You are on page 1of 5

ARALING PANLIPUNAN 10 (MGA KONTEMPORARYONG ISYU)

(QUARTER 3 WEEK 6-7)


ISULONG PAGTANGGAP AT PAGGALANG SA KASARIAN AT
ITAGUYOD ANG PAGKAKAPANTAY- PANTAY!
Kasanayang Pampagkatuto (Most Essential Learning Competency)
Layunin Pagkatapos ng aralin, inaasahang malilinang ang mga sumusunod na
kasanayan:
1.Napapahalagahan ang tugon ng pamahalaang Pilipinas sa mga isyu ng karahasan at diskriminasyon.
(AP 10IKL-IIIi-10)

2.Nakagagawa ng malikhaing hakbang na nagsususulong ng pagtanggap at paggalang sa kasarian na


nagtataguyod ng pagkapantay-pantay ng tao bilang kasapi ng pamayanan. (AP 10IKL-IIIj-11)

Pagtalakay
Ang pang-aapi sa mga kababaihan o ang violence against women o VAW ay ang pagmamalupit sa mga
kababaihan dahil sa kultura at kalakarang panlipunan na nakabantay sa pagpapahalaga ng isang uri ng
kasarian. Ilan sa mga anyong karahasan ayon sa DOH ay ang mga sumusunod:

Anyo Halimbawa
Pisikal na karahasan pambubugbog, pananadyak, at pamamalo
Malaswang karahasan paggamit ng malalaswang katawagan at
pamimilit sa mga malalaswang gawain
Sikolohokal na karahasan pananakot, stalking o patagong pagmamasid,
berbal na pangaabuso, at paninirang-puri
Ekonomik na karahasan pamimilit sa mga kababaihan na maging
palaasa at pagtanggal sa mga oportunidad sa
pagtatrabaho

Dahilan ng Pang-aapi sa Kababaihan

Pananaw sa Gender Roles – Ang karaniwang pananaw sa ginagampanan ng lalaki at babae ay mula
saisang uri ng kalakaran o norm. Dahil sa pagtanggap ng mga kalalakihan sa kalakaran ng lipunan
(nakaraniwang patriarkal) hinggil sa ginagampanan ng mga kababaihan, nagagawang maabuso ito ng
ilang kalalakihan upang maipakita ang kanilang tungkulin bilang lalaki. Ayon sa naturang pag-aaral, ang
mga lalaking tinatanggap ang paniniwalang magkapantay ang babae at lalaki ay may mababang
pagkakataong maging marahas sa babae.
Kultura ng Pang-aapi – Ayon sa political analyst na si Iris Marion Young, may limang uri ng pang-aapi na
nararanasan ng tao: pananamantala (exploitation), pagbubukod (marginalization), kawalan ng
kapangyarihan (powerlessness), imperyalismo ng kultura (cultural imperialism), at karahasan (violence)
ang lahat ng ito ay nararanasan ng mga kababaihan, isang uri ng kultura ng pang-aapi na nararanasan ng
maraming kababaihan ay ang patuloy na pananakit sa kanila. Kung ilalapat ang konsepto ng kultura ng
pang-aapi sa mga kababaihan, ito ay ang karanasan at kalakaran ng pananamantala sa mga kababaihan
para sa kita; pagtatrato sa babae bilang "mahina" at "hindi kapareho ng lalaki"; kawalan ng kalayaan
dahil sa mga pananaw na ang babae ay para lamang sa bahay; dominasyon ng kultura ng pagkalalaki o
ng patriyarkiya (na sanhi ng domestic violence); at sa karahasang nararanasan ng babae mula sa
pananakit sa kanila. Ayon sa Sikolohiya, napahahalagahan ito ng mga tao dahil sa karanasan ng pang-
aapi mula sa pagkabata na nadadala hanggang sa pagtanda. Ibig sabihin, kapag naranasan o lumaki ang
isang tao sa karahasan mula sa pagkabata (o sa pagkabinata/ pagkadalaga) at hindi ito naaagapan agad
sa pamamagitan ng counseling, mas mataas ang pagkakataong madadala niya ang ugaling marahas sa
pagtanda

Kawalan ng Suporta sa Kabuhayan at sa Serbisyong Panlipunan – Dahil sa kalagayan nila sa puwersa ng


produksyon hindi sila nabibigyan ng pagkakataong magkaroon ng mabuting kabuhayan. Isa ito sa mga
suliraning pangkabuhayan na kinakaharap ng mga kababaihan sa mga lipunan sa daigdig. Sinabi na sa
mga lugar na may mataas na insidente ng kakulangan o kawalan ng kabuhayan nagkakaroon ng pang-
aapi sa mga kababaihan. Naaapektuhan ang relasyon ng mga lalaki at babae sa mga lugar na ito dahil sa
kahirapan. Ang mga babaeng may mataas na pagpapahalaga at etika, may pinag-aralan, at may mga
malawak na social circles o grupo tulad ng pamilya, kaibigan, at katrabaho ay nakararanas ng mas
mababang insidente ng karahasan, kung ikukumpara sa mga babaeng may kakulangan sa etika, social
circles, at edukasyon. Ang mga kababaihan sa pampubliko at pribadong larangan ay kadalasang
nagkakaroon ng suliranin sa kanilang mga kasintahan o asawa. Dahil sa kapaligiran ng ilang kalalakihan
na nababalot sa tensyon at dahas, at kung isasama pa ang mga nakasasamang mga kemikal tulad
ipinagbabawal na gamot at alak na nakakaapekto sa pag-iisip, nakukuha nila ang mga kaugaliang
marahas tulad ng pambubugbog, pagmumura, at panduduro sa mga kababaihan. Ang lahat ng ito ay
nag-uugat sa kahirapan at sa mabigat na responsibilidad ng maraming kalalakihan na itinakda ng
lipunan.

Epekto ng Pang-aapi sa Kababaihan


 Epekto sa kalusugan – Isa sa pinakamalaking naaapektuhan ng karahasan ay ang kalusugan. Ang
nakaranas nito ay maaaring maapektuhan sa kanyang pisikal na pangangatawan, isip, at
damdamin. Isang halimbawa ng domestic violence ang pambubugbog at pamamalo sa kanilang
katawan na maaaring humantong sa matinding depresyon, kapaguran o kaya ay kamatayan.
May ilang kaso din ng pang-aapi na nakapagdudulot ng mga malulubhang sakit tulad ng Auto
Immunodeficiency Syndrome o AIDS
 Epekto sa kabuhayan – Sa aspekto ng kabuhayan, ang mga kababaihan na biktima ng karahasan
ay maaaring makaranas ng kawalan ng hanapbuhay sanhi ng kanilang sakit sa katawan,
mababang pasahod, kawalan ng kakayahang mamuhay nang mapayapa, at kawalan ng suporta
para sa kanilang sarili. Halimbawa, dahil sa pang-aapi sa mga kababaihan sa kanilang kabuhayan,
nawawalan sila ng oras para magliwaliw at maging masaya sa kanyang buhay.

 Epekto sa moralidad – Naapektuhan ang moralidad o pagpapahalaga ng mga tao kapag


nararanasan ng mga kababaihan ang pang-aapi dahil nangyayari ito sa likod ng sari-saring mga
pagbabatikos at batas laban dito. Dahil sa kultura ng karahasan, nagkakaroon ng pagkiling sa
karahasan ang mga tao. Ito ay dahil tinatanggap ng marami at patuloy na ginagawa ito. Sinasabi
sa Sikolohiya na kapag lumaki ang tao sa isang marahas na kapaligiran, mahihirapan siyang
tanggapin ang mga mabubuting kaugalian. Halimbawa, ang mga batang lumaki na may mga
marahas na magulang ay may mataas na pagkakataong magiging marahas sa kanilang pagtanda.

 Epekto sa mga relasyon – Kapag nararanasan ng mga kababaihan ang karahasan, sinasabi rin na
ang kanilang pakikipag-ugnayan sa kamag-anak, kaibigan, katrabaho o ng iba pang malapit sa
kanila ay naaapektuhan din. Sinabi ng WHO na ang mga batang lumaki sa mga pamilyang may
karanasan sa karahasan ay maaaring magkaroon ng emotional at behavioral disturbances o mga
problema sa damdamin at mga kaugalian na maaari ring humantong sa mga ugaling marahas sa
pagtanda. Ang mga babae ay lalong mahihirapan sa kanilang pakikitungo sa ibang tao dahil sa
kahihiyan at kalungkutan.

Anti-Violence Against Women and Their Children Act


Ang Anti-Violence Against Women and Their Children Act ay isang batas na nagsasaad ng mga
karahasan laban sa kababaihan at kanilang mga anak, nagbibigay ng lunas at proteksiyon sa mga
biktima nito, at nagtatalaga ng mga kaukulang parusa sa mga lumalabag dito. Ang mabibigyan ng
proteksiyon ng batas na ito ay ang kababaihan at kanilang mga anak. Ang “kababaihan” sa ilalim
ng batas na ito ay tumutukoy sa kasalukuyan o dating asawang babae, babaeng may
kasalukuyan o nakaraang relasyon sa isang lalaki, at babaeng nagkaroon ng anak sa isang
karelasyon. Ang “mga anak” naman ay tumutukoy sa mga anak ng babaeng inabuso, mga anak
na wala pang labing-walong (18) taong gulang, lehitimo man o hindi at mga anak na may edad
na labing-walong (18) taon at pataas na wala pang 4 kakayahang alagaan o ipagtanggol ang
sarili, kabilang na rin ang mga hindi tunay na anak ng isang babae ngunit nasa ilalim ng kaniyang
pangangalaga. Ang mga maaring magsagawa ng krimeng ito at maaring managot sa ilalim ng
batas na ito ay ang mga kasalukuyan at dating asawang lalaki, mga kasalukuyan at dating
kasintahan at live-in partners na lalaki, mga lalaking nagkaroon ng anak sa babae, at mga
lalaking nagkaroon ng “sexual or dating relationship” sa babae.

Magna Carta for Women


Ang Magna Carta for Women ay isinabatas noong Hulyo 8, 2008 upang alisin ang lahat ng uri ng
diskriminasiyon laban sa kababaihan at sa halip ay itaguyod ang pagkakapantay-pantay ng mga
babae at lalaki sa lahat ng bagay, alinsunod sa mga batas ng Pilipinas at mga pandaigdigang
instrumento, lalo na ang Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against
Women o CEDAW. Layunin nito na itaguyod ang husay at galing ng bawat babae at ang
potensiyal nila bilang alagad ng pagbabago at pag-unlad, sa pamamagitan ng pagkilala at
pagtanggap sa katotohanan na ang mga karapatan ng kababaihan ay karapatang pantao.
Mga nararapat at mabisang paraan ng pamahalaan upang maisatuparan ang mga
layunin ng batas (Magna carta for women)

 Paglikha at pagpapatupad ng mga batas, patakaran at programa na nagsasaalang-alang sa mga


pangangailangan ng mga babae, tungo sa kanilang kahusayan at kabutihanpaglikha at
pagpapatupad ng mga batas, patakaran at programa na nagsasaalang-alang sa mga
pangangailangan ng mga babae, tungo sa kanilang kahusayan at kabutihan
 Pag-gawa ng mga hakbang upang marepaso o maalis ang mga batas, patakaran, programa, at
polisiya na nagpapalala sa diskriminasiyon laban sa kababaihan.
 Ang basagin ang mga stereotype at tanggalin ang mga istrukturang panlipunan tulad ng
kostumbre, tradisyon, paniniwala, salita at gawi na nagpapahiwatig nang hindi pantay ang mga
babae at lalaki.

Lahat ng babaeng Pilipino, anuman ang edad, pinag-aralan, trabaho o hanapbuhay, propesyon,
relihiyon, uri o pinagmulan ethnicity ay saklaw ng Magna Carta. Binibigyan ng batas na ito nang
nabubukod na pansin ang kalagayan ng mga batang babae, matatanda, may kapansanan, mga
babae sa iba’t ibang larangan, Marginalized Women, at Women in Especially Difficult
Circumstances

*Ang tinatawag na Marginalized Women ay ang mga babaeng mahirap o nasa di panatag na
kalagayan. Sila ang mga wala o may limitadong kakayahan na matamo ang mga batayang
pangangailangan at serbisyo. Kabilang dito ang mga kababaihang manggagawa, maralitang
tagalungsod, magsasaka at manggagawang bukid, mangingisda, migrante, at kababaihang
Moro at katutubo. **Ang tinatawag namang Women in Especially Difficult Circumstances ay
ang mga babaeng nasa mapanganib na kalagayan o masikip na katayuan tulad ng biktima ng
pang-aabuso at karahasan at armadong sigalot, mga biktima ng prostitusyon, “illegal
recruitment”, “human trafficking” at mga babaeng nakakulong.

You might also like