You are on page 1of 6

Malaki ang papel na ginagampanan ng mga kababaihan sa ating lipunan.

Hindi natin

maitatanggi ang kanilang kontribusyon sa pagunlad ng ekonomiya, edukasyon politika at iba pa.

Bilang ina, kapatid o anak man ay dapat natin silang igalang, pahalagahan at protektahan. Ang

pagprotekta sa karapatan ng mga kababaihan ay isa sa mga tungkulin ng ating pamahalaan ngunit

ang tungkuling ito’y tila ba di binibigyan pansin at seryosong pagtugon ng gobyerno.

Masasalamin ito sa mga diskurso ng ating Pang. Rodrigo Duterte. Biro man o hindi, ang mga

naging pagtugon ng pangulo sa mga katanungang ibinabato sa kanya patungkol sa mga

kababaihan ay tunay na hindi katanggap-tanggap kung ating pagbabatayan ang konteksto ng mga

pahayag na ito. Iginiit din ng grupong Gabriela na ang sanhi rin kung bakit tila naging normal na

ang kultura ng kawalan ng pagpapahalaga sa mga kababaihan ay dahil sa mga pahayag umano ni

Pangulong Rodrigo Duterte ukol sa mga babae.

Dito sa Pilipinas ay hindi naman na lingid sa kaalaman nating mga Pilipino ang patuloy

na pagtaas ng kaso ng rape at pangaabuso sa mga kababaihan, gayundin ang pabata ng pabatang

biktima ng mga karumaldumal na gawaing ito. Ayon sa datos ng Center for Women’s Resources

(CWR), kada 53 minuto, isang babae o bata ang nagagahasa. Ayon pa sa CWR, tumaas ng 92%

ang mga naitalang rape cases mula 5,132 noong 2010 tungo sa 9,875 nitong 2014. 75% ng mga

naitalang kaso ng rape ay mga batang may edad 1 hanggang 17 ang biktima. Kung iisipin, sa

panahon ngayon ay tila nga natural na lamang o “norm” para sa atin na makarinig ng mga balita

na gaya nito sa radio, telebisyon at mga social media sites. Talamak na rin sa panahon natin

ngayon ang tinatawag na “victim-blaming”. Ayon sa Philippine Commission on Women o PCW,

ang panggagahasa ngayon ay sa babae na nasisisi, dahil sila ay kanilang tinaguriang flirtatious o

mapangakit na gawain at pananamit na nagtutulak sa mga kalalakihan na sila ay

pagsamantalahan. Ang mga babae rin ang kadalasang nasisi kung bakit sila nabubugbog.
Maraming babae ang binabansagang “naggers” ng kanilang sariling mga asawa o di kaya pabaya

sa kanilang mga obligasyon bilang asawa kaya’t nagresulta ito sa kanilang pagkabugbog. Sa tala

ng National Demographic and Health Survey, 2 sa 5 biktima ang hindi nakakapag-sumbong sa

mga awtoridad sa kanilang naranasang karahasan.

Sa Davao City, isang partido na nagngangalang Gabriela ang nagbukas ng isip para sa mga

kababaihan patungkol sa kanilang karapatan. “Dapat i-maximize ang mga tagapagtaguyod ng mga

karapatan ng babae ang halalan village konseho upang labanan ang katiwalian sa mga opisyal ng

antas ng komunidad at presyon upang ipatupad ang Anti- VAWC istruktura at iba pang mga

programa- gender- related,” ani Emmi De Jesus ng Gabriela Women Party Representatives. Ang

Republic Act No. 9262 o Anti Violence Against Women and their Children (VAWC) Act of 2004

ay ang batas laban sa karahasan sa kababaihan at sa kanilang mga anak. Ito ay ipinasa sa kongreso

noong Pebrero 2004 na pinirmahan ni dating Pangulong Gloria Arroyo noong Marso 8, 20004 at

naging epektibo noong Marso 23, 2004. Sumasaklaw sa batas na ito ang mga pangaabuso sa mga

sumusunod na kategorya:

1) Pisikal

Gumagamit ang mga taong nang-aabuso nang maraming taktika upang mapanatili

ang kapangyarihan at pagkokontrol, katulad ng; pag-aatake sa katawan, halimbawa

pagsasakal, panunulak, pananampal, panununtok, panggugulpi, paninipa at pagbabanta

ng kapahamakan.
2) Sekswal

Mga kilos ng seksuwal na karahasan, sapilitang pagtatalik o pamimilit sa isang

tao na gumawa ng mga seksuwal na kilos na hindi nila gustong gawin, pamimilit na

manuod ng X-rated na pelikula at pambubugaw ng asawa o anak.

3) Sikolohikal

Katulad ng pagbibigay-sala sa taong inaabuso para sa abusong pagkilos,

pagsasabi sa taong inaabuso na mayroon siyang problema sa kalusugan ng kaisipan o

mga karamdamang pagkabalisa, pagmamanipula o sadyang pagbabaliktad sa

katotohanan, paglipat ng mga personal na pag-aari, paninira ng gamit, pananakot,

pamamahiya sa publiko, madalas na pagmumura o iba pang berbal na pangaabuso,

pangangaliwa at panunutok ng baril o iba pang nakamamatay na armas.

4) Pinansyal

Pang-aabuso sa pananalapi, katulad ng hindi pagbibigay ng pera para sa mga

pang-araw-araw na gastusin o "pera sa pangangasiwa ng tahanan", paghadlang sa isang

tao na magtrabaho, pagmamanipula sa sistema sa pagsuporta ng bata, pananakot sa isang

tao upang pumirma sila ng mga legal at pinansiyal na dokumento na maaaring maglagay

sa kanila sa pagkakautang, pagtayo sa ibabaw ng isang tao upang humingi ng pera.

Iba pang mga halimbawa ng pangaabuso sa kababaihan:

 Pang-aabusong emosyonal, pagtawag gamit ang pangalang nakakainsulto at mga pahayag

upang mapahiya o punain ang isang tao , walang respetong pagtrato.


 Paghihiwalay mula sa mga suporta, pamilya at komunidad, o paggamit ng pamilya o

komunidad upang manakot. Maaaring kabilang dito ang pagpapadala ng mga text o

pagpopost sa Facebook.

 Ang paniniktik (stalking) o pagsusubaybay sa "bawat kilos", kabilang ang paniniktik sa

internet, sa pamamagitan ng social media, paggamit ng mga GPS tracking device, atbp.

 Paghahadlang sa isang tao sa pagsasagawa ng kanyang espiritwalidad o

pananampalataya, o pamimilit sa kanyang magkaroon ng pananampalataya o

espiritwalidad na hindi kanyang sarili.

 Paghahamak o pagbabantang hamakin ang mga mahal sa buhay, kabilang ang mga anak.

 Paghahamak o pagbabantang hamakin ang mga alagang hayop.

 Pang-aabusong legal, katulad ng pagsasamantala sa sistema ng batas para sa pamilya

upang manakot, sairin, pagsamantalahan o tanggalan ng kapangyarihan ang isang tao.

Ang mga taong nang-aabuso ay nakakapagkontrol sa mga paraang natatangi para sa

bawat relasyon. Sa ilang mga relasyon, ang hindi pagbibigay ng panustos ng gamot ay isang

pattern sa pagkontrol. Ang mga mapagmanipulang pag-uugali, kagaya ng pagbabantang

magpapakamatay o saktan ang sarili kapag sinusubukan ng isang tao na umalis sa relasyon,

ay bahagi rin ng pattern sa pagkontrol. Sa sitwasyon kung saan ang babaeng may kapansanan

ay umaasa sa tulong o pangangalaga, ang pag-urong ng pangangalaga o ang pagmamanipula

ng pangangalagang iyon ay mga paraan upang itakda ang isang pattern ng pagkontrol sa

isang hindi katanggap-tanggap na paggamit ng kapangyarihan. Ang pagpapasama sa pag-

aalaga ng ina sa kanyang sanggol sa pamamagitan ng paghadlang sa pagpakalma o pagsuso

ng mga sanggol ay isang anyo ng karahasan sa tahanan o pamilya.


Sa aspeto ng edukasyon

Ayon sa National Commission on the Role of Filipino Women (1998), sa antas ng

edukasyon, diniriiin ang pagtugon sa mga biases at maling pagtingin sa di pagkakapantaypantay

ng kasarian. Kamakailan lamang ay ang DepEd Memorandum (2016) para sa “Conduct of Gender

and Development Activities” na naka-angkla sa mandato ng Republic Act No. 9710 na may

pagtuon sa tinatawag na “gender-fair education.” Sa gitna ng ganitong mga aksyon at programa,

sa pagtataya nina Sumadsad at Tuazon (2016), mainam pa sana kung lalo pang mapapalawig ang

mga programang kaugnay ng gender and development (GAD) sa Pilipinas—partikular sa

pagpapalawig ng naabot ng mga kaalamang pangkasarian.

Nabanggit sa pag-aaral ni Awi ang ideya ng gender mainstreaming sa mga pag-aaral,

programa, at polisiyang pangkasiran. Ang gender mainstreaming ay ang kaparaanan sa

pagdidisensyo, pagsasakatuparan, at pag-eebalweyt ng mga polisiya at programang panlipunan

nang may pagsasaalang-alang sa kasarian (RA 9710 o Magna Carta of Women, p. 7). May

pinagbubuhatan rin ang ideya ng gender mainstreaming sa mga modelo at pagteteorya hinggil sa

kasarian at sa implikasyon nito sa mga programa/polisiyang pangkaunlaran (Razavi & Miller,

1995). Kaya naman, kasama sa Philippine Framework Plan for Women (PFW; na nalathala sa

Philippine Commission on Women ay ang mga programa para sa gender mainstreaming. Sa

kabilang banda, marami ng mga batas ang naipasa upang pangalagaan ang karapatan ng mga

kababaihan. Isa sa mga kumprehensibong batas ay ang RA 9710 o ang Magna Carta of Women.

Diniriin dito ang Article 1 ng Universal Declaration of Human Rights na nagdedeklara

pagkakapantay-pantay sa dignidad at karapatan ng lahat ng tao.Nakaangkla sa RA 9710 ang Joint

Memorandum Circular No. 2010-2 na nagtatalaga naman ng VAW desk sa bawat barangay sa

Pilipinas.
Ang karahasan sa kababaihan ay isang malaking isyu na tila ayaw mawala sa ating

lipunan. Hanggang ngayon, kahit pa moderno na ang panahon, marami pa ring mga babae ang

nakakaranas ng pananakit, panlilibak at panggagahasa, dapat nating maisawata ito. Ito ay dapat

na magmumula sa ating mga lider pagkat sila ang mga nagsisilbing modelo ng tamang paguugali

at moralidad ng isang Pilipino, ngunit sa mga salitang binibitawan pa lamang ng ating pangulo,

mukhang mas mahihirapan pa tayo. Kahit ano pang kaunlaran ang ating maabot, ito ay

mawawalang halaga kung hindi tayo marunong kumilala sa dignidad ng bawat isa. Ang

karahasan sa kababaihan ay isang pagyurak ng dignidad hindi lamang ng babae, kundi ng bawat

Pilipino.

You might also like