You are on page 1of 43

Election Monitoring Training

IP Voting
Oriental Mindoro and Occidental Mindoro

27 April 2016
Programa
Paunang Gawain
Pagpapakilala ng mga Kalahok
Ano nga ba ang AVC at SPP
Diskusyon ng mga GIs
Operasyon sa Eleksyon
Huling Paguusap
General Instructions
on Testing, Sealing, Voting, Counting and Transmission
Amendment on Testing, Sealing, Counting and
Transmission (receipt)
IP Voting
Sino ang mga tao sa loob ng
classroom (polling place)?
mga BEIs (Board of Elections Inspectors),
kadalasan ay mga guro
mga kaagapay ng mga BEI
mga watchers (ng mga kandidato, civil society)
mga botante bumoboto
mga botante na nagiintay bumoto
escort ng mga nakabilanggong botante
mga taong hinayaan ng Komisyon (Commission
on Elections)
Mga BEI at kanilang mga kaagapay
ang BEI ay tatlong tao (Chairman, Poll Clerk at
Third Member)
ang bilang ng mga kaagapay ay depende sa
bilang ng mga botante sa loob ng classroom
(laging may isa)
Tandaan na ang mga BEI (lalo na ang
Chairman) ang hari at reyna sa loob. Sila ang
masusunod.
Bawal may kamag-anak na kandidato. Bawal rin
na may kamag-anak na watcher. (lilipat ang
watcher)
sa Araw ng Eleksyon, ang BEI
ay kukunin sa Treasurer's office ang mga
gagamitin na supplies sa election (election
forms, envelopes, other envelopes, other
forms and supplies)
ay kukukin sa opisina ng Election Officer
(EO) ang mga sumusunod: EDCVL, PCVL
at mga temporary appointment papers
Habang botohan, bawal sabihin ng
sino man sa mga BEI
kung nakaboto na ba ang isang botante o
hindi
ilan na ang mga botante na nakaboto na o
hindi nakaboto
o anu mang statement na magpapakita ng
status ng botohan (liban kung pinatawag
ng korte)
Bago magbotohan, pagkatapos
makuha ang mga gamit,
pupunta na ang mga BEI sa kanilang assigned classroom ng alas-singko ng umaga
siguraduhin na ang ballot box at VCM ay asa loob ng classroom
ayusin ang classroom
ipaskil sa may pintuan at dingding ng classroom ang PCVL
Ipakita sa mga watchers na wala pang laman na balota ang ballot box, nakaselyo pa ang VCM at
ang mga balota
Gamit ang EDCVL-DV (detainee voting), lalagyan ng initials na DV ang mga pangalan ng mga
botante na boboto bilang detainee voter
Isulat sa minutes ang numero ng mga DV
Ihiwalay na ang mga balota para sa DV at ilagay sa folder. (ang folder naman ay ilalagay sa
envelope at ise-seal ng paper seal na ibibigay ng support staff ng SBEI-DV)
Tangalin na ang paper seal ng VCM box. Icheck sa box kung nasa loob ang mga sumusunod:
VCM, power cord, thermal paper, marking pens, zip lock, i button pins, usb modem, cleaning
sheets at isang yellow sealing sticker
Ilabas na ang VCM. Ipakita sa publiko na nakaselyo ang slots "a" at "b" para sa sd cards.
Ilagay na ang VCM sa taas ng ballot box. Icheck kung may thermal paper na sa loob
Iplug ang power adaptor at iconnect rin ang baterya
I-on na ang VCM
Mga watcher
bawat kandidato ay may karapatan
magkaroon ng 2 watcher sa bawat
classroom. (hindi pwedeng sabay ang 2
sa classroom)
bilang watcher, dapat marunong siya
magbasa at magsulat (may kinalaman sa
mga karapatan niya) at hindi kamag-anak
ni-isa dun sa mga BEIs. (iwasan ang
favoritism)
Mga karapatan at mga gawain ng
mga watcher
Unang una, bago magsimula magmasid
sa loob ng classroom, magpakilala sa BEI
Chairman bilang watcher. Ipakita ang ID.
Mga Karapatan ng mga Watcher
tumigil sa espasyo na nakalaan para sa mga watchers, sa loob ng
polling place.
maging saksi sa mga paguusap at kaganapan ng mga BEI
Isulat ang anu mang marinig o makita nila
Kumuha ng larawan ng mga kaganapan sa loob ng classroom (final
testing and sealing, botohan, bilangan at transmission ng resulta ng
eleksyon
Maghain ng reklamo o protesta laban sa BEI o kung sino mang tao
na andun
Kumuha ng sertipikasyon ukol sa paghahain ng reklamo at ng
resolusyon ukol dito
Pumosisyon sa likod ng BEI Chairman para makita ang ER (election
return) na binabasa niya

! bawal makipagusap ang mga watcher sa mg BEI, sa mga botante sa


paraan na makakagulo sa nangyayari sa loob ng classroom.
Araw, Oras at Lugar ng Botohan
Araw: Mayo 9
Oras ng Botohan: alas-sais ng umaga hangang
alas-singko ng hapon (6am to 5pm)
Pagdating ng alas singko ng hapon, at may mga
botante pa na nakapila sa labas ng classroom,
ililista ng poll clerk ang mga botanteng nakapila,
at tatawagin ang mga ito pag sila na ang boboto
!hindi dapat umuwi porke't alas singko na ng hapon.
basta nasa labas na ng classroom kung saan boboto
ang botante, karapatan niya na ipilit ang karapatan
niya na bumoto.
Botohan
Lahat ng botante na nasa EDCVL
(Election Day Computerized Voter's List)
ay maaring makaboto.
Proseso sa pagkuha ng balota
Hanapin ng botante ang pangalan niya sa PCVL; isulat/tandaan ang precinct at sequence
number
pumunta sa loob ng classroom at sabihin ang kanyang sequence at precinct number
Para sa mga BEI, icheck kung nasa EDCVL talaga ang pangalan ng botante. Kung wala dun,
sabihan ang botante na umalis na sa classroom. Sunod tignan kung may indelible ink ang kuko
ng botante. Kung meron, di makakaboto ang botante.
Kung walang mantsa ng indelible ink, tignan kung ang siya talaga ang botante sa EDCVL.
Kung sapat na ang paniniwala na siya talaga ang botanteng yun, kailangan magannounce ang
isa sa mga BEI na boboto na ang botanteng iyun.
Kung walang challenge, papirmahin ang botante sa EDCVL at papuntahin sa Chairman.
Pipirmahan ng Chairman ang balota (authentication)
Ipakita sa botante na malinis ang balota (walang marka, sira o punit)
Ilagay ang balota at marking pen sa loob ng folder.
Ibigay ang folder sa botante at sabihan na ishade lang ng buo ang bilog at wag gumawa ng kung
ano mang marking.
Ituro ang botante na bumoto sa lugar kung saan dapat bumoto.
Pagkatapos bumoto, lalapit ang botante sa VCM at isusubo ang balota dito. Intayin na lumabas
ang resibo. May tao (3rd member or support staff) sa likod ng VCM na maggugupit ng resibo
.Ifo-fold muna ang resibo, saka gugupitin. Bago ibigay ang resibo sa botante, maglalagay muna
ng indelible ink ang third member. Pagkatapos, ibibigay ang resibo sa botante. Titignan ng
botante ang resibo. Kung walang reklabo, ilalagay ang resibo sa lalagyan para sa mga resibo.
Kung may reklamo, lumapit sa BEIat sabihin ang kanyang reklamo. Pipirmahan ng botante ang
resibo, ilalagay sa minutes ang kanyang reklamo at ikakabit sa minutes ang voter's receipt.
Challenge against illegal voters
(reklamo laban sa mga llegal na
Sino nga ba ang mga illegal na botante?
botante)
hindi rehistrado
gumagamit ng pangalan ng iba
may kasalukuyang diskwalipikasyon sa
pagiging botante (convict, sira ulo)

!Kapag may reklamo laban sa isang botante,


hihingi ng ebidensya ang BEI ng rehistrasyon
bilang botante, identity o kwalipikasyon.
Challenge against illegal acts
(reklamo laban sa mga illegal na
Ano ang mga illegal na gawain?
gawain)
vote buying
nagbigay ng pangako upang
makaimpluwensiya sa pagboto ng isang tao
nakipagpustahan sa kung sino mananalo sa
eleksyon

!kapag may ganitong challenge, kailangan


magpatunay ang botante na di niya ginawa
ang mga nasa itaas (under oath). Pag di siya
nagpatunay, hindi siya makakaboto.
Mga patuntunan habang botohan
kung sino ang unang dumating na botante, siya ang
unang papabotohin.
Bawal ang mga watcher sa loob ng espasyo para sa
botohan ng mga botante o sa espasyo ng mga BEI
Bawal ang mga may baril sa loob ng classroom (liban
kung pinahintulutan ng COMELEC)
Bawal ang magsiksikan sa loob ng classroom at
magulong pag-uugali sa lob ng classroom
Lagi dapat sarado ang ballot box habang botohan.
!bubuksan lamang ito kung hindi na makapasok ang mga balota sa
ballot box. Ang pagbubukas ay dapat naka-rekord sa minutes of
voting.
Mga bawal na tao sa loob ng
classroom o sa paligid ng
mga pulis, sundalo
classroom

(50 meter radius)


mga barangay officials (binoto o inappoint)
liban kung:
may kaguluhan talaga
pinagbotohan ng 2 sa 3 na BEI na lumapit sa
classroom ang pulis o sundalo para sa kanilang
proteksyon o sa proteksyon ng mga election
paraphernalia
kung boboto ang mga ito
Mga bawal gawin habang botohan
maguwi ng souvenir (ilabas ang ballpen, folder, balota o ang resibo)
makipagusap sa ibang tao liban sa pagtatanong sa BEI, sa assistor (kung
meron ang botante)
bumoto ng hindi ginagamit ang folder o ipakita ang laman ng balota
bumoto sa tulong ng ibang tao, liban kung karapatan niya magkaroon ng
assistor
mga may assistor: PWD o illiterate (hindi marunong magbasa at magsulat). Dapat
nakalagay sa EDCVL na illiterate o PWD ang isang botante.
Mga assistor: kamag-anak, kasama sa bahay o mga guro. Ang mga kamag-anak o kasama sa
bahay ay maari lamang mag-asiste ng 3 beses. Ang bei ay walang limitasyon ang pagaasiste;
nasa tamang edad;
Dapat tanungin muna ng BEI ang illiterate o ang PWD kung hinahayaan niya talaga ang
assistor na i-assist siya
Magpapatunay ang assistor at pipirma sa minutes of voting na iboboto niya lang ang gusto ng
botante at hindi niya sasabihin kung sino ang binoto
magbura ng kung ano man dun sa balota o maglagay ng mga marka
gumamit ng cellphone
sirain ang balota
guluhin ang operasyon o sirain ang vote counting machine (VCM)
Accessible Polling Places (APP)
exclusive na classroom para sa mga
senior citizens at mga may kapansanan
ang APP ay classroom na asa ground
floor, pinakamalapit sa entrance, walang
mga nakaharang at dapat may mga
rampa.
Express lanes
para sa mga matatanda, pwd, mga buntis
na kababaihan at mga katutubo
Ano ang gagawin sa mga di
nagamit na balota
sa harap ng ibang BEI at mga watcher,
bibilangin ng Chairman at ire-rekord sa
minutes of voting ang bilang ng mga
balotang di nagamit
Punutin ang balotang di nagamit
(lengthwise)
Kalahati ay ilalagay sa envelope, ibabalik
sa EO; kalahati ay ilalagay sa envelope,
isasama sa loob ng ballot box
Saan mapupunta ang election
returns (ER)
Importante na malaman natin na may
isang ER na ipapaskil sa pinto ng
classroom. Para makita ng lahat.
San mapupunta ang vcm, ballot
box, ER
Ilagay sa loob at mga
ng ballot ibang
box ang dokumento
mga envelopes na nakalagay ang
mga sumusunod:
ER
Minutes
kalahati ng mga napunit na balota
rejected ballots
voter's receipt receptacle (Seselyuhan rin ang receptable na
naglalaman ng mga resibo.)

Selyuhan ang ballot box.


Tangalin ang SD card na nasa slot "A"; ilagay sa envelope; dalhin sa
reception and custody group sa municipal/city canvassing
Ibalik ang ballot box sa logistics provider. O kung wala, ibalik sa
election officer.
Ano ang gagawin sa mga balota
galing sa DV
Tatangapin ng BEI ang envelope nagaling sa
BEI support staff bago magsarado ang botohan
pagkatanggap ay ilagay agad sa minutes ang
kaganapan na ito
Sabihin na dumating na ang balota mula sa DV
Buksan ang envelope kung tapos na ang
botohan sa presinto
Isubo ang mga balota sa VCM
ilagay lahat ng resibo sa receptacle.
Ilagay sa minutes
Replacement ballot
kung walang kasalanan ang botante, pero
hindi tinatanggap ng VCM ang kanyang
balota, at apat na beses nang sinubo ang
balota sa makina pero di pa rin
tinatanggap. Bibigyan ng isang
replacement ballot ang botante.
IP Voting (Mga Dapat Tandaan na
mga Salita)
SBEI (Special Board of Election Inspectors)
support staff
EDCVL-IP
PCVL-IP
Accessible Voting Center (AVC)
Separate Polling Place (SPP)
Regular Polling Places
VCM
qualified IP voter
Mga dapat tandaan
EDCVL-IP and PCVL-IP (ihahanda ng
election officer)
ang mga nasa EDCVL-IP lang ang pwede
bumoto sa mga AVCs at SPPs
Mga gawain ng SBEI
tangapin at dalhin lahat ng election paraphernali
sa AVC at SPP
tangapin mula sa SBEI support staff ang mga
balota
Gawin ang botohan sa mga ginawang AVC at
SPP lamang (ang pagpasok ng mga balota ay
gagawin pa rin sa mga regular na mga polling
places kung saan galing ang mga balota)
Ilagay ang mga balota sa envelope. Selyuhan ito
at pirmahan. Ibalik sa SBEI support staff
Magpatakbo ng maayos na botohan sa loob ng
classroom
Mga gawain ng support staff
kunin ang mga balota ng mga qualified IP
voter sa kani-kanilang mga regular na
polling places
Dalhin ang mga balota sa AVC at SPP
Ibalik ang mga envelope (galing sa SBEI)
sa mga tama nilang pinagkagalingan
Gawain ng AFP at PNP
Ieescortan ang support staff sa pagdadala
ng balota sa mga AVCs
Sa araw ng eleksyon, ang gagawin
ng SBEI
Kunin sa treasurer's office ang mga
sumusunod:
election forms; other forms; supplies;
envelopes

Kunin sa election officer ang mga sumusunod:


EDCVL-IP, PCVL-Ip at mga extrang
appointment papers
Oras ng Botohan sa mga AVC at
mga SPP
6am to 3pm (SPP)
6am to 2pm (AVC)
Bago Magbotohan:
Markahan ng election officer ang mga pangalan ng mga botante na kasama sa IP
voting
Pupuntahan ng SBEI support staff ang SBEI sa munisipyo para kunin ang forms na
dadalhin niya sa AVC o sa SPP
Pagkatapos, dederetso ang support staff sa mga regular polling places para kunin
ang mga balota ng mga qualified IP voters sa mga AVC o sa mga SPP
Sasabihin ng BEI ng regular polling place, kung saan kukunin ang mga balota, na
parte ang presintong iyon ng IP voting project. Dahin diyan, may mga lalabas na
balota bago magbotahan at ibabalik ang mga ito bago matapos ang botohan. Sa
presensiya ng support staff, ihihiwaly ng BEI ang mga balota at ilalagay sa envelope.
Sisiguraduhin na ila-label ang envelope na galing sa presintong iyon ang mga baloto.
Ilalagay ito lahat sa minutes.
Ime-meet ng SBEI ang support staff sa munisipyo para ibigay ang supplies. Aayusin
ng SBEI na handa na ang AVC at SPP sa botohan. Ipapaskil ang PCVL-IP sa
pintuan o dingding ng classroom. Sisiguraduhin ng SBEI na nakahanda na ang mga
envelope na paglalagyan ng mga botante ng balota pagkatapos bumoto.
Pagkadating ng support staff, bubuksan ang envelope at bibilangin ang bilang ng
mga balota sa loob nito ng SBEI Chairman. Ilalagay sa minutes.
Paraan ng pagboto
Maaring tulungan ng SBEI ang katutubong
botante kung saang envelope ilalagay ang
baloto. Siguraduhin na hindi makikita ang
laman ng balota sa gawaing ito.
Pagkatapos bumoto ng lahat ng
mga katutubo,
Ang Chairman ng SBEI ay bibilangin ilan
ang balotang hindi nagamit. Ito ay
ilalagay sa minutes.
Punitin ang mga balotang hindi nagamit
Isarado na ng envelope na naglalaman ng
mga balota, punit na mga balota, minutes
of voting. Ito ay seselyuhan ng paper
seal. Pagkatapos ay ibbigay na sa SBEI
support ang mga ito.
Irecord sa minutes.
Ibabalik ng SBEI sa EO ang EDCVL-IP,
PCVL-IP, minutes of voting at iba pang
mga kagamitan.
Pagbilang sa balota ng mga
katutubo
Sisiguraduhin ng SBEI support na makakabalik
sa tamang oras ang mga balota sa kanilang
mga regular polling places.
Pagkadating sa regular polling place, sasabihin
ng Chairman na dumating na ang mga balota
galing sa IP voting. Ito ay irerekord sa minutes.
Pagkatapos bumoto na mga botante sa regular
polling place, sasabihin ng BEI Chairman na
bubuksan na ang envelope na naglalaman ng
balota ng mga katutubo. Isusubo ang mga ito sa
VCM.
Operasyon sa Eleksyon
Meron lagi 3 katutubo na monitor sa lahat ng
AVC at SPP
Magkahiwalay ang HQ ng OccMin at OrMin
May isang abogado assigned sa bawat mindoro,
nasa HQ; may kasama na 2 pang paralegal
(tigafollow up ng report, tiga record ng report)
Kasama ang CHR, NCIP at ibang grupo sa
monitoring (maaring roving o stationary monitors
sila; depende sa pangangailangan)
Sa mga AVC
2 monitor, maiiwan sa AVC; isang monitor,
pupunta sa munisipyo kung saan
magkikita ang SBEI at ang support staff.
Sasamahan na ni monitor ang support
staff sa pagkuha at pagdadala ng balota.
importante na alam ng monitor kung saang
presinto kukuha ng balota at ilan.
maganda na may kasama pang iba dito
Pagdating sa AVC, magmomonitor naman ang 2
AVC monitors na naiwan. Magmomonitor sila
hangat matapos ang botohan at maibigay ulit sa
support staff ang envelope.
Ang sumama sa support staff ay sasama ulit sa
pagbabalik ng balota sa mga regular polling
places, maaring sumama rin ang 2 monitors sa
pagbabalik sa balota. Upang masiguro (lalo na
sa maraming regular polling places na
pagbabalikan) na maibabalik ang balota sa
tamang regular polling place, at ito ay masusubo
sa VCM.
Sa mga SPP
laging may 2 monitor sa bawat isang SPP.
maaring samahan ng iba nating kasama
sa proyekto ang mga ito.
may isang monitor na sasama lagi sa
pagkuha at pagbalik ng mga balota.
siguraduhin na makakabalik sa tamang
regular polling place ang mga balota, at
masusubo ito sa VCM.
ano ang hawak ng isang monitor
ID
t-shirt
monitoring report form

You might also like