You are on page 1of 3

II.

Panimula
A. Pagpapakilala ng paksa

Ang ipinagbabawal na gamot ay isang sangkap na kapag ito ay pumasok sa loob ng ating katawan ay ma-
aapektuhan ang ating isip, pag-uugali, at pati na rin sa panlabas na anyo. Malaki ang magiging pinsala
nito sa isang tao at pati na din sa kaniyang nasasakupan, maaring magtuloy-tuloy at maging permanente
ang epekto nito sa katawan kahit pa na tumigil ang gumagamit kaya naman inaabisuhan na humingi ng
propesyonal na tulong. May tatlong paraan kung paano maipapasok ang ipinagbabawal na gamot sa
ating katawan ang mga ito ay-- Paglunok, Pagturok, at Pagsinghot.

Ayon sa ulat ng United Nations, ang Marijuana, Methamphetamine Hydrocloride “shabu” at Cocaine ang
pinakasikat na droga dito sa Pilipinas.

Bakit nga ba pumapasok o napapasok ang isang tao sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot?

Una ay ang impluwensiya ng kaniyang nasasakupan maaring nakuha at nakita niya ito sa mga kaibigan o
pamilya.

Pangalawa dahil ito sa kuryosidad ng isang tao. Ito ang dahilan kung bakit marami sa ating kabataan ang
gumagamit. Kahit isang beses na paggamit ng illegal na gamot ay hindi tayo makakalagpas sapagkat ito’y
hahanap-hanapin ng katawan at maaring dumepende ito sa gamot.

Pangatlo, dahil ang isang tao ay may bisyo na. Mayroon tayong tinatawag na Gate way drugs na kung
saan napapaloob dito ang pag-inom ng alak at pagsisigarilyo. Kapag ang isang tao ay hindi nakuntento sa
alak at yosi maaring gumawa siya ng desisyon na gumait ng illegal na gamot para lamang punan ang sa
tingin niyang kapos o kulang sa kaniyang pakiramdam.

Sanggunian:

https://www.gatewayfoundation.org/faqs/effects-of-drug-abuse/

https://mgaipinagbabawalnagamot.wordpress.com/
IV. Ang Sariling Posisyon sa Isyu
B. Ikalawang punto ng iyong Posisyon
Kawalan ng mental at emosyonal na pakiramdam

Ang illegal na gamot ay merong malaking porsyento ng Dopamine, isang neurotransmitter na


nag reregula ng emosyon ng isang tao kaya ito’y nakararamdam ng matinding kasiyahan o
nagiging “high” pagkatapos gumamit. Ang mga illegal na gamot na stimulant katulad ng cocaine
ay aatakihin ang ating pag-iisip kaya maari tayong magkaroon ng madaming mental health
problems katulad nalang ng depression, anxiety, psychosis, at schizophrenia.
Dahil sa mga ipinagbabawal na gamot tumataas ang kaso ng karahasan sa lipunan at sa loob ng
tahanan sapagkat ang mga gumagamit ay nagiging praning, nawawalan na ng kamalayan sa
paligid at hindi na nila na ko-kontrol ang kanilang emosyon na para bang hindi na sila ang nag
dedesisyon ng kanilang mga naiisip at ikinikilos.
Katulad na lang isang kasong aking napanood, pinatay ng isang ina ang kaniyang sariling anak
dahil sa impluwensya ng Droga sa Rizal, Laguna. Ayon sa ina nung gabing pinatay niya ang apat
na taong gulang na bata ay wala siya sa sarili at kung ano-ano ang kaniyang naririnig, ang akala
niya ay ang prinoprotektahan niya ay ang kaniyang anak. Sobrang dismayado at galit ang tatay
ng bata na kauuwi lang galing sa ibang bansa dahil isa itong OFW, nakakalungkot isipin na ang
pinaka pinagkakatiwalaan niya pa ang gagawa ng ganitong bagay sa binubuhay niyang anak.
Ayon sa ama ay hindi niya alam na ang ibang pera na kaniyang pinadadala ay ginagastos lang ng
nanay para bumili ng shabu.
Ang mga taong nasa ilalim ng ipinagbabawal na gamot ay ibang-iba ang ugali kapag sila ay
matino.

Sanggunian:
https://www.gatewayfoundation.org/faqs/effects-of-drug-abuse/

https://www.mentalhealth.org.uk/a-to-z/d/drugs-and-mental-health#:~:text=Stimulant
%20drugs%20can%20make%20you,any%20mental%20health%20issues%20worse.
https://www.facebook.com/watch/?v=457002528499109
V. Konklusyon
B. Plano ng pagkilos

Ngayon at alam na natin kung gaano kasakim ang epekto ng illegal na gamot, nararapat lang na tayo ay
magbigay ng kamalayan at nalalaman sa ibang tao na wag gagamit. Maaring makiisa tayo sa kilosan na
naglalayong magbigay impormasyon tungkol sa ipinagbabawal na gamot, maari din natin gamitin ang
ating mga talento sa pagsusulat at pagguhit sa paggawa ng poster na talagang agaw pansin at
makakapanghihikayat upang masugpo ang tumataas na bilang ng kaso ng gumagamit ng droga. Lubos na
nakatutulong ang social media sa pagpapakalap ng mga impormasyon kaya’t ito ang pinakamadaling
gamitin, ating gamitin ang ating mga platform sa pagpaparamdam na tayo ay mulat at dapat ganoon din
ang mga salat sa kaalaman tungkol dito.

You might also like