You are on page 1of 11

ARALIN 1: EDITORYAL O PANGULONG-TUDLING

Pagkatapos ng aralin, ang mag-aaral ay inaasahang:

 nakikilala ang editoryal o pangulong-tudling

 natutukoy ang mga tamang panuntunan sa pagsulat ng

editoryal

Editoryal

Ang editoryal na tinatawag ding pangulong-tudling ay bahagi ng pahayagang


nagsasaad ng mapanuring pananaw o kuro-kuro ng pahayagan tungkol sa isang isyu.
Itinuturing itong tinig ng pahayagan dahil ditto mababasa ang paninindigan nila ukol sa isang
napapanahong isyu. Ito rin ay naglalayong magbigay-kaalaman, magpakahulugan,
humihikayat, at kung minsa’y lumibang sa mambabasa.

Tatlong Bahagi ng Editoryal o Pangulong-Tudling


May tatlong bahagi ang editorial o pangulong-tudling. Ito ay ang sumusunod:

1. Panimula – Dito binabanggit ang isyu, paksa o balitang tatalakayin.


2. Katawan – Sa bahaging ito ipinahahayag ang opinyon o kuro-kuro ng patnugot.
Maaaring ilahad ito sa pamamagitan ng paglalarawan, gayundin ang pro (pagpanig) o
con (pagsalungat) sa isyung tinatalakay.
3. Wakas – Dito ipinahahayag ang bahaging panghihikayat o paglagom upang mabuo sa
isipan ng mambabasa ang pananaw na nais ikintal ng editorial.

Mga Tuntuning Dapat Sundin sa Pagsulat ng Editoryal o Pangulong-Tudling

1. Magkaroon ng kawili-wiling panimulang maikli lamang upang maakit ang atensiyon ng


mambabasa.
2. Buoin ang katawan sa pamamagitan ng paglalahad ng mga katibayan sa paraang
maayos at malinaw.
Page | 1
Saint Bernice School Inc.
3. Iwasan ang pagbibigay ng pangkalahatang patakaran. Sa halip,
a. gumamit ng mga halimbawa at paglalarawan upang pagtibayin ang simula;
b. gumamit ng paghahambing at pag-iiba-iba;
c. gumamit ng magkakatulad na kalagayan; at
d. banggitin ang pinagmulan ng mga inilalahad na kalagayan.

4. Tapusin nang naaangkop. Bigyan ng mahusay ng pagwawakas.


5. Tandaang ang pinakamahalagang bahagi ay ang panimula at ang wakas.
6. Huwag mangaral o magsermon (no preaching). Ilahad lamang ang mga patunay at
katwiran at hayaan ang mambabasang gumawa ng sariling pagpapasiya.
7. Sundin ang lahat ng simulain sa mabisang pagsulat – kaisahan (unity), linaw (clarity),
pagkakaugnay-ugnay (coherence), at diin (emphasis).

Page | 2
Saint Bernice School Inc.
FILIPINO 7
MAIKLING GAWAIN
IKALAWANG MARKAHAN S.Y. 2021-2022

 Sagutin ang sumusunod na mga tanong.


1. Ano ang editoryal o pangulong-tudling?

2. Bakit sinasabing ito ang tinig ng pahayagan? Ano ba ang sinasalamin ng isang editoryal
o pangulong-tudling?

3. Paano nakatutulong ang editoryal sa mga mambabasa?

4. Magbigay ng 2 bagay na dapat tandaan o isaalang-alang kapag sumusulat ng editoryal


o pangulong-tudling.
a.

b.

Page | 3
Saint Bernice School Inc.
FILIPINO 7
MAIKLING GAWAIN
IKALAWANG MARKAHAN S.Y. 2021-2022

 Lagyan ng tsek (/) ang kahon kung ang mga pahayag ay nagsasaad ng tamang
panuntunan sa pagsulat ng editoryal.

1. Nailahad sa malinaw na paraan ang panimula, gitna, at wakas ng editoryal


upang mabigyang-diin ang isyung pinapaksa nito.

2. Ito ay dapat magkaroon ng kawili-wiling simulang makaaakit sa mga


mambabasa.

3. Gumamit ito ng mga salitang makasasakit sa damdamin ng tinutuligsa upang


matuto sila.

4.Taglay nito ang paninindigan o pinaniniwalaan ng pahayagan ukol sa isang


napapanahong isyu.

5.Nakapaglalahad ng mga katibayan para sa isyung tinatalakay.

6. Dapat nakabitin ang wakas ng editoryal.

7.Ipahayag ang personal na galit ng manunulat o editor na nararamdaman sa


sitwasyon o kalagayang kanyang isinulat.

8.Malinaw at magkakaugnay ang mga pahayag.

9.Mangaral o magsermon sa mga mambabasa upang matuto sila.

Page | 4
Saint Bernice School Inc.
ARALIN 2: MGA URI NG EDITORYAL

Pagkatapos ng aralin, ang mag-aaral ay inaasahang:

 natutukoy ang iba’t ibang uri ng editoryal

Mga Uri ng Editoryal o Pangulong-Tudling


May iba’t ibang uri ang editoryal o pangulong-tudling. Nakabatay sa layunin ang uri ng
pangulong-tudling na isusulat ng editor. Naririto ang ilan sa mga uri ng editoryal o pangulong-
tudling:
1. Nagpapabatid – Ipinaliliwanag o nililinaw ang isang isyu sa hangaring higit na
maunawaan ang balita o pangyayari.

2. Nagpapakahulugan – Binibigyang-kahulugan ang isang pangyayari o kasalukuyang


kalagayan sang-ayon sa paningin o pananaw ng pahayagan.

3. Namumuna – Isang hayagang panunuri ngunit din naman pagbatikos tungkol sa isang
mainit na isyu. May layunin itong magmungkahi sang-ayon sa paninindigan ng
pahayagan.

4. Nanghihikayat – Mabisang nanghihikayat sa mga mambabasa upang sumang-ayon sa


isyung pinapanigan o pinaninindigan ng pahayagan.

5. Nagpaparangal o Nagbibigay-puri – Nag-uukol ng papuri o karangalan sa isang tao o


kapisanang nakagawa ng kahanga-hanga.

6. Nanlilibang- Nahahawig ito sa sanaysay na impormal. Tumatalakay ito sa anumang


panig ng buhay, kaya’t madalas na nakawiwili ang paksa, nakalilibang sa mambabasa,
o nakapagbabalik ng masasaya o maging sentimental na alaala.

7. Nagpapahalaga sa natatanging araw – Tinatalakay nito ang mga pambansang


pagdiriwang gaya ng Pasko, Mahal na Araw, Todos Los Santos, Bagong Taon, at iba
pa.
FILIPINO 7
MAIKLING GAWAIN
IKALAWANG MARKAHAN S.Y. 2021-2022

 Tukuyin ang iba’t ibang uri ng editoryal o pangulong-tudling. Isulat sa patlang ang
tamang sagot.

_____________1. Mabisang nanghihikayat sa mga mambabasa upang sumang-ayon sa


isyung pinapanigan o pinaninindigan ng pahayagan.

_____________2. Isang hayagang panunuri ngunit din naman pagbatikos tungkol sa isang
mainit na isyu.

_____________3. Binibigyang-kahulugan ang isang pangyayari o kasalukuyang kalagayan


sang-ayon sa paningin o pananaw ng pahayagan.

_____________4. Ipinaliliwanag o nililinaw ang isang isyu sa hangaring higit na maunawaan


ang balita o pangyayari.

_____________5. Nag-uukol ng papuri o karangalan sa isang tao o kapisanang nakagawa ng


kahanga-hanga.

Page | 6
Saint Bernice School Inc.
ARALIN 3: PAHAYAG SA PANGHIHIKAYAT

Pagkatapos ng aralin, ang mag-aaral ay inaasahang:

 nakikilala ang mga pahayag na maaaring gamitin


sa panghihikayat

 nakakabuo ng isang editoryal na nanghihikayat

Mga pahayag na Ginagamit sa Panghihikayat

Ang pagnanais na mahikayat o makumbinsi ang iyong mga mambabasa sa iyong

pananaw o paninindigan ay isang hamon sa isang manunulat. Makatutulong ang paggamit ng

mga angkop na pahayag sa iyong panghihikayat.

Ilang Halimbawa ng mga Pahayag at Salitang Nanghihikayat

 Totoo/tama  Siyempre
 Tunay  Naniniwala akong…
 Talaga  Kaya mong maging bahagi ng…
 Tumpak  Sama na…
 Pero/subalit  Tara…
 Kaya natin ito  Kitang-kita mong…
 Siguradong…  Ito na…
 Ngayon na!

Narito ang ilang pangungusap na nagsasaad ng panghihikayat.

1. Tumpak! Gawin natin iyan para na rin mahanap mo ang tunay na kaligayahan.
2. Sama na! Gawing makabuluhan ang buhay mo kaibigan!
3. Naniniwala akong may magagawa ang bawat isa sa atin upang maging makabuluhan
ang buhay natin sa mundo.
4. Kaya natin ito basta tayo’y sama-sama.
5. Siguradong mababawasan ang galit at kasamaan sa mundo kung mas marami ang
magpapakita ng paggalang, pagmamahal, at pagkalinga.
Halimbawa ng isang Editoryal na Nanghihikayat

EDITORYAL -
Walang disiplina sa
pagtatapon ng basura
(Pilipino Star Ngayon) - June 17, 2018 - 12:00am
BASURA ang pangunahing dahilan kaya
nagbabaha sa Metro Manila. Matagal nang
problema ito. Ilang dekada na ang nakalilipas
subalit baha pa rin ang problema. At sa kabila
na basura ang dahilan, marami pa rin ang hindi natututo at walang disiplina sa pagtatapon ng
basura sa mga estero, kanal at mga ilog. Wala pa rin silang kadala-dala at walang malasakit sa
kapaligiran. Ang mga basurang itinambak sa mga ilog ay iluluwa sa dagat at ibabalik naman ito
ng dagat mismo sa mga dalampasigan. Totoo ang kasabihang “kung ano ang itinapon mo,
babalik din sa’yo.”

Ganito ang nararanasan sa kahabaan ng Roxas Blvd. sa tuwing may pagsama ng panahon o
bagyo. Kapag nagalit ang alon sa Manila Bay, tatangayin ang mga basurang lulutang-lutang at
ibabalik ito sa kalsada. Kaya ang mga basurang itinapon ng mga walang disiplina magdudulot
uli ng panibagong problema. Ang mga basura ring ito ang hahantong sa mga estero.

Noong nakaraang linggo, nagsagawa ng paglilinis sa Estero de Magdalena ang Metro Manila
Development Authority (MMDA). Nagtulung-tulong para alisin ang napakaraming basurang
plastic. Isinagawa ang paglilinis makaraang mag-viral sa social media ang estero. Dahil sa dami
o kapal ng basura, maari nang maglakad sa ibabaw niyon na hindi malulubog.

Ngayon ay malinis na ang estero pero maaaring bukas o sa mga susunod na araw, tambak na
naman ang basura roon. Balik na naman sa dati sapagkat walang disiplina ang mga nakatira.

Ang mga basurang iyon ang tatangayin muli sa Manila Bay at magpapaulit-ulit lamang ang
tanawin. Isusuka ng Manila Bay ang basura sa Roxas Blvd at ibabalik din sa mga estero, kanal
at iba pang waterways.

Nararapat makaisip ng solusyon ang MMDA at ang DENR kung paano madidisiplina ang
mamamayan at magkakaroon ng takot na huwag magtapon ng basura sa waterways. Dapat
kamay na asero ang gamitin para wala nang magtatapon ng basura na nagdudulot ng pagbaha.
Kung hindi maghihigpit, walang katapusan ang problema. Ipatupad ang paglilipat o pag-aalis sa
mga informal settlers. Bakuran ang mga gilid at pampang ng estero o ilog para hindi makabalik
ang informal settlers na numero unong nagtatapon ng basura.

https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/opinyon/2018/06/17/1825377/editoryal-walang-disiplina-sa-pagtatapon-ng-basura

Page | 8
Saint Bernice School Inc.
FILIPINO 7
MAIKLING GAWAIN
IKALAWANG MARKAHAN S.Y. 2021-2022

 Punan ng angkop na pahayag o salitang nanghihikayat ang linya upang makabuo ng


mga pangungusap na nanghihikayat. Piliin ang sagot mula sa kahon.

Ito na Naniniwala akong Tama

Tunay Tara

1. _______________ na mahalaga an gating pagkakaisa para magtagumpay an gating


hangarin.

2. _______________ may pag-asa ang lahat para magbago.

3. _______________! Lahat tayo ay puwedeng magbago tungo sa kabutihan.

4. _______________ sumama tayong mga kabataan para makatulong sa mga


nangangailangan.

5. _______________ ang simula ng isang mas magandang mundo!

Page | 9
Saint Bernice School Inc.
FILIPINO 7
PAGTATASA SA PAGGANAP
IKALAWANG MARKAHAN S.Y. 2020-2021

 Bumuo ng isang editoryal na nanghihikayat upang makumbinsi mo ang mga


mambabasang ipanawagan ang iyong opinyon ukol sa COVID-19.
 Gawing gabay ang pamantayan sa ibaba.

Pamantayan Puntos
Teknikal Kawili-wiling panimula at pamagat
Gumamit ng maayos at tamang gramatika
Sumunod sa tatlong bahagi ng editoryal
Nilalaman
Matibay ang kanyang pagpapahayag
Gumamit ng mga pahayag na makatotohanan at may ebidensya.
Gumamit ng mga opinyon na napapanahon at nakakapukaw ng
interes.
Kabuoan na Puntos
5 – Napakahusay
3 – Mahusay
2 - Katamtaman

Page | 10
Saint Bernice School Inc.
Talasanggunian
Baisa-Julian, A.G., Lontoc, N.S. & Esguerra-Jose, C. (2018) Ikalawang Edisyon

Pinagyamang Pluma, Phoenix Publishing House, Inc.

https://www.scribd.com/doc/61347090/Rubric-Sa-Pagsulat-Ng-Tula

Page | 11
Saint Bernice School Inc.

You might also like