You are on page 1of 3

ARALING PANLIPUNAN G10 – KONTEMPORARYONG ISYU

IKATLONG MARKAHAN

Lecture # 5
Mga Isyu sa Kasarian at Lipunan: Karahasan sa mga Lalaki, Babae at LGBT

GENDER- BASED VIOLENCE


- Ayon sa European Institute for Gendr Equality (EIGE) ang karahasan na nakabase sa
kasarian ay isang phenomena na malalim na nakaugat sa hindi pagkakapantay-
pantay ng kasarian, at patuloy na maging isa sa mga pinakakilalang mga paglabag
sa karapatang pantao sa lahat ng mga Lipunan.
- Ang karahasang nakabatay sa kasarian ay karahasan na laban sa isang tao dahil sa
kanilang kasarian. Parehong kababaihan at kalalakihan ay nakakaranas ng
karahasan na nakabatay sa kasarian nbugnit ang karamihan sa mga biktima ay
kababaihan.

MGA URI NG GENDER- BASED VIOLENCE

1. Pisikal
- Anumang karahasan na nagdudulot ng pananakit sa katawan o banta ng pananakit
sa katawan. Halimbawa: panununtok, pambubugbog, pananampal, panghihila ng
buhok, pangangagat, pag-untog, paninipa.
2. Sekswal
- mga aktong likas na sekswal o anumang karahasang sekswal; kabilang sa mga
sumusunod: panggagahasa; sexual harassment; kalaswaaan o acts of lasciviousness;
pagtrato sa babae o kanyang anak bilang sekswal na bagay o sex object; paggamit
ng mga salitang nakakapahiya o nakapanlilit, at mga salitang malaswa;pisikal na
pananakit sa maseselang bahagi ng katawan ng biktima;pamimilit sa kaniya na
tumingin o manood ng mga malalaswang babasahin o palabas;pamimilit sa biktima
o sa kaniyang anak na gumawa ng mga malalaswang gawain at/o gumawa ng
malalaswang pelikula;pamimilit sa babaeng asawa at kalaguyo/kabit na tumira sa
kanilang bahay o parehong matulog sa iisang kuwarto kasama ang akusado;
pagpapagawa sa biktima, sa pamamagitan ng puwersa, pananakot o pamimilit, ng
gawaing sekswal; at pagsadlak sa babae o sa kanyang anak sa prostitusyon.
3. Sikolohikal
- mga gawain o di-paggawa na nagdudulot ng paghihirap sa isip o ng biktima,
kabilang na, ngunit hindi limitado sa mg sumusunod: pananakot; panggugulo;
pagmamanman o stalking; paninira ng ari-arian; pamamaliit sa publiko o
pamamahiya; paulit-ulit na pang-aabuso sa pananalita; pangangaliwa; pagpapakita
o pagpayag na makita ng biktima ang pang-aabusong pisikal, sekswal o sikolohikal sa
isang kapamilya; pagpapakita o pagpayag na makita ng biktima ang anumang uri
ng pornograpiya; pagpapakita o pagpayag na makita ng biktima ang pang-aabuso
sa alagang hayop; at hindi makatuwirang pagbabawal o pagkakait ng karapatang
pangalagaan o bisitahin ang mga anak ng biktima at ng may-sala.
4. Ekonomiko o Pinansiyal
- mga gawain na nagiging sanhi upang maging pala-asa
ang babae ukol sa pananalapi, katulad ng, ngunit hindi limitado sa mga sumusunod:
pagbawi ng sustentong pinansyal;pagbabawal sa biktima na pumasok sa lehitimong
propesyon, trabaho o negosyo o gawain (maliban kung tumanggi ang asawa batay sa
katanggap-tanggap, seryoso at moral na dahilan);pagkait ng kakayahang pinansyal at
right to conjugal, community or property owned in common; paninira ng mga kagamitan
sa bahay; at pamamahala sa sariling pera o propyedad ng biktima.

Ano ba ang karahasan sa Kababaihan?


Page 1 of 3 mrvs_parto2024
Ayon sa United Nations, ang karahasan sa kababaihan (violence against women) ay
anumang karahasang nauugat sa kasarian na humahantong sa pisikal, sekswal o mental
na pananakit o pagpapahirap sa kababaihan, kasama na ang mga pagbabanta at
pagsikil sa kanilang kalayaan.

2.1. Footbinding
Ang foot binding ay isinasagawa ng mga sinaunang babae sa China. Ang mga paa ng
mga babaeng ito ay pinapaliit hanggang sa tatlong pulgada gamit ang pagbalot ng
isang pirasong bakal o bubog sa talampakan. Ang korte ng paa ay pasusunurin sa bakal
o bubog sa pamamagitan ng pagbali sa mga buto ng paa nang paunti-unti gamit ang
telang mahigpit na ibinalot sa buong paa.
Ang tawag sa ganitong klase ng mga paa ay lotus feet o lily feet. Halos isang
milenyong umiral ang tradisyong ito. Ang pagkakaroon ng ganitong klase ng paa sa
simula ay kinikilala bilang simbolo ng yaman, ganda, at pagiging karapat-dapat sa
pagpapakasal. Subalit dahil sa ang mga kababaihang ito ay may bound feet,
nalimitahan ang kanilang pagkilos, pakikilahok sa politika, at ang kanilang
pakikisalamuha. Tinanggal ang ganitong sistema sa China noong 1911 sa panahon ng
panunungkulan ni Sun Yat Sen dahil sa di-mabuting dulot ng tradisyong ito.

2.2. Breast Ironing o Breast Flattening


Ang breast ironing o breast flattening ay isang kaugalian sa bansang Cameroon sa
kontinente ng Africa. Ito ang pagbabayo o pagmamasahe ng dibdib ng batang
nagdadalaga sa pamamagitan ng bato, martilyo o spatula na pinainit sa . May
pananaliksik noong 2006 na nagsasabing 24% ng mga batang babaeng may edad
siyam ay apektado nito. Ipinapaliwanag ng ina sa anak na ang pagsagsagawa nito ay
normal lamang at ang mga dahilan nito ay upang: maiwasan ang (1) maagang
pagbubuntis ng anak; (2) paghinto sa pag-aaral; at (3) pagkagahasa.
Bukod sa sampung rehiyon ng Cameroon, isinasagawa rin ang breast ironing o breast
flattening sa mga bansang Benin, Chad, Ivory Coast, Guinea-Bissau, Guinea-Conakry,
Kenya, Togo, at Zimbabwe. Bukod sa pagiging mapanganib ng breast ironing, marami
ring kritisismo
ang binabato sa pagsasagawa nito. Ang GIZ (German Development Agency) at RENATA
(Network of Aunties), ay ilan sa mga organisasyong sumusuporta sa kampanya ng mga
batang ina na labanan ang patuloy na pag-iral ng gawaing ito. Ayon sa ulat ng GIZ, 39%
ng mga kababaihan sa Cameroon ang di panig sa pag-iral ng breast ironing, 41% ang
nagpapakita ng pagsuporta at 26% ay walang pakialam.

ISTADISTIKA NG KARAHASAN SA KABABAIHAN


Isa sa bawat limang babae na nasa edad 15-49 ang nakaranas ng pananakit na
pisikal simula edad 15, anim na porsyento ang nakaranas ng pananakit na pisikal.
6% ng mga babaeng 15-49 ang nakaranas ng pananakit na seksuwal
Isa sa apat na mga babaeng kasal na may edad 15-49 ang nakaranas
ng emosyonal, pisikal at/o pananakit na sekswal mula sa kanilang mga asawa.
Mula sa mga babaeng may asawa at kasal na nakaranas ng pisikal/seksuwal na
pang-aabuso sa loob ng 12 buwan bago ang sarbey, 65% ang nagsabing sila ay
nakaranas ng pananakit.
(Mula sa 2013 National Demographic Health Survey ng National Statistics Office)

Ang GABRIELA (General Assembly Binding Women for Reforms, Integrity,


Equality, Leadership, and Action) ay isang samahan sa Pilipinas na laban sa iba’t ibang
porma ng karahasang nararanasan ng kababaihan na tinagurian nilang Seven Deadly
Sins Against Women.
Ang mga ito ay ang:
(1) pambubugbog/pananakit,
(2) panggagahasa,
Page 2 of 3 mrvs_parto2024
(3) incest at iba pang seksuwal na pang-aabuso,
(4) sexual harassment,
(5)sexual discrimination at exploitation,
(6) limitadong access sa reproductive health,
(7) sex trafficking at prostitusyon.

KARAHASAN SA MGA KALALAKIHAN

Kung maraming kababaihan sa bansa ang biktima ng pananakit at pambubugbog


ng kanilang mga esposo, marami ring lalaki ang kumpirmadong biktima ng "verbal
abuse" ng kanilang maybahay. Sa panayam kay Social Welfare and Development
Secretary Dinky Soliman, isa sa bawat 20 lalaki sa bansa ang biktima ng pagmumura at
masasakit na pananalita ng kanilang mga misis. Ayon kay Soliman, ang "verbal abuse"
tulad ng pambubugbog ay nasa ilalim din ng kategoryang "domestic violence."Ang mga
salita anyang "wala kang kuwentang tao," "inutil," "walang trabaho at palamunin," "bakit
hindi ka na lumayas" ay ilan lamang sa
pumapatak sa kategoryang verbal abuse.

MAAARING NAKAKARANAS KA NG KARAHASAN SA TAHANAN (DOMESTIC VIOLENCE)


KUNG ANG IYONG KAPAREHA:
Tinatawag ka ng mga pangalan, binabastos ka o iniinsulto ka
Pinipigilan ka mula sa pagpunta sa trabaho o paaralan
Pinipigilan kang hindi makita ang mga miyembro ng pamilya o kaibigan
Sinusubukan upang makontrol kung paano ka gumastos ng pera, kung saan
ka pupunta o kung ano ang iyong suot
Ang mga gawaing pagseselos o may posibilidad o patuloy na inaakusahan ka na
hindi tapat
Nagagalit kapag umiinom ng alak o gumagamit ng ipinagbabawal na gamot
Nagbabanta sa iyo na sasaktan
Mga hits, sipa, shoves, slaps, chokes o kung hindi man nasasaktan ka, ang iyong mga
anak o ang iyong mga alagang hayop
Puwersa sa iyo na makipagtalik o makisali sa sekswal na kilos laban sa iyong kalooban
Sinisisi ka sa kanyang marahas na pag-uugali

KARAHASAN SA MGA LGBT


Pinagbabantaan kang sasabihin sa iyong pamilya, mga kaibigan at mga kakilala ang
iyong oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian
Sinasabi sa iyo na hindi tutulungan ng pamahalaan ang mga gay, bi-sexual at
transgender
Sinasabi sa iyo na ang mga lalaki ay natural na bayolente

MAARI MONG MALAMANG INAABUSO KA NA KUNG NAPAPANSIN MO ANG GANITONG


PANGYAYARI:
pinagbabantaan ka ng karahasan.
sinasaktan ka na(emosyonal o pisikial)
humihingi ng tawad, nangangakong magbabago, at nagbibigay ng suhol.
Paulit-ulit ang ganiong pangyayari.
Kadalasang mas dumadalas ang pananakit at karahasan at mas tumitindi sa paglipas
ng panahon.

Page 3 of 3 mrvs_parto2024

You might also like