You are on page 1of 10

EPEKTO NG DROGA SA SARILI

EPEKTO NG DROGA SA SARILI

Ang mga droga ay mga lason. Ang dami na ginamit ang makatitiyak sa resulta.

Ang kaunti ay nagsisilbing pampasigla (nagpapabilis sa iyo). Ang mas marami ay nagsisilbing sedatibo
(pinababagal ka). Ang mas marami pa ay nakalalason at maaaring makamatay.

Ito ay totoo sa kahit anumang droga. Tanging ang daming kinakailangan para makamit ang epekto ang naiiba.

Ngunit maraming droga ang may ibang panganib: ang mga ito ay direktang nakaaapekto sa isipan. Maaaring
pasamain ng mga ito ang pag-unawa ng gumagamit sa nangyayari sa kanyang paligid. Bilang resulta, ang mga
kilos ng taong iyon ay maaaring maging kakaiba, hindi makatwiran, hindi naaangkop at maaari pang mapanira.

Hinaharangan ng mga droga ang lahat ng mga pandama, ang mga kanais-nais ay pinapalitan ng mga hindi kanais-
nais. Kaya, habang nagdudulot ng panandaliang tulong sa pagpapaginhawa ng sakit, tinatanggal din ng mga ito
ang kakayahan at kalistuhan at pinalalabo ang pag-iisip.

Ang mga medisina ay mga drogang inilayon para mapabilis, mapabagal o mabago ang isang bagay tungkol sa
paano gumagana ang iyong katawan, para subukang mapahusay ang paggana nito. Minsan ay kinakailangan ang
mga ito. Ngunit ang mga ito ay mga droga pa rin: kumikilos ang mga ito bilang mga pampasigla o mga sedatibo,
at ang sobra ay makamamatay sa iyo. Kaya’t kapag hindi mo gagamitin ang mga medisina tulad ng kung papaano
dapat gamitin ang mga ito, maaaring maging kasing-panganib ng ilegal na mga droga ang
mga ito.

Ang “mga de-langhap” ay tumutukoy sa mga singaw galing sa nakalalasong mga bagay na sinisinghot para
magkaroon ng isang mabilis na high. Sa higit pa sa 1,000 pambahay at iba pang karaniwang produktong maaabuso
bilang mga de-langhap, ang pinakaginagamit ay shoe polish, glue, toluene,1 gasolina, lighter fluid (likido ng
lighter), nitrous oxide2 o “whippets,” spray paint (pinturang de-spray), correction fluid (likidong pambura),
cleaning fluid (likidong panlinis), amyl nitrite3 o “poppers,” locker room deodorizers (mga pantanggal ng amoy
ng locker room) o “rush,” at lacquer thinner o ibang solvent para sa pintura.

Karamihan sa mga produktong ito ay nakalilikha ng

mga epektong katulad ng mga pampamanhid, na nagpapabagal sa mga gawain ng katawan. Pagkatapos ng unang
high at pagkawala ng inhibisyon ay dumarating ang pagkahilo, panghihina at pagkabagabag.
EPEKTO NG DROGA SA PAMILYA

Maraming masamang epekto ang droga sa pamilya. Kapag ang isang miyembro ay nalulong sa masamang bisyong
ito, hindi niya magagampanan ang kanyang tungkulin sa pamilya. Ang mga magulang na gumagamit ng droga ay
hindi makapagbibigay ng sapat na pinansyal at emosyonal na suporta sa mga anak. Ang kanilang mga anak ay
mawawalan ng gabay sa paglaki at maaaring malihis din ng landas. Kapag naman isa sa anak ang gumagamit ng
droga, malaking dagok sa magulang at mga kapatid ang pagpaparehab dito. Ang problemang ito ay maaaring
makasira sa relasyon ng magulang, at ng magkakapatid. Ang tiyak na problema sa pera ay magiging malaki ang
epekto sa pang-araw-araw na buhay ng pamilya.
EPEKTO NG DROGA SA KAPWA

Ang tunay na kasagutan ay ang alamin ang mga katotohanan at hindi gumamit ng mga droga sa simula pa lamang.
BAKIT GUMAGAMIT NG DROGA ANG MGA TAO?

Gumagamit ng droga ang mga tao dahil may gusto silang baguhin sa buhay nila.

Heto ang ilan sa mga dahilan sa paggamit ng mga droga na ibinigay ng mga kabataan:

 Para makibagay
 Para “makatakas” o makapag-relaks
 Para mapawi ang pagkabagot
 Para maging parang matanda
 Para magrebelde
 Para mag-eksperimento

Akala nila na ang mga droga ay solusyon. Ngunit kalaunan, ang mga droga ang nagiging problema.

Mahirap mang harapin ang mga problema, ang mga kalalabasan ng paggamit ng droga ay palaging mas malala
kaysa sa problemang sinusubukang lutasin sa paggamit ng mga ito. Ang tunay na kasagutan ay ang alamin ang
mga katotohanan at hindi gumamit ng mga droga sa simula pa lamang.
EPEKTO NG DROGA SA KOMUNIDAD

"My God, I hate Drugs" yan ang matunog na salita ni Pangulong Duterte. Kaya naman sa kianayang pagupo
bilang pangulo ng bansa, agad siyang nagdeklara ng "war on drugs" kung saan sa kasalukuyang kalkulasyon
ayong sa report ng NPC-PNP, may mga higit 3-4 milyon ang apektado ng illegal na droga, may mga kulang-
kulang higit 1 Milyon na ang sumuko, mga 7,000 ang patay, 2,700 sa mga ito ay "Police related Encounters", at
ang natitirang malaking bahagdan nito ay dahil sa mga Vigilante group o "Death Squads".
Ang paggamit ng bawal na gamot ay masama sa ating katawan. Nagbubunga ito ng pagkasira ng ating katawan
at pagkabangag ng isang tao dahil apektado ang kanyang isipan. Kapag malala na ang paggamit ng isang tao sa
bawal na gamot, magdududlot ito ng Paranoia, kung saan ang isang taong lulong dito ay nakakaisip ng mga bagay
na maaring magdulot ng krimen gaya ng pagpatay at pangrerape na maaring sa mismong kamag-anak niya ito
gawin. Ang pagkalulong sa bawal na gamot gaya na lamang ng Methamphetamine o mas kilalang Shabu ay
nagpapaliit ng utak ng isang tao. Ang tubig kasi na ginagamit dito ay tubig ng baterya ng sasakyan. Ang baterya
ay may nakakalasong kemikal na Lead na nakakasira ng kalusugan ng isang tao at apektado nito ang utak nito
kaya lumiliit ito. Kapg nangyari ito maapektuhan rin ang kanyang pag-iisip maging ang kanyang pagdedesisyon.
Kaya't kramihan sa mga lulong sa droga ay sobrang payat na animo'y mga bangkay dahil walang inaatupag
kundi pagbabatak ng droga.
Sa pamayanan, kapag lango na ang isang tao o miymebro ng isang pamilya. Maaring maging "dysfunctional
family". Maaring kapag ang Anak ay lango sa droga, maaring patayin niya ang kanyang Ina, o Ama, Rape ang
kanyang mga kapatid. Magkakawatak-watak ang isang Pamilya at mas malala ang mangyayari kapag ang bawat
miyembro nito ay lango sa droga.
Sa labas ng pamilya, kapag ang isang pamayanan o lipunan ay may mga insedente ng mga taong lango sa droga
(Drug Addict, Drug User), hindi nalalyo ang pagkakaroon ng mga insidente ng mga krimen, tulad na lamang ng
Pagpatay, Rape at pagnanakaw. Mas magiging madalas ang mga insidente na ito dahil wala na sa wastong pag-
iisip ang isang tao kapag lulong na ito sa droga.
Bakit nga ba may mga taong naaakit at sapilitang pumapasok sa industriya ng illegal na droga? Sapagkat dahil sa
pangangailangan ng pera kaya sila nahuhumaling dito. Bukod sa nagiging "high" ka sa paggamit nito, kikita kapa,
dahil malakas ang kita dito. Ayon sa ulat ng PDEA, ang isang pakete o kada gram ng Shabu ay tumatagingting
na P25,000 at maaari pa itong tumaas base sa demand dito. Kaya karamihan ng mga pumapasok sa industriya na
ito ay ang mga mahihirap nating mga kababayan. Kaya naman, hindi na kaduda-duda na karamihan sa napapatay
o natotokhang sa mga tao ay ang mga mahihirap na tao. Dahil karamihan sa mga gumagamit ng illegal na droga
ay nasa sektor o lebel ng lipunan ng mga mahihirap na tao. Hindi rin kataka-taka kung bakit ang mga politiko,
pulis, at ibang pang kawani ng pamahalaan ay sangkot dito dahil na rin sa lakas ng kita.
Ang epekto ng bawal na gamot ay isang malalang suliraning panlipunan ng ating bansa at maging ng ibang bansa.
Kaya naman sinisikap ng pamahalaan na masugpo ang transaksyon nito maging ang mga taong sangkot dito upang
mabawasan ang mga napeperwisyo at maging ang krimen na dulot nito. Ang pasugpo ng droga ay magigigng
pagmatagalan na pakikibaka ng ating pamahalaan upang masugpo ito. Mas magiging mahirap ang pagsugpo nito
kung maging mismong mga kawani ng gobyerno ay sangkot dito.
EPEKTO NG DROGA SA BANSA

Ang mga droga ay naging bahagi na ng ating kultura simula pa noong kalagitnaan ng nakaraang siglo. Pinasikat
noong mga 1960 ng musika at pangkalahatang pamamahayag, sinasakop ng mga ito ang lahat ng aspeto ng
lipunan.
Humigit-kumulang 208 milyong tao sa buong mundo ang gumagamit ng ilegal na mga droga. Sa Estados
Unidos, ipinakita ng mga resulta ng National Survey on Drug Use and Health (Pambansang Sarbey sa Paggamit
sa Droga at Kalusugan) noong 2007 na 19.9 milyong Amerikano (o 8% ng populasyong gulang 2 o mas
matanda pa) ay gumamit ng ilegal na mga droga isang buwan bago isinagawa ang sarbey.
Maaaring may kakilala kang naapektuhan ng mga droga, direkta o hindi direkta.
Ang pinakakaraniwang ginagamit at inaabusong droga sa Estados Unidos ay alkohol. Ang mga aksidente sa
kalsadang may kinalaman sa alkohol ang ikalawang pangunahing sanhi ng kamatayan ng mga kabataan sa
Estados Unidos.
Ang pinakakaraniwang ginagamit na ilegal na droga ay marijuana. Ayon sa Pandaigdigang Ulat sa Droga ng
Mga Nagkakaisang Bansa noong 2008, mga 3.9% ng populasyon ng buong mundo sa pagitan ng gulang na 15
at 64 ay umaabuso ng marijuana.
Ang mga kabataan ngayon ay nalalantad nang mas maaga sa mga droga kumpara sa kahit anong panahon. Batay
sa isang sarbey ng Centers for Disease Control noong 2007, 45% ng mga mag-aaral ng mataas na paaralan sa
buong bansa ay uminom ng alkohol at 19.7% ang humithit ng marijuana sa loob ng isang buwan.
Sa Europa, ipinakita ng isang kamakailang pag-aaral sa mga 15 at 16 taong gulang na ang paggamit ng
marijuana ay paiba-iba mula sa mas mababa sa 10% hanggang sa higit sa 40%, kung saan ang pinakamatataas
na antas ay inuulat ng mga kabataan sa Czech Republic (44%), sinusundan ng Irelanda (39%), Inglatera (38%)
at Pransiya (38%). Sa Espanya at Inglatera, ang paggamit ng cocaine sa mga gulang 15 hanggang 16 ay 4% to
6%. Ang paggamit ng cocaine sa mga kabataan ay tumaas sa Denmark, Italya, Espanya, UK, Norway at
Pransiya.
“Ang layunin ko sa buhay ay hindi ang mabuhay ... ang layunin ko sa buhay ay ma-high. Sa paglipas ng mga
taon, bumaling ako sa cocaine, marijuana at alkohol sa maling paniniwala na hahayaan nito akong makatakas
mula sa aking mga problema. Pinalala lamang nito ang mga bagay-bagay. Palagi kong sinasabi sa aking sarili,
titigil na ako nang tuluyan pagkatapos gumamit sa huling pagkakataon. Kahit kailan hindi ito nangyari.” —John
“Nagsimula ito sa weed, pagkatapos ay mga pildoras (Ecstasy) at acid, gumagawa ng mga cocktail ng lahat ng
klase ng mga droga, at hinahayaan ko pang masobrahan ang sarili ko para mapatagal pa ang mga epekto.
Nagkaroon ako ng hindi magandang trip isang gabi... Nagdasal ako’t umiyak para mawala ang pakiramdam na
ito, nakarinig ako ng mga boses, nangangatog at hindi makaalis ng bahay sa loob ng anim na buwan. Akala ko
pinapanood ako ng lahat ng tao. Hindi ako makapaglakad sa
mga pampublikong lugar. Diyos ko po! Ni hindi man lamang ako makapagmaneho.
“Nauwi ako sa pagiging walang tirahan, nabubuhay at nakatira sa isang kartong kahon, namamalimos at
naghihikaos na humanap ng mga paraan para makuha ang susunod kong makakain.” — Ben

You might also like