You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
City of Schools Division of Paranaque
PARANAQUE NATIONAL HIGH SCHOOL –MAIN
SCHOOL ID: 305424
S.Y. 2021 - 2022
ARALING PANLIPUNAN 10 (MGA KONTEMPORARYONG ISYU)
(Quarter 3 – Week 4)
KARAHASAN SA BAWAT KASARIAN, WAKASAN
Kasanayang Pampagkatuto ( Most Essential Learning Competency)

1. Nasusuri ang karahasan / diskriminasyon sa kababaihan, kalalakihan at LGBT (gay, (Lesbian,


Gay, Bisexual at Transgender)

Layunin Pagkatapos ng aralin, inaasahang malilinang ang mga sumusunod na


kasanayan:
1. Nasusuri ang karahasan sa kababaihan, kalalakihan at LGBT.
(AP10IKL-IIIef-7)

PANIMULA:
Marami sa ating lipunan sa kasalukuyan ang nakatali sa paniniwala na tanging ang mga babae at lalaki
lamang ang kasarian ng mga tao. Ilan sa mga lipunang ito ay hindi pa rin bukas sa pagbibigay ng mga
karapatan sa mga kababaihan na kapantay ng mga kalalakihan. Ang istriktong pagsunod sa relihiyon at
tradisyon ng bansa ang karaniwang dahilan sa katayuang ito ng mga kababaihan. Sa mga lipunang
tradisyunal ay hindi tinatanggap, at kadalasan, ay nakararanas ng diskriminasyon o ang hindi
makatarungang pagtrato sa iba’t ibang pangkat ng mga tao batay sa kanilang lahi, edad kasarian o
paniniwala, karahasan at pang pang aabuso ang mga lesbiyana, gay, bisexual, transgender, maging
ang babae at mga lalaki.

Ang nararanasang karahasan ng mga kababaihan Pilipino ay hindi na bago sa ating lipunan, bunga ng
pagiging mahina ng mga kababaihan. Ito ay maaaring nangyayari mismo sa loob ng tahanan at marami
ang nag aakalang ito ay natural at karaniwang pangyayari lamang. Ang karahasan sa kababaihan
(violence against women) ayon sa UN o United Nations ay anumang karahasang nauugat sa kasarian
na humahantong sa pisikal, seksuwal o mental na pananakit o pagpapahirap sa mga kababaihan,
kasama na ang mga pagbabanta at pagsikil sa kanilang kalayaan.

Ang diskriminasyon sa kasarian ay makikita sa iba’t ibang anyo batay na rin sa kultura ng lipunang
kinabibilangan. Ang ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:

PAGTATALAKAY:

● Breast Ironing o Breast Flattening - ay isang kaugalian sa bansang Cameroon sa kontinente


ng Africa. Ito ang pagbabayo o pagmamasahe ng dibdib ng batang nagdadalaga sa
pamamagitan ng bato, martilyo o spatula na pinainit sa apoy.

Ipinapaliwanag ng ina sa anak na ang pagsasagawa nito ay normal lamang at ang dahilan
nito ay upang maiwasan ang
1.) maagang pagbubuntis ng anak 2.) paghinto sa pag-aaral at 3.) pagkagahasa.

● Foot Binding - ay isinasagawa ng mga sinaunang babae sa China. Ang mga paa ng mga
babaeng ito ay pinapaliit hanggang sa tatlong pulgada gamit ang pagbalot ng isang pirasong
bakal o bubog sa talampakan. Ang korte ng paa ay pasusunurin sa bakal o bubog sa
pamamagitan ng pagbali sa mga buto ng paa nang paunti-unti gamit ang telang mahigpit na
ibinalot sa buong paa.

● Female Genital Mutilation - Isang proseso ng pagbabago sa ari ng kababaihan (bata o


matanda) nang walang anumang benepisyong medikal. Ang tradisyon o kulturang ito ay
isinasagawa sa mga batang babae mula pagkasilang hanggang labinlimang taong gulang. Ito
ay isinasagawa upang manatiling malinis at dalisay ang babae sa kanilang pag- aasawa. Ito ay
isinasagawa sa ibang bansa sa Africa gaya ng Chad, Liberia, Mali, Sierra Leonne, Somalia,
Sudan at 29 pang bansa.

● Sati o Suttee - ay ang pagtalon ng asawang babae sa apoy na sumusunog sa katawan ng


kanyang asawang namatay. Ang pagsunog na ito ay isang paraan ng cremation sa India. Ito ay
nagaganap sa lipunan ng mga lumang Indian na ang pangunahing gawain sa buhay ng mga
kababaihan ay ang pag-aasawa at ang pagsisilbi sa kanilang mga asawa maging sa kabilang
buhay.

Mga Tanda ng Pagkaranas nf Domestic Violence


● iniinsulto ka;
● pinagbabantaan ka na sasaktan;
● pinipigilan ka sa pagpasok sa trabaho o paaralan;
● nagagalit kung umiinom ng alak o gumagamit ng droga;
● pinipilit kang makipagtalik kahit labag sa iyong kalooban;
● nagseselos at palagi kang pinagdududahan na nanloloko;
● pinipigilan kang makipagkita sa iyong pamilya o mga kaibigan;
● tinatawag ka sa ibang pangalang hindi maganda para sa iyo at sa ibang tao;
● sinisipa, sinasampal, sinasakalo sinasaktan ang iyong mga anak o mga alagang hayop;
● sinusubukan kang kontrolin sa paggastos, saan pupunta at kung ano ang iyong mga isusuot;
● sinisisi ka sa kanyang pananakit o sinasabi sa iyo na nararapat lamang sa iyo ang ginagawa
niya sa iyo.

Karahasan sa mga Lalaki, Bakla, Bisexual, at Transgender

● Sinasabi sa iyo na ang mga lalaki ay natural na bayolente


● Sinasabi sa iyo na hindi tutulungan ng pamahalaan ang mga gay, bisexual at transgender
● Pinagbabantaan kang sasabihin sa iyong pamilya, mga kaibigan at mga kakilala ang iyong
oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian
● pinagbabantaan ka ng karahasan.
● paulit –ulit ang ganitong pangyayari
● sinasaktan ka na (emosyonal o pisikal)
● humihingi ng tawad, nangangakong magbabago, at nagbibigay ng suhol
● Kadalasang mas dumadalas ang pananakit at karahasan at mas tumitindi sa paglipas

You might also like