You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
City of Schools Division of Paranaque
PARANAQUE NATIONAL HIGH SCHOOL –MAIN
SCHOOL ID :305424
S.Y. 2021 - 2022
ARALING PANLIPUNAN 10 (MGA KONTEMPORARYONG ISYU)
(Quarter 3- Week 1)
KONSEPTO NG KASARIAN
Kasanayang Pampagkatuto MELC 3: Natatalakay ang mga uri ng kasarian ( sex ) at gender at gender
roles sa iba’t-ibang bahagi ng daigdig.
1. Naipapahayag ang sariling pakahulugan sa kasarian at gender. (AP10KILI-lll-1)
2. Nasusuri ang mga uri ng kasarian ( sex ) at gender. (AP10KIL-Illa-2

Susing Konsepto : KONSEPTO NG KASARIAN


SEX

 Tumutukoy sa kasarian noong ikaw ay pinanganak (lalaki o babae)


 Ito rin ay tumutukoy sa gawain ng babae at lalaki na ang layunin ay reproduksiyon ng tao.
 Tumutukoy sa natural o biyolohikal at pisyolohikal na katangian na nagtatakda ng
pagkakaiba ng babae sa lalaki -(WHO-2014)
o PANGUNAHING KATANGIAN o PRIMARY SEX CHARACTERISTICS ay tumutukoy sa
panloob at panlabas na ari ng lalaki ( penis at testes) at babae (vagina at ovaries).
o SEKONDARYANG KATANGIAN o SECONDARY SEX CHARACTERISTICS ay ang
pagkakaibang hormonal gaya ng testosterone (lalaki) at estrogen naman sa babae.
GENDER
 Hindi umaayon sa biyolohikal na katangian ng lalaki at babae
 Tumutukoy sa mga panlipunang gampanin, kilos at gawain na itinakda ng lipunan para sa
mga lalaki at babae.
HALIMBAWA:
 Saudi Arabia – itinakda ng kanilang lipunan na kalalakihan LAMANG ang may
KARAPATAN na magmaneho ng sasakyan (Bago ang Royal Decree na
bumago dito)
 Inaasahang galaw ng mga babae at lalaki na itinakda ng lipunan na nakabatay sa konsepto ng
masculine at feminine (Pag-uugali, Pag-iisip, Pananamit, Gawi, Katangian)
 Isinasaalang-alang nito ang pagkakaiba sa paniniwala, pagtingin sa sarili at kagawian
 Ito ay nagbabago batay sa intelektuwal, sosyal at sikolohikal na katayuan ng isang indibidwal
batay sa kaniyang kasarian

SEXUAL ORIENTATION / ORYENTASYONG SEKSUWAL


 Kakayahan ng isang tao na makaranas ng malalim na atraksyong apeksyonal, emosyonal,
sekswal at ng malalim na pakikipagrelasyon sa taong ang kasarian ay maaring katulad ng sa
kanya, iba sa kaniya o kasarian higit sa isa (GALANG YOGYAKARTA)
 Tumutukoy sa iyong pagpili ng iyong makakatalik kung siya ay lalaki, babae o pareho.
 Ang oryentasyong seksuwal ay maaring:
o HETEROSEXUAL- naaakit sa kabilang kasarian ( opposite sex ).
 isang isinilang na babae ay naaakit sa lalaki
o HOMOSEXUAL- naaakit sa kaparehong kasarian ( the same sex ).
 isang taong ipinanganak na babae ay naaakit at nagkakagusto rin sa kapwa
babae o ang isang lalaki ay nagkakagusto sa kaniyang kapwa lalaki.
o BISEXUAL- naaakit sa dalawang kasarian.
 ang lalaki ay naaakit sa isang babae at sa lalaki at ang babae naman ay
maaaring maakit sa dalawang kasarian.
GENDER IDENTITY / PAGKAKAKILANLANG PANGKASARIAN
 Ito ay kinikilala bilang malalim na damdamin at personal na karanasan ng isang tao, na
maaring nakatugma o hindi nakatugma sa sex/kasarian niya nang siya ay ipinanganak.
 Personal na pagturing sa sariling katawan ( na maaaring mauwi kung malayang pinipili, sa
pagbabagong anyo o kung ano ang gagawin o iba pang paraan)
 Ekspresyon ng kasarian, kasama na ang pananamit, pagsasalita at pagkilos

Ang talahanayan sa ibaba ay nagpapakita ng iba’t-ibang simbolo na mayroong kaugnayan sa


sekswalidad.

Republic of the Philippines


DEPARTMENT OF EDUCATION
City of Schools Division of Paranaque
PARANAQUE NATIONAL HIGH SCHOOL –MAIN
SCHOOL ID :305424
S.Y. 2021 - 2022

ARALING PANLIPUNAN 10 (MGA KONTEMPORARYONG ISYU)


(Quarter 3- Week 1)
KONSEPTO NG KASARIAN
GAWAIN #1.
PANUTO: Ano ang pagkakaiba ng sex at gender.

SEX GENDER
1. 1.

2. 2.

3. 3.

GAWAIN #2.
PANUTO: Ayusin ang mga JUMBLED LETTERS na nasa loob ng saklong upang
matukoy ang mga nilalarawan sa bawat bilang. Isulat ang inyong sagot sa
patlang bago ang bawat bilang.
__________1. Mga indibiduwal na hindi sang-ayong mapasailalim sa anumang uring pangkasarian,
ngunit maaaring ang kanilang pagkakakilanlan ay wala sa kategorya ng lalaki o babae, parehong
kategorya o kombinasyon ng lalaki o babae. (EERUQ)
__________2. Ito ay kinikilala bilang malalim na damdamin at personal na Karanasang pangkasarian
ng isang tao, na maaaring nakatugma o hindi nakatugma sa sex niya nang siya’y ipanganak.
(RNGEED DITINETY)
__________3. Mga lalaking nakararamdam ng atraksyon sa kanilang kapwa lalaki. (YGA)
__________4. Tumutukoy ito sa isang taong nakararamdam na siya ay nabubuhay sa maling
katawan. (RNESNTERGAD)
__________5. Ito ay tumutukoy sa biyolohikal at pisyolohikal na katangian na nagtatakda ng
pagkakaiba ng babae sa lalaki. (ESX)
__________6. Tumutukoy sa iyong pagpili ng makakatalik, kung siya ay lalaki o babae o
pareho. (SUELXA REAOINITOIN)
__________7. Nagkakaroon ng seksuwal na pagnanasa sa mga taong nabibilang sa katulad na
kasarian, mga lalaking mas gustong lalaki ang makakatalik at mga babaeng mas gusto ang babae
bilang sekswal na kapareha. (LOSHOXAMEU)
__________8. Ang tawag sa isang indibidwal kung nagtutugma ang sex sa kanyang gender identity
(SEDCREIGN)
__________9. Isang dating lalaki na nagpalit ng kasarian (ROSMATANWN)
__________10. Mga taong nakararamdam ng atraksyon sa dalawang kasarian. (SULBAIEX)

You might also like