You are on page 1of 56

ARALING PANLIPUNAN 10

ARALING PANLIPUNAN 1
ARALING PANLIPUNAN 10
ARALING PANLIPUNAN 10
(AP10KIL-IIIb-3
TIYAK NA LAYUNIN
1. Naipaliliwanag ang kahulugan ng gender at
sex.
2. Naiisa-isa ang katangian ng gender at sex sa
pangkalahatang pananaw.
3. Natatalakay ang pagkakaiba ng sexual
orientation at gender identity.
4. Napahahalagahan ang bahaging
ginagampanan ng tao sa lipunan sa kabila ng
pagkakaiba-iba ng kasarian
SUBUKAN
NATIN

SIMULAN NA
BAGO NATING PORMAL NA UMPISAHAN
ANG ATING TALAKAYAN.
TIGNAN NINYO
MABUTI ANG MGA
Simbolo
Ano ba ang kahulugan ng
sex at gender?

Ano-ano ang mga gampanin ng mga


kalalakihan, kababaihan, at Lesbian, Gay,
Bisexual, Transgender, Queer, Intersex,
at Asexual (LGBTQIA+) sa iba’t ibang
yugto ng kasaysayan ng ating bansa
at sa ibang lipunan sa mundo?
KASARIAN
SA
IBA’T IBANG
LIPUNAN
KAHULUGAN NG SEX AT GENDER

“Ang sex ay tumutukoy sa biyolohikal at pisyolohikal


na katangiang nagtatakda ng pagkakaiba ng babae
sa lalaki. Ito rin ay tumutukoy sa gawain ng babae at
lalaki na ang layunin ay reproduksiyon ng tao. ”

“Ang gender ay tumutukoy sa mga panlipunang


gampanin, kilos, at gawain na itinatakda ng lipunan
para sa mga babae at lalaki. Karaniwang batayan nito
ay ang gender identity at roles na mayroon sa
lipunan, ito ay ang pagiging masculine o feminine.”
ANO ANG
PAGKAKAIBA NG
SEXUAL 0RIENTATION AT
GENDER IDENTITY

SOGI
SEX (SEXUALIDAD)

Ang sex o sekswalidad ay


tumutukoy sa kasarian noong ikaw
ay pinanganak– kung lalaki o
babae.
Ayon sa World Health Organization (2014), ang
sex ay tumutukoy sa biyolohikal at pisyolohikal
na katangian na nagtatakda ng pagkakaiba ng
babae sa lalaki. Ang sex ay tumutukoy sa
natural o biyolohikal na katangian bilang lalake
o babae. Kung inyong napansin, karaniwan sa
mga form ay dalawa lamang ang pagpipilian sa
sex, male o female.
Paano nga ba nabuo ang sex organ ng isang tao?
ANG PAGTATAKDA NG SEX NG TAO AY
NAGSISIMULA SA PROSESO NG FERTILIZATION.
Isang halimbawa upang
matukoy kung ikaw ay babae o
lalake ayon sa sekswalidad ay
ang sumusunod.
Katangian ng Sex (Characteristics of Sex)
1. Ang mga babae ay nagkakaroon ng
buwanang dalaw (menstruation)
samantalang ang mga lalaki ay hindi.

2. Ang mga lalaki ay may testicle


samantalang ang babae ay hindi nagtataglay
nito.
Ano pa ang maaaring pantukoy
kung ikaw ay babae o lalake ayon
sa konsepto ng sekswalidad?

Tama, ngayon ay alam na natin ang


konsepto ng sekswalidad. Ano
naman sa tingin ninyo ang
kasarian o gender?
GENDER o KASARIAN

Ito ay tumutukoy sa aspektong kultural


na natutuhan hinggil sa sekswalidad.
Ang mga ideya natin tungkol saa
kasarian ay natutunan natin mula sa
ating lipunang ginagalawan,
Halimabawa ay ang paraan ng
pananamit, pagkilos at gawain.
GENDER o KASARIAN

Sa madaling salita, kung sekswalidad


ang tutukuyin, pinapangkat ang mga tao
bilang
“babae” at “lalake”. Kung kasarian
naman ang paguusapan, ang ginagamit
na termino ay “pambabae” at
“panlalake”.
Ang gender ay
inaasahang galaw ng
mga babae at lalaki na
itinakda ng lipunan. Ang
batayan nito ay
masculine at feminine
sakop nito ang :
PAG-UUGALI

PAG-IISIP

KATANGIAN PANANAMIT

GAWI
Katangian ng Gender
1. Ang mga babae ay nangangalaga sa
pamilya

2. Ang mga lalaki ay may malakas at


makisig na pangangatawan
GALANG YOGYAKARTA
Ayon sa GALANG YOGYAKARTA, Ang sexual
orientation o oryentasyong sekswal ay tumutukoy sa
kakayahan ng isang tao na makaranas ng malalim na
atraksiyong apeksyonal, emosyonal, sekswal; at ng
malalim na pakikipagrelasyon sa taong ang kasarian
ay maaaring katulad ng sa kanya, iba sa kanya, o
kasariang higit sa isa.
Sa madaling salita, ito ay tumutukoy sa pisikal at emosyonal
na atraksiyon na nararamdaman ng isang tao sa kapwa tao
nya na maaaring kapareho nya ng sekswalidad o hindi. Maari
din itong tumukoy sa pagpili ng iyong makakatalik, kung siya
ay babae o pareho.
Ito ay kinikilala bilang malalim na damdamin at personal na
karanasang pangkasarian ng isang tao, na maaaring
nakatugma o hindi nakatugma sa sekswalidad niya nang
siya’y ipanganak, kabilang ang personal na pagtuturing niya
sa sariling katawan (na maaaring mauwi, kung malayang
pinipili, sa pagbabago ng anyo o kung ano ang gagawin sa
katawan sa pamamagitan ng pagpapaopera, gamot, o iba
pang paraan) at iba pang ekspresyon ng kasarian, kasama
na ang pananamit, pagsasalita, at pagkilos.
Ito ay sumasagot sa
katanungan: “ Ano ang
sinasabi ng iyong damdamin
tungkol sa iyong kasarian?”
Ito ay personal na
pagtuturing sa sariling
katawan na maaring mauwi
at may malayang pagpili sa
pagbabago ng anyo o kung
ano ang gagawin sa katawan
ng pagpaopera, gamot at iba
pang paraan.
Samakatwid ito ay tumutukoy sa personal na pagkakakilala
at pagtanggap ng isang indibidwal sa kanyang kasarian.
Maaring magkatugma o hindi sa sex na mayroon siya nang
siya ay ipinanganak,
HETEROSEXUAL
Ang heterosexual ay isang
oryentasyong sekswal na
tumutukoy sa “isang
katayuan na makaranas ng
pagkabighaning seksuwal,
pangdamdamin,
pangkatawan o
pangromansa sa mga tao
ng taliwas o kabaligtaran
ng kanyang kasarian.
HOMOSEXUAL

Sa madaling salita, ang


isang tao ay attracted sa
kanyang opposite sex.

Maaari ba kayong
magbigay ng mga artista
na heterosexual?
ATING TALAKAYIN
ANG MGA
URI NG
HOMOSEXUAL.
LESBIAN
(Tomboy)
mga babaeng
nakararamdam ng
pisikal o romantikong
atraksyon sa kapwa
babae (tinatawag sa
ibang bahagi ng
Pilipinas na tibo at Ellen DeGeneres
(American Comedian, tv host, actress, writer
tomboy). & producer)
VICE GANDA
(COMEDIAN)
GAY(Bakla)
mga lalaking nakararamdam ng atraksyon sa kanilang kapwa
lalaki. May iilang bakla ang nagdadamit at kumikilos na parang
babae (tinatawag sa ibang bahagi ng Pilipinas na bakla, beki,
at bayot).
BISEXUAL
mga taong
nakararamdam ng
atraksyon sa
dalawang kasarian.
MIKEY BUSTOS
(VLOGGER)
TRANSGENDER
ang isang taong
nakararamdam na
siya ay nabubuhay sa
maling katawan, ang
kaniyang pag-iisip at
ang pangangatawan
ay hindi magkatugma.
Sam Smith
(Singer-song writer)
QUEER
mga taong hindi sang-ayon na mapasailalim sa anumang
uring pangkasarian, ngunit maaaring ang kanilang
pagkakakilanlan ay wala sa kategorya ng lalaki o babae,
parehong kategorya o kombinasyon ng lalaki o babae.
HERMAPHRODITISM
INTERSEX
kilala mas karaniwan bilang
hermaphroditism, taong
may parehong ari ng lalaki
at babae.
MGA
GAWAIN

SIMULAN NA
Jumbled Letters
1. (EERUQ) Mga indibiduwal na hindi sang-ayong mapasailalim sa anumang uring
pangkasarian, ngunit maaaring ang kanilang pagkakakilanlan ay wala sa kategorya ng lalaki o
babae, parehong kategorya o kombinasyon ng lalaki o babae.
2. (RNGEED DITINETY) Ito ay kinikilala bilang malalim na damdamin at personal na
Karanasang pangkasarian ng isang tao, na maaaring nakatugma o hindi nakatugma sa sex niya
nang siya’y ipanganak

3. (YGA) Mga lalaking nakararamdam ng atraksyon sa kanilang kapwa lalaki.

4. (RNESNTERGAD) Tumutukoy ito sa isang taong nakararamdam na siya ay nabubuhay sa


maling katawan.
Jumbled Letters
5. (ESX) Ito ay tumutukoy sa biyolohikal at pisyolohikal na katangian na nagtatakda ng
pagkakaiba ng babae sa lalaki.

6. (SUELXA REAOINITOIN) tumutukoy sa iyong pagpili ng makakatalik, kung siya ay lalaki


o babae o pareho.

7. (LOSHOXAMEU) nagkakaroon ng seksuwal na pagnanasa sa mga taong nabibilang sa


katulad na kasarian, mga lalaking mas gustong lalaki ang makakatalik at mga babaeng mas
gusto ang babae bilang sekswal na kapareha.
Jumbled Letters

8. (SEDCREIGN) ang tawag sa isang indibidwal kung nagtutugma ang sex sa kanyang gender
identity

9. (ROSMATANWN) isang dating lalaki na nagpalit ng kasarian

10. (SULBAIEX) mga taong nakararamdam ng atraksyon sa dalawang kasarian.


Paano natin maipapakita ang
paggalang sa karapatan ng
bawat mamamayan sa pagpili
ng kasarian at sekswalidad?
GAWAIN: TAG THAT SHIRT

Panuto: Lumikha ng Hugot Lines na nagpapahayag


ng pagpapahalaga at paggalang sa iba’t ibang
kasarian. Ipaliwanag ang epekto dulot nito sa
ating lipunan ginagalawan.

DEPED
HERO
SANGGUNIAN
Department of Education, Kontemporaryong Isyu – Modyul pasa sa mga Mag-aaral Baitang 10,
pp. 257-283.

“K to 12 Most Essential Learning Competencies with Corresponding CG Codes.” DepEd


Commons. https://commons.deped.gov.ph/melc

“Kababaihan sa Panahon ng Espanyol.” Learning Resource Portal. Published February 6.


https://lrmds.deped.gov.ph/detail/1050?fbclid

“Prevalence of Female Genital Mutilation.” World Health Organization.


https://www.who.int/teams/sexual-and-reproductive-health-andresearch/areas-of-work/female-
genital-mutilation/prevalence-of-femalegenital-mutilation

You might also like