga paksa, babasahin, gawain at mga pagsasanay ay sadyang iniaangkop sa kakayahan at interes ng mga mag-
aaral upang ang pagkatuto ay maging makabuluhan, napapanahon, kawili-wili, nakalilinang ng kritikal at mapanuring na pag-
iisip.
Ang modyul na ito ay may araling :
Aralin 1 : Uri ng paglalagom : Abstrak

Ano ang Nalalaman Mo


Panimulang Pagtataya
Alamin natin kung gaano na ang lawak ng iyong kaalaman sa nilalaman ng modyul na ito. Sagutin mo ang lahat ng aytem.
Piliin ang letra ng tamang sagot.

____1.Ito ay ang pinasimple o pinaikling bersyon ng isang sulatin o akda.


A. Abstrak B.Sinopsis C.Bionote D.Lagom
____2.Isang uri ng paglalagom na kalimitang ginagamit sa mga akdang nasa tekstong naratibo tulad ng kwento,salaysay
,nobela,dula,parabula at iba pa.
A. Abstrak B.Sinopsis C.Bionote D.Lagom
____3.Uri ng lagom na ginagamit sa pagsulat ng personal profile ng isang tao.
A.Abstrak B.Sinopsis C.Bionote D.Lagom
____4.Uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga akademikong papel tulad ng tesis, disertasyon, papel na siyentipiko
at teknikal, lektyur at mga report.
A.Abstrak B.Sinopsis C.Bionote D.Lagom
____5.Ito ay bahagi ng akademikong papel o ulat na pinakahuling isinusulat ngunit kadalasang unang binabasa ng mga propesor o
mga eksaminer ng panel.
A.Abstrak B.Sinopsis C.Bionote D.Lagom
____6.Isang tala sa buhay ng tao na naglalaman ng kanyang academic career na madalas ay makikita o mababasa sa mga dyurnal ,
aklat , abstrak ng mga sulating papel websites at iba pa .
A.Abstrak B.Sinopsis C.Bionote D.Lagom
____7.Sa pagsulat nito, mahalagang maibuod ang nilalaman ng binasang akda gamit ang sariling salita.
A.Abstrak B.Sinopsis C.Bionote D.Lagom
____8. Elemento ito ng Abstrak na naglalaman ng pinakabuod ng bawat bahagi ng sulatin o ulat.
A.Metodolohiya B.Delimitasyon C. Panimula D. kongklusyon
____9.Ang instrumentong ginamit sa pagtanto ng antas ng kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa ikaapat na taon ay ang
walang diyalogong film na pinamagatang “Ang Pamana” na ginamit sa pagkuha ng datos sa pagkukuwento. (bahagi ito ng hal. ng
Abstrak)
A.Saklaw at Delimitasyon B.Metodolohiya C.Introduksyon D.Resulta

1 ANG KAHALAGAHAN NG PAGSULAT AT ANG AKADEMIKONG PAGSULAT


MODULE NO. 4

____!0.Maipakilala ang sarili sa madla sa pamamagitang ng pagbanggit ng personal na impormasyon tungkol sa sarili at maging ng
mga nagawa o ginagawa sa buhay. Ito ay
A. gamit B. layunin C. kahulugan D. Kalikasan
____11.Ang salitang ito ay gamitin upang madaling maunawaan at makamit ang totoong layunin nito na maipakilala ang iyong
sarili sa iba sa maikli at tuwirang paraan.
A. matalinghaga B. tayutay C.payak D.idyoma
_____12.Gumagamit ito ng hugis tulad sa pagsulat ng balita at iba pang obhetibong sulatin,talagang inuuna ang
pinakamahalagang impormasyon sa bionote .
A.baligtad na tatsulok B.tatsulok C.bilog D.kwadrado
_____13.Unang isulat sa bionote upang makita agad ang katauhan ng taong ipinakilala at unang nakarehistro sa kamalayan ng
mga taong ang taong ipinakikilala.
A.kasarian B.natapos C.tirahan D.pangalan
____ 14. Mahalagang isulat ito kung saan hinango o kinuha ang orihinal na sipi ng akda.
A.sanggunian B. akda C.pamagat D. may-akda
_____15.Batayan sa pagsulat nito mula orihinal na sipi . Kung ang damdaming naghahari sa akda ay malungkot dapat na
maramdaman din ito sa buod na gagawin.
A. damdamin B.larawan C.tono D.salita

SUBUKIN

Panuto: PAGSUSURI SA PAHAYAG: Suriin ang mga pahayag ,Isulat ang TAMA kung ito ay nagtataglay
ng katotohanan at MALI kung ito’y walang katotohanan.

1.Ang lagom ay ang pinasimple at pinaikling bersyon ng isang sulatin o akda. Mahalagang makuha ng
sinumang bumabasa o nakikinig ang kabuoang kaisipang nakapaloob sa paksang nilalaman sng sulatin o akda.
2.Isang kakayahang mahuhubog sa mga mag-aaral ang natutuhan ang pagtitimbang-timbang ng mga kaisipang
nakapaloob sa binabasa. Natutukoy niya kung ano ang pinakamahalagang kaisipang nakapaloob dito gayundin
ang mga pantulong na kaisipan.
3.Ito lamang ang tinataglay ng Abstrak na mahahalagang elemento tulad ng Rasyunali / Introduksyon, metodolohiya,
saklaw at delimitasyon.
4.Kailangan ang paglalagay ng mga statistical figures o table sa abstrak sapagkat ito ay nangangailangan ng
detalyadong pagpapaliwanag na magiging dahilan para humaba ito.
5.Kailangang unahin mong isulat ang Abstrak bago ka magsimula sa pananaliksik.

BALIKAN

Panuto: PAGKILALA SA PANGUNAHIN AT PANTULONG NA KAISIPAN. Tukuyin ang pangunahin at mga


pantulong na kaisipan sa teksto. Sa puntong ito, isulat ang buong pangungusap sa bawat kaisipan. (Ang pangunahing kaisipan ay ang
punong ideya na makikita sa unahan, gitna at hulihan ng talata. Ang pantulong naman na kaisipan ay ang sumusuporta sa Punong ideya)

Ang mga coronavirus ay iniisip na kumakalat sa hangin sa pag-ubo/pagbahing at malapit na personal


na pakikipag-ugnay o sa paghawak ng mga kontaminadong bagay o ibabaw at pagkatapos ay sa paghawak ng bibig, ilong o
mata. Ang Coronaviruses ay isang malaking pamilya ng mga virus na maaaring magdulot ng sakit mula sa karaniwang
sipon hanggang sa mas malubhang sakit tulad ng Middle East Respiratory Syndrome (MERS-CoV) at Severe
Acute Respiratory Syndrome (SARS-CoV). Ang bagong coronavirus (nCoV) ay isang bagong uri na hindi pa nakikilala
sa mga tao. Maraming mga coronavirus ang natural na nakakahawa sa mga hayop, ngunit ang ilan ay maaari ring makahawa
sa mga tao. (https://www.sccgov.org/sites/covid19/Pages/coronavirus-facts-tl.aspx)

TUKLASIN

Pagsulat ng Abstrak
Isa sa mga dapat matutunan ng bawat mag-aaral ay ang kakayahang bumuo ng isang paglalagom o buod. Ang
lagom ay ang pinasimple at pinaikling bersyon ng isang sulatin o akda. Mahalagang makuha ng sinumang nagbabasa o

2 ANG KAHALAGAHAN NG PAGSULAT AT ANG AKADEMIKONG PAGSULAT


MODULE NO. 4

nakikinig ang kabuuang kaisipang nakapaloob sa paksang nilalaman ng sulatin o akda. Bukod sa nahuhubog ang mga
kasanayang maunawaan at makuha ang pinakanilalaman ng isang teksto ay marami pang ibang kasanayan ang
nahuhubog sa mga mag-aaral habang nagsasagawa ng paglalagom. Una, natututunan ang pagtitimbang-timbang ng
mga kaisipang nakapaloob sa binabasa. Natutukoy niya kung ano ang pinakamahalagang kaisipang nakapaloob dito
gayundin ang mga pantulong na kaisipan. Tandaan na sa pagsulat ng lagom, mahalagang matukoy ang pinakasentro o
pinakadiwa ng akda o teksto. Pangalawa, natututunan niyang sumuri ng nilalaman ng kanyang binabasa. Natutukoy
niya kung alin ang mga kaisipan o mga detalye ang dapat bigyan ng malalim na pansin ng pagsusulat ng lagom at kung
alin naman ang hindi gaanong importante. Pangatlo, nahuhubog ang kasanayan ng mag-aaral sa pagsulat ng partikular
na ideya at ang tamang paghabi ng mga pangungusap sa talata sapagkat sa pagsulat ng lagom, mahalagang ito ay
mailahad nang malinaw, hindi maligoy o paulit-ulit. Pang-apat, ito rin ay nakatutulong sa pagpapaunlad o
pagpapayaman ng bokabularyo sapagkat sa pagsulat nito ay importanteng makagamit ng mga salitang angkop sa
nilalaman ng tekstong binubuod.

Bukod sa ang kasanayang ito ay kapaki-pakinabang sa mga mag-aaral, ito rin ay nakatutulong nang malaki sa
larangan ng edukasyon, negosyo, at propesyon. Dahil sa mabilis na takbo ng buhay sa kasalukuyan,at ang marami ay
parang nagmamadali sa mga gawaing dapat tapusin o puntahan, nakatutulong nang malaki ang pagbabasa ng maiikling
sulatin na kalimitang naglalaman ng pinakabuod ng isang mahabang babasahin, teksto o pag-aaral. Bilang
paghahanda sa totoong buhay ng propesyon at pagtatrabaho, mahalagang matutunan mo ang paggawa ng iba’t ibang uri
ng lagom na madalas gamitin sa mga pag-aaral, negosyo at sa iba’t ibang uri ng propesyon. Kaya naman, sa arling ito
ay lubos mong matututunan ang pagsulat ng ilang uri ng lagom o buod – ang abstrak, synopsis o buod at bionote.

Ang Abstrak ay isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga akademikong papel tulad ng tesis,
papel siyentipiko at teknikal, lektyur at mga report. Ito ay kadalasang bahagi ng isang tesis o disertasyon na makikita sa
unahan ng pananaliksik pagkatapos ng title page o pahina ng pamagat. Ito ay naglalaman ng pinakabuod ng akdang
akademiko o ulat.

Ayon kay Philip Koopman sa kanyang aklat na How to Write an Abstract(1997), bagama’t ang abstrak ay maikli
lamang, tinataglay nito ang mahahalagang elemento o bahagi ng sulating akademiko tulad ng Rasyunali / Introduksyon,
metodolohiya, saklaw at delimitasyon, resulta at konklusyon. Naiiba nito ang kongklusyon sapagkat ito ay naglalaman
ng pinakabuod ng bawat bahagi ng sulatin o ulat.

1. Pamagat - Pinakapaksa o tema ng isang akda/sulatin.


2. Introduksyon o Panimula - nagpapakita ng malinaw na pakay o layunin, mapanghikayat ang bahaging ito upang
makapukaw ng interes sa mambabasa at sa manunulat.
3. Kaugnay na literatura - Batayan upang makapagbibigay ng malinaw na kasagutan o tugon sa para sa mga
mambabasa.
4. Metodolohiya - Isang plano o sistema para matapos ang isang gawain.
5. Resulta - Sagot o tugon para mapunan ang kabuuan ng nasabing sulatin.
6. Konklusyon.- Panapos na pahayag na naglalaman ng ideya o opinyon na mag-iiwan ng pala-isipan kaugnay sa paksa.

Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Abstrak


1.Bilang bahagi ng alituntunin ng pagsulat ng mga akdang pang-akademiko, lahat ng mga detalye o kaisipang ilalagay rito ay
dapat na makikita sa kabuoan ng papel ; ibig sabihin, hindi maaaring maglagay ng mga kaisipan o datos na hindi binanggit
sa ginawang pag-aaral o sulatin.
2.Iwasan din ang paglalagay ng mga statistical figures o table sa abstrak sapagkat hindi ito nangangailangan ng detalyadong
pagpapaliwanag na magiging dahilan para humaba ito.
3.Gumamit ng mga simple ,malinaw at direktang mga pangungusap. Huwag maging maligoy sa pagsulat nito.
4.Maging obhetibo sa pagsulat. Ilahad lamang ang mga pangunahing kaisipan at hindi dapat ipaliwanag ang mga ito.
5.Higit sa lahat ay gawin lamang itong maikli ngunit komprehensibo kung saan mauunawaan ng babasa ang pangkalahatang
nilalaman at nilalayon ng pag-aaral ng ginawa.

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Abstrak


Ang Abstrak ang bahagi ng akademikong papel o ulat na pinakahuling isinusulat ngunit kadalasang unang
binabasa ng mga propesor o mga eksaminer ng panel.Kaya naman, nakapahalagang maging maingat sa pagsulat nito.
Narito ang mga hakbang na maaaring gamitin sa pagsulat ng Abstrak.
1. Basahing mabuti at pag-aralan ang papel o akademikong sulatin na gagawan ng Abstrak.
2. Hanapin at isulat ang mga pangunahing kaisipan o ideya ng bawat bahagi ng sulatin mula sa introduksyon ,kaugnay na
literatura, metodolohiya resulta at kongklusyon.
3. Buuin gamit ang mga talata, ang mga pangunahing kaisipang taglay ng bawat bahagi ng sulatin.Isulat ito ayon sa
pagkakasunod-sunod ng mga bahaging ito sa kabuoan ng papel .
4. Iwasang maglagay ng ilustrasyon, graph, table at iba pa. Maliban na lamang kung sagyang kinakailangan .
5. Basahing muli ang ginawang Abstrak. Suriin kung may nakaligtaang mahalagang kaisipang dapat isama rito mabuti
ang abstrak.
6. Isulat ang pinal na sipi nito.

SURIIN
Panuto: PAGSAGOT SA KATANUNGAN :Batay sa binasang paksa, sagutin ang mga katanungan ukol dito.

3 ANG KAHALAGAHAN NG PAGSULAT AT ANG AKADEMIKONG PAGSULAT


MODULE NO. 4

1. Ano ang kahulugan ng lagom?


__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
2. Ano-ano ang kasanayang nahuhubog sa mga mag-aaral habang nagsasagawa ng paglalagom?
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________

3.Paano nakatutulong sa iba’t ibang larangan ang kasanayan sa paglalagom?


__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
4.Sa paggawa ng isang pananaliksik, bakit kailangang pinakahuling isulat ang isang Abstrak?
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
5.Ano kaya ang bunga ng iyong gagawing Abstrak kung hindi ka sumunod sa mga paraan sa pagsulat nito?
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________

PAGYAMANIN

Panuto : ELEMENTO NG ABSTRAK: Basahin ang halimbawa ng abstrak at suriin natin ang elemento nito.

KARANASAN NG ISANG BATANG INA: ISANG PANANALIKSIK


Gisella Mari A. Averion, Florentino L. Elic at Fernando A. Garcia BS in Psychology
Abstrak

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay ang malaman at mabatid kung ano ang mga pinagdadaan ng mga batang ina sa
anim na aspeto: emosyonal, espiritwal, mental, pinansyal, relasyonal at sosyal. Ang sinabing pananaliksik ay sumailalaim sa
quantitative method at ginamitan ng nonrandom convenient sampling, kung saan ang mga respondente ay pinili ng mga
mananaliksik base sa “convenience”. Ang bilang ng mga respondente ay tatlumpo‟t lima (35) na batang ina na may edad na labing-
dalawa hanggang labing-walo na naninirahan sa Sta. Rosa Alaminos, Laguna. Ang lumabas na resulta ay walang pagkakaiba ang
mean score ng anim na salik kapag grinupo sa antas ng huling pag-pasok, edad ng unang panganganak at kapag igrinupo sa
pagkakakilanlan; kung ito ay tumigil o ipinag patuloy ang kanilang pag-aaral at mayroong pagkakaiba sa mean score sa
emosyonal at sosyal na salik kapag igrinupo sa estadong marital.
Source: LPU Laguna Journal of Arts and Sciences Psychological Research Vol. 2 No.2 September 2015

Narito ang mga elemento ng abstrak batay sa nakatalagang kulay


Luntian: Rasyunal (Ang layunin ng pananaliksik …. relasyonal at sosyal)
Asul : Metodolohiya ( Ang sinabing pananaliksik …. “convenience”)
Itim : Saklaw at Delimitasyon (Ang bilang ng mga respondent … Alaminos, Laguna)
Pula : Resulta ng Pananaliksik (Ang lumabas na resulta …estadong marital)

ISAISIP
Panuto: PAGBUBUOD SA NATUTUNAN: Sumulat ng isang talatang may 5 o higit pang pangungusap na magbubuod sa
pangkalahatang natutunan mo sa aralin. Salungguhitan ang pangunahing kaisipan.

_________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________.

ISAGAWA
Panuto :PAGSUSURI SA ELEMENTO NG ABSTRAK: Basahin ang abstrak at suriin ang elemento nito gamit ang
matrix.

Kasanayan sa Pagsasalita ng Mga Mag-Aaral sa Ikaapat na Taon Abstrak

Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa ika-apat na taon ng
pambansang mataas na paaralan ng Talevera,Nueva Ecija. Hinangad sa pag-aaral na ito na matanto ang antas ng
kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa mga sining pangtanghalan tulad ng pasalitang pagkukuwento,

4 ANG KAHALAGAHAN NG PAGSULAT AT ANG AKADEMIKONG PAGSULAT


MODULE NO. 4

pagtatalumpating impromptu at ekstemporenyo. Saklaw ng pag-aaral na ito ang labing limang (15) mga mag-aaral na mag-
rebyu sa ika-apat na taon. Nalimita ang pag-aaral sa kasanayan ng mag-aaral sa pagsasalita sa mga gawaing pasalitang
pagkukuwento at talumpating impromptu,ekstomperenyo. Ang instrumentong ginamit sa pagtanto ng antas ng kasanayan sa
pagsasalita ng mga mag-aaral sa ikaapat na taon ay ang walang diyalogong film na pinamagatang “Ang Pamana” na
ginamit sa pagkuha ng datos sa pagkukuwento. Ang paksang “Ang Pagtatapos” sa impromptu at ang paksang “Global
Krisis” sa ekstemporenyo gamit ang pamantayan o kraytirya sa pagtatalumpati upang tukuying ang kasanayan sa
pagsasalita ay ginamit sa paglikom ng datos. Lumabas sa pag-aaral na may taglay na husay o kasanayan sa pagsasalita
ang mga mag-aaral sa pagkukuwento at pagtalumpating ekstemporenyo subalit sila’y nabalitaan na kakulangan sa kasanayan
sa pagtatalumpating impromptu. Sa kalahatan, tahasang maipapahayag na kulang sa kasanayan sa pagsasalita ang mga mag-
aaral. http://filipinosapilinglaranggroup2.blogspot.com/2018/03/halimbawa-ng-abstrak.html

1.Introduksyon/Rasyunal 2.Saklaw At Delimitasyon

Kasanayan sa Pagsasalita ng mga Mag-aaral sa


Ikaapat na Taon

3.Metodolohiya 4.Resulta

TAYAHIN

Panuto :PAGTUKOY SA KATANGIAN NG ABSTRAK: Suriin ang kahulugan, kalikasan ,


mga katangian , layunin , gamit , anyo (porma) ng Abstrak . Isulat ito sa tasrt.

Nakikilala ang iba’t ibang akademikongsulatin– Abstrak ayon sa: a. Layunin b. Gamit c.Katangian d. Anyo
CS_FA11/12PN-0a-c-90

Abstrak

Kahulugan

Kalikasan

Katangian

Layunin

Gamit

Anyo(porma)

KARAGDAGANG GAWAIN

Panuto: PAGSULAT NG ABSTRAK: Sumulat ng abstrak sa isang bondpaper mula sa iyong sariling pananaliksik noong
ikalawang semestre sa nagdaang taong-panuruan bilang tugon sa pangangailangan ng asignaturang “Pagbasa at Pagsusuri ng
Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik”. Sundin ang mga panuntunan sa pagbuo nito.

5 ANG KAHALAGAHAN NG PAGSULAT AT ANG AKADEMIKONG PAGSULAT


MODULE NO. 4

REPERENSIYA:

MGA AKLAT NA SANGGUNIAN

Ailene Baisa-Julian et.al Pinagyamang Pluma Filipino sa Piling Larangan (Akademik )Phoenix Publishing 2016

Pamela C.Constantino et.el Filipino sa Piling Larangan (Akademik)Rex Book Store 2016 Edition

Dayag, Alma M., et al. Pinagyamang Pluma Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Quezon City, Phoenix Publishing House, Inc. 2016

Corazon L. Santos ,PhD et.al Filipino sa Piling Larang (Akademik)Kagamitan ng Mag-aaral Inilathala ng
Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas

DepEd CDO SHARED Options Learning Activities

ELEKTRONIK NA SANGGUNIAN
https://www.youtube.com/watch?v=6eSvZR23G7I https://www.youtube.com/watch?v=3rDFyzUMZs0
https://www.youtube.com/watch?v=3THuUnF2LCY https://www.biblegateway.com/passage/?
search=Lucas+15%3A11-32&version=SND;FSV https://www.sccgov.org/sites/covid19/Pages/coronavirus-
factstl.aspxhttp://filipinosapilinglaranggroup2.blogspot.com/2018/03/halimbawa-ng abstrak.html

Journal

LPU Laguna Journal of Arts and Sciences Psychological Research Vol. 2 No.2 September 2015

6 ANG KAHALAGAHAN NG PAGSULAT AT ANG AKADEMIKONG PAGSULAT


MODULE NO. 1

You might also like