You are on page 1of 12

Colegio de Sto. Tomas-Recoletos, Inc.

DepEd-FAPE/PEAC Certified School


DOJ-Bureau of Immigration Accredited School
Azcona St., San Carlos City, Negros Occidental
Tel. Nos. 312-5242 & 312-5220 Telefax No. 729-9169

Module 4-5 Quarter 1

PAGSULAT NG IBA’T IBANG URI NG PAGLALAGOM

INTRODUKSIYON AT MGA POKUS NA TANONG:

Isa sa mga kasanayang dapat matutuhan ng bawat mag – aaral ay ang kakayahang bumuo ng isang
paglalagom o buod. Ang lagom ay ang pinasimple at pinaikling bersiyon ng isang sulatin o akda.

Mahalagang makuha ng sinumang bumabasa o nakikinig ang kabuoang kaisipang nakapaloob sa


paksang nilalaman ng sulatin o akda. Bukod sa nahuhubog ang kasanayang maunawaan at makuha
ang pinakanilalaman ng isang teksto ay marami pang ibang kasanayan ang nahuhubog sa mga mag –
aaral habang nagsasagawa ng paglalagom.

Ano –ano ang iba’t ibang uri ng paglalagom at ano ang maitutulong nito sa ating buhay?

SAKLAW NG ARALIN:

Ang modyul na ito ay tungkol sa akademikong sulatin: Uri ng paglalagom na inihanda para sa pag-aaral
ng Filipino sa unang semestre ng ikalabindalawang baitang. Ito ay naglalayong sanayin ang mga mag-
aaral sa pagsulat ng iba’t ibang sulating lilinang sa mga kakayahang magpahayag tungo sa mabisa,
mapanuri at masinop na pagsusulat sa piniling larangan.

Tatalakayin sa modyul na ito ang iba’t ibang uri ng paglalagom at ang kahulugan katangian, layunin at
gamit ng bawat isa. Hahasain ka sa pagsulat ng iba’t ibang akademikong sulatin sa pamamagitan nang
maayos na pagsunod sa mga panuntunan upang matamo ang mga kasanayang hinahangad. Ang mga
paksa, babasahin, gawain at mga pagsasanay ay sadyang iniaangkop sa kakayahan at interes ng mga
mag-aaral upang ang pagkatuto ay maging makabuluhan, napapanahon, kawili-wili, nakalilinang ng
kritikal at mapanuring na pag-iisip.

Ang modyul na ito ay may tatlong paksa:


1. Uri ng paglalagom: Abstrak
2. Uri ng Paglalagom: Sinopsis/Buod
3. Uri ng Paglalagom: Bionote

KASANAYANG PAMPAGKATUTO:

Obedience
Charity

MAPA NG MODYUL:

IBA’T
IBANG Abstrak Sinopsis/ Bionote
URI NG Buod
LAGOM

1
COURAGE CORE VALUES
Charity Obedience Universal Recollection Accountability Grace Environmental

FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)


Ryan D.
Purca
MGA LAYUNIN NG ARALIN:

 Nakikilala ang iba’t ibang uri ng lagom


 Nakasusulat ng isang uri ng lagom
 Nakakasulat ng isang kwento ng sariling buhay
 Naisasagawa ang mga gawain na susubok sa kaalaman tungkol sa aralin

PANIMULANG PAGTATAYA:

Alamin natin kung gaano na ang lawak ng iyong kaalaman sa nilalaman ng modyul na ito. Sagutin mo
ang lahat ng aytem. Piliin ang letra ng tamang sagot.
____1. Ito ay ang pinasimple o pinaikling bersyon ng isang sulatin o akda.
A. Abstrak B. Sinopsis C. Bionote D. Lagom
____2. Isang uri ng paglalagom na kalimitang ginagamit sa mga akdang nasa tekstong naratibo tulad
ng kwento, salaysay, nobela, dula, parabula at iba pa.
A. Abstrak B. Sinopsis C. Bionote D. Lagom
____3. Uri ng lagom na ginagamit sa pagsulat ng personal profile ng isang tao.
A. Abstrak B. Sinopsis C. Bionote D. Lagom
____4. Uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga akademikong papel tulad ng tesis,
disertasyon, papel na siyentipiko at teknikal, lektyur at mga report.
A. Abstrak B. Sinopsis C. Bionote D. Lagom
____5. Ito ay bahagi ng akademikong papel o ulat na pinakahuling isinusulat ngunit kadalasang unang
binabasa ng mga propesor o mga eksaminer ng panel.
A. Abstrak B. Sinopsis C. Bionote D. Lagom
____6. Isang tala sa buhay ng tao na naglalaman ng kanyang academic career na madalas ay makikita
o mababasa sa mga dyurnal, aklat, abstrak ng mga sulating papel websites at iba pa .
A. Abstrak B. Sinopsis C. Bionote D. Lagom
____7. Sa pagsulat nito, mahalagang maibuod ang nilalaman ng binasang akda gamit ang sariling
salita.
A. Abstrak B. Sinopsis C. Bionote D. Lagom
____8. Elemento ito ng Abstrak na naglalaman ng pinakabuod ng bawat bahagi ng sulatin o ulat.
A. Metodolohiya B. Delimitasyon C. Panimula D. kongklusyon
____9. Ang instrumentong ginamit sa pagtanto ng antas ng kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-
aaral sa ikaapat na taon ay ang walang diyalogong film na pinamagatang “Ang Pamana” na ginamit sa
pagkuha ng datos sa pagkukuwento. (bahagi ito ng hal. ng Abstrak)
A. Saklaw at Delimitasyon B. Metodolohiya C. Introduksyon D. Resulta
____10. Maipakilala ang sarili sa madla sa pamamagitang ng pagbanggit ng personal na impormasyon
tungkol sa sarili at maging ng mga nagawa o ginagawa sa buhay. Ito ay
A. gamit B. layunin C. kahulugan D. Kalikasan
____11. Ang salitang ito ay gamitin upang madaling maunawaan at makamit ang totoong layunin nito
na maipakilala ang iyong sarili sa iba sa maikli at tuwirang paraan.
A. matalinghaga B. tayutay C. payak D. idyoma
_____12. Gumagamit ito ng hugis tulad sa pagsulat ng balita at iba pang obhetibong sulatin, talagang
inuuna ang pinakamahalagang impormasyon sa bionote .
A. baligtad na tatsulok B. tatsulok C. bilog D.kwadrado
_____13. Unang isulat sa bionote upang makita agad ang katauhan ng taong ipinakilala at unang
nakarehistro sa kamalayan ng mga taong ang taong ipinakikilala.
A. kasarian B. natapos C. tirahan D. pangalan
_____ 14. Mahalagang isulat ito kung saan hinango o kinuha ang orihinal na sipi ng akda.
A. sanggunian B. akda C. pamagat D. may-akda
_____15. Batayan sa pagsulat nito mula orihinal na sipi . Kung ang damdaming naghahari sa akda ay
malungkot dapat na maramdaman din ito sa buod na gagawin.
A. damdamin B.larawan C. tono D.salita
2
COURAGE CORE VALUES
Charity Obedience Universal Recollection Accountability Grace Environmental

FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)


Ryan D.
Purca
GANAP NA ARALIN:

A. PAGTUKLAS

Gawain 1:
Panuto: PAGKILALA SA PANGUNAHIN AT PANTULONG NA KAISIPAN. Tukuyin ang
pangunahin at mga pantulong na kaisipan sa teksto. Sa puntong ito, isulat ang buong
pangungusap sa bawat kaisipan.

Ang mga coronavirus ay iniisip na kumakalat sa hangin sa pagubo/pagbahing at malapit


na personal na pakikipag-ugnay o sa paghawak ng mga kontaminadong bagay o ibabaw
at pagkatapos ay sa paghawak ng bibig, ilong o mata.

Ang Coronaviruses ay isang malaking pamilya ng mga virus na maaaring magdulot ng


sakit mula sa karaniwang sipon hanggang sa mas malubhang sakit tulad ng Middle East
Respiratory Syndrome (MERS-CoV) at Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS-CoV).
Ang bagong coronavirus (nCoV) ay isang bagong uri na hindi pa nakikilala sa mga tao.
Maraming mga coronavirus ang natural na nakakahawa sa mga hayop, ngunit ang ilan ay
maaari ring makahawa sa mga tao.

(https://www.sccgov.org/sites/covid19/Pages/coronavirus-facts-tl.aspx)

3
COURAGE CORE VALUES
Charity Obedience Universal Recollection Accountability Grace Environmental

FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)


Ryan D.
Purca
PAMPROSESONG TANONG:

Saang bahagi ng talata makikita ang pangunahing kaisipan?

Ang pangunahing kaisipan ay ang punong ideya na makikita sa unahan, gitna at


hulihan ng talata.
Ang pantulong naman na kaisipan ay ang sumusuporta sa Punong ideya.

B. PAGLINANG

Gawain 2:
PAGSUSURI SA PAHAYAG: Suriin ang mga pahayag, isulat ang TAMA kung ito ay
nagtataglay ng katotohanan at MALI kung ito’y walang katotohanan.
_________1. Ang lagom ay ang pinasimple at pinaikling bersyon ng isang sulatin o
akda. Mahalagang makuha ng sinumang bumabasa o nakikinig ang kabuoang
kaisipang nakapaloob sa paksang nilalaman sng sulatin o akda.
_________2. Isang kakayahang mahuhubog sa mga mag-aaral ang natutuhan ang
pagtitimbang-timbang ng mga kaisipang nakapaloob sa binabasa. Natutukoy niya kung
ano ang pinakamahalagang kaisipang nakapaloob dito gayundin ang mga pantulong na
kaisipan.
_________3. Ito lamang ang tinataglay ng Abstrak na mahahalagang elemento tulad ng
Rasyunali / Introduksyon, metodolohiya, saklaw at delimitasyon.
_________4. Kailangan ang paglalagay ng mga statistical figures o table sa abstrak
sapagkat ito ay nangangailangan ng detalyadong pagpapaliwanag na magiging dahilan
para humaba ito.
_________5. Kailangang unahin mong isulat ang Abstrak bago ka magsimula sa
pananaliksik

PAMPROSESONG TANONG:
Sa anong uri ng sulatin pwedeng gamitin ang abstrak bilang isang lagom?

Sa pagsulat ng isang sulating pananaliksik, pagkatapos ng isinasagawang


pag-aaral, ang abstrak ay nagpapakita ng kabuoang nilalaman ng pananaliksik.

C. PAGPAPALALIM

Gawain 3:
(Humango/ refer sa inyong aklat.)

 Basahin ang lektyur tungkol sa Abstrak sa pahina 19-20


4
COURAGE CORE VALUES
Charity Obedience Universal Recollection Accountability Grace Environmental

FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)


Ryan D.
Purca
 Tingnan ang halimbawa ng Abstrak sa pahina 20-26
 Ipagpatuloy ang pagbabasa sa lektyur tungkol sa Sinopsis/Buod sa pahina 26-28
 Pansinin ang halimbawa ng buod sa pahina 28-30
 Karugtong pa, basahin at intindihin ang mga lektyur tungkol sa Bionote sa pahina 30-31
 Makikita ang halimbawa ng bionote sa pahina 32.

Gawain 4:
Panuto: PAGSAGOT SA KATANUNGAN: Batay sa binasang paksa, sagutin ang mga
katanungan ukol dito.
1. Ano ang kahulugan ng lagom?
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
2. Ano-ano ang kasanayang nahuhubog sa mga mag-aaral habang nagsasagawa ng
paglalagom?
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
3.Paano nakatutulong sa iba’t ibang larangan ang kasanayan sa paglalagom?
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
4.Sa paggawa ng isang pananaliksik, bakit kailangang pinakahuling isulat ang isang Abstrak?
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
5.Ano kaya ang bunga ng iyong gagawing Abstrak kung hindi ka sumunod sa mga paraan sa
pagsulat nito?
____________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

D. PAGLILIPAT

Gawain 5:
Panuto: PAGSUSURI SA ELEMENTO NG ABSTRAK: Basahin ang abstrak at suriin ang
elemento nito gamit ang matrix.
Kasanayan sa Pagsasalita ng Mga Mag-Aaral sa Ikaapat na Taon
Abstrak

Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa ika-apat na


taon ng pambansang mataas na paaralan ng Talevera, Nueva Ecija. Hinangad sa pag-aaral na
ito na matanto ang antas ng kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa mga sining
pangtanghalan tulad ng pasalitang pagkukuwento, pagtatalumpating impromptu at
ekstemporenyo. Saklaw ng pag-aaral na ito ang labing limang (15) mga mag-aaral na mag-
rebyu sa ika-apat na taon. Nalimita ang pag-aaral sa kasanayan ng mag-aaral sa pagsasalita sa
mga gawaing pasalitang pagkukuwento at talumpating impromptu, ekstomperenyo.

Ang instrumentong ginamit sa pagtanto ng antas ng kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-


aaral sa ikaapat na taon ay ang walang diyalogong film na pinamagatang “Ang Pamana” na
ginamit sa pagkuha ng datos sa pagkukuwento. Ang paksang “Ang Pagtatapos” sa impromptu
at ang paksang “Global Krisis” sa ekstemporenyo gamit ang pamantayan o kraytirya sa
pagtatalumpati upang tukuying ang kasanayan sa pagsasalita ay ginamit sa paglikom ng datos.
Lumabas sa pag-aaral na may taglay na husay o kasanayan sa pagsasalita ang mga mag-aaral
sa pagkukuwento at pagtalumpating ekstemporenyo subalit sila’y nabalitaan na kakulangan sa
kasanayan sa pagtatalumpating impromptu. Sa kalahatan, tahasang maipapahayag na kulang
sa kasanayan sa pagsasalita ang mga mag-aaral.

http://filipinosapilinglaranggroup2.blogspot.com/2018/03/halimbawa-ng-abstrak.html

5
COURAGE CORE VALUES
Charity Obedience Universal Recollection Accountability Grace Environmental

FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)


Ryan D.
Purca
PAMPROSESONG TANONG:
Ano – ano ang mga bahagi ng abstrak?

Ang abstak bilang isang lagom, binubuo ng introduksiyo, saklaw at delimitasyon,


metodolohiya at resulta. Dapat laman ng abstrak ang mga impormasyon na taglay ng
nilalaman ng bawat bahagi.

PAMPROSESONG TANONG:
Ano kaya ang epekto ng kagustuhan nating madaliin ang mga bagay – bagay o gusto natin na
magshort – cut o di kaya ay instant?

Kagaya ng isang lagom, gusto natin na pasimplehin o paikliin ang isang sulatin, sa
buhay naman natin sa pagmamadali nating maisakatuparan ang mga bagay – bagay,
nawawala ang ating pagiging matiisin o pagiging matiyaga lalo na sa larangan ng
paghihintay at hindi na naisasabuhay ang mga ito lalo na sa mga kabataan.

GAWAIN 6:
Panuto: PAGHAHAMBING NG BIONOTE AT TALAMBUHAY: Batay sa natutunan mo sa
dalawang salita. Itala kung ano ang pagkakaiba at pagkakatulad ng Bionote at Talambuhay sa
pamamagitan ng Venn Diagram.

  BIONOTE
(Pagkakaiba) Pagkakatulad TALAMBUHAY
(Pagkakaiba)

6
COURAGE CORE VALUES
Charity Obedience Universal Recollection Accountability Grace Environmental

FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)


Ryan D.
Purca
PAMPROSESONG TANONG:
Ano ang kahalagahan ng pagsulat ng bionote at talambuhay?

Ang paksa ng isang bionote at talambuhay ay tungkol sa sarili ng isang tao. Sa


pamamagitan nito, makikilala natin ang pagkatao ng isang tao, sikat man o hindi sa
pamamagitan ng mga detalye o impormasyong laman ng sulatin.

PERFORMANCE CHECK/TASKS:

Bilang isang gawain para sa kursong ito ay bumuo o sumulat ka ng isang uri ng lagom
batay sa iyong sariling interes o paksang malapit sa puso. Maaari kang gumawa ng abstrak,
synopsis o buod ng isang paboritong akda o kaya naman ay isang bionote. Ang gagawin mong
lagom ay tatayahin batay sa nilalaman, organisasyon ng mga salita/pangungusap at kabuuang
dating ng sulatin. Gawing gabay ang rubric na ito para sa bawat pamantayang isinaad.

5 3 2 1

Ang uri ng lagom na nabuo ay Ang uri ng lagom na nabuo ay Ang uri ng lagom na nabuo ay Ang uri ng lagom na nabuo ay di
talagang organisado, maingat na organisado, maingat na naisulat, bahagyang organisado, naisulat naging organisado, hindi maayos
naisulat, wasto, at angkop ang wasto at angkop ang wikang nang may bahagyang kaingatan, ang pagkakasulat, hindi wasto at
wikang ginamit. ginamit. may kawastuhan, at may angkop ang wikang ginamit.
kaangkupan ang wikang ginamit.

TALASALITAAN:

Lagom buod

Sinopsis buod ng isang akda

Bionote buod ng personal profile ng tao

Rasyunal/Rationale introduksiyon ng isang pag – aaral/sulating pananaliksik

Saklaw at Delimitasyon sakop ng pag – aaral o pananaliksik

Metodolohiya pamamaraang ginamit sa pagkalap ng impormasyon upang maisatupad


ang pag – aaral o pananaliksik

BUOD:

LAGOM/BUOD

Isa sa mga dapat matutuhan ng bawat mag-aaral ay ang kakayahang bumuo


ng isang paglalagom o buod. Ang lagom ay ang pinasimple at pinaikling bersyon ng
isang sulatin o akda. Mahalagang makuha ng sinumang bumabasa o nakikinig ang
kabuoang kaisipang nakapaloob sa paksang nilalaman ng sulatin o akda .Bukod sa
nahuhubog ang mga kasanayang maunawaan at makuha ang pinakanilalaman ng
isang teksto ay marami pang ibang kasanayan ang nahuhubog sa mga mag-aaral habang
nagsasagawa ng paglalagom.

Ang Abstrak ay isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng


mga akademikong papel tulad ng tesis, papel siyentipiko at teknikal,lektyur,at mga
report. Ito ay kadalasang bahagi ng isang tesis o disertasyon na makikita sa unahan
ng pananaliksik pagkatapos ng title page o pahina ng pamagat. Ito ay naglalaman ng
pinakabuod ng akdang akademiko o ulat.

Ang sinopsis o buod ay isang uri ng lagom na kalimitang ginagamit sa mga

7
COURAGE CORE VALUES
Charity Obedience Universal Recollection Accountability Grace Environmental

FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)


Ryan D.
Purca
akdang nasa tekstong naratibo tulad ng kwento ,salaysay ,nobela , dula ,parabula,
pelikula, video,pangyayari ,at talumpati iba pang anyo ng panitikan. Ito ay maaaring
buoin ng isang talata o higit pa o maging ng ilang pangungusap lamang. Maaaring 1/3
ng pahina lamang ng buong nabasang teksto o mas maikli pa nito ang sinopsis o
buod. Sa pagsulat nito, mahalagang maibuod ang nilalaman ng binasang akda gamit
ang sariling salita. Ang pagbubuod o pagsulat ng sinopsis ay naglalayong makatulong
sa madaling pag-unawa sa diwa ng seleksyon o akda, kung kaya’t nararapat na
maging payak ang mga salitang gagamitin. Layunin din nitong maisulat ang
pangunahing kaisipang taglay ng akda sa pamamagitan ng pagtukoy sa pahayag ng
tesis nito. Ang pahayag ng tesis ay maaaring lantad na makikita sa akda o minsan
naman, ito ay di tuwirang nakalahad kaya mahalagang basahing mabuti ang kabuoan
nito. Sa pagkuha ng mahahalagang detalye ng akda, mahalagang matukoy ang sagot
sa sumusunod: Sino? Ano? Kailan? Saan? Bakit? Paano? Sa pamamagitan ng
pagsagot sa mga tanong na ito, magiging madali ang pagsulat ng buod.

Sa pagsulat ng sinopsis o buod ,mahalagang maipakilala sa mga babasa nito


kung anong akda ang iyong ginawan ng buod sa pamamagitan ng pagbanggit sa
pamagat , at pinanggalingan ng akda .
Makatutulong ito upang maipaunawa sa mga mambabasa na ang mga kaisipang
iyong inilahad ay hindi galing sa iyo kundi ito ay buod lamang ng akdang iyong
nabasa. Iwasan din ang magbigay ng iyong sariling pananaw o paliwanag tungkol sa
akda at kailangang maging obhetibo sa pagsulat nito .

Ang Bionote ay maituturing ding isang uri ng lagom na ginagamit sa pagsulat ng


personal profile ng isang tao. Marahil ay nakasulat ka na ng iyong talambuhay o tinatawag
sa Ingles na autobiography o kaya ng kathambuhay o katha sa buhay ng isang tao o
biography. Parang ganito rin ang bionote ngunit ito ay higit na maikli kompara sa mga ito.
Ayon kay Duenas at Sanz (2012) sa kanilang aklat na Academic Writing for Health
Sciences, ang bionote ay tala sa buhay ng isang tao na naglalaman ng buod ng kanyang academic
career na madalas ay makikita o mababasa sa mga journal, aklat, abstrak ng
mga sulating papel, websites, at iba pa.
Kadalasan, ito ay ginagamit sa paggawa ng bio-data, resume, o anumang kagaya
ng mga ito upang ipakilala ang sarili para sa isang propesyonal na layunin. Ito rin ang
madalas na mababasa sa bahaging “Tungkol sa Iyong Sarili” na makikita sa mga social
network o digital communication sites. Layunin din ng bionote na maipakilala ang sarili sa
madla sa pamamagitan ng pagbanggit ng mga personal na impormasyon tungkol sa sarili
at maging ng mga nagawa o ginagawa sa buhay.

PANGWAKAS NA PAGTATAYA:
Alamin natin kung gaano na ang lawak ng iyong kaalaman sa nilalaman ng modyul na ito. Sagutin mo
ang lahat ng aytem. Piliin ang letra ng tamang sagot.
____1.Ito ay ang pinasimple o pinaikling bersyon ng isang sulatin o akda.
A. Abstrak B.Sinopsis C.Bionote D.Lagom
____2.Isang uri ng paglalagom na kalimitang ginagamit sa mga akdang nasa tekstong naratibo tulad
ng kwento,salaysay ,nobela,dula,parabula at iba pa.
A. Abstrak B.Sinopsis C.Bionote D.Lagom
____3.Uri ng lagom na ginagamit sa pagsulat ng personal profile ng isang tao.
A. Abstrak B.Sinopsis C.Bionote D.Lagom
____4.Uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga akademikong papel tulad ng tesis,
disertasyon, papel na siyentipiko at teknikal, lektyur at mga report.
A. Abstrak B.Sinopsis C.Bionote D.Lagom
____5.Ito ay bahagi ng akademikong papel o ulat na pinakahuling isinusulat ngunit kadalasang unang
binabasa ng mga propesor o mga eksaminer ng panel.
A. Abstrak B.Sinopsis C.Bionote D.Lagom
____6.Isang tala sa buhay ng tao na naglalaman ng kanyang academic career na madalas ay makikita
o mababasa sa mga dyurnal , aklat , abstrak ng mga sulating papel websites at iba pa .
A. Abstrak B.Sinopsis C.Bionote D.Lagom
____7.Sa pagsulat nito, mahalagang maibuod ang nilalaman ng binasang akda gamit ang sariling
salita.
8
COURAGE CORE VALUES
Charity Obedience Universal Recollection Accountability Grace Environmental

FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)


Ryan D.
Purca
A. Abstrak B. Sinopsis C.Bionote D.Lagom
____8. Elemento ito ng Abstrak na naglalaman ng pinakabuod ng bawat bahagi ng sulatin o ulat.
A. Metodolohiya B.Delimitasyon C. Panimula D. kongklusyon
____9.Ang instrumentong ginamit sa pagtanto ng antas ng kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-
aaral sa ikaapat na taon ay ang walang diyalogong film na pinamagatang “Ang Pamana” na ginamit sa
pagkuha ng datos sa pagkukuwento. (bahagi ito ng hal. ng Abstrak)
A. Saklaw at Delimitasyon B.Metodolohiya C.Introduksyon D.Resulta
____10.Maipakilala ang sarili sa madla sa pamamagitang ng pagbanggit ng personal na impormasyon
tungkol sa sarili at maging ng mga nagawa o ginagawa sa buhay. Ito ay
A. gamit B. layunin C. kahulugan D. Kalikasan
____11.Ang salitang ito ay gamitin upang madaling maunawaan at makamit ang totoong layunin nito
na maipakilala ang iyong sarili sa iba sa maikli at tuwirang paraan.
A. matalinghaga B. tayutay C.payak D.idyoma
_____12.Gumagamit ito ng hugis tulad sa pagsulat ng balita at iba pang obhetibong sulatin, talagang
inuuna ang pinakamahalagang impormasyon sa bionote .
A. baligtad na tatsulok B.tatsulok C.bilog D.kwadrado
_____13.Unang isulat sa bionote upang makita agad ang katauhan ng taong ipinakilala at unang
nakarehistro sa kamalayan ng mga taong ang taong ipinakikilala.
A. kasarian B.natapos C.tirahan D.pangalan
_____ 14. Mahalagang isulat ito kung saan hinango o kinuha ang orihinal na sipi ng akda.
A. sanggunian B. akda C.pamagat D. may-akda
_____15. Batayan sa pagsulat nito mula orihinal na sipi . Kung ang damdaming naghahari sa akda ay
malungkot dapat na maramdaman din ito sa buod na gagawin.
A. damdamin B.larawan C.tono D.salita
_____16.Isang uri ng lagom na ginagamit sa pagsulat ng personal profile ng isang tao. Katukatulad ito
sa talambuhay o kathambuhay ngunit ito ay higit na maikli kompara sa mga ito.

A. Bionote B. Abstrak C.Tesis D. Sinopsis

_____17. Ito ay isang maiksing tala ng personal na impormasyon na kalimitang ginagamit o


pinapahayag tungkol sa isang tao na panauhin, magtatanghal o sinumang ipakikilalala sa isang
kaganapan. Minsan ay maaaring makita rin ito sa likuran ng mga pabalat ng aklat at kadalasan ay may
katabi itong piktyur ng may-akda.

A. Sinopsis B. Abstrak C. Tesis D. Bionote

____18. Ito ay isang siksik at pinaikling bersyon ng isang teksto. Pinipili rito ang pinakamahalagang
ideya at sumusuportang ideya o datos.

A. Abstrak B. Bionote C. Sinopsis D. Hawig

_____19. Isulat gamit ang panauhan ito upang maging litaw na obhetibo ang pagkakasulat ng bionote.

A. una B. ikalawa C. ikatlo D. ikaapat

_____20.Unang isulat sa bionote upang makita agad ang katauhan ng taong ipinakilala at unang
nakarehistro sa kamalayan ng mga taong ang taong ipinakikilala.

A.kasarian B.natapos C.tirahan D.pangalan

SANGGUNIAN:

Ailene Baisa-Julian et.al Pinagyamang Pluma Filipino sa Piling Larangan (Akademik )Phoenix
Publishing 2016

Pamela C.Constantino et.el Filipino sa Piling Larangan (Akademik)Rex Book Store 2016 Edition

9
COURAGE CORE VALUES
Charity Obedience Universal Recollection Accountability Grace Environmental

FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)


Ryan D.
Purca
Dayag, Alma M., et al. Pinagyamang Pluma Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Pilipino Quezon City, Phoenix Publishing House, Inc. 2016

Colegio de Sto. Tomas-Recoletos, Inc.


DepEd-FAPE/PEAC Certified School
DOJ-Bureau of Immigration Accredited School
Azcona St., San Carlos City, Negros Occidental
Tel. Nos. 312-5242 & 312-5220 Telefax No. 729-9169

FILIPINO 9
1ST QUARTER
LEARNING MODULE 4-5

ANSWER SHEET
(Add additional sheets of bond papers if needed)

NAME: ____________________________________ Grade & Section: _______________

10
COURAGE CORE VALUES
Charity Obedience Universal Recollection Accountability Grace Environmental

FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)


Ryan D.
Purca
11
COURAGE CORE VALUES
Charity Obedience Universal Recollection Accountability Grace Environmental

FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)


Ryan D.
Purca
CST-R Honor Pledge

A Thomasian is mature, responsible, socially committed and imbued with Augustinian


Recollect values, Christian ideals and Filipino nationalism.
I, ______________________ of Grade ___________ willfully recognized the importance of
personal dignity in all aspects of life, in my studies and in my work. I commit myself to truthfulness,
honor and responsibility in addition to the school’s core values of COURAGE (Charity, Obedience,
Universal, Recollection, Accountability, Grace and Environmental), by which I earn the respect of
others.
On my honor and dignity as a member of the CST-R community, I pledged that I have
accomplished this LEARNING MODULE with truthfulness and honesty.

Signature of Student: ___________________ Date : ___________


Name of Parent/Guardian: _________________________ Signature: ____________

12
COURAGE CORE VALUES
Charity Obedience Universal Recollection Accountability Grace Environmental

FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)


Ryan D.
Purca

You might also like