You are on page 1of 5

FILIPINO 4

TALAHANAYAN NG ISPESIPIKASYON

Layunin Bilang ng Kinalalagyan Bahagdan


Aytem
1. Nagagamit nang wasto ang mga pangngalan sa pagsasalita 1 1 2.5
tungkol sa sarili, sa mga tao, sa mga hayop sa paligid, sa lugar,
bagay at pangyayari sa paligid.
2. Nagagamit ang iba’t ibang uri ng panghalip (panao) sa usapan at 1 2 2.5
pagsasabi tungkol sa sariling karanasan.
3. Nagagamit ang iba’t ibang uri ng panghalip (pananong): isahan, 1 3 2.5
maramihan sa usapan at pagsasabi tungkol sa sariling karanasan.
4. Nagagamit ang iba’t ibang uri ng panghalip (panaklaw): tiyakan, 1 4 2.5
isahan/kalahatan, di-tiyakan sa usapan at pagsasabi tungkol sa
sariling karanasan.
5. Nagagamit nang wasto ang pang-uri (lantay) sa paglalarawan ng 1 5 2.5
tao, lugar, bagay at pangyayari sa sarili ibang tao katulong sa
pamayanan.
6. Nagagamit nang wasto ang pang-uri: paghahambing, pasukdol 2 6-7 5
sa paglalarawan ng tao, lugar, bagay at pangyayari sa sarili,
ibang tao katulong sa pamayanan.
7. Nagagamit ang aspekto (panahunan) ng pandiwa sa 2 8-9 5
pagsasalaysay ng nasaksihang pangyayari.
8. Nagagamit ang wasto ang pang-abay sa paglalarawan ng kilos. 1 10 2.5
9. Natutukoy ang kaibahan ng pang-uri at pang-abay. 1 11 2.5
10. Nagagamit nang wasto ang pang-angkop na ng, na, g sa 2 12-13 5
pangungusap.
11. Nagagamit nang wasto at angkop na pangatnig: o, ni, maging, 2 14-15 5
man, kung, kapag, pag, ngunit, subalit, dahil sa, sapagkat, saw
akas, kung gayon, daw, raw kung sino, kung ano, siya rin.
12. Nagagamit nang wasto at angkop ang simuno at panaguri sa 1 16 2.5
pangungusap.
13. Nagagamit ang iba’t ibang uri ng pangungusap sa pagsasalaysay 2 17-18 5
ng sariling karanasan.
14. Natutukoy ang mga elemento ng kuwento: tagpuan, tauhan, 2 29-30 5
banghay.
15. Nagagamit ang mga pamatnubay na salita ng diksyunaryo. 2 27-28 5
16. Nasasagot ang mga tanong sa binasang tekstong pang- 1 36 2.5
impormasyon – balita.
17. Nakagagamit ng pahiwatig upang malaman ang kahulugan ng 2 38-39 5
mga salita tulad ng paggamit ng palatandaang nagbibigay ng
kahulugan: kasingkahulugan, kasalungat, paglalarawan, pormal
na depenisyon.
18. Nasasagot ang mga tanong na bakit at paano. 2 31-32 5
19. Nahuhulaan ang maaaring mangyari sa teksto gamit ang dating 1 34 2.5
karanasan/kaalaman.
20. Nasasabi ang sanhi at bunga ayon sa nabasang pahayag. 2 19-20 5
21. Nabibigyang kahulugan ang bar grap, dayagram, talahanayan, 1 40 2.5
tsart.
22. Nakasusunod sa nakasulat na panuto. 1 21 2.5
23. Natutukoy ang mga suportang detalye sa mahalagang kaisipan sa 1 35 2.5
nabasang teksto.
24. Nasusuri kung opinion o katotohanan ang isang pahayag. 1 22 2.5
25. Nabibigyan ng angkop na pamagat ang talatang binasa. 1 37 2.5
26. Nagagamit nang wasto ang mga bahagi ng pahayagan. 2 23-24 5
27. Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa binasang teksto. 1 33 2.5
28. Nagagamit nang wasto ang mga bahagi ng aklat tulad ng talaan 2 25-26 5
ng nilalaman, talahulugan
TOTAL 40 100%
Department of Education
Region VIII
Division of Borongan City
Borongan City
DIVINUBO ELEMENTARY SCHOOL
PRE-TEST/POST TEST
FILIPINO 4

Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat sa sagutang papel.


1. Ang (A. aso B. bata C. kaarawan D. simbahan) ay pumapasok sa paaralan araw-araw
2. Nagtimpla ng kape si Aling Aurora para sa kanyang asawa. _____ ay isang mapagmahal na kabiyak.
(A. Ako B. Sila C. Siya D. Kami
3. _____ ka pupunta? (A. Magkano B. Sino C. Saan D. Ano)
4. _____ ang iyong pangarap sa buhay, matutupad ito kung magsisikap ka.
(A. Anuman B. Saanman C. Gaanuman D. Kailanman)
5. Ang kanilang bahay ay _____.
(A. lalong maganda B. higit na maganda C. mas maganda D. maganda)
6. _____ ang kanyang damit kaysa sa akin.
(A. maliit B. mas maliit C. napakaliit D. ubod ng liit)
7. Ang aking silid ang _____ sa lahat ng kuwarto sa bahay.
(A. maluwang B. lalong maluwang C. higit na maluwang D. pinakamaluwang)
8. Bukas _____ ang mag-anak pa-Maynila.
(A. luwas B. lumuwas C. luluwas D. lumuluwas)
9. Si Karen ay _____ ng damit kahapon.
(A. laba B. naglaba B. maglaba C. maglalaba)
10. Ang pagong ay _____ maglakad.
(A. mabilis B. mabagal C. malakas D. mahina)
11. Alin sa mga sumusunod ang pagkakaiba ng pang-uri sa pang-abay?
A. Ang pang-uri ay naglalarawan ng pangngalan at ang pang-abay ay naglalarawan ng pandiwa.
B. Ang pang-uri ay naglalarawan ng pang-abay at ang pang-abay ay naglalarawan ng pandiwa.
C. Ang pang-uri ay naglalarawan ng pandiwa at ang pang-abay ay naglalarawan ng pangngalan.
D. Ang pang-uri ay naglalarawan ng pangngalan at ang pang-abay ay naglalarawan ng pandiwa at pang-uri.
12. Ang mataba__ baboy ay alaga ni Tina. Anong pang-angkop ang dapat ilagay sa patlang?
(A. na B. ng C. g D. a)
13. Ang masipag __ ama ay nakapagpatapos ng kanyang tatlong anak sa kolehiyo.
(A. na B. ng C. g D. a)
14. Si Marife ay matalino _____ tamad mag-aral. Anong pangatnig ang dapat gamitin sa patlang?
(A. kung B. dahil C. ngunit D. sapagkat)
15. _____ hindi uulan sa Sabado, pupunta tayo sa tabing-dagat.
(A. Kung B. Ngunit C. Upang D. Subalit)
16. _____ ay matalik na magkaibigan. Anong simuno ang naaangkop gamitin sa patlang?
(A. Si Alice B. Virgie C. Si Alice at Virgie D. Siya)
17. Anong pangungusap ang gagamitin sa pagtatanong?
A. Ako ay magbabakasyon sa Baguio.
B. Aray! Napakasakit ng tiyan ko.
C. Saan ka pupunta?
D. Tumayo ka.
18. Anong pangungusap ang gagamitin mo sa pag-uutos?
A. Isara ang pinto.
B. Sino ang iyong guro?
C. Yehey! Nanalo kami sa paligsahan.
D. Pakiabot mo nga ang aklat na nasa mesa.
19. Sumakit ang kanyang ngipin dahil sa sobrang pagkain ng kendi. Alin ang sanhi?
A. Sumakit ang kanyang ngipin
B. dahil sa sobrang pagkain ng kendi
C. Sumakit ang kanyang ngipin dahil sa sobra
D. Sumakit ang kanyang ngipin dahil sa sobrang pagkain
20. Sapagkat nag-aral si Ben ng kanyang leksiyon, nakapasa siya sa pagsusulit. Alin ang bunga?
A. Nakapasa siya
B. Sapagkat nag-aral si Ben
C. Nakapasa siya sa pagsusulit
D. Sapagkat nag-aral si Ben ng kanyang leksiyon
21. Isulat ang pangalan ng iyong paaralan sa isang kahon. Alin dito ang tama?
A. B.
DPFMS
DPFMS

C. DPFMS D. DPFMS

22. Sa aking palagay, hindi maganda ang panahon bukas. Ang pahayag ay isang _____.
A. katotohanan B. opinyon C. kasabihan D. sawikain
23. Alin sa mga sumusunod ang wastong gamit ng anunsiyo klasipikado?
A. dito mababasa ang pangunahing balita ng pahayagan
B. dito mababasa ang opinyon ng pahayagan
C. dito mababasa ang balita ukol sa artista
D. dito maaaring makahanap ng trabaho
24. Alin sa sumusunod ang wastong gamit ang pangulong-tudling?
A. dito mababasa ang pangunahing balita ng pahayagan
B. dito mababasa ang opinyon ng pahayagan
C. dito mababasa ang balita ukol sa artista
D. dito maaaring makahanap ng trabaho
25. Ano ang wastong gamit ng talahulugan?
A. dito makikita ang mga paksang taglay ng aklat gayundin ang mga pahina kung saan makikita ito
B. ito ang pinakamahalagang bahagi ng aklat sapagkat dito mababasa ang kabuuang nilalaman nito
C. dito nakatala at nakaayos nang paalpabeto ang mahihirap na salitang ginamit sa aklat at ang
kahulugan ng mga ito
D. ito makikita sa likuran ng aklat at makikita ang mga paksang tinalakay sa aklat na nakaayos ng
paalpabeto gayundin ang pahina kung saan-saan matatagpuan ang mga ito

26. Ano ang wastong gamit ng Talaan ng Nilalaman?


A. dito makikita ang mga paksang taglay ng aklat gayundin ang mga pahina kung saan makikita ito
B. ito ang pinakamahalagang bahagi ng aklat sapagkat dito mababasa ang kabuuang nilalaman nito
C. dito nakatala at nakaayos nang paalpabeto ang mahihirap na salitang ginamit sa aklat at ang
kahulugan ng mga ito
D. ito makikita sa likuran ng aklat at makikita ang mga paksang tinalakay sa aklat na nakaayos ng
paalpabeto gayundin ang pahina kung saan-saan matatagpuan ang mga ito
27. Anong pamatnubay ang titignan sa diksyunaryo upang mahanap ang salitang barya?
A. grap-lider B. anod-dram C. kalikasan-labuyo D. pabula-sektor
28. Anong salita ang makikita sa pagitan ng pamatnubay na pormal-tradisyon?
A. santakrusan B. editor C. lider D. ugat

Basahin ang kuwento at sagutin ang bilang 29-35.

ANG MAGKAPATID
Ni Sharon H. Manuel

Ang mag-asawang Mang Juan at Aling Tasiang ay biniyayaan ng dalawang anak, sina Aron at Sharlin.
Masayang-masaya ang mag-asawa sa pagdating ng dalawang bata sa kanilang pamilya. Lahat ng
pangangailangan ng dalawang magkapatid ay sinisikap ibigay ng mag-asawa. Pinalaki nila nang puno ng
pagmamahal ang magkapatid.

Walang naging problema ang mag-asawa sa pag-aalaga sa mga bata. Subalit lumaking parang aso’t
pusa ang magkapatid. Madalas na nag-aaway ang magkapatid sa maraming bagay laro na sa mga laruan at sa
gawaing-bahay.

Minsan, sa gitna ng pag-aaway ng magkapatid, hindi naiwasan ni Aling Tasiang ang magalit.
Pinagsabihan niya ang kanyang mga anak.

“Aron, Sharlin,” pagsisimula ni Aling Tasiang. Hindi maganda sa magkapatid ang nag-aaway. Dapat
kayong dalawa’y laging magmahalan, mag-unawaan at magbigayan. Paano na lamang kung wala na kami ng
tatay ninyo. Walang ibang magdadamayan kundi kayong dalawa lamang,” ang sunod-sunod na paalala ni Aling
Tasiang.
Minsan, nagkasakit si Aling Tasiang. Nagkataon namang bumiyahe ang kanilang ama upang maghatid
ng mga produktong gulay sa kabilang bayan. Hindi makapagtrabaho si Aling Tasiang dahil nanghihina siya.
Tinawag niya ang kanyang dalawang anak upang sabihing magsaing at maglaga na muna ng itlog upang sila’y
makakain habang wala pa ang kanilang ama.

“Ikaw na ang magluto,” sabi ni Aron kay Sharlin.

“Bakit ako?” tanong naman ni Sharlin. “Di ba ikaw ang mas matanda dapat ikaw ang gumawa,” patuloy
na sumbat ni Sharlin.

“Bahala ka! Kung hindi ka kikilos eh di walang kakain!” paismid na sagot ni Aron.

Dahil sa sobrang pagkadismaya sa dalawang anak, tumayo si Aling Tasiang sa kanyang higaan upang
pumunta sa kusina. Subalit sa kanyang pagtayo bigla siya nahilo at walang anu-ano’y natumba.

Agad namang nilapitan ng magkapatid ang kanilang ina upang tulungang makabangon. Nagkatinginan
sila at agad na humingi na patawad sa kanilang ina.

Magmula noon hindi na nakitang nag-away ang magkapatid. Magkasundong-magkasundo sila sa lahat
ng bagay. Hindi lamang sa paglalaro kundi sa pagtulong sa kanilang mga magulang.

29. Sino ang magkapatid sa kuwento?


A. Aron at Sharlin B. Ana at Maria C. Ara at Shara C. Ava at Shania
30. Saan naganap ang kuwento?
A. sa bahay ng mag-anak B. sa simbahan C. sa palengke D. sa paaralan
31. Bakit hindi makapagtrabaho si Aling Tasiang?
A. dahil malakas siya
B. dahil tinatamad siya
C. dahil nanghihina siya
D. dahil may pupuntahan siya?
32. Paano natuto ng leksiyon ang magkapatid?
A. sa pamamagitan ng pamamalo ng kanilang nanay
B. sa pamamagitan ng pagmamalupit ng kanilang magulang
C. sa pamamagitan ng pagbibigay ng pabuya ng kanilang magulang
D. sa pamamgitan ng pangyayari sa kanilang nanay nang minsan itong magkasakit
33. Alin ang tamang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa ibaba
I. Nagkasakit si Aling Tasiang
II. Magkasundong-magkasundo na ang magkapatid.
III. Masaya ang mag-asawa sa pagdating ng kanilang anak.
IV. Bumiyahe ang kanilang ama upang maghatid ng gulay.
A. II-IV-I-III B. III-I-IV-II C. III-IV-I-II D. II-I-IV-III
34. Ano ang maaaring mangyari kung hindi pa rin natuto ng leksiyon ang magkapatid?
A. magiging masaya ang kanilang mga magulang
B. magiging malungkot ang kanilang magulang
C. magiging mabuti silang mga anak
D. magiging maunlad ang buhay nila
35. Alin sa mga sumusunod ang sumusuportang detalye sa binasang kuwento.
A. Si Aron at Sharlin ay magkaibigan.
B. Si Mang Juan at Aling Tasiang ay magkapatid.
C. Si Aron at Sharlin ay magkapatid na hindi magkasundo.
D. Si Mang Juan at Aling Tasiang ay mag-asawa na hindi nagmamahalan.
Basahin ang sumusunod na balita at sagutin ang bilang 36-39.
MANILA - Nabuwal ang isang poste ng ilaw sa center island ng Mindanao Avenue Extension sa Quezon City
matapos mabangga ng isang truck, Biyernes.
Ayon sa drayber na si Jerrymie Donayre, nakaidlip siya habang nagmamaneho at nagising na lamang siya ng
bumangga ang kaniyang minamanehong sasakyan sa poste.
"Hindi ko na napigil ang antok at pagod dahil umaga pa ako nagsimulang bumiyahe," ani Donayre.
Galing Bulacan ang truck at pauwi na sa upang gumarahe sa Antipolo nang maganap ang insidente.
Bagamat self-accident ang nangyari, mahaharap pa rin ang drayber sa kasong reckless imprudence resulting in
damage to property dahil sa nasirang poste.

36. Bakit bumangga ang sasakyan?


A. dahil madulas ang daan
B. dahil madilim ang kalsada
C. dahil nakatulog ang drayber
D. dahil may iniwasang tumatawid sa kalsada ang drayber
37. Ano ang angkop na pamagat o ulo ng balita?
A. poste ng ilaw, nabuwal nang banggain ng trak sa Quezon City
B. drayber nakatulog, nahulog ang sasakyan sa bangin
C. sasakyan nabuwal, poste ng ilaw bumangga
D. trak nawalan ng preno, bumangga
38. Naalarma ang mga residente nang makita ang malakas na tubig na umaagos o dumadaloy sa bundok.
Ano ang kasingkahulugan ng salitang umaagos mula sa pangungusap?
A. naalarma B. dumadaloy C. malakas D. tubig
39. Ang pag-ibig ay nagdudulot ng kapayapaan at hindi kaguluhan.
Ano ang kasalungat ng kapayapaan sa pangungusap?
A. pag-ibig B. nagdudulot C. kaguluhan D. kayamanan

Pag-aralan ang bar grap at sagutin ang kasunod na tanong.

40. Sa anong buwan mayroong pinakamababang bilang ng mag-aaral na magdiriwang ng kaarawan?


A. Mayo B. Hunyo C. Hulyo D. Agosto

You might also like