You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF NUEVA ECIJA
TAGAYTAY ELEMENTARY SCHOOL
TAGAYTAY, TALAVERA NUEVA ECIJA 3114

MALA-MASUSING BANGHAY ARALIN SA


ARALING PANLIPUNAN VI
Quarter 1- Week 8 October 16,
2023

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Ang mag-aaral ay…
- naipamamalas ang mapanuring pag-unawa
at kaalaman sa bahagi ng Pilipinas sa
globalisasyon batay sa lokasyon nito sa
mundo gamit ang mga kasanayang
pangheograpiya at ang ambag ng
malayang kaisipan sa pag-usbong ng
nasyonalismong Pilipino
B. Pamantayan sa Pagganap Ang mag-aaral ay…
- naipamamalas ang pagpapahalaga sa
kontribusyon ng Pilipinas sa isyung
pandaigdig batay sa lokasyon nito sa
mundo
C. Pinakamahalagang Kasanayan sa  Nalalaman ang mga kontribusyon ng mga
Pagkatuto (MELC) (Kung mayroon, isulat Natatanging Pilipinong nakipaglaban para
ang pinakamahalagang kasanayan sa sa kalayaan
pagkatuto o MELC  Nabibigyang halaga ang mga kontribusyon
ng mga natatanging Pilipinong
nakipaglaban para sa kalayaan
 Naipapamalas ang kahalagahan ng mga
kontribusyon ng natatanging Pilipinong
nakipaglaban para sa kalayaan
D. Pagpapaganang Kasanayan
(Kung mayroon, isulat ang pagpapaganang
kasanayan.)
II. NILALAMAN Kontribusyon ng mga Natatanging Pilipinong
nakipaglaban para sa Kalayaan
III. KAGAMITAN PANTURO
A. Mga Sanggunian
a. Mga Pahina sa Gabay ng Guro MELC- pahina 37
AP Curriculum Guide- AP6PMK-Ih-11, pahina 126

b. Mga Pahina sa Kagamitang Pang Pilipinas: Bansang Papaunlad 6.2000. Pp.191-


mag-aaral 194
c. Mga Pahina sa Teksbuk
d. Karagdagang Kagamitan mula sa https://prezi.com/p/ltpd9jaj4cju/kontribusyon-ng-
Portal ng Learning Resource mga-natatanging-pilipinong-nakipaglaban-para-sa-
kalayaan/
Learning Resource Portal
https://lrmds.deped.gov.ph/detail/10603
B. Listahan ng mga Kagamitang Panturo
para sa mga Gawain sa Pagpapaunlad at
Pakikipagpalihan
IV. PAMAMARAAN
A. Balik-Aral sa nakaraang aralin at/o Sagutin ng TAMA o MALI:
pagsisimula ng bagong aralin
(Reviewing previous lesson/s or 1. Nag-utos ang heneral ng Estados Unidos na si
presenting the new lesson) Robert P. Hughes na sirain ang mga pananim na
pinagkukunan ng pagkain ng mga taga-
balanggiga.
2. Noong Abril 19, 1901, lumagda si Pang. Emilio
Aguinaldo sa isang pahayag ng pagsuko.
3. Kinuha ang dalawang kampana sa simbahan ng
balanggiga na hudyat sap ag-aaklas ng
taumbayan sa Balanggiga.
4. Mabait na nakitungo ang mga sundalong
amerikano sa mga taga-Balangiga.
5. Maraming namatay na sundalong Amerikano sa
Balanggiga Conflict.

Pagpapakita ng mga larawan.

B. Paghahabi sa layunin ng aralin


(Establishing a purpose for the
lesson)

Ano sa palagay ninyo ang ang kinalaman ng mga


larawang ito sa ating paksa ngayon?

Napag aralan natin kung paano tayo nasakop ng


mga dayuhan at kung paano natin nakamit ang
ating kasarinlan at kalayaan. Ngayon pag-aaralan
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa natin ang mga naging kontribusyon ng mga
bagong aralin (Presenting examples/
natatanging Pilipino na nakipaglaban para sa ating
instances of the new lesson)
kasarinlan.

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at MARCELO H. DEL PILAR


paglalahad ng bagong kasanayan #1  Si Marcelo H. Del Pilar ay kilala bilang
(Discussing new concept) dakilang Propagandista, isang ilustrado at
may taguring Plaridel. Siya rin ang nagtatag
ng Diariong Tagalog, kung saan binabatikos
niya ang pang-aabuso ng mga prayle at
kalupitan ng pamahalaang Espanyol.
 Dahil sa tahasang pagbatikos sa mga
maling gawain ng mga Kastila, iniutos ng
mga ito na hulihin siya. Nakatakas si del
Pilar at nagpasyang pumunta sa Espanya
at sumapi sa mga Pilipinong Propagandista
na lumalaban para sa reporma.

 Noong ika-15 ng Disyembre 1889, pinalitan


niya si Jaena bilang patnugot ng La
Solidaridad, ang opisyal na pahagayan
ng Kilusang Propaganda na nagsilbing
tinig ng kilusan. Katulad ni Bonifacio,
naniniwala rin si del Pilar sa paghihimagsik.
Nagpasya siyang makipagtulungan rito subalit
nagkasakit siya ng tuberkulosis at
hindi na naipagpatuloy ang kanyang mga adhikain.

MELCHORA AQUINO
 Si Melchora Aquino o mas kilala sa tawag
na “Tandang Sora,” “Ina ng Katipunan,” “Ina
ng Himagsikan,” at “Ina ng Balintawak” ay
ipinanganak noong Enero 6, 1812.
 Siya ay isa sa bayaning Pilipino na dapat
hangaan. Siya ay galing sa mahirap na
pamilya at hindi nakapag-aral. Sa
pamamagitan ng sariling sikap ay
tinulungan niya ang kaniyang sarili na
magbasa at sumulat.
 Pinalaki niya ng mag-isa ang anim na anak.
Pitong taon pa lamang noon ang kaniyang
ika-pitong anak nang namatay ang
kaniyang asawa na si Fulgencio de Ramos
na isang Cabeza de Barangay.
 Sa edad na 84 taon naipakita niya ang
kaniyang kabayanihan sa panahon ng
rebolusyon noong 1896. Sinikap niyang
makatulong sa mga Pilipinong
nakipaglaban sa mga mapang-aping
Español.
 Ang mga katipunerong nakipaglaban sa
bansa ay sa kaniyang bahay nagpupulong.
 Naging pagamutan din ang bahay niya ng
mga sugatang katipunero. Ginamot
sila at inalagaan na parang tunay niyang
mga anak.
Nang malaman ng mga Español ang ginawa
niyang pagtulong sa mga katipunero ay pinilit
siyang magsalita laban sa Katipunan.

EMILIO AGUINALDO
 Pinakabatang heneral na naging pangulo
ng Republika ng Pilipinas at siya ay
ipinanganak noong Marso 12, 1869.
 Sumali siya sa Katipunan, ang samahan na
pinamumunuan ni Andres Bonifacio, at dito
siya ay naging pinuno ng kampong
Magdalo.

ANDRES BONIFACIO

 Siya ay isang Pilipinong rebolusyonaryo at


bayani na nagtatag ng Kataastaasan
Kagalanggalang na Katipunan ng mga
Anak ng Bayan (KKK) o Katipunan, isang
lihim na lipunan na nakatuon sa
pakikipaglaban sa mga Español na
sumakop sa Pilipinas. Siya ay kinikilalang
“Ama ng Himagsikan at Rebolusyong
Pilipino” at kilala sa tawag na “Supremo.”
 Apat na araw pagkatapos ng pagkatatag ng
La Liga, noong Hulyo 7, 1892, itinuloy ni
Andres Bonifacio ang pakikibaka at nabuo
ang Kataastaasan Kagalanggalang na
Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKK) o
Katipunan sa bahay ni Deodato Arellano sa
Calle Azcarraga, Maynila.

JOSE P. RIZAL
 Si Jose P. Rizal (na may buong pangalang
Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso
Realonda) na ipinanganak noong Hunyo
19, 1861 ay ang Pambansang Bayani ng
Pilipinas na lumaban sa mga Español sa
pamamagitan ng kaniyang mga nobelang
Noli Me Tangere at El Filibusterismo noong
panahon ng pananakop ng España sa
bansa.
 Noong Hulyo 07, 1892, itinatag ni Rizal ang
samahang La Liga Filipina. Ang samahang
ang layunin ay pagkaisahin ang mga
Pilipino at itaguyod ang pag-unlad ng
komersyo, industriya at agrikultura. Subalit
dahil sa samahang ito, ipinakulong siya sa
Fort Santiago at kalaunan ay ipinatapon sa
Dapitan. Sa panahon ng pamamalagi niya
rito, nanggamot siya ng mga maysakit at
hinikayat ang mga tao rito na paunlarin ang
kapaligiran.
 Noong Disyembre 30, 1896, hinatulan si
Rizal ng kamatayan dahil napagbitangan
siyang nagpasimula ng rebelyon laban sa
mga Kastila at binaril sa Bagumbayan
(ngayon ay Luneta o Rizal Park)

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at Pangkatang Gawain:


paglalahad ng bagong kasanayan #2 Unang pangkat
(Continuation of the discussion of Isulat ang kontribusyon ng sumusunod na mga
natatanging bayani at kung paano mo sila
new concept)
pahahalagahan.
1. Jose Rizal
2. Marcelo H. Del Pilar
3. Melchora Aquino
4. Andres Bonifacio
5. Emilio Aguinaldo
Ikalawang Pangkat
Magbigay ng mga katangian ng mga Pilipinong
nakipaglaban upang makamit ang ating kalayaan
gamit ang fishbone.
Ikatlong pangkat:
Itala ang mga pamamaraan kung paano
maipapakita ang pagmamahal sa bayan at
pagpapahalaga sa mga bayaning nakopaglaban
para sa Kalayaan.

F. Paglinang sa Kabihasaan Paguulat ng bawat pangkat tungkol sa pangkatang


(Tungo sa Formative Gawain.
Assessment) (Developing Mastery)

F. Paglalahat ng Aralin PAGLALAHAT:


(Making generalizations and
abstractions about the lesson) Ang mga bayani nati’y nag-iwan ng mga
aral at halimbawa nang sila’y lumaban at
nagbuwis ng buhay para sa ating kalayaan.
Ipinamalas nila na ang pagmamahal sa tinubuang
lupa at sariling lahi ay ang pinakadakilang anyo ng
pag-ibig. Ikinintal nila sa ating mga isipa’t
damdamin na ang pagkakaroon ng sariling
pamahalaan ay mahalagang salik ng pagkabansa
– isang pamahalaang kinikilala, iginagalang at
ipinagmamalaki ng mga nasasakupan. Kaakibat
ng pagtatatag ng sariling pamahalaan ay ang
pagbalangkas ng saligang batas na magiging
batayan ng mga alituntuning susundin ng mga
mamamayan para sa ikabubuti ng lipunang
kanilang ginagalawan. (http://nhcp.gov.ph/%EF%BB
%BF%EF%BB%BFisang-pagpupugay-sa-ating-mga-bayani-at-
sa-pamana-nilang-kalayaan/

G. Pagtataya ng Aralin Panuto: Sabihin kung sinong bayani ang tinutukoy


(Evaluating learning) ng sumusunod na mga katanungan.

_________ 1. Ideneklara niya ang kalayaan ng


iwinagayway niya ang watawat ng Pilipinas sa
kaniyang bahay sa Kawit, Cavite.

_________ 2. Siya ay isang Pilipinong


rebolusyonaryo at bayani na nagtatag ng
Kataastaasan Kagalanggalang na Katipunan ng
mga Anak ng Bayan (KKK) o Katipunan.

_________ 3. Nagtatag ng samahang La Liga


Filipina at sumulat ng nobelang Noli Me Tangere
at El Filibusterismo.

_________ 4. Bahay niya ang naging pagamutan


ng mga katipunero at naging lugar sa
pagpupulong sa panahon ng himagsikan.

_________ 5. Isang propagandista at satiristang


rebolusyonaryong Pilipino.

H. Karagdagang gawain para sa


Sumulat ng isang liham pasasalamat para sa mga
takdang-aralin at remediation
natatanging Pilipinong nakipaglaban para sa
(Additional Activities for
kalayaan ng bansa.
application or remediation)
Remarks

I. Reflection a. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa


pagtataya._____

b. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba


pang gawain para sa remediation._____

Inihanda:

EDUARDO A. ZAMORA JR.


Dalubguro I

Nilagdaan:

FLORENCIA S. AUSTRIA
Ulong Guro III
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF NUEVA ECIJA
TAGAYTAY ELEMENTARY SCHOOL
TAGAYTAY, TALAVERA NUEVA ECIJA 3114

ATTENDANCE
CLASSROOM OBSERVATION
Quarter :__________________
Date:______________________

Name Signature

Prepared by:

EDUARDO A. ZAMORA JR.


Master Teacher I

Noted:

FLORENCIA S. AUSTRIA
Head Teacher III

You might also like