You are on page 1of 4

GRADE 8 ISKRIP

TAPIK: HAKBANG AT ESTRATEHIYA SA PAGBASA SA PANAHON NG PANDEMYA

Layer 1:
(Tutunog ang alarm ng Bell ng paaralan)
VOICE OVER: MAM MANALO: Ayan na pasukan na naman. Handa na ba kayo? Ikaw, Kayo,
halika na tumutunog na ang Bell ng paaralan at tinatawag tayo hudyat ng panibagong taon. Aba
teka tila yata may mga mag-aaral na hindi pa handa! Samahan niyo ako puntahan natin sila.

Layer 2:
(Sa isang kwarto ng tahanan) Papasok ang isang bata at uupo sa kanyag study table,
makakatulog ito at mananaginip.
(Papailanlang ang musika ng panaginip) Anong music? (Musika ng panaginip)
(ANIMATION) Mga aklat na magkakaroon ng buhay at letrang sumasayaw. Ito ang makikita ng
bata sa kanyang panaginip magigising ito at makikita ang pagkatakot. ( KASABAY ANG
MUSIKA NG PAGKATAKOT
VOICE OVER: MAM MANALO: Bata Bakit ka natatakot? Ayaw mo ba sa amin? Takot ka ba sa
mga aklat? Ayaw mo magbasa? Natatakot ka magbasa?
Alam mo ba na di ka dapat matakot sa amin. Kaibigan mo kami. Halika samahan mo
kami at tuklasin ang yamang taglay naming mga aklat. Tara na sumama na rin kayo.

Layer 3:
(ANIMATION) Bubukas ang mga aklat habang naglalakad ang bata . Makikita ang senaryo ng
kasaysayan/ magagandang lugar/at mga larawan ng guro, doctor, engineer, nurse at iba pa.
OUTRO (SOUND EFFECT)
Layer 4:
MEANN: TRIVIA: Alam mo ba… na ang mga pinagsama-samang nailimbag na salita sa papel
ay ang tinatawag na AKLAT? May pahina na naglalaman ng mga larawan at kadalasan ay
mahahalagang impormasyon tungkol sa tao, bagay, lugar at pangyayari. Maraming uri ng aklat,
may kasaysayan, nobela, kwento atbp subalit ang higit na mahalaga sa lahat ito ay naglalaman
ng mahahalagang impormasyon na sadyang kapupulutan di lamang ng aral kundi ng kaalaman.
Ikaw naranasan mo na ba ang magbasa? ano ano ang mga aklat na iyong nabasa? Paano mo
ito binabasa? Lubos mo bang nauunawaan ang mga ito?

Layer 5:
RHODA: Isang Amerikanong Edukador at tagapagtangkilik ng literasiya pagdating sa
kakayahan sa pagbasa at pagsulat na si WILLIAM GRAY ang nagsabing ang pagbasa ay
dumaraan sa apat na hakbang ang PERSEPSYON, KOMPREHENSYON, APLIKASYON at
INTEGRASYON. Kung saan kinikilala natin ang mga simbolong nakalimbag at nalilinang ang
kakayahan nating umunawa maging ito ay sa paraang paglalapat o pag-uugnay ng mga bagay
bagay. Nauunawaan nyo na ba kung bakit dapat natin maging kaibigan ang mga aklat? Kung
hindi pa ipapakilala ko sayo si teacher Wella para ipaliwanag ang istratehiya kung paano mo
higit na mauunawaan ang nilalaman ng isang aklat.

Layer 6:
WELLA: *Introduction: Magandang umaga mga bata! Narito ako ngayon para ibigay ang iba’t
ibang paraan upang makapagtamo ng lubusang pagkatuto sa pamamagitan ng pagbasa nang
may pang-unawa.
Alam mo ba? Habang ikaw ay nagbabasa tayo ay nakararanas ng iba’t ibang pahiwatig sa
teksto na may kaugnayan sa mensahe nito? Kaya nangangailangan ito ng pag-uunawa sa
pamamagitan ng “pagtatanong”.
Halina’t isa-isahin natin ang estratehiya sa pagbasa tungo sa mas malalim na pang-unawa.
*Estratehiya: (voice over)
Numbered:
1. Ang pagsagot sa mga tanong na nakasulat sa pisara o aklat habang ikaw ay
nagbabasa ay malaking tulong upang mahasa ang pang-unawa sa pagbabasa.
2. Maaaring bumuo ng mapa o direksyon ayon sa iyong binabasa.
3. Pagpupuno ng balangkas, talahanayan o grap ay makatutulong din.
4. Pagsusuri sa organisasyon ng teksto at pagbuo ng diyagram ng mga kaisipan
katulad ng semantic map / graphic map.
5. Ang pagsasalungguhit sa mga mahahalagang salita, kaisipan o impormasyon na
nakikita habang nagbabasa ay makatutulong upang tumimo ang kaalaman sa iyong
isipan;
6. maaari rin magtala ng mahahalagang impormasyon at pansuportang detalye.
Ngayong panahon ng pandemya lahat tayo ay dumaranas ng hirap at mga suiranin,
subalit dapat nating tandaan na huwag tayong maging negatibo sa bagay na ito. Sa halip gawin
nating libangan ang pagbabasa lalo na ngayong panahon ng bagong normal. Malaki ang
maitutulong ng mga makabagong teknolohiya sa pakikipagtalastasan subalit huwag nating
kalilimutang ang Aklat ay may buhay rin na nais iparating. Sa tulong nito higit na magiging
maayos at malinaw ang mensahe ng bawat babasahing ating nababasa (ending)
Layer 7:
ENDING: (MARIRINIG ANG AWITING PAHINA BILANG HUDYAT NG PAGGISING NG
BATA) Magigising ang bata at masayang bbuklatin ang libro at babasahin ang kanyang aralin.
THE END
Inihanda nina:

MARY ANN P. MANALO


WELLAMAE A. SEBOC
RODALYN B. OGNAYON

You might also like