You are on page 1of 13

7

Journalism
Ikalawang Markahan – Modyul 2

[ Pagbuo ng Ulo ng Balita

Journalism (Filipino) 7
Competency: Nasusunod ang tiyak na alituntunin sa pagbuo ng balita (SPJ7WT-IIc-32)
Journalism (Filipino) 7
Journalism Learning Kit
Pagbuo ng Ulo ng Balita
Unang Edisyon, 2020

Inilimbag sa Pilipinas
Ng Kagawaran ng Edukasyon
Sangay ng mga Paaralan ng Antique
San Jose de Buenavista, Antique

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksyon 176 na “Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng module kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.”

Ang Journalism Learning Kit na ito ay isinulat at inilimbag ng Sangay ng


Antique upang magamit ng mga paaralan sa Kanlurang Bisayas.

Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang


porma nang walang pahintulot ng mga bumuo sa pagsulat at paglimbag nito mula sa
Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon 6.

Development Team of Journalism Filipino Learning Kit

Writers: Guiann Hope D. Necor, Raymond R. De la Peña, Ma. Angelica A. Samillano

Illustrators: Conrad Ladislee B. Tua III, Rodel S. Banday,


Armand Glenn S. Lapor, Mark T. Dasa

Layout Artists: Raffy S. Puod, Phoenix Allanah Zandria Q. Salcedo-Tordesillas,

Division Quality Assurance Team: Celestino S. Dalumpines IV, Schubert Anthony C.


Sialongo, Aurelio D. Odiong

Management Team: Ma. Gemma M. Ledesma, Elena P. Gonzaga, Donald T. Genine,


Celestino S. Dalumpines IV, Nestor Paul Pingil, Felisa B. Beriong,
Corazon C. Tingson, Gaudencio C. Riego,
Schubert Anthony C. Sialongo, Aurelio D. Odiong,

Journalism (Filipino) 7
Competency: Nasusunod ang tiyak na alituntunin sa pagbuo ng balita (SPJ7WT-IIc-32)
MABUHAY!

Ang Journalism Learning Kit na ito ay nabuo sa pamamagitan ng sama-


samang pagtutulungan ng Division of Antique School Paper Advisers’ Association
(ASPAA), Inc. na mga manunulat, ilustrator, layout artist, reviewer, editor, at ang
Quality Assurance Team mula sa Kagawaran ng Edukasyon, Sangay ng mga
Paaralan ng Dibisyon. Inihanda ito upang maging gabay po ninyo, learning
facilitator, na matulungan ang ating mga mag-aaral na makamtan ang mga
inaasahang kompetensi na inilaan ng Kurikulum ng K to 12.
Layunin ng Journalism Learning Kit na ito na gabayan ang ating mga mag-
aaral na mapagtagumpayan nilang masagot ang mga nakahanay na mga gawain
ayon sa kani-kanilang kakayanan at laang oras. Ito ay naglalayon ding makalinang
ng isang buo at ganap na Filipino na may kapaki-pakinabang na literasi habang
isinasaalang-alang ang kani-kanilang pangangailangan at sitwasyon.

Para sa mga learning facilitator:

Ang Journalism Learning Kit na ito ay binuo upang matugunan ang


pangangailangan ng ating mga mag-aaral sa larangan ng edukasyon, na patuloy
ang kanilang pagkatuto kahit na sila ay nasa kani-kanilang mga tahanan o saan
mang bahagi ng learning center sa kanilang komunidad.
Bilang mga learning moderator, siguraduhin nating naging malinaw ang mga
panuto sa mga gawaing iniatas sa kanila. Inaasahan din na patuloy nating
masubaybayan ang pag-unlad ng mga mag-aaral (learner’s progress).

Para sa mga mag-aaral:

Ang Journalism Learning Kit na ito ay binuo upang matulungan ikaw, aming
mag-aaral, na patuloy ang iyong pagkatuto kahit na wala ka ngayon sa iyong
paaralan. Pangunahing layunin ng learning material na ito na mabigyan ikaw ng
makahulugan at makabuluhang mga gawain. Bilang aktibong mag-aaral, unawain
nang mabuti ang mga panuto ng bawat gawain.

Journalism (Filipino) 7
Competency: Nasusunod ang tiyak na alituntunin sa pagbuo ng balita (SPJ7WT-IIc-32)
Pagbuo ng Ulo ng Balita

MAGSIMULA RITO!

Sa pagbabasa ng balita, ang unang


napapansin ay ang ulo ng balita o
headline sa Ingles. Kadalasan, ito ang
nagsisilbing batayan ng mambabasa sa
pagbuo ng desisyon kung babasahin
niya ba ito o hindi. Nakasalalay sa
paksa, nilalaman, at paglalahad ng ulo
ng balita ang pagtawag sa pansin ng
mambabasa at pagganyak sa kanila
upang basahin ang buong balita.
Ikaw, bilang isang mamahayag, ay
nararapat na magkaroon ng kasanayan
sa wasto at epektibong pagbuo ng balita.
Mahalagang malinang mo ang
kasanayan na ito upang maganyak mo
ang mambabasang basahin ang
kabuoan ng iyong balita at mabigyan mo
sila ng pangkalahatang ideya tungkol sa
balitang kanilang babasahin. Nararapat
ding malinang mo ang kasanayang ito
upang maiwasan ang pagkakaroon ng
maling pagkaunawa sa ulo ng balita.
Ang modyul na ito ay naglalayong
mas palalimin pa ang iyong angking
kaalaman hinggil sa pagbuo ng ulo ng
balita. Nawa’y maging kapaki-
pakinabang ito sa iyo!

TARGET

Sa katapusan ng araling ito, inaasahang:


1. Nasusunod ang tiyak na alituntunin sa pagbuo ng balita (SPJ7WT-IIc-32)

Journalism (Filipino) 7
Competency: Nasusunod ang tiyak na alituntunin sa pagbuo ng balita (SPJ7WT-IIc-32)
PAUNANG PAGSUSULIT

Panuto: Basahing mabuti ang mga pahayag tungkol sa pagbuo ng ulo ng balita.
Suriin kung tama o mali ang nakasaad sa bawat pahayag. Isulat ang salitang TAMA
kapag wasto ang pahayag at MALI naman kapag hindi.

1. Ginagamit ang pandiwang tahasan at masigla sa pagbuo ng ulo ng balita.


2. Sinusulat ang ulo ng balita sa pandiwang pangkasalukuyan ang mga
pangyayaring natapos na.
3. Isa sa mga karaniwang kayarian ng ulo ng balita ay ang pangungusap na
patanong.
4. Ang ulo ng balita ay maikli ngunit kadalasang positibo.
5. Ang pandiwang ginamit sa pamatnubay ay pareho din sa ulo ng balita.

GAWIN

GAWAIN 1: ISULAT MO!


Panuto: Basahin nang mabuti ang balita. Isulat sa sagutang papel ang sa tingin mo
ay maaaring maging ulo ng balita .

Nagsagawa ng rescue operations ang Municipal Disaster Risk Reduction and


Management Office ng bayan ng Silago sa Southern Leyte sa mga residenteng na-trap
sa kanilang mga binahang bahay Martes ng umaga.
Patuloy na tumataas ang baha sa Barangay Sapang dahil sa walang tigil na
pag-ulan na nararanasan din sa ibang bahagi ng Eastern Visayas dulot ng tail end of
the frontal system.
Bukod sa mga residente, kasamang inilikas din ang ilang mga alagang hayop
gaya ng mga aso.
Pinagmulan:
www.news.abs-cbn.com

Journalism (Filipino) 7
Competency: Nasusunod ang tiyak na alituntunin sa pagbuo ng balita (SPJ7WT-IIc-32)
TUKLASIN

Mahusay! Napakagaling ng iyong


ginawang ulo ng balita. Ngayon, iyong
iugnay ang mga sagot sa sumusunod na
katanungan sa iyong ginawang unang
gawain. Isulat ang iyong sagot papel.

1. Ano-ano ang mga impormasyon ang iyong inilagay sa ulo ng balita?


2. Saan mo kinuha ang mga impormasyong inilagay mo sa ulo ng balita?
3. Sa iyong palagay, epektibo ba ang ginawa mong ulo ng balita? Bakit?

LINANGIN

Magaling! Nagawa mo nang


makapagsulat ng ulo ng balita. Ngayon ay
handa ka na upang masuri kung wasto ba ang
iyong ginawa at malaman mo ang mga
nararapat at hindi dapat gawin sa pagbuo ng
ulo ng balita.

PAGBUO NG ULO NG BALITA


Ang ulo ng balita o ang tinatawag na headline sa Ingles ay ang pinakaunang
parte ng balita na makikita ng mga mambabasa. Ito ay ang nagsisilbing pamagat ng
balita.
Mahalagang parte ang ulo ng balita dahil ito ang nagsisilbing tagatukoy kung
babasahin ba o hindi ang kabuoan ng balita. Nangangahulagang kahit gaano
kaganda ang pagkakasulat sa buong balita at gaano kahalaga ang nilalaman nito,
hindi papansinin at babasahin ang balita maliban kung ulo ng balita ay isinulat sa
pinaka-epektibong paraan.
Ang magandang ulo ng balita ay:
 Nakaaagaw-pansin
 Nagkukuwento
 Gumagabay sa mambabasa sa kabuoan ng balita
 Inuuri ang balita

Journalism (Filipino) 7
Competency: Nasusunod ang tiyak na alituntunin sa pagbuo ng balita (SPJ7WT-IIc-32)
Mga Tuntunin sa Pagbuo ng Ulo ng Balita
1. Basahing mabuti ang kabuoan ng balita. Kadalasang mahahanap ang
mga impormasyong ilalagay sa ulo ng balita mula sa pamatnubay.
2. Ang ulo ng balita ay dapat na maglahad ng buod o paksa ng kuwento
sa simple at malinaw na paraan.
3. Isulat sa malaking titik ang unang letra ng unang salita at mga
pangngalang pantangi.
Halimbawa:
 Unang COVID-19 vaccine…
 Ambulansiya sumalpok sa dump truck sa Isabela…
4. Siguraduhing may paksa at pandiwa sa ulo ng balita. Kadalasang nasa
ganitong paraan isinusulat ang ulo ng balita:
Paksa + Pandiwa
Halimbawa:
 Ati-Atihan Festival ipinagdiwang
Paksa Pandiwa
5. Gumamit ng mga mabisa at makatatawag-pansing pandiwa.
Halimbawa:
 11 timbog sa pagsasabong sa Manila, Muntinlupa
 Ambulansiya sumalpok sa dump truck sa Isabela; 5
sugatan
6. Gumamit ng mga pandiwang panghinaharap sa mga pangyayaring
magaganap pa lamang.
Halimbawa:
 Presyo ng petrolyo tataas sa susunod na buwan
 Pagkuha ng samples para sa COVID-19 saliva test
sisimulan sa Lunes
7. Gumamit ng mga pandiwang tahasan at masigla (active verbs).
Halimbawa:
 Araneta winasak ni ‘Yoling’ (hindi nawasak)
 Araneta sinira ni ‘Yoling’ (hindi nasira)
8. Iwasang gumamit ng salitang “maaari” at iba pang kahulugang salita
dahil nagpapakita ito ng kawalan ng katiyakan sa iyong balita
9. Iwasang gumamit ng pang-abay na pananggi.
Halimbawa:
 (MALI) Halalan 2020, hindi natuloy
 (TAMA) Halalan 2020, ipinagpaliban
10. Daglatin lamang ang mga salitang kilala at nakaugalian nang daglatin
Halimbawa:
 (MALI) 2 kawani ng Department of Public Works and
Highways nakaligtas sa pananambang sa Iloilo

Journalism (Filipino) 7
Competency: Nasusunod ang tiyak na alituntunin sa pagbuo ng balita (SPJ7WT-IIc-32)

(TAMA) 2 kawani ng DPWH nakaligtas sa pananambang
sa Iloilo
11. Kung gagamit ng pahayag, ilagay kung saan ito nagmula.
Halimbawa:
 Bawal ang choosy, sabi ng Palasyo
 Mga hotel na quarantine facility, di puwedeng tumanggap
ng ‘staycation’ guests: DOT
 DepEd nagbabala laban sa donation scam
12. Gumamit ng mas maikling salita hangga’t maaari.
13. Gumamit ng kuwit sa halip na pangatnig na at.
Halimbawa:
 Reyes, Bautista wagi sa DSPC
 Mga OFW, balikbayan idinadaing ang bagong travel
restrictions
 James Reid, Nadine Lustre magkasamang nag-hike
14. Gumamit ng isahang panipi sa halip na dalawang panipi
Halimbawa:
 Gold Squad nag-perform sa ‘ASAP,’ nag-top trend sa
Twitter
 Mga puwede, bawal gawin sa ‘pandemic Traslacion’
 ‘It’s Showtime’ hosts, nagpauso ng bagong dance
challenge
15. Huwag magbigay ng opinyon.
Halimbawa:
 (MALI) Municipal Health Officer nagbigay ng
nakakabagbag-damdaming talumpati
 (TAMA) Municipal Health Officer nagbigay ng paalala sa
Dengue
16. Huwag gumamit ng tuldok sa dulo ng ulo ng balita.
17. Huwag gumamit ng mga salitang ‘ang’ at ‘mga’ sa simula.
18. Huwag magtanong.
19. Huwag gamitin ang pangalan ng tao maliban sa kung ito ay sikat;
gumamit ng pangngalang pambalana.
Halimbawa:
 (MALI) Santos patay sa pamamaril
 (TAMA) Barangay Tanod patay sa pamamaril
20. Iwasang gumamit ng parehong pandiwa sa ulo ng balita at sa
pamatnubay.
Halimbawa:
 (Ulo ng Balita) Cartoonist ng LNHS wagi sa RSPC
 (Pamatnubay) Naipanalo ng cartoonist ng Liwanag
National High School ang Editorial Cartooning – Filipino

Journalism (Filipino) 7
Competency: Nasusunod ang tiyak na alituntunin sa pagbuo ng balita (SPJ7WT-IIc-32)
sa Regional Schools Press Conference na ginanap sa
Iloilo National High School, Disyembere 12.

TANDAAN

Ikaw ay nalalapit nang makatapos


sa pagsagot sa modyul na ito. Natalakay
mo na ang pagbuo ng ulo ng balita.
Ngayon, ating balikan ang kabuoan ng
iyong natutuhan.

Ang ulo ng balita ay isa sa mga pinakaimportanteng bahagi ng balita. Ito ay


sa kadahilanang ang ulo ng balita ang kadalasang nagiging batayan ng mga
mambabasa sa pagpapatuloy na pagbasa ng kabuoan ng balita. Kaya nararapat na
isulat sa wasto at epektibong paraan.
Mayroong mga alituntunin sa pagbuo ng ulo ng balita. Ang mga alituntuning
ito ay nagsisilbing gabay upang makabuo ng wasto at epektibong ulo ng balita.
Mahalaga na isaisip ang mga ito lalo na kung baguhan ka sa pagsulat ng balita.

PALALIMIN

GAWAIN 2: Gawa Mo, Iwasto Mo!


Balikan mo ang ginawa mong ulo ng balita sa Gawain 1 sa pahina 2. Suriin
ang iyong ginawa ayon sa mga alituntuning iyong natutuhan. Ilista ang mga wasto at
pagkakamali sa iyong ginawang ulo ng balita. Pagkatapos, sumulat ng panibagong
ulo ng balita batay sa mga alituntuning iyong natutuhan. Gamitin ang tsart sa ibaba.

Ulo ng Balita sa Gawain 1:

Wasto Pagkakamali
1. 1.
2. 2.
3. 3.

Journalism (Filipino) 7
Competency: Nasusunod ang tiyak na alituntunin sa pagbuo ng balita (SPJ7WT-IIc-32)
Panibagong Ulo ng Balita:

REFLECT
REPLEKSIYON

Binabati kita! Napagtagumpayan mong


matapos at masagutan ang mga gawaing
inihanda para sa araling ito. Ngayon, iyong
balikan at pagnilayan ang iyong mga
natutuhan.

GAWAIN 3: Natutuhan mo, Iiskor mo!


May natutuhan ka ba sa modyul na ito? Sukatin ang iyong natutuhan gamit
ang template ng bar graph sa ibaba. Kopyahin ang template. Pagkatapos, kulayan
hanggang sa angkop na bahagdan ang iyong natutuhan mula sa mga paksang
naitalakay na nakasulat sa ibaba ng grap kung saan 0 ang pinakamababa at 100
ang pinakamataas.

Kahulugan ng Kahalagahan Alituntunin sa Pagsulat ng


Ulo ng Balita ng Ulo ng Pagbuo ng Ulo ng Balita
Balita Ulo ng Balita

MGA KONSEPTO

Journalism (Filipino) 7
Competency: Nasusunod ang tiyak na alituntunin sa pagbuo ng balita (SPJ7WT-IIc-32)
PAGTATAYA

Panuto: Isulat ang TAMA kung wasto ang pagkakasulat ng ulo ng balita at MALI
kung hindi ito wasto.
1. SM winasak ni Yolanda
2. Chief of Police Sinas nagbigay ng nakaluluhang mensahe
3. Baybay Group sa Laua-an, Antique, trending sa Youtube.
4. Barangay Kagawad huli matapos lumabag sa health protocol
5. Presyo ng prutas, tataas sa susunod na buwan

GLOSARI
Ulo ng Balita – tumutukoy ito sa pangunahing bahagi ng isang balita na nagiging
batayan sa pagbasa ng kabuuan ng balita. Tinatawag itong headline sa
Ingles.
Paksa – tumutukoy ito sa bahagi ng pangugusap na pinag-uusapan.
Pandiwa – tumutukoy ito sa salitang kilos na ginagamit sa pangungusap.

Journalism (Filipino) 7
Competency: Nasusunod ang tiyak na alituntunin sa pagbuo ng balita (SPJ7WT-IIc-32)
SUSI SA PAGWAWASTO

Paunang Pagsusulit
1. TAMA 2. TAMA 3. MALI 4. MALI 5. MALI

Pagtataya
1. TAMA 2. MALI 3. MALI 4. TAMA 5. MALI

SANGGUNIAN
Journalism (Filipino) 7
Competency: Nasusunod ang tiyak na alituntunin sa pagbuo ng balita (SPJ7WT-IIc-32)
ABS-CBN. ABS-CBN NEWS. n.d. https://news.abs-cbn.com/ (accessed January
2021).
Rogayan, Danilo Jr. ResearchGate. December 2017.
http://www.researchgate.net/publication/321980192 (accessed January
2021).

Journalism (Filipino) 7
Competency: Nasusunod ang tiyak na alituntunin sa pagbuo ng balita (SPJ7WT-IIc-32)

You might also like