You are on page 1of 3

WEEK 5 FILIPINO

LEA GISELLE B. MARINAS GRADE 12 STEM


GAWAIN 1
Ang Coronaviruses ay isang malaking pamilya ng mga virus na maaaring magdulot ng sakit mula sa
karaniwang sipon hanggang sa mas malubhang sakit tulad ng Middle East Respiratory Syndrome (MERS-
CoV) at Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS-CoV). Ang bagong coronavirus (nCoV) ay isang
bagong uri na hindi pa nakilala sa mga tao. Maraming mga coronavirus ang natural na nakakahawa sa
mga hayop, ngunit ang ilan ay maaari ring makahawa sa mga tao. Ang mga coronavirus ay naisip na
kumalat sa hangin sa pag-ubo/pagbahing at malapit na personal na pakikipag-ugnay, o sa paghawak ng
mga kontaminadong bagay o ibabaw at pagkatapos ay sa paghawak ng bibig, ilong, o mata.

Nagkaroon ng pagsiklab ng isang bagong coronavirus na tinatawag na SARS-CoV-2, na unang


lumitaw noong Disyembre 2019. Ang virus ay kumalat sa karamihan ng mga bansa sa mundo, kabilang
ang United States.Dahil bago pa itong coronavirus, ang mga awtoridad ng kalusugan ay natututo pa
tungkol sa virus at kung paano ito kumakalat. Mabilis na nagbabago ang sitwasyon at ang US Sentro para
sa Pag-iwas at Pagkontrol sa Sakit (CDC) ay nagbibigay ng na-update na impormasyon kapag
magagamit.

Malakas na sinusuportahan ng Departamento ng Pampublikong Kalusugan ang pagpapalawak ng


pagkakaroon ng pagsubok para sa COVID-19. Ang kasalukuyang kakulangan ng malawak na kapasidad
ng pagsubok sa buong bansa at lokal ay negatibong nakakaapekto sa aming kakayahang masubaybayan
ang epidemya, na magtuon sa mga pamamaraan upang mabawasan ang pagkalat, at ipaalam sa mga
indibidwal na tao ang kanilang katayuan sa impeksyon. Sa kasamaang palad, ang mga lokal at
pambansang mapagkukunan ng pagsubok ay hindi maaaring lumaki sa lawak na inaasahan namin, at
hindi lahat ng may sakit ay maaaring masuri sa oras na ito.

GAWAIN 2

PANIMULA
Ang edukasyon ang nagiging daan tungo sa isang matagumpay na hinaharap ng isang bansa. Kung wala
nito, at kung ang mga mamamayan ng isang lipunan ay hindi magkakaroon ng isang matibay at matatag
na pundasyon ng edukasyon, magiging mahirap parasa kanila na abutin ang pag-unlad. Marapat lamang
na maintindihan na ang edukasyon ay siyang magdadala sa kanila sa kanilang mgainaasam na mga
mithiin.Ang edukasyon ay mahalaga sapagkat ito ang nagiging daan sa isang tao upang magkaroon ng
mga kaalaman tungkol sa kanyang buhay, pagkatao at komunidad na ginagalawan.Ang kabataan ay
nararapat lamang na magkaroon ng sapat na edukasyon sa pamamagitan ng kanilang karanasan at pormal
naprograma na nakukuha sa mga paaralan.

LAYUNIN
Ang layunin ng edukasyon ay upang magkaroon ng kaalaman sa mga bagay-bagay at impormasyon sa
kasalukuyan, sa hinaharapat sa kinabukasan. Ito ang nagsisilbing mekanismo na humuhubog sa isipan,
damdamin at pakikisalamuha sa kapwa ng isang tao. Ito rinang dahilan ng mga mabubuti at magagandang
pangyayari sa ating mundo at ginagalawang kapaligiran.Ang edukasyon ay kailangan ng ating mga
kabataan sapagkat ito ang kanilang magiging sandata sa buhay sa kanilang kinabukasan.Ang layunin nito
ay upang ipaalam sa bawat isa na talagang napakahalaga ng edukasyon sa atin, kaya wag natin sayangin
ang pagkakataon upang makapagaral dahil sabi nga "Ang kabataan ay pagasa ng bayan".
METODOLOHIYA
Ang pagaaral na ito ay nakabase sa kahalagan ng edukasyon sa bawat tao at kung gaano ito kahalaga dahil
sa panahon ngayon maraming mga bata ang hindi nakakapagaral dahil na din siguro sa kahirapan.
INAASAHANG RESULTA
Ang inaasahang resulta dito ay upang maintindihan nila kung gaano talaga kahalaga ang edukasyon para
sa atin at makakatulong itong pagaaral na ito upang malaman nila na hindi dapat isinasawalang bahala
ang edukasyon.

GAWAIN3

Kami, ang mga opisyal at kawani ng Kagawaran ng Edukasyon, ay kaisa ng sambayanang Pilipino sa
laban sa pagpuksa ng COVID-19.

Mula sa Central Office hanggang sa aming mga paaralan, ipinangangako namin ang paglaan ng aming
oras at kasanayan para sa ikabubuti ng ating bansa. Mula sa pambansa hanggang sa lokal na yunit ng
pamahalaan at para sa ating matatapang na frontliners, susuportahan namin ang buong pagsisikap ng
gobyerno tungo sa patuloy na paghilom ng ating bansa.

Ito ang layunin ng Sulong EduKalidad – ang magpatuloy nang sama-sama habang inihahanda natin ang
sistema ng edukasyon para sa hinaharap.

Sa laban na ito, ang ating mga pagsusumikap at patakaran ay nakaangkla sa paglilingkod sa kapwa
Pilipino, at ang pagtitiyak sa kaligtasan ng ating mga mag-aaral, guro, at kawani ay unang isasaalang-
alang sa ating mga polisiya.

Haharapin natin ang ‘bagong normal’ ng may kahabagan, sensibilidad, at pagiging makabayan upang ang
paraan ng pag-aaral ay hindi maging isang pasanin para sa mga magulang, mga anak at guro ngunit isang
pag-asa sa gitna ng krisis. Sa kabila ng mga hamon na tatahakin, sisiguraduhin natin na magkakaroon ng
balanse sa pagitan ng pagbibigay ng kalidad ng edukasyon at pag-aaruga sa bawat isa.

Tayo ay maglulunsad ng isang komprehensibong Learning Continuity Plan (LCP) na tutugon sa mga
hamon kabilang ang mga kinakailangang pagsasaayos sa kurikulum, pagkakahanay ng mga materyales sa
pagkatuto, at karampatang suporta para sa mga guro at magulang.

Habang sinusugpo pa natin ang hindi nakikitang banta, patuloy tayong magiging matatag sa paghahatid sa
publiko ng katotohanan at wagas na paglilingkod upang sugpuin ang maling impormasyon at
pagkakahati-hati.

Marami pang gawain ang dapat na harapin. Hindi ito ang oras upang magpalaganap ng takot, pag-
aalinlangan at poot dahil ito ang panahon upang magkaloob ng pag-unawa at pagmamahal. Sa hanay ng
Kagawaran, ipinangangako namin ang patuloy na paghahatid ng abot-kaya, dekalidad, mapagpalaya at
ligtas na pangunahing serbisyo sa edukasyon sa panahong ito.

Kami, ang mga kawani ng DepEd, ay hinihikayat ang buong bansa na muling isabuhay ang diwa ng
Bayanihan.
Tayo ay mananatili hanggang ang lahat ay gumaling. Tayo ay patuloy na lalaban upang makapagbigay ng
edukasyon sa milyon-milyong mga Pilipinong mag-aaral.

Bilang isang bansa, tayo ay magtatagumpay at gagaling nang nagkakaisa.

GAWAIN 4

1. Bago Sumulat (Prewriting)


Sa bahaging ito, ang mga mag-aaral ay dumaraan muna sa brainstorming. Dito ay malaya silang mag-isip
at magtala ng kanilang mga kaalaman at karanasan na may kinalaman sa paksa. Dito rin
mapagpapasiyahan kung ano ang susulatin ng mag-aaral, ano ang layunin sa pagsulat, at ang estilong
kanyang gagamitin.

2. Habang Sumusulat (Actual Writing)


Sa bahaging ito, naisusulat ang unang borador na ihaharap ng bawat mag-aaral sa isang maliit na grupo
upang magkaroon ng inter-aksiyon kung saan tatalakayin ang mga mungkahing pagbabago mga puna.
Karaniwang tuon ng bahaging ito ang halaga ng paksa, kabuluhan ng pag-aaral, at lohika.sa loob ng
sulatin. Sa puntong ay hindi matatawaran ang halaga ng ibang taong makababasa ng sulatin dahil
mayroon silang nakikita na kadalasan ay nakaligtaan ng manunulat o hindi lamang naiayos dahil alam na
niya ang aralin.

3. Wakas
Dapat isaalang-alang ng manundat ang pagsulat ng bahaging ito upang makapag-iwan ng isang kakintalan
sa isip ng mambabasa na maaaring magbigay buod sa paksang tinalakay o mag-iiwan ng isang
makabuluhang pag-iisip at repleksiyon

GAWAIN 5

PROSESO NG AS DAPAT SUNDIN SA AS HALIMBAWA


1.BAGO SUMULAT Mag isip muna ng isang paksa at Magbigay ng saloobin at ilang
magkaroon brainstorming. kaalaman ukol sa paksang
napili.
2.HABANG SUMUSULAT Isulat ang mga nakalap na Makakagawa ng sulatin sa
impormasyon . paraan ng opinion, batay sa
nakalap na impormasyon at
dating kaalaman.
3.WAKAS Irebisa ang mga ideya. o mag-iiwan ng isang
makabuluhang pag-iisip at
repleksiyon.

You might also like