You are on page 1of 7

Binuni-Demologan National High School

Binuni, Bacolod, Lanao del Norte


FILIPINO 7
INFORMATION SHEET No. 6

Basahin at unawaing mabuti ang PAKSA tinatalakay:

Ang editoryal o pangulong-tudling ay bahagi ng pahayagan na nagsasaad ng mapanuring pananaw o


kuru-kuro ng isang pahayagan. Tinatawag itong tinig ng pahayagan dahil mababasa rito ang paninindigan
ukol sa napapanahong isyu. Layunin nito ang magbigay-kaalaman,magpakahulugan, manghikayat, at kung
minsa’y manlibang sa mambabasa.

Tatlong Bahagi ng Editoryal o Pangulong-Tudling

1. Panimula

 Binabanggit dito ang isyu, paksa o balitang tatalakayin.

2. Katawan

 Dito ipinahahayag ang opinyon o kuru-kuro ng patnugot.


 Maaaring ilahad ito sa pamamagitan ng paglalarawan, gayundin ang ‘pagpanig’ o
‘pagsalungat’ sa isyung tinatalakay.

3. Wakas

 ito ipinahahayag ang bahaging paghihikayat o paglalagom upang mabuo ang isipan
ng mambabasa ang pananaw na nais ikintal ng editoryal.

Mga Uri ng Editoryal o Pangulong-Tudling

1. Nagpapabatid

 Nililinaw rito ang isang isyu sa hangaring higit na mauunawaan ang balita o
pangyayari.

2. Nagpapakahulugan
 Binibigyang kahulugan ang isang pangyayari o kasalukuyang kalagayang
sang-ayon sa paningin o pananaw ng pahayagan.
3. Namumuna
 Ito ay hayagang panunuri ngunit di naman pagbatikos tungkol sa isang mainit na
isyu.
 Ang layunin nito ay magmumungkahi sang-ayon sa paninindigan ng pahayagan.
4. Nanghihikayat
 Mabisang nanghihikayat sa mga mambabasa upang sumang-ayon sa isyung
pinapanigan o pinaninindigan ng pahayagan.
5. Nagpaparangal o Nagbibigay-puri
 Nag-uukol ng papuri o karangalan sa isang tao o kapisanang nakagawa ng
kahanga-hanga.
6. Nanlilibang
 Nahahawig ito sa sanaysay na impormal.
 Tumatalakay ito sa anomang panig ng buhay, kaya’t madalas nanakawiwili ang
paksa, nakalilibang sa mambabasa o nakakapagbabalik ng masasaya o maging
sentimental na alaala.

7. Nagpapahalaga sa Natatanging Araw
 Tinatalakay nito ang mga pambansang pagdiriwang gaya ng Pasko, Mahal na
Araw, Todos Los Santos, Bagong Taon, at iba pa.
Mga Tuntuning Dapat Sundin sa Pagsulat ng Editoryal o Pangulong Tudling:
1. Magkaroon ng kawili-wiling panimulang maikli lamang upang maakit ang atensiyon ng mambabasa.
2. Buoin ang katawan sa pamamagitan ng paglalahad ng mga katibayan sa paraang maayos at malinaw.
3. Iwasan ang pagbibigay ng pangkalahatang patakaran. Sa halip,
a. gumamit ng mga halimbawa at paglalarawan upang pagtibayin ang simula;
b. gumamit ng paghahambing at pag-iiba-iba;
c. gumamit ng magkakatulad na kalagayan;
d. banggitin ang pinagmulan ng mga inilalahad na kalagayan.
4. Tapusin nang naaangkop. Bigyan nang mahusay na pagwawakas.
5. Tandaang ang pinakamahalagang bahagi ay ang panimula at ang wakas.
6. Huwag mangaral o magsermon (No Preaching). Ilahad lamang ang mga patunay at katuwiran at hayaan
ang mambabasang gumawa ng sariling pagpapasiya.
7. Sundin ang lahat ng simulain sa mabisang pagsulat-kaisahan, linaw, pagkakaugnay-ugnay, at diin.

Basahin at unawaing mabuti ang isang halimbawa ng editoryal na nanghihikayat.

EDITORYAL – Gawin ang lahat para makaiwas sa COVID-19


(Pilipino Star Ngayon) - Pebrero 28, 2020 - 12:00am

Sinabi ng World Health Organization (WHO) na pandemic na ang COVID-19. Ibig sabihin,
malaking bahagi na ng daigdig ang kinalatan ng virus. Maging ang Switzerland at Austria na
masyadong mahigpit sa pagbabantay para hindi makapasok ang virus ay mayroon nang tig-isang kaso.
Maski sa Middle East ay nakapasok na ang COVID-19 makaraang may dapuan sa Iran at mismong ang
de-puty health minister doon ang tinamaan. Marami na rin ang nagkaroon ng sakit sa Italy.
Nangangamba naman ang Japan na maaaring hindi matuloy ang Tokyo Olympics dahil sa pagkalat ng
virus. Pumapangalawa ang South Korea sa may pinakamaraming tinamaan ng virus na umaabot na sa
1,260 at 12 na ang namamatay.

Dito sa Pilipinas, nananatili pa ring tatlo ang nagpositibo at pawang Chinese ang mga biktima na
nakauwi na sa kanilang bansa. Isa naman ang naiulat na namatay. Wala pang Pinoy na direktang
nahawahan ng sakit. Ibig sabihin, naipatutupad ng pamahalaan ang mga pag-iingat at sinisigurong
walang makakapasok na may taglay na virus.
Ang partial travel ban na pinag-utos ng pamahalaan sa South Korea ay isang magandang
hakbang para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19. Sa ilalim ng travel ban, hindi makakapasok sa
bansa ang mga turistang nanggaling sa North Gyeongsang province, South Korea. Sa nasabing lugar
nagsimula ang outbreak makaraang isang Chinese umano ang dumalo roon para sa religious rites.
Halos buong miyembro ng religious sect ay nahawahan umano ng sakit.
Lahat nang paraan ay ginagawa ng pamahalaan para maiwasan ang COVID-19. Maski ang
pagpapahid ng abo sa noo na naging tradisyon na kung Ash Wednesday ay hindi na ginawa at sa halip,
sa bumbunan na lamang inilagay ang abo.
Ipatupad pa ang paghihigpit para hindi makapasok ang virus sa bansa. Ipagpatuloy ng
Department of Health (DOH) ang pagpapaalala na lagging maghugas ng kamay ang lahat para hindi
mahawahan ng COVID-19. Gumamit ng face mask subalit huwag namang mag-panic sa pagbili nito at
baka naman maubusan ang hospital workers. Sa pag-iingat at pagiging malinis at malakas ang
katawan, kusang mamamatay ang virus.
M3 FILIPINO 7
GAWAING PAMPAGKATUTO (LAS) No. 9
IKALAWANG MARKAHAN
SY. 2021-2022

Pangkalahatang Panuto: Kopyahin ang lahat ng nakasulat sa isang buong papel at sagutin. Huwag
sulatan ang LAS.

Activity Title: Pagsulat ng Editoryal o Pangulong-Tudling


Learning Naisusulat ang isang editoryal na nanghihikayat kaugnay ng paksa
Target: (F7PU-IIe-f-9)
References: SLM Filipino 7 Q2 Modyul 5 v5

Gawain 1
A. Panuto: Suriin ang mga talatang nasa loob ng kahon at kilalanin kung anong bahagi ng editoryal sa
“EDITORYAL-Gawin ang lahat para makaiwas sa COVID-19 (Pilipino Star Ngayon) - Pebrero
28, 2020 - 12:00am” napabilang. Isulat ang titik ng sagot sa sagutang papel.

____1.
Dito sa Pilipinas, nananatili pa ring tatlo ang nagpositibo at pawing Chinese ang mga biktima
na nakauwi na sa kanilang bansa. Isa naman ang naiulat na namatay. Wala pang Pinoy na
direktang nahawahan ng sakit. Ibig sabihin, naipatutupad ng pamahalaan ang mga pag-iingat
at sinisigurong walang makakapasok na may taglay na virus.

a. Katawan b. Panimula c. Tuntunin d. Wakas

____ 2. Lahat nang paraan ay ginagawa ng pamahalaan para maiwasan angCOVID-19. Maski ang
pagpapahid ng abo sa noo na naging tradisyon nakung Ash Wednesday ay hindi na ginawa
at sa halip, sa bumbunan na lamang inilagay ang abo.

a. Katawan b. Panimula c. Tuntunin d. Wakas

____ 3. Ipatupad pa ang paghihigpit para hindi makapasok ang virus sa bansa. Ipagpatuloy ng
Department of Health (DOH) ang pagpapaalala na lagging maghugas ng kamay ang lahat
para hindi mahawahan ng COVID-19. Gumamit ng face mask subalit huwag namang mag-
panic sa pagbili nito at baka naman maubusan ang hospital workers. Sa pag-iingat at
pagiging malinis at malakas ang katawan, kusang mamamatay ang virus.

a. Katawan b. Panimula c. Tuntunin d. Wakas

B. Panuto: Isulat ang titik T kung ang pahayag ay tama at M kung ito’y hindi naaayon sa tuntuning
dapat sundin sa pagsulat ng editoryal o pangulong tudling.

____ 4. Hindi dapat banggitin ang pinagmulan ng mga inilalahad na kalagayan.


____ 5. Gumamit ng paghahambing at pag-iiba-iba.
____ 6. Magkaroon ng kawili-wiling panimulang maikli lamang upang maakit ang atensiyon ng
mambabasa.
____ 7. Buoin ang katawan sa pamamagitan ng paglalahad ng mga katibayan sa paraang maayos at
malinaw.
____ 8. Ilahad lamang ang mga patunay at katuwiran at hayaan ang mambabasang gumawa ng sariling
pagpapasiya.
____ 9. Sundin ang lahat ng simulain sa mabisang pagsulat-kaisahan, linaw, pagkakaugnay-ugnay, at diin.
____ 10. Iwasan ang pagbibigay ng pangkalahatang patakaran
Binuni-Demologan National High School
Binuni, Bacolod, Lanao del Norte
FILIPINO 7
INFORMATION SHEET No. 7

Basahin at unawaing mabuti ang PAKSA tinatalakay:

Ang terminong ‘ekspositori’ ay tinatawag ding paglalahad o pagpapaliwanag. Ito ay nagbibigay


ng mga impormasyon at nagpapaliwanag tungkol sa isang paksa. Ang pangunahing layunin ng tekstong ito
ay maglahad at magpaliwanag.

Maliban sa magpaliwanag, layunin din ng tekstong ito ang maglarawan at magbigay ng


impormasyon tungkol sa sanhi atbunga at sumasagot sa tanong na ‘paano’.

Mga Katangian ng Tekstong Ekspositori o Naglalahad


 Obhektibo ang pagtatalakay ng paksa
 Malinaw ang pagkakahanay ng mga ideya
 Analitiko ang pagsusuri ng mga kaisipan at datos
 Sapat na kaalamang ilalahad

Mga Hulwarang Organisyon ng Tekstong Ekspositori


a. Depenisyon
 Ito ay may layuning ipaliwanag o bigyang kahulugan ang isang termino o parirala.
b. Paghahambing
 May layuning ipakita ang pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawang bagay, tao, pangyayari o ideya.
 Ginagamitan ng mga panandang salita tulad ng samantala, at, haba ng, ngunit, subalit, sa kabila
ng, kahit na, sa kabaliktaran, sa kabilang banda,at iba pa.
c. Kahinaan at Kalakasan
 Inilalahad dito ang positibo at negatibong posibilidad kaugnay ng isang sitwasyon o pangyayari.
 Ginagamitan ng mga salita at parirala tulad ng gayunpaman, sa kabilang banda, ang mga kahinaan,
mga negatibong dulot, mga positibong dulot, dahil sa, bunga ng, at iba pa.
d. Pagkasusunod-sunod o Order
 Nagpapakita ito ng serye ng mga pangyayaring maaaring humantong sa isang konklusyon o
pagkasusunud- sunod ng mga pangyayari.
 Ginagamitan ng mga panandang salita tulad ng una, pangalawa, matapos, habang, sumusunod,
ang susunod na, sa ngayon, at iba pa.
M3 FILIPINO 7
GAWAING PAMPAGKATUTO (LAS) No. 10
IKALAWANG MARKAHAN
SY. 2021-2022

Pangkalahatang Panuto: Kopyahin ang lahat ng nakasulat sa isang buong papel at sagutin. Huwag
sulatan ang LAS.

Activity Title: Pagsulat ng Tekstong Naglalahad o Ekspositori


Learning Naisusulat ang isang tekstong naglalahad tungkol sa pagpapahalaga ng
Target: mga taga-Bisaya sa kinagisnang kultura (F7PU-IIg-h-10)
References: SLM Filipino 7 Q2 Modyul 5 v5
Gawain 2
A. Panuto: Punan ng angkop na salita ang patlang upang mabuo ang pahayag. Piliin ang
sagot sa loob ng kahon at isulat sa sagutang papel.

apat paano magbigay ng impormasyon


ekspositori narativ pagtalakay ng paksa

Ang tekstong 1.____________. ay nagbibigay ng impormasyon at nagpapaliwanag tungkol

sa isang paksa. Layunin ng tekstong ito na magpaliwang, maglarawa00n, at 2.____________

tungkol sa sanhi at bunga. Isa sa mga katangianng tekstong ito ay ang pagiging obhektibo sa

3.___________. Binubuo ng 4.____________ na hulwaran ang katangian ng tekstong ito.

Sumasagot ito sa tanong na 5.___________.

PERFORMANCE TASK:

B. Panuto: Sumulat ng tekstong naglalahad o ekspositori tungkol sa napapanahong


Isyu tulad ng COVID-19 o Pagbabakuna para sa proteksiyon sa COVID-19. Gawing gabay ng
kaalaman ang tekstong binasa sa INFORMATION SHEET No. 8. Isulat ang nabuong teksto sa
isang bondpaper (short).

Pamantayan Puntos NatamongPuntos


Malinaw na nailahad ang layunin sa pagsulat 5
ng teksto
Lantad ang pangunahing ideya na tatalakayin 5
Maayos na nailahad ang mga suportang ideya 5
Organisado ang mga ideya gamit ang isang 5
angkop na hulwarang organisayon
Napapanahon ang isyung tinalakay 5
Kabuoan 20 Puntos
M3 FILIPINO 7
GAWAING PAMPAGKATUTO (LAS) No. 9
IKALAWANG MARKAHAN
SY. 2021-2022

Pangkalahatang Panuto: Kopyahin ang lahat ng nakasulat sa isang buong papel at sagutin. Huwag
sulatan ang LAS.

Activity Title: Pagsulat ng Editoryal o Pangulong-Tudling


Learning Naisusulat ang isang editoryal na nanghihikayat kaugnay ng paksa
Target: (F7PU-IIe-f-9)
References: SLM Filipino 7 Q2 Modyul 5 v5
Gawain 1
A. Panuto: Suriin ang mga talatang nasa loob ng kahon at kilalanin kung anong bahagi ng editoryal sa
“EDITORYAL-Gawin ang lahat para makaiwas sa COVID-19 (Pilipino Star Ngayon) - Pebrero
28, 2020 - 12:00am” napabilang. Isulat ang titik ng sagot sa sagutang papel.

____1.
Dito sa Pilipinas, nananatili pa ring tatlo ang nagpositibo at pawing Chinese ang mga biktima
na nakauwi na sa kanilang bansa. Isa naman ang naiulat na namatay. Wala pang Pinoy na
direktang nahawahan ng sakit. Ibig sabihin, naipatutupad ng pamahalaan ang mga pag-iingat
at sinisigurong walang makakapasok na may taglay na virus.

a. Katawan b. Panimula c. Tuntunin d. Wakas

____ 2. Lahat nang paraan ay ginagawa ng pamahalaan para maiwasan angCOVID-19. Maski ang
pagpapahid ng abo sa noo na naging tradisyon nakung Ash Wednesday ay hindi na ginawa
at sa halip, sa bumbunan na lamang inilagay ang abo.

a. Katawan b. Panimula c. Tuntunin d. Wakas

____ 3. Ipatupad pa ang paghihigpit para hindi makapasok ang virus sa bansa. Ipagpatuloy ng
Department of Health (DOH) ang pagpapaalala na lagging maghugas ng kamay ang lahat
para hindi mahawahan ng COVID-19. Gumamit ng face mask subalit huwag namang mag-
panic sa pagbili nito at baka naman maubusan ang hospital workers. Sa pag-iingat at
pagiging malinis at malakas ang katawan, kusang mamamatay ang virus.

a. Katawan b. Panimula c. Tuntunin d. Wakas

B. Panuto: Isulat ang titik T kung ang pahayag ay tama at M kung ito’y hindi naaayon sa tuntuning
dapat sundin sa pagsulat ng editoryal o pangulong tudling.

____ 4. Hindi dapat banggitin ang pinagmulan ng mga inilalahad na kalagayan.


____ 5. Gumamit ng paghahambing at pag-iiba-iba.
____ 6. Magkaroon ng kawili-wiling panimulang maikli lamang upang maakit ang atensiyon ng
mambabasa.
____ 7. Buoin ang katawan sa pamamagitan ng paglalahad ng mga katibayan sa paraang maayos at
malinaw.
____ 8. Ilahad lamang ang mga patunay at katuwiran at hayaan ang mambabasang gumawa ng sariling
pagpapasiya.
____ 9. Sundin ang lahat ng simulain sa mabisang pagsulat-kaisahan, linaw, pagkakaugnay-ugnay, at diin.
____ 10. Iwasan ang pagbibigay ng pangkalahatang patakaran

Inihanda:
JANICE P. GALORIO
Filipino Teacher MILDRED P. CELLERO
Master teacher II
RENE ABARQUEZ, Ed.D
School Head
M3 FILIPINO 7
GAWAING PAMPAGKATUTO (LAS) No. 10
IKALAWANG MARKAHAN
SY. 2021-2022

Pangkalahatang Panuto: Kopyahin ang lahat ng nakasulat sa isang buong papel at sagutin. Huwag
sulatan ang LAS.

Activity Title: Pagsulat ng Tekstong Naglalahad o Ekspositori


Learning Naisusulat ang isang tekstong naglalahad tungkol sa pagpapahalaga ng
Target: mga taga-Bisaya sa kinagisnang kultura (F7PU-IIg-h-10)
References: SLM Filipino 7 Q2 Modyul 5 v5
Gawain 2
A. Panuto: Punan ng angkop na salita ang patlang upang mabuo ang pahayag. Piliin ang
sagot sa loob ng kahon at isulat sa sagutang papel.

apat paano magbigay ng impormasyon


ekspositori narativ pagtalakay ng paksa

Ang tekstong 1.____________. ay nagbibigay ng impormasyon at nagpapaliwanag tungkol

sa isang paksa. Layunin ng tekstong ito na magpaliwang, maglarawa00n, at 2.____________

tungkol sa sanhi at bunga. Isa sa mga katangianng tekstong ito ay ang pagiging obhektibo sa

3.___________. Binubuo ng 4.____________ na hulwaran ang katangian ng tekstong ito.

Sumasagot ito sa tanong na 5.___________.

PERFORMANCE TASK:
B. Panuto: Sumulat ng tekstong naglalahad o ekspositori tungkol sa napapanahong
Isyu tulad ng COVID-19 o PAGBABAKUNA para sa proteksiyon s COVID-19. Gawing gabay ng
kaalaman ang tekstong binasa sa INFORMATION SHEET No. 8. Isulat ang nabuong teksto sa
sagutang papel.

Pamantayan Puntos NatamongPuntos


Malinaw na nailahad ang layunin sa pagsulat 5
ng teksto
Lantad ang pangunahing ideya na tatalakayin 5
Maayos na nailahad ang mga suportang ideya 5
Organisado ang mga ideya gamit ang isang 5
angkop na hulwarang organisayon
Napapanahon ang isyung tinalakay 5
Kabuoan 20 Puntos
Inihanda:
JANICE P. GALORIO
Filipino Teacher MILDRED P. CELLERO
Master teacher II
RENE ABARQUEZ, Ed.D
School Head

You might also like