You are on page 1of 4

Alliah Celine A.

Cabrera September 22, 2021


12 – STEM D
FILIPINO SA PILING LARANG
Q1 – LAS 1: AKADEMIKONG PAGSULAT

Gawain 1: Bigyang Salita


Panuto: Magbigay ng tig-isang salita na ukol sa binigay na paksa. Isulat ito sa kwaderno
AKADEMIKO DI-AKADEMIKO
1. Bionote 1. Kaswal
2. Buod o Sintesis 2. Di-pormal
3. Sanaysay 3. Opinyon
4. Abstrak 4. Digital Media

Gawain 3: Larawan Ko, Suriin Mo


Panuto: Tukuyin kung AKADEMIKONG SULATIN o DI-AKADEMIKONG SULATIN ang mga
larawan.

1. AKADEMIKONG SULATIN 6. DI-AKADEMIKONG SULATIN


2. AKADEMIKONG SULATIN 7. DI-AKADEMIKONG SULATIN
3. DI-AKADEMIKONG SULATIN 8. AKADEMIKONG SULATIN
4. AKADEMIKONG SULATIN 9. DI-AKADEMIKONG SULATIN
5. AKADEMIKONG SULATIN 10. DI-AKADEMIKONG SULATIN

1. Paano mo nalaman na ang larawang nasa itaas na napabilang ito sa akademikong sulatin?
Malalaman mo kung ang larawang nasa itaas ay napabilang sa akademikong sulatin
kapag ito ay isang aklat, dyornal, thesis, maikling kwento at iba pang pormal na kasulatan,
Alliah Celine A. Cabrera September 22, 2021
12 – STEM D
2. Batay sa larawan, paano mo natukoy ang mga ito?
Kung ang larawan ay naglalaman ng pamagat na may kasamang uri ng pormal na
kasulatan, ito ay isang akademikong sulatin. ito ay nagbibigay ng makabuluhang impormasyon
at tumutukoy sa mga gawain na may kinalaman sa pag-aaral o akademiks. Sa kabilang banda,
kapag ito ay di-akademikong sulatin ito ay walang kinalaman sa akademiks o pag-aaral. Ito ay
maaaring tungkol sa propesyunal na trabaho natin o hindi kaya ay ang mga bagay sa ating
komunidad. Iba iba ang mga audience o tagapakinig dito.

Gawain 4. Isalita Ko, Ihambing Mo


Panuto: Tiyakin ang kaibahan ng Personal na Pagsulat sa Sosyal na Pagsulat na naiayon sa
sulating akademiko. Bigyan ng isang malikhaing pagkakaiba batay sa inyong sariling pahayag.
Personal na Pagsulat Sosyal na Pagsulat
1. Opinyon 1. Panitikan
2. Ekspresibo 2. Transaksyunal
3. Deskriptibo 3. Pakikipag-ugnayan
4. Impormal 4. Sosyo-kognitib
5. Walang balangkas 5. Pangkalahatan

Pagtataya
Panuto: Piliin ang tamang sagot.
1. C 4. A
2. C 5. C
3. A
Alliah Celine A. Cabrera September 22, 2021
12 – STEM D
Karagdagang Gawain (Assessment)
Gawain 9: Repleksyon Ko
Panuto: Gumawa ng isang REPLEKSYONG PAPEL patungkol sa COVID-19 na nararanasan natin
sa mundong ginagalawan.

PAANO KO MAIIWASAN ANG PAGKALAT NG COVID-19?


Mahirap ang magkasakit, lalo na sa panahon at sitwasyon natin ngayon na patuloy
paring lumalaganap ang sakit na COVID-19 sa buong mundo. Ayon sa World Health
Organization (WHO), ang coronavirus disease na COVID-19 ay isang sakit na lubos na
nakakahawa dulot ng bagong coronavirus. Hindi makakaranas ng malalang sintomas ang
karamihan sa mga taong nagkakaroon ng impeksyon, at sila’y natural na gagaling. Subalit
maaari pa ring makaranas ng malubhang sintomas ang iba, lalong-lalo na iyong mga taong
may dati nang karamdaman (hal. mga matatanda).
Kaya naman, kinakailangang mas maging maingat tayo. At bilang isang responsableng
mamamayan, makakatulong ako sa pag-iwas sa pagkalat ng COVID-19 sa pamamagitan ng
pag-uugaling paglinis ng mga kamay gamit ang ethyl alcohol o kaya’y hugasan gamit ang
sabon at tubig, pagtatakip ng ilong at bibig sa tuwing uubo at babahing, at pag-iwas na
hawakan ang bibig, mata, at ilong lalo na kapag nakahawak ka ng samu’t saring bagay. Bukod
pa rito, maiiwasan ko rin ang pagkalat ng virus sa pamamagitan ng pag-iwas sa mga lugar na
maraming tao at sa mga taong may ubo o lagnat, maiiwasan ko rin ang sakit kapag ako’y
mananatili lamang sa tahanan lalo na kung hindi naman kinakailangang lumabas, at manatili
na rin sa bahay kapag nagkaroon ng ubo, lagnat, o kaya’y kapag nahihirapang huminga.
Sa lahat ng ito, kinakailangan rin na kung nakararanas ng mga sintomas ng COVID-19
ay agad nang magpakonsulta sa ospital o health center. At higit sa lahat ay maging maalam sa
mga karagdagang impormasyon na inilalahad ng mga mapagkakatiwalaang awtoridad tulad ng
WHO, Department of Health (DOH), Centers for Disease Control and Prevention (CDC).

Pagninilay
Natutunan sa aralin:
Pagkatapos kong mabasa at masagutan ang mga gawain sa araling ito, natutunan ko
ang konsepto ng Akademikong Pagsulat na nangangahulugang isang kasanayang naglulundo
ng kaisipan at damdaming nais ipahayag ng tao gamit ang pinakaepektibong midyum ng
paghahatid ng mensahe, ang wika. Mga halimbawa ay abstrak, bionote, agenda, talumpati, at
sintesis. Sa pagdagdag, natutunan ko rin na ang Personal na Pagsulat ay ginagamit para sa
layuning pagpapahayag ng iniisip o nadarama. At ang Sosyal na Pagsulat naman ay ginagamit
para sa layuning panlipunan o pakikipag-ugnay sa iba pang tao sa lipunan. Higit pa rito,
natutunan ko rin na bigyang halaga ang kahulugan ng Akademikong Pagsulat bilang isang
mag-aaral.
Alliah Celine A. Cabrera September 22, 2021
12 – STEM D
Nais malaman sa araling ito:
Wala na po akong nais na malaman pa sa araling ito sa kadahilanang naintindihan ko
na naman po ng husto ang mga aralin sa modyul na ito.

You might also like