You are on page 1of 6

MODULE NO.

GRABSUM SCHOOL INC.


Masalukot 1, Candelaria Quezon FILAK
PANGALAN:
PETSA:

BAITANG & SEKSYON: GURO: Bb. Monique Mendoza

ARALIN 6:
Mga Kasanayang Pampagkatuto:
PAGSULAT NG IBA’T IBANG URI 1. Nakikilala ang iba’t ibang akademikong
NG LAGOM (BIONOTE) sulatin ayon sa: (a) Layunin (b) Gamit
(c) Katangian (d) Anyo. CS_FA11/12PN-0a-c-90
2. Nakakasusulat nang maayos na
akademikong sulatin.CS_FA11/12PU-
0d-f-92
3. Nakasusunod sa istilo at teknikal na
PANGKALAHATANG IDEYA pangangailangan ng akademikong
sulatin.CS_FAPU-0d-f-93
Ang modyul na ito ay tungkol sa akademikong sulatin: Uri ng paglalagom na inihanda para sa pag-aaral ng
Filipino sa unang semestre ng ikalabindalawang baitang. Ito ay naglalayong sanayin ang mga mag-aaral sa pagsulat ng
iba’t ibang sulating lilinang sa mga kakayahang magpahayag tungo sa mabisa, mapanuri at masinop na pagsusulat sa piniling
larangan.
Tatalakayin sa modyul na ito ang iba’t ibang uri ng paglalagom at ang kahulugan katangian, layunin at gamit ng
bawat isa. Hahasain ka sa pagsulat ng iba’t ibang akademikong sulatin sa pamamagitan nang maayos na pagsunod sa mga
panuntunan upang matamo ang mga kasanayang hinahangad.

Ang mga paksa, babasahin, gawain at mga pagsasanay ay sadyang iniaangkop sa kakayahan at interes ng mga mag-
aaral upang ang pagkatuto ay maging makabuluhan, napapanahon, kawili-wili, nakalilinang ng kritikal at mapanuring na pag-
iisip.
Ang modyul na ito ay may araling :
Aralin 1 : Uri ng paglalagom : Bionote
Ano ang Nalalaman Mo
Panimulang Pagtataya
Panuto : PAGKILALA SA PAKSA: Basahin at suriin ang mga katanungan at piliin ang titik ng angkop na sagot.
Isulat ito sa patlang.
_____1.Isang uri ng lagom na ginagamit sa pagsulat ng personal profile ng isang tao. Katu-katulad ito sa talambuhay o
kathambuhay ngunit ito ay higit na maikli kompara sa mga ito.
A.Bionote B.Abstrak C.Tesis D. Sinopsis
_____2. Ito ay isang maiksing tala ng personal na impormasyon na kalimitang ginagamit o pinapahayag tungkol sa isang
tao na panauhin, magtatanghal o sinumang ipakikilalala sa isang kaganapan. Minsan ay maaaring makita rin ito sa likuran
ng mga pabalat ng aklat at kadalasan ay may katabi itong piktyur ng may-akda.
A. Sinopsis B.Abstrak C.Tesis D.Bionote
_____3. Ito ay karerang madalas na makikita o mababasa sa journal , aklat ,abstrak ng mga sulating papel, web sites at
iba pa.
A.Negosyo B. Medikal C.Akademiko D.Arkitektural
_____4.Maipakilala ang sarili sa madla sa pamamagitang ng pagbanggit ng personal na impormasyon tungkol sa sarili at
maging ng mga nagawa o ginagawa sa buhay. Ito ay
A.gamit B.layunin C.kahulugan D.Kalikasan
_____5. Ang Bionote ay maikli at siksik ang nilalaman. Ito ay
A.layunin B.anyo C.katuturan D.katangian
_____6.Ginagamit ang hugis na ito tulad sa pagsulat ng balita at iba pang obhetibong sulatin, talagang inuuna ang
pinakamahalagang impormasyon sa bionote .
A.baligtad na tatsulok B.tatsulok C.bilog D.kwadrado

_____7.Ang salitang ito ay gamitin upang madali maunawaan at makamit ang totoong layunin nito na
maipakilala ang iyong sarili sa iba sa maikli at tuwirang paraan.
A. matalinghaga B. tayutay C.payak D.idyoma

_____8.Isulat gamit ang panauhan ito upang maging litaw na obhetibo ang pagkakasulat nito.
A.una B.ikalawa C.ikatlo D.ikaapat
_____9.Unang isulat sa bionote upang makita agad ang katauhan ng taong ipinakilala at unang nakarehistro sa
kamalayan ng mga taong ang taong ipinakikilala.
A.kasarian B.natapos C.tirahan D.pangalan

1 FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)


MODULE NO. 6

____10. Ang Bionote ay nabibilang sa pahayag na nagbibigay ng kaalaman sa mga mababasa ukol sa kasanayan ng
may-akda at mga parangal at nakamit nito.

Balikan
Panuto: IPABATID ANG BAWAT TITIK (Akrostik): Malaki ang tulong ng sinopsis sa pagpapaikli ng
isang akda o teksto. Ipinahahayag ito nang buo , maayos at mabisa anupa’t taglay nito ang mga pangunahin at pantulong
na kaisipan. Ngayon, gamit ang mga letra ilahad ang kabuoang kaisipan ukol sa paksa.

S-
I-
N-
O-
P-
S-
I-
S-

TUKLASIN
Ang Bionote ay maituturing ding isang uri ng lagom na ginagamit sa pagsulat ng personal profile ng isang tao.
Marahil ay nakasulat ka na ng iyong talambuhay o tinatawag sa Ingles na autobiography o kaya ng kathambuhay o
katha sa buhay ng isang tao o biography. Parang ganito rin ang bionote ngunit ito ay higit na maikli kompara sa
mga ito. Ayon kay Duenas at Sanz (2012) sa kanilang aklat na Academic Writing for Health Sciences, ang bionote ay tala
sa buhay ng isang tao na naglalaman ng buod ng kanyang academic career na madalas ay makikita o mababasa sa mga
journal, aklat, abstrak ng mga sulating papel, websites, at iba pa.
Kadalasan, ito ay ginagamit sa paggawa ng bio-data, resume, o anumang kagaya ng mga ito upang ipakilala ang
sarili para sa isang propesyonal na layunin. Ito rin ang madalas na mababasa sa bahaging “Tungkol sa Iyong Sarili” na
makikita sa mga social network o digital communication sites. Layunin din ng bionote na maipakilala ang sarili sa madla sa
pamamagitan ng pagbanggit ng mga personal na impormasyon tungkol sa sarili at maging ng mga nagawa o ginagawa sa
buhay.

Mga Dapat tandaan sa Pagsulat ng Bionote:


1. Sikaping maisulat lamang ito nang maikli. Kung ito ay gagamitin sa resume, kailangang maisulat ito gamit
ang 200 salita. Kung ito naman ay gagamitin para sa networking site, sikaping maisulat ito sa loob ng lima (5)
hanggang anim (6) na pangungusap.
2. Magsimula sa pagbanggit ng mga personal na impormasyon o detalye tungkol sa iyong buhay. Maglagay rin ng
mga detalye tungkol sa iyong mga interes. Itala rin ang iyong mga tagumpay na nakamit, gayunman, kung ito ay
marami, piliin lamang ang dalawa (2) o tatlong (3) na pinakamahalaga.
3. Isulat ito gamit ang ikatlong panauhan upang maging litaw na obhetibo ang pagkakasulat nito.
4. Gawing simple ang pagkakasulat nito. Gumamit ng mga payak na salita upang madali itong maunawaan at
makamit ang totoong layunin nitong maipakilala ang iyong sarili sa iba sa maikli at tuwirang paraan.
5. May ibang gumagamit ng kaunting pagpapatawa para higit na maging kawili-wili ito sa mga babasa, gayunman
iwasang maging labis sa paggamit nito. Tandaan na ito ang mismong maglalarawan kung ano at sino ka.
6. Basahing muli at muling isulat ang pinal na sipi ng iyong bionote. Maaring ipabasa muna ito sa iba bago
tuluyan itong gamitin upang matiyak ang katumpakan at kaayusan nito.
https://www.buzzle.com/articles/how-to-write-a-short-bio-on-yourself.html.

Tunghayan ang isang halimbawa ng Bionote hinggil sa buhay ni Gng. Alma Dayag ,koordineytor at may-akda ng
aklat “Pinagyamang Pluma”

Si Alma M. Dayag ay nagtapos ng Bachelor of Science in Elementary and Secondary Education magna
cum laude at ng Master of Arts in Teaching Filipino Language and Literature sa Philippine Normal University .
Nakapagturo siya ng Filipino sa loob ng dalawampu’t limang taon at nakapanglingkod bilang homeroom chairman
, koordineytor ng Filipino at Sibika / HeKaSi at Assistant principal for Academics sa St. Paul College
Pasig. Nakadalo na rin siya sa iba’t ibang kumperensyang pangguro sa iba’t ibang bansa tulad ng Amerika ,
Singapore ,China ( Macau) at Thailand. Ang mga makabagong kaalamang natutuhan niya sa mga kumperensyang
ito ay nakatulong nang malaki sa kanyang pagbabahagi ng kaalaman at kasanayan sa pagiging trainer-facilitator ng mga
seminar-workshop na pangguro sa iba’t ibang panig ng bansa.
Siya ay accreditor din ng Philippine Accrediting Association of Schools , Colleges , and Universities o
PAASCU. Kontribyutor din siya sa ilang magasing pambata gayundin sa mga magasin at journal na pangguro.
Subalit ang itinuturing niyang pinakamahalagang katungkulan at biyaya mula sa Maykapal ay ang pagiging simpleng
maybahay at ina ng tatlong supling siya niyang inspirasyon sa pagsulat ng mga aklat na kanyang iniaalay sa lahat ng mga
batang Pilipino.

Pansinin: Nilalaman ng bionote ni Alma M. Dayag ang mga sumusunod: Pangalan ng may-akda , kursong natapos
(graduate at post-graduate) ,karangalang makamit, trabaho bilang guro, mga tungkulin sa paaralan, mga
kumperensyang nadaluhan,kontibyutor ,angkop na kasanayan , akreditor , manunulat at iba pa.

2 FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)


MODULE NO. 6

Katangian ng Bionote
1.Maikli ang nilalaman -Sikaping paikliin ang iyong bionote at isulat lamang ang mahahalagang impormasyon,
2.Gumagamit ng ikatlong panauhang pananaw – Tandaan ,laging gumagamit ng pangatlong panauhang pananaw
kahit na ito pa ay tungkol sa sarili.
Halimbawa: Si Juan dela Cruz ay nagtapos ng BA at MA Economics sa UP-Diliman. Siya ay kasalukuyang nagtuturo ng
Macroeconomic Theory sa parehong pamantasan .
3.Kinikilala ang mga mambabasa o ang target market - kailangang isaalang-alang ang mambabasa sa pagsulat ng
bionote. Kung ang target na mambabasa ay mga administrador ng paaralan , kailangang hulmahin ang bionote
ayon sa kung ano ang hinahanap nila.
4.Gumagamit ito ng baligtad na tatsulok - tulad sa pagsulat ng balita at iba pang obhetibong sulatin, talagang
inuuna ang pinakamahalagang impormasyon sa bionote .

PINAKAMAHALAGANG IMPORMASYON

MAHALAGANG IMPORMASYON

DI-GAANONG
MAHALAGANG
IMPORMASYON

5.Nakatuon lamang sa mga angkop na kasanayan o katangian - mamili lamang ng mga kasanayan o katangian na
angkop sa layunin ng bionote.
Halimbawa: “Si Pedro ay guro, manunulat , negosyante ,environmentalist at chef “. Kung ibig pumasok bilang guro
sa panitikan , halimbawa hindi na
kailangan
banggitin sa bionote ang pagiging negosyante at chef.
6.Binabanggit ang degree o tinapos kung kinakailangan - Kung may PhD halimbawa at
nagsusulat ng artikulo tungkol sa kultura ng Ibanag sa Cagayan,mahalagang isulat sa bionote ang
kredensyal na ito.
7. Maging matapat sa pagbabahagi ng impormasyon – Walang masama kung paminsan-minsa ay magbubuhat
ka ng sariling bangko kung ito naman ay kailangan upang
matanggap sa inaplayan o upang ipakita sa iba ang kakayahan . Siguruhin lamang na tama o totoo ang
impormasyon.

https://www.slideshare.net/CookiesAlajar/bionote-80249815
SURIIN
Panuto: PAGSAGOT SA KATANUNGAN: Tukuyin at sagutin ang mga katanungan

1.Bakit isinusulat ang Bionote?


________________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________.
2.Sinasabing ang Bionote ay kinikilalang isang marketing tool, ano sa palagay mo ang
dahilan?
________________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________.
3. Sa pagsulat ng Bionote, bakit kailangang sundin ang baligtad na tatsulok?
________________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________.
4.Bakit kailangang kilalanin ang mga mambabasa o target na market sa pagsulat ng Bionote?
________________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________.
5. Bakit pinapahalagahan nang malaki ang katapatan ng isang tao sa pagsulat ng kanyang Bionote?
________________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________.

PAGYAMANIN

3 FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)


MODULE NO. 6

Panuto : BIONOTE NI GALILEO S. ZAFRA: Buuin sa isang talata ayon sa pagkakasunod-sunod ang bionote
ng isang manunulat ng aklat na “Filipino sa Piling Larangan (Akademik).Gumamit ng ibang papel para rito.

➢ Dito rin siya kasalukuyang nagtuturo ng mga kurso sa panitikan,wika at araling Filipino.
➢ Aktibo rin siyang kontribyutor sa mga akademikong journal sa iba’t ibang pamatasan at institusyong pangkultura.
➢ Nagtapos siya ng kanyang doktorado sa larangan ng Panitikan ng Pilipinas sa Departamento ng Filipino
at Panitikan ng Pilipinas sa University of the Philippines -Diliman.
➢ Si Galileo S. Zafra ay isang propesor, mananaliksik, manunulat at tagasalin.
➢ Nakapaglathala na siya ng mga aklat tulad ng Balagtasan: Kasaysayan at Antolohiya (1999) ,at nakapag-edit ng
serye ng Sawikaan: Mga Salita ng Taon at Ambagan : Mga Salita Mula sa Iba’t ibang Wika sa Filipinas na kapwa
proyekto ng Filipinas Institute of Translation sa UP Press.

TAYAHIN

Panuto :PAGTUKOY SA KATANGIAN NG BIONOTE : Suriin ang kahulugan, kalikasan, mga katangian , layunin ,
gamit , anyo (porma) ng Sinopsis. Isulat ito sa tsart.

Bionote
Kahulugan
Kalikasan
Katangian
Layunin
Gamit
Anyo(porma)

KARAGDAGANG GAWAIN
Panuto: BIONOTE UKOL SA SARILI: Sumulat ng iyong sariling bionote .Sundin ang wastong
pamaraan sa pagsulat ng bionote . Isulat ito sa bondpaper at sikaping lakipan ito ng iyong larawan .

Gawing gabay ang rubric sa ibaba para sa iyong gagawin.

4 3 2 1
Ang uri ng bionote na nabuo Ang uri ng bionote na nabuo Ang uri ng bionote na nabuo Ang bionote na nabuo ay di
ay talagang organisado, ay organisado, maingat na ay bahagyang naging organisado, hindi
maingat na naisulat , wasto at naisulat , wasto at angkop ang organisado,naisulat nang may maayos ang pagkakasulat.
angkop ang wikang ginamit wikang ginamit bahagyang kaingatan, may Hindi wasto at angkop ang ang
kawastuhan at may wikang ginamit.
kaangkupan ang wikang
ginamit.

REPERENSIYA:
MGA AKLAT NA SANGGUNIAN
Ailene Baisa-Julian et.al Pinagyamang Pluma Filipino sa Piling Larangan (Akademik )Phoenix Publishing 2016
Pamela C.Constantino et.el Filipino sa Piling Larangan (Akademik)Rex Book Store 2016 Edition

Dayag, Alma M., et al. Pinagyamang Pluma Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Quezon City, Phoenix
Publishing House, Inc. 2016

Corazon L. Santos ,PhD et.al Filipino sa Piling Larang (Akademik)Kagamitan ng Mag-aaral Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Republika ng Pilipinas

4 FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)


MODULE NO. 6

DepEd CDO SHARED Options Learning Activities


ELEKTRONIK NA SANGGUNIAN
https://www.youtube.com/watch?v=6eSvZR23G7I https://www.youtube.com/watch?v=3rDFyzUMZs0
https://www.youtube.com/watch?v=3THuUnF2LCY https://www.biblegateway.com/passage/?search=Lucas+15%3A11-
32&version=SND;FSV https://www.sccgov.org/sites/covid19/Pages/coronavirus-
factstl.aspxhttp://filipinosapilinglaranggroup2.blogspot.com/2018/03/halimbawa-ngabstrak.html
Journal
LPU Laguna Journal of Arts and Sciences Psychological Research Vol. 2 No.2 September 2015

PREPARED BY: CHECKED BY:


MS. MONIQUE D. MENDOZA MRS. JENNIFER D. SOTELO
APPROVED BY:
MS. RENELYN A. SERASPE

5 FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)


MODULE NO. 1

You might also like