You are on page 1of 1

Halamang Gamot laban sa Problemang Medikal

Mula sa maliliit na sugat at paso hanggang sa malulubhang karamdaman, maaaring magpagaling ng


maraming sakit ang mga tradisiyonal na halamang gamot.
Buhat pa noong panahon ng ating mga ninuno, ginagamit na ang mga halaman sa panggagamot.
Naipasa rin sa mga sumunod na henerasiyon ang kaalaman hinggil rito.
“Mayaman ang Pilipinas sa mga halamang gamot at makatutulong ito sa ekonomiya,” ani Propesor Rebecca G.
David ng Faculty of Pharmacy. Ayon pa sa kanya “Ikinagagalit ko na pinagkakakitaan [lamang] ng ilang
dayuhan ang mga halamang gamot na tanging atin.”
Humigit-kumulang walo sa sampung tao sa buong mundo ang gumagamit ng halamang gamot dahil
mas mura ang mga ito, at higit na madaling mahanap kumpara sa pharmaceutical drugs, ayon sa datos ng World
Health Organization noong 2014.
Isa sa [mga] benepisyo ng paggamit ng halamang gamot ang mas mura nitong halaga kung
ikukumpara sa mga nabibiling gamot. Gayunpaman, may mga pagkakataong hindi nagiging epektibo ang mga
halamang gamot sa pagpapagaling ng sakit kung kaya na kailangang siguraduhin na tama ang paghahanda ng
mga ito, sapagakat maaari kasing makasama sa kalusugan ang maling preparasiyon ng mga ito.
Dumaraan sa mga klinikal na pagsusuri ang mga halamang gamot upang mapatunayan na nakalulunas
ito ng mga sakit. Sa kabila ng mga puna mula sa ilang dalubhasa sa larangan ng medisina, mahalagang isaalang-
alang na nagmula rin naman sa mga halaman ang karamihan sa mga pharmaceutical drugs.
Inilunsad ni dating Presidente Fidel V. Ramos ang Republic Act 8423 o ang Traditional and Alternative
Medicine Act noong 1997. Ito ang nagbunsod ng pagtatatag ng Philippine Institute of Traditional and
Alternative Health Care kung saan pinayayabong ang paggamit ng tradisiyonal at alternatibong pamamaraang
medikal sa pamamagitan ng pananaliksik at masinsinang product development.
Simula noon, nakapagbigay ng listahan ng mga halamang gamot sa Pilipinas ang Philippine Department of
Health sa pamamagitan ng kanilang Traditional Health Program. Ilan sa mga halamng gamot na kanilang
ibinigay ay ang mga sumusunod:
Ang akapulko o mas kilala sa tawag na “bayabas-bayabasan” o ringworm bush sa Ingles ang halamang
gamot na maaaring magpagaling ng ringworms at iba pang sakit sa balat. .Ginagamit naman ang buto ng
lanzones upang gamutin ang mga impeksiyong dulot ng mga parasitikong bulate na sanhi ng sakit ng
tiyan.Kilala bilang gamot sa diabetes ang ampalaya at sabila (aloe vera).Halimbawa rin ang bawang bilang
gamot sa pagbababa ng kolesterol sa dugo.Ginagamit naman ang lagundi sa paglunas ng ubo at hika, habang
ang dahon ng pandan naman ay pantanggal ng pangingirot na dulot ng rayuma.
Maraming halamang gamot sa Pilipinas ang natuklasan na ng mga eksperto. Kaya patuloy tnatin
itong tangkilikin dahil Malaki ang maitutulong nito sa ating mga problemang medical.

You might also like