Professional Documents
Culture Documents
Week 1-2
Kasarian sa Iba’t-ibang Lipunan
Konsepto ng Kasarian
SEX
Ayon sa World Health Organization (WHO), ang sex ay tumutukoy sa biyolohikal na
katangian (biological attributes) at pisyolohikal na katangian(physiological attributes) na
nagtatakda ng pagkakaiba ng babae sa lalaki. Dahil tumutukoy ang sex sa biyolohikal na
katangian, ang ari o genitalia ang pangunahing pamantayan kung magiging isang babae
o lalaki ang isang tao.
Matutukoy rin ang pagkakaiba ng babae at lalaki sa iba’t ibang paraan na maaring
pisikal (physical), pisyolohikal (physiological) at gampanin sa reproduksyon (reproductive
functions) gaya ng:
1. Ang mga babae ay nireregla samantalang ang mga lalaki ay hindi;
2. Ang mga lalaki ay may bayag (testicles) habang ang mga babae ay wala;
3. Ang mga babae ay lumalaki ang suso at may kakayahang makalikha ng gatas
samantalang ang mga lalaki ay hindi at;
4. Ang mga lalaki ay may higit na “massive bones’ kumpara sa mga babae.
GENDER
Habang ang sex ay tumatalakay sa biyolohikal na katangian, ang gender naman
ay tumutukoy sa mga panlipunang gampanin, kilos, at gawain na itinakda ng lipunan
para sa mga babae at lalaki.
Ang gender, ayon sa pagpapakahulugan ng WHO, ay binibigyang diin ang
panlipunang konstruksiyon (socially constructed) ng mga gampanin (roles), pag-uugali at
asal (behavior), aktibidad, at katangian (attributes) na itinuturing ng isang lipunan na
naaayon o naaangkop para sa babae at lalaki.
Samakatwid, ang lipunan ang lumikha ng sistemang klasipikasyon na nagtatakda
o nagtatalaga ng mga katangian ng pagkalalaki (masculinity) at pagkababae (femininity).
Nakabatay ang kahulugan ng gender sa teoryang sosyolohikal at pangkomunikasyon na
social constructionism. Ayon dito, ang mga bagay na binibigyang kahulugan ng lipunan
ay nahuhubog sa pamamagitan ng interaksyon (social interaction). At habang umiiral ang
interaksyon sa lipunan, patuloy ding lumalalim o lumalawak ang pagpapakahulugan sa
isang bagay. Sa madaling salita, patuloy na nagbabago, lumalawak, at lumalalim ang
pananaw at batayan ng lipunan sa pagkalalaki at pagkababae.
SEXUAL ORIENTATION
Ang bawat isa sa atin ay maaaring makaranas ng malalim na atraksyon sa taong
iba ang kasarian, kapareho ng ating kasarian, o maaaring pareho. Ang atraksyong
ito ay maaaring apeksyonal, emosyonal, o sekswal. Ang Sexual Orientation ay
tumutukoy sa malalim na pakikipagrelasyon o atraksyon sa lalaki, babae, pareho, o
wala sa nabanggit.
Upang madali itong maunawaan, Ang Sexual Orientation ay maaaring maiuri sa:
Heterosexual — atraksyong seksuwal, emosyonal o romantiko sa isang
kasarian maliban sa sariling kasarian.
Homosexual — atraksyong seksuwal, emosyonal o romantiko sa katulad na
kasarian. Ito ay maaaring sa pamamagitan ng babae sa kapwa
babae (na tinatawag na lesbian) o lalaki sa kapwa lalaki (na t
inatawag na gay subalit ginagamit din sa babae sa kapwa
babae).
Panahong Pre-Kolonyal
Kung gustong hiwalayan ng lalaki ang kaniyang asawa, maaari niya itong gawin sa
pamamagitan ng pagbawi sa ari-ariang ibinigay niya sa panahon ng kanilang
pagsasama.
Kung ang babae ang magnanais na hiwalayan ang kaniyang asawa, wala siyang
makukuhang ari-arian.
Panahon ng Espanyol
Ayon kay Dr. Lourdes Lapuz, a pioneer in the field of psychiatry, sa kaniyang
pananaliksik na pinamagatang “A Study of Psychopathology and Filipino Marriages
in Crises;” Filipinas are brought up to fear men and some never escape the feelings of
inferiority tha upbringing creates”.
Panahon ng Amerikano
Nabuksan ang isipan ng kababaihan na hindi lamang dapat bahay at simbahan ang
mundong kanilang ginagalawan.
Isang espesyal na plebesito ang ginanap noong Abril 30, 1937, 90% ng mga bumoto
ay pabor sa pagbibigay-karapatan sa pagboto ng kababaihan. Ito ang simula ng
pakikilahok ng kababaihan sa mga isyu na may kinalaman sa politika.
Panahon ng Hapones
Kasalukuyang Panahon
Ang mga babae, may trabaho man o wala, ay inaasahang gumawa ng mga gawaing-
bahay.
Marami nang pagkilos at batas ang isinulong upang mapagkalooban ng pantay na
karapatan sa trabaho at lipunan ang kababaihan, kalalakihan, at iba pang kasarian
o napapabilang sa LGBTQIA+.
Mayroon ding lalaking babaylan, halimbawa nito ay ang mga asog sa Visayas noong
ika-17 siglo. Hindi lamang sila nagbihis-babae kundi nagbalat-kayo ring babae upang
ang kanilang mga panalangin umano ay pakinggan ng mga espiritu. Ilan din sa kanila
ay kasal sa lalaki, kung saan sila ay may relasyong seksuwal
Dekada 60 ang pinaniniwalaang dekada kung kailan umusbong ang Philippine gay
culture sa bansa. Sa mga panahong ito, maraming akda ang nailathala na tumatalakay
sa homoseksuwalidad.
Ayon sa datos ng World Health Organization (WHO), may 200 milyong kababaihan
(bata at matanda) ang biktima ng Female Genital Mutilation (FGM) sa 30 bansa sa Africa
at Kanlurang Asya. Tinatayang tatlong milyong kababaihang may edad na 15 ang
sumasailalim sa prosesong ito taon-taon. Ang FGM ay isang proseso ng pagbabago sa
ari ng kababaihan (bata o matanda) nang walang anumang benepisyong medikal, ngunit
patuloy pa rin ang ganitong uri ng gawain dahil sa impluwensiya ng tradisyon ng
lipunang kanilang ginagawalan. Ito ay isinasagawa sa mga batang babae na may edad
0―15 taong gulang. Ayon sa kanilang paniniwala, mapananatiling walang bahid dungis
ang babae hanggang siya ay maikasal. Walang basehang panrelihiyon ang paniniwala at
prosesong ito na maaaring magdulot ng impeksiyon, pagdurugo, hirap sa pag-ihi at
maging kamatayan.
Sa bahagi naman ng South Africa, may mga kaso ng gang-rape sa mga lesbian
(tomboy) sa paniniwalang magbabago ang oryentasyon nila matapos silang gahasain.
Bukod pa rito, ayon na rin sa ulat na inilabas ng United Nations Human Rights Council
noong taong 2011, may mga kaso rin ng karahasang nagmumula sa pamilya mismo ng
mga miyembro ng LGBTQIA+.
Ayon kay Hillary Clinton (2011) ang mga LGBT ay tinatawag na “invisible
minority” dahil ang kanilang mga kwento ay itinago, inilihim at marami sa kanila ang
nanahimik dahil sa takot. Marami sa kanila ang nahaharap sa malaking hamon ng
pagtanggap at pagkakapantay-pantay sa pamilya, paaralan, negosyo, lipunan at maging
sa kasaysayan.
Nakilala si Malala Yousafzai habang lulan ng bus patungong paaralan, nang siya ay
barilin sa ulo ng isang miyembro ng Taliban noong ika-9 ng Oktubre 2012 dahil sa
kanyang paglaban at adbokasiya para sa karapatan ng mga batang babae sa
edukasyon sa Pakistan. Kinondena hindi lamang ng mga Muslim ang pagtatangka sa
buhay ni Malala. Bumuhos ang tulong pinansyal upang agarang mabigyang lunas
ang pagbaril sa kanyang ulo.
Diskriminasyon sa Kalalakihan
Marahil ang Pilipinas ay isang patriyarkal na bansa kaya mataas ang pagtingin sa
kalalakihan sa lipunan. Subalit may mga pagkakataon ding sila ay nakararanas ng
diskriminasyon. Ginagawang paksang biro ang pagtawag ng ‘House husband’ sa mga
kalalakihan na naiiwan at gumaganap ng mga gawaing pantahanan.
Diskriminasyon sa Kababaihan
Ang Labor Force Participation Rate (LFPR) ng mga kababaihan ay nanatiling mas
mababa kaysa sa mga kalalakihan na maaaring maiugnay sa paglaganap ng
diskriminasyon batay sa kasarian sa lugar ng trabaho partikular na ang diskriminasyon
sa pagpasok sa trabaho, pagpapanatili at pagsulong ng mga manggagawang
kababaihan, sexual harassment, agwat sa sahod at limitadong kakayahang umangkop
sa trabaho.
Ang limitado at hindi pantay na pakikilahok ng mga kababaihan sa gawaing pang-
ekonomiya ay may direktang epekto sa paglago at pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.
Ang Labor Force Participation Rate ng mga kababaihan ay halos 48% habang ang mga
kalalakihan ay humigit-kumulang na 77% na mas mababa sa 29% kaysa sa mga
kalalakihan.
Diskriminasyon sa LGBTQIA+
Ayon sa pag-aaral na inilabas ng United Nations Development Programme (UNDP)
at ng United States Agency for International Development (USAID) na may titulong Being
LGBT in Asia: The Philippines Country Report,ang mga LGBTQIA+ ay may kakaunting
oportunidad sa trabaho, bias saserbisyong medikal, pabahay at maging sa edukasyon.
Ilan sa mga halimbawanito ay may mga kurso, propesyon, at hanapbuhay na para
lamang sa babae o lalaki.
Karahasan sa Kalalakihan
Maging ang kalalakihan ay biktima rin ng karahasan. Maaaring magsimula ito sa
kanilang pamilya at maging sa trabaho. Wala itong pinipiling edad, maging bata man o
matanda. Ang pang-aabuso sa kalalakihan ay hindi kinakailangang maging pisikal,
ngunit maaaring emosyonal at seksuwal.
Marami pa ring mga lalaking biktima ng karahasan ang nahihiyang lumantad at
magbahagi ng kanilang karanasan kaya walang malinaw na bilang kung ilan sa kanila
ang naging biktima ng pang-aabuso.
May kalalakihang nakararanas ng seksuwal na pang-aabuso mula sa kanilang
pamilya o mga taong pinagkakatiwalaan nila na maaaring makaapekto sa kanilang
damdamin o emosyon. May mga pagkakataon na sila rin ay biktima ng pisikal na
pananakit mula sa kanilang asawa o partner.
Karahasan sa Kababaihan
Ayon sa United Nations (UN), ang karahasan sa kababaihan (violence against
women) ay anumang karahasang nauugat sa kasarian na humahantong sa pisikal,
seksuwal o mental na pananakit o pagpapahirap sakababaihan, kasama na ang mga
pagbabanta at pagsikil sa kanilang kalayaan.
Hindi lamang limitado sa pisikal na pang-aabuso ang violence against women.
Maaari rin itong sa paraang berbal, seksuwal, sikolohikal, at ekonomikal. Maraming
paraan ang mga kalalakihan upang maipamalas ang kanilang kapangyarihan sa mga
kababaihan. Ang pananakit na pisikal ay isanghalimbawa nito. Mula sa berbal na pang-
aabuso ay nauuwi sa abusong pisikal.Ang lahat ng kababaihang nakaranas ng pisikal
na pananakit ay biktima rinng iba pang anyo ng pang-aabuso.
Ang General Assembly Binding Women for Reforms, Integrity, Equality,
Leadership, and Action (GABRIELA), ay isang samahan sa Pilipinas na laban sa
iba’t ibang anyo ng karahasang nararanasan ng kababaihan na tinagurian
nilang Seven Deadly Sins Against Women. Ang mga ito ay ang:
1. pambubugbog/pananakit,
2. panggagahasa,
3. incest at iba pang seksuwal na pang-aabuso,
4. sexual harassment,
5. sexual discrimination at exploitation,
6. limitadong access sa reproductive health, at
7. sex trafficking at prostitusyon.
A. Isa sa bawat apat (26%) na babaeng may edad 15-49 ang nakaranas ng pananakit na
pisikal, seksuwal, at emosyonal. Karamihan sa mga nananakit ay ang mga
kasalukuyang asawang lalaki o partner.
B. Limang porsyento (5%) na babae ang nakaranas ng seksuwal napananakit.
C. Labing-apat na porsyento (14%) na mga babae ang nakaranas ng pisikalna
pananakit.
D. Isa sa bawat lima (20%) na babaeng may-asawa ang nakaranas ng emosyonal na
pananakit mula sa kanilang mga asawa o partner.
Ang foot binding ay isinasagawa sa mga babae noong sinaunang panahon sa China. Ito
ay ang mahabang proseso ng pagbabali ng arko ng paa ng mga babae upang hindi ito
lumaki nang normal. Ang kanilang mga paa ay mahigpit na nakagapos gamit ang
pagbalot ng isang pirasong bakal o bubog sa talampakan. Ang perpektong paa ng
babaeng may sapat na gulang ay tatlo hanggang apat na pulgada ang haba.
Ang mga deformed feet ay kilala bilang ‘lotus feet o lily feet’. Ang pagkakaroon ng
ganitong klase ng paa sa simula ay kinikilala bilang simbolo ng yaman, ganda, at
pagiging karapat-dapat sa pagpapakasal. Subalit dahil sa ang kababaihang ito ay may
bound feet, nalimitahan ang kanilang pagkilos, pakikilahok sa politika, at ang kanilang
pakikisalamuha. Noong 1911, sa pamumuno ni Sun Yat Sen tinanggal ang ganitong
sistema sa China.
Karahasan sa LGBTQIA+
Patuloy ang pagpatay sa mga miyembro ng LGBTQIA+ sa kabila ng panawagan sa
pagkakapantay- pantay at kalayaan sa lahat ng uri ng diskriminasyon at pang-aabuso.
Ayon sa ulat ng Transgender Europe noong 2015 mahigit 1,700 LGBTQIA+ ang
biktima ng pagpatay mula 2008-2015. Ang United Nations Human Rights Council ay
nagkaroon ng ulat noong 2011 tungkol sa mga ebidensya at kaso ng mga
diskriminasiyon at karahasan laban sa mga LGBTQIA+. Ang bansang Uganda ay
nagpasa ng batas na Anti-
Homosexuality Act of 2014 na nagsasaad na ang same-sex relations at marriages ay
maaaring parusahan ng panghabambuhay na pagkabilanggo.
Hindi lamang kababaihan ang biktima ng karahasang nagaganap sa isang
relasyon o ang tinatawag na domestic violence, maging ang kalalakihan ay biktima rin.
Ang ganitong uri ng karahasan sa mga kalalakihan ay hindi madaling makita o
kilalanin. Ang karahasan ay may iba’t ibang uri: emosyonal,seksuwal, pisikal, at banta
ng pang-aabuso. Ito ay maaari ring maganap saheterosexual at homosexual na relasyon.
Quarter 3
Week 5-6
ugon ng Pamahalaan at Mamamayan sa mga Isyu ng Karahasan at
Diskriminasyon!
Ang CEDAW
Ang CEDAW ay ang Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination
Against Women. Karaniwang inilalarawan bilang International Bill for Women, kilala rin
ito bilang The Women’s Convention o ang United Nations Treaty for the Rights of
Women. Ito ang kauna-unahan at tanging internasyunal na kasunduan na
komprehensibong tumatalakay sa karapatan ng kababaihan hindi lamang sa sibil at
politikal na larangan kundi gayundin sa aspetong kultural, pang-ekonomiya,
panlipunan at pampamilya.
Inaprubahan ng United Nations General Assembly ang CEDAW noong Disyembre
18,1979, kaalinsabay ng pagdiriwang ng UN Decade for Women. Pumirma ang Pilipinas
sa CEDAW noong Hulyo 15, 1980, at niratipika ito noong Agosto 5, 1981. Kasunod ng
Convention of the Rights of the Child, ang CEDAW ang pangalawang kasunduan na may
pinakamaraming bansang nagratipika. Umabot na sa 180 bansa mula sa 191 na
lumagda o state parties noong Marso 2005. Unang ipinatupad ang kasunduan noong
Setyembre 3, 1981 o 39 taon na ang nakararaan noong 2006, subalit kaunti pa lang ang
nakaaalam nito.
Ang Magna Carta for Women ay isinabatas noong Hulyo 8, 2008 upang alisin ang
lahat ng uri ng diskriminasyon laban sa kababaihan at sa halip ay itaguyod ang
pagkakapantay-pantay ng mga babae at lalaki sa lahat ng bagay, alinsunod sa mga
batas ng Pilipinas at mga pandaigdigang instrumento, lalo na ang Convention on the
Elimination of All Forms of Discrimination Against Women o CEDAW.
Layunin nito na itaguyod ang husay at galing ng bawat babae at ang potensiyal
nila bilang alagad ng pagbabago at pag-unlad, sa pamamagitan ng pagkilala at
pagtanggap sa katotohanan na ang mga karapatan ng kababaihan ay karapatang
pantao.
Ano-ano ang responsibilidad ng pamahalaan upang maproteksiyunan ang mga
kababaihan at mga anak nito sa ilalim ng batas na ito?
RESPOSIBILIDAD NG PAMAHALAAN
May pagkakaiba ang mga kilos at gawi na inaasahang gampanan ayon sa kasarian.
May mga kilos at gawain na itinuturing na kakaiba sa kanilang sekswalidad. Hindi
pantay-pantay ang pagtingin ng ating lipunan sa ibat’-ibang mga kasarian. Maraming
mga bansa ang hindi pa rin lubos na kinikilala ang mga karapatan ng kababaihan at
homosekswal. Mayroong mga relihiyong itinuturing na kasalanan ang relasyong
homosekswal. Mayroon ding mga estadong aktibong tumutuligsa sa mga homosekswal
at kababaihan sa pamamagitan ng pagpatupad ng mga batas na naglilimita sa kanilang
mga karapatan.
Unawain ding mabuti ang teksto ng Gender and Development sa Pilipinas upang iyong
mapagtanto kung paano makatutulong ang isang aktibo at responsableng mamamayan
sa pagtataguyod ng isang lipunang may pagtanggap at paggalang sa kasarian tungo sa
pagkakapantay-pantay.