You are on page 1of 3

I.

TITLE PAGE

POSITION PAPER
Illegal Drugs

Brayan C. Brillantes

Grade 10 – May Kusa

ESP - Ma’am Elsie Dinawanao

March 3, 2024
II. PANIMULA

Ang "Drug Addiction" ay isa sa pinakamalaking suliranin na kinahaharap ng ating bansa magpasa
hanggang ngayon. Ang drug addction ay ang pagkalulong o pagkahumaling ng isang tao sa
ipinagbabawal na gamot. Hindi lamang ang pisikal na pangangatawan ang kaya nitong sirain kung
hind maging ang mental, emosyonal at moralidad ng isang tao ay maaari nitong wasakin. Isang
biktima nito ang taong adik o adikto ng pangangalakal ng mga ito o dahil na rin sa kaniyang sariling
pagpapasyang dala ng hindi makayang mga suliranin o katayuan sa buhay. Ang mga Pangkat ng
Bawal na Gamot ayon sa Wikipedia ay mayroong mga kapangkatan ang illegal na gamot.
Pinagpapangkat-pangkat ang mga ito ayon sa kanilang panggitnang sistema ng nerbiyos sa katawan.
Kasama sa pangunahing mga pangkat ng illegal na gamut ang mga pampahina o depresante
(pampakalma), mga pampasigla o estimulante at ang mga pampatakbo ng guni-guni o halusinoheno.
Isa dito ay ang pampahina o depresante. Ito ang mga gamot na nakapagpapabagal sa pagtakbo o
pag-andar ng panggitnang sistema ng nerbiyos ng katawan ng tao. Pati na ang pagpapabagal sa
pagdadala ng mga mensaheng papunta at nagmumula sa utak ng tao. Dahil sa gamot na ito,
bumabagal ang paghinga at ang pintig ng puso ng tao. Hindi ito mga gamot na nagpapahina o
nagpapalungkot sa isang tao. Halimbawa nito ay marihuwana, hashish, heroina at iba pa.

III. MGA ARGUMENTO SA ISYU

Hindi gumagamit ng illegal drugs ang ibang tao, dahil mas gusto nilang maging masaya ang kanilang
kinabukasan, kahit sila ay madaming iniisip na problema. Karagdagan dito, gusto nilang mapahaba
ang kanilang buhay ng hindi nila sasayangin ang kakaunting sahod sa bagay na makakasira sa
kanilang buhay.

IV. ANG SARILING POSISYON SA ISYU

Hindi ako sumusuporta sa illegal drugs. Bakit ko susuportahan ang illegal drugs kung sinisira niya
lamang ang kinabukasan ng kabataan? Ito ay walang magandang maidudulot sa mga taong may
binubuhay na pamilya at sa maliliit lang ang sahod. Marami na sa ating mga kababayan ang namulat
sa kawalan ng walang mabuting naidulot ng illegal drugs. Hindi lamang itong wala maidudulot na
maganda sa indibiduwal, kundi sa buong bansa.

V. KONKLUSYON

Plano Ng pagkilos. Umiwas sa mga kaibigan na gumagamit ng droga. Isa sa nag uudyok sa isang tao
na gumamit ng droga ay ang maga taong laging nakakasalamuha nito o tinatawag na barkada. Sa una
ay iinganyuhin ka na gumamit rin nit. Hindi ka naiiba sa grupo at karamihan sa kabataan, at hindi
magawa ang tumanggi. Masmabuti ng iwasan ang mga ganito klaseng kaibigan, kaysa masira ang
iyong kinabukasan. Sumali sa mga organisaayon na may layunin na mailayo ang isang tao sa
paggamit ng droga. Mahalaga makilahok ang isang kabataan sa mga organisasyon na naglalaga
mailayo ang isang kabataan sa paggamit Ng droga. Sa isang nakikilahok, mahalaga na matuto siyang
magbahagi ng kanyang nalalaman o nakalap na impormasyon, dahil makakatulong rin ito upang
madagdagan ang maalaman pag may alam laging ligtas.

VI. SANGGUNIAN

https://www.who.int/health-topics/drugs-psychoactive

https://www.drugfreeworld.ph/drugfacts/drugs/why-do-people-take-drugs.html

You might also like