You are on page 1of 9

10

Araling Panlipunan
Gawaing Pampagkatuto
Ikatlong Markahan – MELC 2
Ang Diskriminasyon
at Diskriminasyon sa Kababaihan,
Kalalakihan at LGBT

1
REGION VI-WESTERN VISAYAS

Araling Panlipunan 10
Gawaing Pampagkatuto
Unang Edisyon, 2020

Inilimbag sa Pilipinas
Ng Kagawaran ng Edukasyon,
Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas
Duran St., Iloilo City

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring magkaroon


ng karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
gawain kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.”

Ang Araling Panlipunan 10 Gawaing Pampagkatuto na ito ay inilimbag upang


magamit ng mga Paaralan sa Rehiyon 6 - Kanlurang Visayas.

Walang bahagi ng Gawaing Pampagkatuto na ito ang maaaring kopyahin o


ilimbag sa anumang porma nang walang pahintulot sa Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon 6
– Kanlurang Visayas.

2
Bumuo sa Pagsusulat ng Gawaing Pampagkatuto

Manunulat: Andie P. Padernilla


Tagasuri: Liza A. Balogo, Lilibeth E. Larupay
Tagaguhit: Ericson L. Nudgara
Tagalapat: Andie P. Padernilla, Armand Glenn S. Lapor

Division of Iloilo Management Team:


Roel F. Bermejo, PhD
Azucena Falales, PhD
Lilibeth T. Estoque, EdD
Nordy D. Siason, Jr., EdD
Liza A. Balogo
Lilibeth E. Larupay

Regional Management Team:


Ma. Gemma M. Ledesma, CESO V
Josilyn S. Solana, PhD
Elena P. Gonzaga, PhD
Donald T. Genine
Mary Hazel Vivien P. Pineda, PhD

Pambungad na Mensahe
MABUHAY!

Ang Araling Panlipunan 10 Gawaing Pampagkatuto na ito ay nabuo sa


pamamagitan ng sama-samang pagtutulungan mga manunulat, illustrator, editor,
layout artist, tagasuri, at Quality Assurance Team ng Sangay ng Iloilo, Rehiyon 6
Kanlurang Visayas at ng Kagawaran ng Edukasyon. Inihanda ito para maging
gabay ng mga learning facilitators upang matulungan ang mga mag-aaral na
makamtan ang mga inaasahang kompetensi na inilaan ng Kurikulum ng K to 12.

Layunin ng Gawaing Pampagkatuto na ito na gabayan ang ating mga mag-


aaral na mapagtagumpayan nilang masagot ang mga nakahanay na mga gawain
ayon sa kani-kanilang kakayahan at laang oras. Ito ay naglalayon ding makalinang
ng isang buo at ganap na Filipino na may kapaki-pakinabang na literasi habang
isinasaalang-alang ang kani-kanilang pangangailangan at sitwasyon.

3
Para sa mga Learning Facilitators
Ang Araling Panlipunan 10 Gawaing Pampagkatuto na ito ay binuo upang
matugunan ang pangangailangan ng ating mga mag-aaral sa larangan ng
edukasyon, na patuloy ang kanilang pagkatuto kahit na sila ay nasa kani-kanilang
mga tahanan o saan mang bahagi ng learning center sa kanilang komunidad.
Bilang mga Learning Moderators, siguraduhin nating malinaw ang mga
panuto sa mga gawaing iniatas sa kanila. Inaasahan din na patuloy nating
masubaybayan ang pag-unlad ng mga mag-aaral (learner’s progress).

Para sa mga Mag-aaral:

Ang Araling Panlipunan 10 Gawaing Pampagkatuto na ito ay binuo upang


matulungan ka, aming mag-aaral, na patuloy ang iyong pagkatuto kahit wala ka
ngayon sa paaralan. Pangunahing layunin ng learning material na ito na mabigyan
ka ng makahulugan at makabuluhang mga gawain. Bilang aktibong mag-aaral,
unawain nang mabuti ang mga panuto sa bawat gawain.

Ikatlong Markahan – MELC 2

Araling Panlipunan 10

Pangalan: ______________________________Baitang at Seksiyon: ____________


Petsa: ________________________________ Iskor: _______________________

GAWAING PAMPAGKATUTO
______________________________________________________
Diskriminasyon at Diskriminasyon sa Kababaihan, Kalalakihan,
at LGBT (Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender)
__________________________________________________________
I. Kasanayang Pampagkatuto
Nasusuri ang diskriminasyon at diskriminasyon sa kababaihan,
kalalakihan, at LGBT (Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender).
II. Panimula
Sa nakaraang modyul ay natapos mong sagutan ang mga gawain na
tumutugon sa iyong kaalaman hinggil sa mga uri ng kasarian (gender) at sex
at ang gender roles sa iba’t ibang bahagi ng daigdig. Ngayon, sa worksheet

4
na ito ay mas lalo mong pagtitibayin ang iyong kaalaman sa mga Isyu at
Hamong Pangkasarian sa pamamagitan ng pagsagot ng lahat ng mga
gawain na siyang nakatuon naman sa diskriminasyon lalong lalo na sa
kababaihan, kalalakihan at LGBT.

DISKRIMINASYON AT DISKRIMINASYON SA KABABAIHAN,


KALALAKIHAN AT LGBT

Nananatiling malaking isyu at hamon ang pagkakapantay-pantay ayon


sa kasarian. Sa Pilipinas, kahit malayo na ang narating ng kababaihan sa
larangan ng pulitika, negosyo, media, akademya, at iba pang larangan
nanatiling biktima pa rin sila ng diskriminasyon at karahasan.
Ngunit hindi lamang sila ang nahaharap sa diskriminasyon at
karahasan, maging ang lalaki at LGBT din ay biktima nito.
Ang diskriminasyon ay tumutukoy sa anumang pag-uuri, eksklusyon,
o restriksyon batay sa kasarian na naglalayon o nagiging sanhi ng hindi
pagkilala, paggalang, at pagtamasa ng lahat ng kasarian ng kanilang mga
karapatan o kalayaan.
Kasama sa mga nakararanas ng diskriminasyon ay ang mga
tinatawag ni Hillary Clinton (2011) na “invisible minority,” ang mga miyembro
ng LGBT. Ang kanilang mga kwento ay itinago at inilihim. Marami sa kanila
ang nanahimik dahil sa takot. Karamihan sa kanila ang nahaharap sa
malaking hamon ng pagtanggap at pagkakapantay-pantay sa pamilya,
paaralan, negosyo, lipunan at maging sa kasaysayan. Ang kanilang pagiging
LGBTQ+ ay nagiging isang salik o dahilan upang sila ay hindi tanggapin sa
trabaho o hindi makatanggap ng promosyon.
Ayon sa pag-aaral na inilabas ng United Nations Development
Programme (UNDP) at ng United States Agency for International
Development (USAID) na may titulong “Being LGBT in Asia: The Philippines
Country Report”, ang mga LGBT ay may kakaunting oportunidad sa trabaho,
bias sa serbisyong medikal, pabahay at maging sa edukasyon. Sa ibang
pagkakataon din, may mga panggagahasa laban sa mga lesbian at patuloy
ang pagpatay sa mga LGBT. Ito ay sa kabila ng patuloy na panawagan sa
pagkakapantay- pantay at kalayaan sa lahat ng uri ng diskriminasyon at
pang-aabuso. Isa sa halimbawa nito ay ang pagpasa ng bansang Uganda ng
“Anti-Homosexuality Act of 2014” na nagsasaad na ang same-sex relations
at marriages ay maaaring parusahan ng panghabambuhay na
pagkabilanggo. Sa North Carolina naman ay ipinasa noong 2016 ang isang
batas na nagsasaad na ang paggamit ng banyo ay batay sa sex na
nakasulat sa kanyang birth certificate at hindi sa kaniyang gender. Ito ay
pinawalang bisa ng hukuman noong 2019 na siyang nagpatibay ng
karapatan ng mga transgender na gumamit ng banyo ayon sa kanilang
gender.
Ang kababaihan, sa Pilipinas man o sa ibang bansa, ay nakararanas
ng pang-aalipusta, hindi makatarungan at di pantay na pakikitungo at
karahasan.
Ang mababang pagtingin sa kababaihan ay umiiral na noon pa sa iba’t
ibang kultura at lipunan sa daigdig. Sa China, kilala ang kaugalian ng foot
binding na naging dahilan ng pagkaparalisa ng ilang kakabaihan.

5
Ang foot binding ay isinasagawa sa mga sinaunang babae sa China.
Ang mga paa ng mga babaeng ito ay pinapaliit hanggang sa tatlong pulgada
gamit ang pagbalot ng isang pirasong bakal o bubog sa talampakan. Ang
korte ng paa ay pasusunurin sa bakal o bubog sa pamamagitan ng pagbali
sa mga buto ng paa nang paunti-unti gamit ang telang mahigpit na ibinalot sa
buong paa. Tinatawag ang ganitong klase ng mga paa na lotus feet o lily
feet. Halos isang milenyong umiral ang tradisyong ito. Ang pagkakaroon ng
ganitong klase ng paa sa simula ay kinikilala bilang simbolo ng yaman,
ganda, at pagiging karapat-dapat sa pagpapakasal. Subalit ang pagkakaroon
ng bound feet ng ma kababaihan ang naglimita sa kanilang pagkilos,
pakikilahok sa politika at pakikisalamuha. Sa panahon ng panunungkulan ni
Sun Yat Sen noon 1911, tinanggal ang ganitong sistema dahil sa di-
mabuting dulot ng tradisyong ito.
Ang breast ironing o breast flattening ay isang kaugalian sa bansang
Cameroon sa kontinente ng Africa. Ito ang pagbabayo o pagmamasahe ng
dibdib ng batang nagdadalaga sa pamamagitan ng bato, martilyo o spatula
na pinainit sa apoy. Ipinapaliwanag ng ina sa anak na ang pagsasagawa nito
ay normal lamang at ang mga dahilan nito ay upang: maiwasan ang
maagang pagbubuntis ng anak, paghinto sa pag-aaral, at pagkagahasa.
Maliban sa sampung rehiyon na Cameroon, isinasagawa rin ang breast
ironing o breast flattening sa mga bansang Benin, Chad, Ivory Coast,
Guinea-Bissau, Guinea-Conakry, Kenya, Togo, at Zimbabwe.
Ang ritwal ng pagtatanggal ng labas na bahagi ng ari ng babae ay
tinatawag na female genital mutilation (FGM), o kilala rin sa tawag na female
genital cutting o female circumcision (pagtutuli ng babae). Isinasagawa ng
mga pangkat-etniko ang FGM sa 27 bansa sa timog Sahara at Hilagang-
silangan ng Aprika, at mas malimit sa Asya, sa Gitnang Silangan at sa mga
imigranteng komunidad. Karaniwang ginagawa ito ng tradisyunal na
magtutuli gamit ang patalim, maaaring may pampamanhid o wala. Iba-iba
ang edad ng mga babaeng sumasailalim dito. Kalahati ng mga bansa kung
saan maaaring makita ang mga datos, karamihan sa mga babae ay tinutuli
bago maglimang taong gulang.
Karamihan sa mga paratang tungkol sa diskriminasyon ay nakatuon
lamang sa kababaihan o LGBTQ. Ngunit, mayroon ring mga kaso kung saan
ang nakakaranas ng diskriminasyon ay mga kalalakihan. Sa survey na
isinagawa sa mga bansang Bulgaria, Cyprus, Denmark, France, at UK,
malaking bilang ng mga lalaki ang nakararanas ng diskriminasyon sa lugar
ng trabaho, lalo na sa mga lugar na mas marami ang mga babae kumpara
sa mga lalaking manggagawa. Ito ay kadalasang nangyayari sa mga
serbisyong may kaugnayan sa kalusugan o health related services.
Ang mga diskriminasyong ito ay nagbubunga sa karahasan na
humahantong sa pisikal, sekswal o mental na pananakit o pagpapahirap,
kasama na ang pagbabanta at pagsikil sa kalayaan. Kadalasan sa mga
diskriminasyong nangyayari ay nakaugat sa kultura ng iba’t ibang lipunan at
isinasagawa batay sa mga maling paniniwala.

III. Mga Sanggunian


● MELCs 2020 – pahina 47

6
● Batayang Aklat sa Araling Panlipunan 10
Mga Kontemporaryong Isyu – pahina 289 - 303

Sa susunod na bahagi ay pagtitibayin mo ang nabuong pag - unawa


ukol sa mga impormasyong nabasa. Inaasahan na sa pagkakataong ito ay
kritikal mong masusuri ang diskriminasyon at diskriminasyon sa kababaihan,
kalalakihan, at LGBT.
IV. Mga Gawain
A. SURI-LARAWAN
Panuto: Suriin ang larawan sa ibaba at sagutin ang sumusunod na mga tanong.

1. Nagpapakita ba ng diskriminasyon ang larawan? Bakit?


2. Sa iyong sariling pagpapakahulugan, ano ang diskriminasyon? Ipaliwanag ang
iyong sagot.
3. Paano mo maipapakita ang pagiging sensitibo sa mga usaping may kaugnayan
sa diskriminasyon?
B. DAHIL SA TRADISYON?
Panuto: Ang mababang pagtingin sa kababaihan ay umiiral na noon pa sa iba’t
ibang kultura at lipunan sa daigdig. Suriin kung paano nagdulot ng
diskriminasyon at mababang pagtingin sa mga kababaihan ang
sumusunod na mga gawain.
Bansang Maikling Pansariling
TRADISYON
Pinagmulan Diskripsyon Opinyon
1. Foot Binding
2. Breast Ironing
3. FGM

C. SANAYSAY ISULAT
Panuto: Gumawa ng isang sanaysay na nagpapahiwatig ng iyong pagtutol sa
diskriminasyon sa kababaihan, kalalakihan, at LGBT. Bigyan ng pamagat
ang iyong sanaysay. Ang sanaysay ay dapat hindi bababa sa limampung
(50) mga salita.

______________________________
________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
7
V. Repleksiyon
Panuto: Punan ang panata na nagpapahayag ng pagtutol sa diskriminasyon sa
kababaihan, kalalakihan, at LGBT.

ANG AKING PANATA

Ako si _________________________, ________, nangangakong


(pangalan) (edad)
itataguyod ang pantay pantay na pagtingin sa lahat ng uri ng
V. Susi sa Pagwawasto
kasarian at tututulan ang lahat ng uri ng diskriminasyon lalong lalo
A. SURI-LARAWAN
na sa kababaihan, kalalakihan, at LGBT. Bibigyan ko ng pagkilala,
Rubrik sa pagwawasto ng sagot.
paggalang, at pagkakataong matamasa ng lahat ng kasarian ang
5 – Ang sagot ay naglalaman ng mga bagong impormasyon at nagbibigay kaalaman.
4 – Ang sagot ay nakapagbibigay
kanilang ng kaalaman.
mga karapatan o kalayaan.
3 – Ang sagot ay medyo nakapagtuturo ng mga kaalaman.
Ako’y patuloy
2 – Ang mga nilalaman ng sagot na nanunumpa
ay limitado sa mgana…
natagpuan sa talakayan.
1 – Ang nilalaman ng sagot ay hindi kumpleto.
1._________________________________________________
B. DAHIL SA2._________________________________________________
TRADISYON?
3._________________________________________________
Bansang Maikling Pansariling
TRADISYON
Pinagmulan Diskripsyon Opinyon
1. Foot Binding China Pangalan at Lagda
May pagkakaiba-iba ng May pagkakaiba-iba
2. Breast Ironing Cameroon mga kasagutan. ng mga kasagutan.
3. FGM Africa
6
C. SANAYSAY ISULAT
RUBRIK SA PAGSULAT NG SANAYSAY
Pamantayan Marka
Organisasyon 5
Malinaw ang kaisipang inilahad, maayos ang pagkakasunod-sunod ng mga inilahad na
kaisipan
Nilalaman 5
Naglalaman ng malinaw na pahayag ang bawat talata.
Kakintalan 5
Nag-iwan ng malalim na impresyon sa isipan ng mga mambabasa upang mahikayat ang mga
ito. 8
Kawastuhang Gramatikal 5
9

You might also like