You are on page 1of 2

Paggamit ng Marijuana bilang Medisina sa Paggamot ng Karamdaman

Ang debate sa mga therapeutic na benepisyo ng medikal na marijuana ay nagpapatuloy.


Mahigit sa 30 estado sa U.S. ang nagpapahintulot para sa medikal na paggamit ng marijuana. At
ang dumaraming bilang ay nagpapahintulot sa paggamit ng libangan. Gayunpaman, inuri ng
pamahalaang pederal ang marijuana bilang isang substansiyang kinokontrol ng Schedule I. Lubos
na sinusuportahan ng mga Amerikano ang legalisasyon ng marihuwana. Sa katunayan, ayon sa
Pew Research Center, 91% ng mga Amerikano ang sumusuporta sa pag-legalize ng marihuwana.
Sa mga iyon, 60% ang nagsasabing dapat itong legal para sa medikal at recreational na paggamit
at 31% ang nagsasabing dapat itong legal para sa mga medikal na dahilan lamang. Sa nakaraan,
ang mga klinikal na pagsubok upang matukoy kung ang marijuana ay epektibo sa paggamot sa
ilang partikular na kundisyon ay mahigpit at limitado. Gayunpaman, habang nagiging mas
karaniwan ang medikal na marijuana sa buong mundo, ang mga mananaliksik ay gumagawa ng
higit pang mga pag-aaral.
Hingid sa kaalaman ng lahat dito sa pilipinas, na ang marihuwana ay isang nakakaadik na
sangkap katulad ng droga. Pero ang mga ekspertong totoo ay alam na ang dahon na ito ay hindi
nakakasama kung ginagamit ito ng maayos. Ako, bilang isang mag-aaral ay na intrega din noong
narinig ko sa balita na karamihan sa mga bansa dito sa mundo ay kinikilala ang marihuwana bilang
isang halamang gamot na nakakatulong para mapuksa ang mga karaniwang sakit na nararamdaman
ng isang tao katulad ng “Pagduduwal”, ang marihuwana ay epektibo sa pag-alis ng pagduduwal at
pagsusuka. Ipinakita ng mga pag-aaral na maaaring mabawasan ng cannabis ang pagduduwal na
dulot ng chemotherapy at halos maalis ang pagsusuka. Sa mga nabasa kong artikulo, nakombinsi
ako na sumang-ayon sa ideyang “paggamit ng marijuana bilang medisina sa paggamot ng
karamdaman”, napatunayan naman ng mga eksperto na nakakatulong ang marihuwana sa
paggamot ng karamdaman. Kung tutuosin wala naman talagang mali kung gagamitin ito ng mga
tao sa tamang pamamaraan, nakakaadik man ito, ito ay mas ligtas kaysa sa mga iba pang mga
gamot na inireseta upang gamutin ang sakit. Halimbawa, maaaring gamitin ito ng ilang tao sa halip
na mga opioid para sa pamamahala ng sakit. Ang mga opioid ay lubos na nakakahumaling at
karaniwang hindi inirerekomenda para sa pangmatagalang paggamit sa pagpapagamot ng
malalang pananakit. May mga bagay talagang nagiging masama sa paningin ng tao dahil lamang
sa kanilang mga naririnig at nakikita sa media man o sa paligid, lalo na dito sa pilipinas, kadalasan
ng mga tao dito ay ginagamit ang marihuwana bilang isang ecstacy na nagdadahilan ng pagkawala
nila sa kanilang matinong pag iisip. Di naman talaga maitatanggi na merong masamang epekto
ang marihuwana sa ating katawan, katulad sa ating alaala, ang madalas na paggamit ng
marihuwana ay seryosong makaapekto sa ating panandaliang memorya, at sa ating baga, ang
paninigarilyo ng anumang bagay, ito man ay tabako o marihuwana, ay maaaring makapinsala sa
ating baga na nagdudulot ng kanser dito. Dapat ikalat ang mga impormasyong di nakatutok lang
sa isang panig na nagdudulot sa isang masamang imahe ng bagay sa mata ng mga tao, tama ay
ginagawa ng media lalo na ng mga balita sa telibisyon na ibahagi ang mga impormasyong ito para
ang mga tao ay mas maging edukado o marunong tungkol sa mga gantong bagay at di sila matakot
o matawa pag naririnig nila ang salitang marihuwana.
Kung tutuusin, ang marihuwana ay isa din sa mga halaman na maaaring itanim, diligan,
gamitin tulad ng ibang mga tanim. Ang tao ang pinaka makapangyarihan dito sa mundo dahil
nakabase sa kanilang kagagawan kung pano natin tignan ang isang bagay, ang marihuwana ay
ginagamit kadalasan sa mga masasamang gawain at yan ang kadalasan nating naririnig. Pero ang
mga magagandang dulot ng marihuwana ay di natin masyadong madinig dahil sa liit ng mga grupo
na nag susulong na gawing legal ang marihuwana sa ating bansa. Walang masama kung gagamitin
ito ng maayos, ang marihuwana ay may malaking potensyal na gawing gamot na nakakatulong sa
ating pakiramdam. At yan ang dahilan kung bakit pabor ako sa ideyang gawing medisina ang
marihuwana sa ating mga karamdaman.

Anne Nicole A. Walog


Grade 12 - Curie

You might also like