You are on page 1of 2

Ang mga doctor at mananaliksik sa iba’t ibang panig ng mundo ay nagsasagawa ng mga

puspusang pag-aaral ukol sa epekto ng paggamit ng marijuana sa katawan ng tao. Ang ilan rito ay
napatunayang mabisa ang marijuana sa paggamot ng sakit ng glaucoma. Ang glaucoma ay isang sakit na
kung saan ay tumataas ang pressure sa mata na sanhi ng pagkabulag. Binababa ng marijuana ang
namumumong pressure sa mata at ayon sa National Eye Institute, “ang mga pag-aarl noong 1970s ay
nagpapakita ns ang marijuana, kapag nasinghot ay nagpapababa ng Intraocular Pressure (IOP) sa mga
taong mayroong glaucoma. Isa pang mabuting nii=dudulot ng marijuana sa katawan ng tao ay ang
pagkontrol nito sa sa mga epileptic seizure o himatay. Sa isang pag-aaral noong 2003 ni Robert J. De
Lorenzo ng Virginia Commonwealth University, sa pagbigay ng ilang pirasong marijuana sa mga dagang
may himatay, gumaling ang mga ito mula sa mga epileptic seizure ng sampung oras. Dagdag niya, ang
mga Cannabinoids o mga kemikal na sa marijuana lamang natatagpuan ay tumutulong sa pagkontrol ng
seizures sa pamamagitan ng pagregula sa mga brain cells. Sa mga pag-aaral na isinasagawa, ang pinaka-
kinasasabikan ng lahat ng mga siyentipiko at mga mananaliksik ay ang kakayahan nitong pigilan ang
pagkalat ng kanser sa katawan ayon sa California Pacific Medical Center noong 2007. Pinipigilan ng
Cannabidiol ang pagkalat ng Cancer sa pamamagitan ng pagpapawalang-bisa ng Id-I, isang gene na
responsible sa pagpapakalat ng cancer base sa pag-aaral ng Molecular Cancer Therapeutics. Nadiskubre
rin sa ilan pang mga pag-aaral na ang paggamit ng marijuana ay nakatutulong upang pigilan ang
pagkakalulong sa alcohol at maging pag-alis ng pagkabalisa at pagkaligalig. Sa kasalukuyan, napakarami
pang mga pag-aaral ang isinasagawa upang lubos na maunawaan ang potensyal ng marijuana bilang
gamot.

Sa kabilang banda, bagaman napatunayan nang mabisa ang amarijuana sa paggamot ng ilang
mga karamdaman, hindi pa rin lubos na napag-aaralan ang tunay nitong kakayahan bilang gamot kung
kaya’t nananatili bilang kontrabando sa maraming bansa kabilang na ang Pilipinas. Sa papel na ito ay
nakabuo ako ng tatlong konkretong dahilan upang tutulan ang paggamit ng marijuana bilang gamot at
maging ang napipintong paglelegalisa nito. Una, maaari itong magkaroon ng negatibong epekto sa
katawan ng tao, pangmadalian (short-term) man o pangmatagalan (long-term). Kapag gumamit ang
isang tao ng marijuana, ang THC (Tetrahydrocannabinol) mula rito ay direktang dumadaloy sa mga
kaugatan patungo sa ibang mga bahagi ng katawan ng tao katulad ng puso, baga, at utak. Dahil dito,
naaapektuhan ang brain cell receptors na siyang nagtataas sa aktibidad ng utak at nagdudulot ng
kakaibang pakiramdam ng pagiging “high” at paggaan ng kanilang katawan. Dahil dito, naaapektuhan
ang ating mga pandama (mas matingkad ang mga kulay ng mga bagay). Nawawala rin ang kamalayan sa
oras at ang mga emosyon rin ay apektado. Lubos ring naaapektuhan ang kanilang pag-iisip at memorya.
Kapap naparami, maaari itong magdulot ng halusinasyon, delusyon, at maging sikosis, isang sakit sa pag-
iisip na mailalarawan bilang “kawalan ng kaugnayan sa realida”. Ang ilan sa mga pangmatagalang epekto
naman ng paggamit ng marijua ay tuluyang pagkasira ng utak ng tao. Sa isang pag-aaral sa New Zealand
na isinagawa ng Duke University, kanilang napag-alaman na ang mga taong nagsimula ng gumamit ng
ipinagbabawal na marijuana nang maramihan sa kanilang kabataan at patuloy na gumagamit ng
marijuana ay nawalan ng humigit-kumulang walong (8) puntos na IQ sa pagitan ng 13 hanggang 38 taong
gulang. Ayon sa BusinessInsider.com, sa regular na paggamit ng marijuana, maaaring makuha ang sakit
na Cannabinoid Hyperemesis Syndrome na nagdudulot ng labis na pagkahilo at pagsusuka sa mga
apektado nito.
Pangalawa, ang paggamit ng marijuana ay nagdudulot ng pagtaas ng bilang ng krimen sa isang
lugar. Ayon sa pag-aaral noong 2017, dalawang beses na mas marahas ang mga taong galing sa mga
pagamutan na minsang nang gumamit ng ipinagbabawal na marijuana kumpara sa mga umiinom lamang
ng alkohol. Ang karahasang ito ay pinag-uugatan ng krimen at isang halimbawa rito ay si Rudy Eugene,
isang mamatay-tao mula sa Miami na brutal na pinatay ang kaniyang biktima at aminadong nasa
impluwensiya ng marijuana. Isa pang halimbawa ay si Jared Tucson, ang pangunahing salarin sa Tucson
Massacre na ikinasawi ng anim na katao at ikinasugat ng labing-siyam pang iba. Ang salarin ay sabog na
sabog sa marijuana bago maganap ang karumal-dumal na krimen. Tunay nga na hindi maipagkakaila ang
masamang dulot ng marijuana sa utak at pag-iisip ng tao. Maaari siyang makakita o makrinig ng mga
bagay na hindi nMn talaga naroroon. Dahil sa mga delusyong ito, hindi naipoproseso nang maayos ng
utak ang mga mensahe na nagreresulta sa pagkalito sa alin ang tama at mali. Hindi malalaman ng isang
taong gumagamit ng marijuana ang hangganan ng kaniyang mga desisyon at limitasyon na nagreresulta
sa kaguluhan at karahasan.

Panghuli, napag-alaman na natin na nakasisira sa pag-iisip ng tao ang marijuana kung kaya’t
naaapektuhan rin ang sector ng ekonomiya at edukasyon. Ayon sa isang pag-aaral ng Bristol University
noong nakaraang taon, ang isang batang gumagamit ng marijuana ay 26 beses na mas mataas ang
posibilidad na gumamit ng mas delikadong droga. Dahil dito napapabayaan ng mga kabataan ang
kanilang pag-aaral. Sa isang pag-aaral ng World Health Organization noong 2014, napag-alaman na
dinoble ng marijuana ang bilang ng mga mag-aaral na nagdadrop-out. Ang kawalan ng angkop na
edukasyon dahil sa marijuana ay nagpabababa sa productivity ng isang tao at apektado rito ang pag-
unlad ng pamayanang kaniyang kinabilangan. Ang bilang na ito ay lubos na nakakaapekto sa sektor ng
edukasyon at pinipilayan rin ang pag-unlad ng sektor ng ekonomiya ng isang bansa.

You might also like