You are on page 1of 28

Kasarian sa Iba’t Ibang Lipunan

Kahulugan ng Sex at Gender

➢ Ang sex ay tumutukoy sa biyolohikal at pisyolohikal na


katangiang nagtatakda ng pagkakaiba ng babae sa lalaki. Ito rin
ay tumutukoy sa gawain ng babae at lalaki na ang layunin ay
reproduksiyon ng tao.

➢ Ang gender ay tumutukoy sa mga panlipunang gampanin, kilos,


at gawain na itinatakda ng lipunan para sa mga babae at lalaki.
Karaniwang batayan nito ay ang gender identity at roles na
mayroon sa lipunan, ito ay ang pagiging masculine o feminine.
Ano ang pagkakaiba ng sexual orientation at gender
identity (SOGI)?

➢ Ang oryentasyong seksuwal (sexual orientation) ay tumutukoy sa


kakayahan ng isang tao na makaranas ng malalim na atraksyong
apeksyonal, emosyonal, seksuwal, at malalim na pakikipagrelasyon
sa taong ang kasarian ay maaaring katulad ng sa kaniya, iba sa
kaniya, o kasariang higit sa isa.

➢ Ang pagkakakilanlang pangkasarian (gender identity) ay kinikilala


bilang malalim na damdamin at personal na karanasang pangkasarian
ng isang tao, na maaaring nakatugma o hindi nakatugma sa sex niya
nang siya ay ipanganak. Sa simpleng pakahulugan, ang oryentasyon
seksuwal ay tumutukoy sa iyong pagpili ng iyong makakatalik, kung
siya ay lalaki o babae o pareho. Ang pagkakakilanlang pangkasarian
naman ay ang personal na pagtuturing sa sariling katawan (na
maaaring mauwi, kung malayang pinipili, sa pagbabago ng anyo o
kung ano ang gagawin sa katawan sa pamamagitan ng
pagpapaopera, gamot, o iba pang paraan) at iba pang ekspresyon ng
kasarian, kasama na ang pananamit, pagsasalita at pagkilos.
Ang oryentasyong seksuwal ay maaaring maiuri bilang
heterosexual at homosexual.

Heterosexual – mga taong nagkakaroon ng atraksyon sa miyembro ng


kabilang kasarian, mga lalaki na ang gustong makatalik ay babae at mga
babaeng gusto naman ay lalaki.

Homosexual – mga taong nagkakaroon ng atraksyon at seksuwal na


pagnanasa sa mga taong nabibilang sa katulad na kasarian. Bukod sa
babae at lalaki, sa kasalukuyan ay may tinatawag tayong Lesbian, Gay,
Bisexual, Transgender, Queer, Intersex, at Asexual o mas kilala bilang
LGBTQIA+.

Intersex - kilala mas karaniwan bilang hermaphroditism, taong may


parehong ari ng lalaki at babae.

Lesbian (tomboy) - mga babaeng nakararamdam ng pisikal o romantikong


atraksyon sa kapwa babae (tinatawag sa ibang bahagi ng Pilipinas na tibo
at tomboy).

Gay (bakla) - mga lalaking nakararamdam ng atraksyon sa kanilang kapwa


lalaki. May iilang bakla ang nagdadamit at kumikilos na parang babae
(tinatawag sa ibang bahagi ng Pilipinas na bakla, beki).

Bisexual - mga taong nakararamdam ng atraksyon sa dalawang kasarian.


Transgender - ang isang taong nakararamdam na siya ay
nabubuhay sa maling katawan, ang kaniyang pag-iisip at ang
pangangatawan ay hindi magkatugma.

Queer - mga taong hindi sang-ayon na mapasailalim sa anumang


uring pangkasarian, ngunit maaaring ang kanilang
pagkakakilanlan ay wala sa kategorya ng lalaki o babae,
parehong kategorya o kombinasyon ng lalaki o babae.

Asexual – mga taong walang nararamdamang atraksyong


seksuwal sa anumang kasarian.
Gender Roles sa Pilipinas
Panahong Pre-Kolonyal
• Pantay ang kalagayan ng kalalakihan at kababaihan sa lipunan.

• Ang mga kababaihan ay pinapayagang makapagmana at mamuno ng mga


barangay

• Ang mga kababaihan ay pinapayagang makapagdesisyon tungkol sa


pagpapakasal ng kanilang mga anak.

• Ang mga kababaihan ay lumalaking tinitingnan bilang siyang pinagmumulan


ng kapangyarihan sa pamilya

• Ang babaylan ay tawag sa mga katutubong manggagamot ng sinaunang


pamayanang Pilipino. Sila ay pinaniniwalaang may kakayahang gumamot ng
kaluluwa at katawan. Pinaniniwalaan na ang mga babaylan ay nagtataglay
ng kapangyarihang makausap ang
espiritu at makapagtanghal ng
mga ritwal na pinaniniwalaang
nakapagpapaalis ng malas o
sumpa sa isang tao o
pamayanan. Karaniwang babae
ang nagsisilbing babaylan sa
isang pamayanan. Ayon sa ilang
mananaliksik, ang babaylan ay
simbolo ng kapangyarihan at
mataas na estado sa lipunan ng
kababaihan.
Panahon ng Espanyol

➢ Ang mga kababaihan ay nananatili sa kanilang tahanan at inaasikaso


ang bawat pangangailangan ng kanilang asawa at mga anak.
Gayunpaman, naging malaki ang bahaging kanilang ginampanan sa
pagkamit ng kalayaan laban sa mga Kastila. Ilan sa mga kababaihang ito
ay si Gabriela Silang, maybahay ni Diego Silang na isa ring kilalang
bayani sa panahon ng himagsikan laban sa mga Kastila. Gayundin, sa
panahon ng Rebolusyon ng 1896, may mga Katipunera tulad nina Marina
Dizon na tumulong sa adhikain ng mga katipunero na labanan ang pang-
aabuso ng mga Espanyol.

➢ Ayon kay Dr. Lourdes Lapuz, a pioneer in the field of psychiatry, sa


kaniyang pananaliksik na pinamagatang “A Study of Psychopathology
and Filipino Marriages in Crises;” Filipinas are brought up to fear men
and some never escape the feelings of inferiority tha upbringing
creates”.

➢ Tungkulin ng mga kalalakihang ibigay sa kanilang asawa ang kinikita


sa paghahanapbuhay.
Panahon ng Amerikano

➢ Sa pagsisimula ng pampublikong paaralan na bukas para sa kababaihan at


kalalakihan, mahirap o mayaman, maraming kababaihan ang nakapag-aral.

➢ Nabuksan ang isipan ng kababaihan na hindi lamang dapat bahay at


simbahan ang mundong kanilang ginagalawan.

➢ Ang mga kababaihan ay nagkaroon ng pag-asang umunlad sa sarilli nilang


pamamaraan.

➢ Isang espesyal na plebesito ang ginanap noong Abril 30, 1937, 90% ng
mga bumoto ay pabor sa pagbibigay-karapatan sa pagboto ng kababaihan.
Ito ang simula ng pakikilahok ng kababaihan sa mga isyu na may kinalaman
sa politika.

Panahon ng Hapones

➢ Ipinakita ng mga Pilipino ang kanilang kagitingan sa pagtatanggol sa


bansa sa abot ng kanilang kakayahan at maging hanggang kamatayan.

➢ Parehas na lumaban ang mga kalalakihan at kababaihan noong Ikalawang


Digmaang Pandaigdig.

➢ Ang kababaihan na nagpapatuloy ng kanilang karera na dahilan ng


kanilang pag-iwan sa tahanan ay hindi ligtas sa ganitong gawain.
Kasalukuyang Panahon

➢ Patriyarkal man ang paraan ng pamamahala tulad sa Pilipinas subalit


nagkaroon din ng puwang ang mga kababaihan at naging lider ng bansa gaya
nina dating Pangulong Corazon C. Aquino at Gloria M. Arroyo.

➢ Ang mga babae, may trabaho man o wala, ay inaasahan pa rin ng lipunan
na sila ang gumawa ng mga gawaing-bahay.

➢ Marami nang pagkilos at batas ang isinulong upang mapagkalooban ng


pantay na karapatan sa trabaho at lipunan ang kababaihan, kalalakihan, at
iba pang kasarian o napapabilang sa LGBTQIA+.
Kasaysayan ng LGBTQIA+ sa Pilipinas

Sa pagtalakay ng kasaysayan ng LGBTQIA+ sa Pilipinas, mababanggit ang


mga babaylan noong ika-16 hanggang ika-17 siglo. Ang Babaylán ay isang
lider-ispiritwal na may tungkuling panrelihiyon. Nagsilbing manggagamot at
tagapamahala ng katutubong kultura bago ang pananakop ng mga Español
sa Pilipinas.

Mayroon ding lalaking babaylan, halimbawa nito ay ang mga asog sa Visayas
noong ika-17 siglo. Hindi lamang sila nagbihis-babae kundi nagbalat-kayo ring
babae upang ang kanilang mga panalangin umano ay pakinggan ng mga
espiritu. Ilan din sa kanila ay kasal sa lalaki, kung saan sila ay may relasyong
seksuwal

Dekada 60 ang pinaniniwalaang dekada kung kailan umusbong ang Philippine


gay culture sa bansa. Sa mga panahong ito, maraming akda ang nailathala
na tumatalakay sa homoseksuwalidad.
Mga Isyu sa Kasarian at Lipunan
Ano ang diskriminasyon?
Ang diskriminasyon ay tumutukoy sa anumang pag-uuri, eksklusyon, o
restriksyon batay sa kasarian na naglalayon o nagiging sanhi ng hindi
pagkilala, paggalang, at pagtamasa ng lahat ng kasarian ng kanilang mga
karapatan o kalayaan.

Diskriminasyon sa Kalalakihan
Marahil ang Pilipinas ay isang patriyarkal na bansa kaya mataas ang
pagtingin sa kalalakihan sa lipunan. Subalit may mga pagkakataon ding sila
ay nakararanas ng diskriminasyon. Ginagawang paksang biro ang pagtawag
ng ‘House husband’ sa mga kalalakihan na naiiwan at gumaganap ng mga
gawaing pantahanan.

Diskriminasyon sa Kababaihan
Ang Labor Force Participation Rate (LFPR) ng mga kababaihan ay nanatiling
mas mababa kaysa sa mga kalalakihan na maaaring maiugnay sa
paglaganap ng diskriminasyon batay sa kasarian sa lugar ng trabaho
partikular na ang diskriminasyon sa pagpasok sa trabaho, pagpapanatili at
pagsulong ng mga manggagawang kababaihan, sexual harassment, agwat
sa sahod at limitadong kakayahang umangkop sa trabaho.

Ang limitado at hindi pantay na pakikilahok ng mga kababaihan sa gawaing


pang-ekonomiya ay may direktang epekto sa paglago at pag-unlad ng
ekonomiya ng bansa. Ang Labor Force Participation Rate ng mga
kababaihan ay halos 48% habang ang mga kalalakihan ay humigit-kumulang
na 77% na mas mababa sa 29% kaysa sa mga kalalakihan.
Diskriminasyon sa LGBTQIA+
Ayon sa pag-aaral na inilabas ng United Nations Development Programme
(UNDP) at ng United States Agency for International Development (USAID)
na may titulong Being LGBT in Asia: The Philippines Country Report, ang mga
LGBTQIA+ ay may kakaunting oportunidad sa trabaho, bias sa serbisyong
medikal, pabahay at maging sa edukasyon. Ilan sa mga halimbawa nito ay
may mga kurso, propesyon, at hanapbuhay na para lamang sa babae o lalaki.

Karahasan sa Kalalakihan,
Kababaihan at LGBTQIA+

Karahasan sa Kalalakihan
Maging ang kalalakihan ay biktima rin ng karahasan. Maaaring magsimula ito
sa kanilang pamilya at maging sa trabaho. Wala itong pinipiling edad, maging
bata man o matanda. Ang pang-aabuso sa kalalakihan ay hindi
kinakailangang maging pisikal, ngunit maaaring emosyonal at seksuwal.
Marami pa ring mga lalaking biktima ng karahasan ang nahihiyang lumantad
at magbahagi ng kanilang karanasan kaya walang malinaw na bilang kung ilan
sa kanila ang naging biktima ng pang-aabuso. May kalalakihang nakararanas
ng seksuwal na pang-aabuso mula sa kanilang pamilya o mga taong
pinagkakatiwalaan nila na maaaring makaapekto sa kanilang damdamin o
emosyon. May mga pagkakataon na sila rin ay biktima ng pisikal na
pananakit mula sa kanilang asawa o partner.
Karahasan sa Kababaihan

Ayon sa United Nations (UN), ang karahasan sa kababaihan (violence


against women) ay anumang karahasang nauugat sa kasarian na
humahantong sa pisikal, seksuwal o mental na pananakit o pagpapahirap sa
kababaihan, kasama na ang mga pagbabanta at pagsikil sa kanilang
kalayaan.

Hindi lamang limitado sa pisikal na pang-aabuso ang violence against


women. Maaari rin itong sa paraang berbal, seksuwal, sikolohikal, at
ekonomikal. Maraming paraan ang mga kalalakihan upang maipamalas ang
kanilang kapangyarihan sa mga kababaihan. Ang pananakit na pisikal ay
isang halimbawa nito. Mula sa berbal na pang-aabuso ay nauuwi sa abusong
pisikal. Ang lahat ng kababaihang nakaranas ng pisikal na pananakit ay
biktima rin ng iba pang anyo ng pang-aabuso.

Ang General Assembly Binding Women for Reforms, Integrity, Equality,


Leadership, and Action (GABRIELA), ay isang samahan sa Pilipinas na laban
sa iba’t ibang anyo ng karahasang nararanasan ng kababaihan na tinagurian
nilang Seven Deadly Sins Against Women. Ang mga ito ay ang:
1. pambubugbog/pananakit,
2. panggagahasa,
3. incest at iba pang seksuwal na pang-aabuso,
4. sexual harassment,
5. sexual discrimination at exploitation,
6. limitadong access sa reproductive health, at
7. sex trafficking at prostitusyon.
Istatistika ng Karahasan sa Kababaihan 2017 National
Demographic and Health Survey (NDHS)

A. Isa sa bawat apat (26%) na babaeng may edad 15-49 ang nakaranas ng pananakit na
pisikal, seksuwal, at emosyonal. Karamihan sa mga nananakit ay ang mga kasalukuyang
asawang lalaki o partner.
B. Limang porsyento (5%) na babae ang nakaranas ng seksuwal na pananakit.
C. Labing-apat na porsyento (14%) na mga babae ang nakaranas ng pisikal na pananakit.
D. Isa sa bawat lima (20%) na babaeng may-asawa ang nakaranas ng emosyonal na
pananakit mula sa kanilang mga asawa o partner.

May ilang kaugalian din sa ibang lipunan na nagpapakita ng paglabag sa


karapatan ng kababaihan. Subalit ang nakalulungkot dito, ang pagsasagawa
nito ay nag-uugat sa maling paniniwala, tulad na lamang ng isinasagawang
breast ironing o breast flattening sa Africa at foot binding sa China.

Ang breast ironing o breast flattening ay isang kaugalian sa bansang


Cameroon sa kontinente ng Africa. Ito ay ang pagbabayo o pagmamasahe
ng dibdib ng batang nagdadalaga sa pamamagitan ng bato, martilyo o
spatula na pinainit sa apoy. May pananaliksik noong 2006 na nagsasabing
24% ng mga batang babaeng may edad siyam ay apektado nito.
Ipinaliliwanag ng ina sa anak na ang pagsasagawa nito ay normal lamang at
ang mga dahilan nito ay upang maiwasan ang: (1) maagang pagbubuntis ng
anak, (2) paghinto sa pag- aaral, at (3) pagkagahasa. Ang maaaring maging
epekto nito sa kalusugan ng mga biktima — mga cyst, cancer sa suso, at
mga isyu sa pagpapasuso.

Ang foot binding ay isinasagawa sa mga babae noong sinaunang panahon


sa China. Ito ay ang mahabang proseso ng pagbabali ng arko ng paa ng mga
babae upang hindi ito lumaki nang normal. Ang kanilang mga paa ay mahigpit
na nakagapos gamit ang pagbalot ng isang pirasong bakal o bubog sa
talampakan. Ang perpektong paa ng babaeng may sapat na gulang ay tatlo
hanggang apat na pulgada ang haba.
Istatistika ng Karahasan sa Kababaihan 2017 National
Demographic and Health Survey (NDHS)

A. Isa sa bawat apat (26%) na babaeng may edad 15-49 ang nakaranas ng pananakit na
pisikal, seksuwal, at emosyonal. Karamihan sa mga nananakit ay ang mga kasalukuyang
asawang lalaki o partner.
B. Limang porsyento (5%) na babae ang nakaranas ng seksuwal na pananakit.
C. Labing-apat na porsyento (14%) na mga babae ang nakaranas ng pisikal na pananakit.
D. Isa sa bawat lima (20%) na babaeng may-asawa ang nakaranas ng emosyonal na
pananakit mula sa kanilang mga asawa o partner.

May ilang kaugalian din sa ibang lipunan na nagpapakita ng paglabag sa


karapatan ng kababaihan. Subalit ang nakalulungkot dito, ang pagsasagawa
nito ay nag-uugat sa maling paniniwala, tulad na lamang ng isinasagawang
breast ironing o breast flattening sa Africa at foot binding sa China.

Ang breast ironing o breast flattening ay isang kaugalian sa bansang


Cameroon sa kontinente ng Africa. Ito ay ang pagbabayo o pagmamasahe
ng dibdib ng batang nagdadalaga sa pamamagitan ng bato, martilyo o
spatula na pinainit sa apoy. May pananaliksik noong 2006 na nagsasabing
24% ng mga batang babaeng may edad siyam ay apektado nito.
Ipinaliliwanag ng ina sa anak na ang pagsasagawa nito ay normal lamang at
ang mga dahilan nito ay upang maiwasan ang: (1) maagang pagbubuntis ng
anak, (2) paghinto sa pag- aaral, at (3) pagkagahasa. Ang maaaring maging
epekto nito sa kalusugan ng mga biktima — mga cyst, cancer sa suso, at
mga isyu sa pagpapasuso.

Ang foot binding ay isinasagawa sa mga babae noong sinaunang panahon


sa China. Ito ay ang mahabang proseso ng pagbabali ng arko ng paa ng mga
babae upang hindi ito lumaki nang normal. Ang kanilang mga paa ay mahigpit
na nakagapos gamit ang pagbalot ng isang pirasong bakal o bubog sa
talampakan. Ang perpektong paa ng babaeng may sapat na gulang ay tatlo
hanggang apat na pulgada ang haba.
Karahasan sa LGBTQIA+

Patuloy ang pagpatay sa mga miyembro ng LGBTQIA+ sa kabila ng


panawagan sa pagkakapantay- pantay at kalayaan sa lahat ng uri ng
diskriminasyon at pang-aabuso.

Ayon sa ulat ng Transgender Europe noong 2015 mahigit 1,700 LGBTQIA+


ang biktima ng pagpatay mula 2008-2015.

Ang United Nations Human Rights Council ay nagkaroon ng ulat noong 2011
tungkol sa mga ebidensya at kaso ng mga diskriminasiyon at karahasan
laban sa mga LGBTQIA+. Ang bansang Uganda ay nagpasa ng batas na
Anti- Homosexuality Act of 2014 na nagsasaad na ang same-sex relations
at marriages ay maaaring parusahan ng panghabambuhay na
pagkabilanggo.

Hindi lamang kababaihan ang biktima ng karahasang nagaganap sa isang


relasyon o ang tinatawag na domestic violence, maging ang kalalakihan ay
biktima rin. Ang ganitong uri ng karahasan sa mga kalalakihan ay hindi
madaling makita o kilalanin. Ang karahasan ay may iba’t ibang uri:
emosyonal, seksuwal, pisikal, at banta ng pang-aabuso. Ito ay maaari ring
maganap sa heterosexual at homosexual na relasyon.
Ikaw ay nakararanas ng domestic violence kung ang iyong kapareha ay:

1. tinatawag ka sa ibang pangalang hindi maganda (name calling) para sa


iyo at sa ibang tao, iniinsulto ka;

2. pinipigilan ka sa pagpasok sa trabaho o paaralan;

3. pinipigilan kang makipagkita sa iyong pamilya o mga kaibigan,


sinusubukan kang kontrolin sa paggastos sa pera, saan ka pupunta at
kung ano ang iyong mga isusuot;

4. nagseselos at palagi kang pinagdududahan na nanloloko;

5. nagagalit kung umiinom ng alak, o gumagamit ng droga;

6. pinagbabantaan ka na sasaktan;

7. sinisipa, sinasampal, sinasakal o sinasaktan ang iyong mga anak o mga


alagang hayop;

8. pinipilit kang makipagtalik kahit labag sa iyong kalooban; at

9. sinisisi ka sa kaniyang pananakit o sinasabi na nararapat lamang ang


ginawa sa iyo.
Ikaw ay nakararanas ng domestic violence kung ang iyong kapareha ay:

1. tinatawag ka sa ibang pangalang hindi maganda (name calling) para sa


iyo at sa ibang tao, iniinsulto ka;

2. pinipigilan ka sa pagpasok sa trabaho o paaralan;

3. pinipigilan kang makipagkita sa iyong pamilya o mga kaibigan,


sinusubukan kang kontrolin sa paggastos sa pera, saan ka pupunta at
kung ano ang iyong mga isusuot;

4. nagseselos at palagi kang pinagdududahan na nanloloko;

5. nagagalit kung umiinom ng alak, o gumagamit ng droga;

6. pinagbabantaan ka na sasaktan;

7. sinisipa, sinasampal, sinasakal o sinasaktan ang iyong mga anak o mga


alagang hayop;

8. pinipilit kang makipagtalik kahit labag sa iyong kalooban; at

9. sinisisi ka sa kaniyang pananakit o sinasabi na nararapat lamang ang


ginawa sa iyo.
Tugon ng Pamahalaan at Mamamayan sa
mga Isyu ng Karahasan at Diskriminasyon

Anti-Violence Against Women and Their Children Act


(Republic Act No. 9262)

Ang Anti-Violence Against Women and Their Children Act ay isang batas na
nagsasaad ng mga karahasan laban sa kababaihan at kanilang mga anak,
nagbibigay ng lunas at proteksiyon sa mga biktima nito, at nagtatalaga ng mga
kaukulang parusa sa mga lumalabag dito. Sino-sino ang puwedeng mabigyan ng
proteksiyon ng batas na ito?

Ang mabibigyan ng proteksiyon ng batas na ito ay ang kababaihan at kanilang


mga anak. Ang “kababaihan” sa ilalim ng batas na ito ay tumutukoy sa
kasalukuyan o dating asawang babae, babaeng may kasalukuyan o nakaraang
relasyon sa isang lalaki, at babaeng nagkaroon ng anak sa isang karelasyon. Ang
“mga anak” naman ay tumutukoy sa mga anak ng babaeng inabuso, mga anak na
wala pang labing- walong (18) taong gulang, lehitimo man o hindi at mga anak na
may edad na labing- walong (18) taon at pataas na wala pang kakayahang alagaan
o ipagtanggol ang sarili, kabilang na rin ang mga hindi tunay na anak ng isang
babae ngunit nasa ilalim ng kaniyang pangangalaga.

Sino-sino ang posibleng magsagawa ng krimen ng pang-aabuso at


pananakit at maaaring kasuhan ng batas na ito?
Ang mga maaaring magsagawa ng krimeng ito at maaaring managot sa ilalim ng
batas na ito ay ang mga kasalukuyan at dating asawang lalaki, mga kasalukuyan
at dating kasintahan at live-in partners na lalaki, mga lalaking nagkaroon ng anak
sa babae, at mga lalaking nagkaroon ng “sexual or dating relationship” sa babae.
Magna Carta for Women (Republic Act No. 9710)

Ang Magna Carta for Women ay isinabatas noong Hulyo 8, 2008 upang alisin ang
lahat ng uri ng diskriminasyon laban sa kababaihan at sa halip ay itaguyod ang
pagkakapantay-pantay ng mga babae at lalaki sa lahat ng bagay, alinsunod sa
mga batas ng Pilipinas at mga pandaigdigang instrumento, lalo na ang Convention
on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women o CEDAW.

Layunin nito na itaguyod ang husay at galing ng bawat babae at ang potensiyal
nila bilang alagad ng pagbabago at pag-unlad, sa pamamagitan ng pagkilala at
pagtanggap sa katotohanan na ang mga karapatan ng kababaihan ay karapatang
pantao.

Responsibilidad ng Pamahalaan

Itinalaga ng Magna Carta for Women ang pamahalaan bilang pangunahing


tagapagpatupad o primary duty bearer ng komprehensibong batas na ito.
Ginagawang tuwirang responsibilidad ng pamahalaan na proteksyunan ang
kababaihan sa lahat ng uri ng diskriminasyon at ipagtanggol ang kanilang mga
karapatan.

Katuwang ang mga ahensya at yunit nito, maglalatag ang pamahalaan ng mga
nararapat at mabisang paraan upang maisakatuparan ang mga layunin ng batas.
Kabilang sa mga paraang ito ang paglikha at pagpapatupad ng mga batas,
patakaran at programang nagsasaalang-alang sa mga pangangailangan ng mga
babae, tungo sa kanilang kahusayan at kabutihan. Gagawa rin ng mga hakbang
ang pamahalaan upang marepaso o maalis ang mga batas, patakaran, programa,
at polisiya na nagpapalala sa diskriminasyon laban sa kababaihan. Ang isa pang
hamon ng batas sa pamahalaan ay alisin ang mga stereotype at tanggalin ang
mga istrukturang panlipunan tulad ng kostumbre, tradisyon, paniniwala, salita at
gawi na nagpapahiwatig nang hindi pantay ang mga babae at lalaki.
Ang Paternity Leave

Ang Paternity Leave o Republic Act 8187 ay isang batas na nagsasaad na ang
bawat empleyadong lalaki sa pribado at pampublikong sektor ay pinapayagang
lumiban o hindi pumasok sa trabaho sa loob ng pitong (7) araw ngunit patuloy pa
rin siyang pagkakalooban ng buong sweldo. Ito ay maaaring magamit ng isang
lalaki sa unang apat na araw mula ng manganak ang legal na asawa. Ang lalaking
empleyado na nag-a-apply para sa Paternity Leave ay dapat ipagbigay-alam sa
kanyang employer ang pagbubuntis ng kanyang lehitimong asawa gayundin, ang
inaasahang petsa ng panganganak nito. Ito ay benepisyong ipinagkakaloob sa
mga empleyadong lalaki.

Ang sinumang employer na lumalabag sa batas na ito o sa mga panuntunan at


regulasyon na ipinakilala rito ay parurusahan ng multa na hindi lalampas sa
dalawampu’t limang libong piso (P25,000) o pagkabilanggo na hindi kukulangin sa
tatlumpung (30) arw o hindi hihigit sa anim (6) na buwan.
Pagtanggap at Paggalang sa Kasarian
Tungo sa Pagkakapantay-pantay
Mga Prinsipyo ng Yogyakarta

1. Ang karapatan sa unibersal na pagtatamasa ng mga karapatang pantao


- Lahat ng tao ay isinilang ng malaya at pantay sa dignidad at mga karapatan.
Bawat isa, anuman ang oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang
pangkasarian, ay nararapat na ganap na magtamasa ng lahat ng karapatang
pantao.

2. Ang mga karapatan sa pagkakapantay-pantay at kalayaan sa diskriminasyon.


- Bawat isa ay may karapatang magtamasa ng lahat ng karapatang pantao nang
walang diskriminasyong nag-uugat sa oryentasyong seksuwal o
pagkakakilanlang pangkasarian. Dapat kilalanin na ang lahat ay pantay-pantay sa
batas at sa proteksyon nito, nang walang anumang diskriminasyon, kahit may
nasasangkot na iba pang karapatang pantao. Ipagbabawal sa batas ang ganoong
diskriminasyon at titiyakin, para sa lahat, ang pantay at mabisang proteksyon sa
anumang diskriminasyon. Ang diskriminasyong nag- uugat sa oryentasyong
seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian ay maaari, o karaniwang pinalalala, ng
diskriminasyong may kaugnayan sa iba pang usapin, gaya ng kasarian, lahi, edad,
relihiyon, kapansanan, sakit, at kalagayang pang-ekonomya.

3. Ang karapatan sa pagkilala sa batas


Sa batas, ang lahat ay may karapatang kilalanin bilang tao saan man. Ang mga
taong may iba-ibang oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian
ay dapat na nagtatamasa ng mga kapasidad na legal sa lahat ng aspekto ng
buhay. Ang oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian na pinili ng
bawat isa ay di-maihihiwalay na bahagi ng kanyang katauhan at kabilang sa
pinakabatayang aspekto ng pagpapasya sa sarili, dignidad, at kalayaan.
4. Ang karapatan sa buhay
- Karapatan ng lahat ang mabuhay. Walang sinuman ang maaaring basta na
lamang pagkaitan ng buhay sa anumang dahilan, kabilang ang may kaugnayan sa
oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian. Ang parusang
kamatayan ay hindi ipapataw sa sinuman dahil sa consensual sexual activity ng
mga taong nasa wastong gulang o batay sa oryentasyong seksuwal o
pagkakakilanlang pangkasarian.

5. Ang karapatan sa seguridad ng pagkatao


- Ang lahat ay may karapatan sa seguridad ng pagkatao at sa proteksyon ng
estado laban sa karahasan o pisikal na pananakit, gawa man ng mga opisyal-
gobyerno o sinumang tao o grupo.

6. Ang karapatan sa pribadong buhay


- Ang lahat ay may karapatan sa pribadong pamumuhay nang walang arbitraryo o
labag sa batas na pakikialam ng iba. Kabilang sa karapatang ito ang nauukol sa
pagpapamilya, tahanan, o pakikipagkomunikasyon sa iba, at sa proteksyon sa
paninira ng dangal at reputasyon. Karaniwang nakapaloob sa karapatan sa
pribadong pamumuhay ang kalayaang maglihim o magbigay ng impormasyon
tungkol sa oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian, ang tungkol
sa mga pagpapasya at pagdedesisyong may kinalaman sa sariling katawan at sa
konsenswal na pakikipagrelasyong seksuwal at iba pa.

7. Ang karapatan na hindi arbitraryong mapiit Walang sinuman ang aarestuhin o


ikukulong nang arbitraryo o basta-basta na lamang. Ang pag-aresto at
pagkukulong dahil sa oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian,
kahit na iniutos ng korte, ay arbitraryo. Dahil sa pagkakapantay-pantay, lahat ng
tao na inaaresto, anuman ang oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang
pangkasarian, ay may karapatan na pagpaliwanagan kung bakit sila inaaresto, at
kung ano ang habla laban sa kanila; at kagyat na iharap sa isang opisyal ng
hukuman at bistahan upang malaman ang katumpakan ng detensyon, naihabla
man sila o hindi.
8. Ang karapatan sa patas na paglilitis
- Ang lahat ay may karapatan sa isang patas at pampublikong paglilitis ng isang
mapapagkatiwalaan, independyente, at walang kinikilingang hukumang itinatag
ayon sa batas; at kung nahahabla at naakusahan ng krimen, sa paglilinaw ng
kanilang mga karapatan at obligasyon nang walang maling pag-iisip o
diskriminasyong nag-uugat sa oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang
pangkasarian.

9. Ang karapatan sa makataong pagtrato habang nakapiit


- Ang lahat ng pinagkaitan ng kalayaan ay tatratuhin nang makatao at may
paggalang sa angking dignidad ng isang tao. Ang oryentasyong seksuwal at
pagkakakilanlang pangkasarian ay hindi maihihiwalay sa dignidad ng bawat tao.

10. Ang karapatan laban sa torture at sa malupit, makahayop, o mapanghiyang


pagtrato o pagpaparusa
- Ang lahat ay may karapatang hindi ma-torture at hindi ipailalim sa malupit,
makahayop, o mapanghiyang pagtrato o pagpaparusa sa anumang dahilan.

11. Ang karapatang maipagtanggol laban sa lahat ng anyo ng pagsasamantala,


pagbebenta, at trafficking ng tao
- Ang lahat ay may karapatang maging ligtas sa trafficking, pagbebenta, at iba
pang anyo ng pagsasamantala, gaya, halimbawa, ng pagsasamantalang seksuwal
nang dahil sa aktwal o inaakalang oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang
pangkasarian. Ang mga hakbang kontra sa trafficking ay dapat na nagsasaalang-
alang sa mga salik na naglalagay sa mga tao sa panganib, kabilang ang iba’t ibang
anyo ng di-pagkakapantay-pantay at diskriminasyon; o ang pagpapakita ng mga
ito o ng iba pang pagkakakilanlan. Ang mga nasabing hakbang ay hindi magiging
taliwas sa mga karapatang pantao ng mga nanganganib na maging biktima ng
trafficking.
12. Ang karapatan sa trabaho
- Ang lahat ay may karapatan sa disente at produktibong trabaho, sa
makatarungan at paborableng mga kondisyon sa paggawa, at sa proteksyon
laban sa disempleyo at diskriminasyong nag-uugat sa oryentasyong seksuwal o
pagkakakilanlang pangkasarian.

13. Ang karapatan sa social security at iba pang proteksyong panlipunan


- Ang lahat ay may karapatan sa social security at iba pang proteksyong
panlipunan nang walang diskriminasyong bunga ng oryentasyong seksuwal o
pagkakakilanlang pangkasarian.

14. Ang karapatan sa sapat na pamantayan ng pamumuhay


- Ang lahat ay may karapatan sa isang sapat na pamantayan ng pamumuhay,
kabilang ang sapat na pagkain, ligtas na inuming tubig, angkop na sanitasyon at
pananamit, at sa patuloy na pagpapaunlad ng kalagayan sa buhay.

15. Ang karapatan sa sapat na pabahay


- Ang lahat ay may karapatan sa sapat na pabahay, kabilang ang proteksyon sa
pagpapalayas nang walang diskriminasyong nag-uugat sa oryentasyong
seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian.

16. Ang karapatan sa edukasyon


- Ang lahat ay may karapatan sa edukasyon, nang walang diskriminasyong nag-
uugat at sanhi ng oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian. Ang
mga Estado ay dapat tumiyak na ang edukasyon ay nakatuon sa pag-unlad ng
personalidad, talino ng bawat estudyante, at ng kanilang abilidad na mental at
pisikal sa kasukdulan ng kanilang potensyal; at tumutugon sa mga
pangangailangan ng mga estudyante, anuman ang kanilang oryentasyong
seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian;
17. Ang karapatan sa pinakamataas na pamantayan ng kalusugang makakamit
- Ang lahat ay may karapatan sa pinakamataas na pamantayan ng kalusugang
pisikal at mental nang walang diskriminasyong bunga ng oryentasyong seksuwal
o pagkakakilanlang pangkasarian. Batayang aspekto ng karapatang ito ang
kalusugang seksuwal at reproduktibo.

18. Proteksyon laban sa mga abusong medikal


- Walang sinuman ang mapipilit na sumailalim sa anumang medikal o sikolohikal na
panggagamot, proseso, at pagsusuri, o kaya’y bimbinin sa isang pasilidad na
medikal nang dahil sa oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian.
Sa kabila ng anumang taliwas na klasipikasyon, ang oryentasyong seksuwal at
pagkakakilanlang pangkasarian ng isang tao ay hindi maituturing na sakit sa
paano man tingnan; at kung gayon ay hindi nararapat na gamutin, pagalingin, o
pigilin.

19. Ang karapatan sa malayang paglalahad ng opinyon at pamamahayag


- Ang lahat ay may karapatan sa malayang opinyon at pamamahayag, anuman
ang kanilang oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian. Kabilang
dito ang paghahayag ng anyo o pagkatao sa pamamagitan ng pananalita,
pagdadala ng sarili, pananamit, katangian ng katawan, pagpili ng pangalan, o iba
pa; gayundin ang kalayaang maghanap, tumanggap at mamahagi ng impormasyon
at iba’t ibang ideya, kabilang ang nauukol sa mga karapatang pantao,
oryentasyong seksuwal, at pagkakakilanlang pangkasarian, sa anumang paraan,
at saan man.

20. Ang karapatan sa malayang asembleya at pagsapi sa mga samahan


- Ang lahat ay may karapatan sa malayang pagtitipon at pagsapi sa mga
samahan, kabilang ang nauukol sa mapayapang demonstrasyon.
21. Ang karapatan sa malayang pag-iisip, konsensiya, at relihiyon
- Ang lahat ay may karapatan sa malayang pag-iisip, konsensiya, at relihiyon.
Hindi maaaring gamitin ng Estado ang mga karapatang ito upang pangibabawin
ang mga batas, patakaran, o gawi na pumapawi sa pantay na proteksyon ng
batas, o kaya’y nagdudulot ng diskriminasyong sanhi ng oryentasyong seksuwal
o pagkakakilanlang pangkasarian.

22. Ang karapatan sa malayang pagkilos


- Ang lahat ng naninirahan nang legal sa loob ng isang Estado ay may karapatang
pumunta kung saan nila gusto, at manirahan saan man sa nasasakupan ng
nasabing Estado. Hindi maaaring ang oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang
pangkasarian ay gamitin upang limitahan o pigilin ang paglalakbay nila saan man,
kabilang ang sa sarili nilang Estado.

23. Ang karapatang humanap ng asilo


- Ang lahat ay may karapatang humanap at magtamasa ng asilo o santwaryo sa
ibang bansa upang makaligtas sa pang-uusig. Hindi maaaring alisin, palayasin, o
ipatapon ng isang Estado ang isang tao sa kung saan siya ay maaaring pahirapan,
usigin, o dumanas ng pagmamalupit, makahayop o mapanghiyang trato, o
pagpaparusa bunga ng oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian
niya.

24. Ang karapatang magbuo ng pamilya


- Ang lahat ay may karapatang magbuo ng pamilya, anuman ang kanilang
oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian. Ang mga pamilya ay
may iba-ibang anyo. Walang pamilya ang dapat na dumanas ng diskriminasyon
dahil sa oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian ng sinuman sa
mga myembro nito.
25. Ang karapatang lumahok sa buhay-pampubliko
- Bawat mamamayan ay may karapatang sumali sa mga usaping publiko, kabilang
ang karapatang mahalal, lumahok sa pagbubuo ng mga patakarang may
kinalaman sa kaniyang kapakanan at upang mabigyan ng pantay na serbisyo-
publiko at trabaho sa mga pampublikong ahensya, kabilang ang pagseserbisyo sa
pulisya at militar, nang walang diskriminasyong sanhi ng oryentasyong seksuwal
o pagkakakilanlang pangkasarian.

26. Ang karapatang lumahok sa buhay-pangkultura


- Ang lahat, anuman ang kasarian ay may karapatang lumahok nang malaya sa
buhay-pangkultura at upang ipahayag, sa pamamagitan ng pagsali sa mga
usaping pangkultura, ang pagkakaiba-iba ng oryentasyong seksuwal at
pagkakakilanlang pangkasarian.

27. Ang karapatang magtaguyod ng mga karapatang pantao


- Ang lahat ay may karapatan, bilang indibiduwal, o sa pakikipagtulungan sa iba, na
magtanggol at magpatupad ng mga karapatang pantao sa pambansa at
pandaigdigang saklaw nang walang diskriminasyong sanhi ng oryentasyong
seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian. Kabilang dito ang mga aktibidad na
nakatuon sa pagtataguyod at proteksyon ng karapatan ng mga taong may iba-
ibang oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian; gayundin ang
karapatan upang paunlarin, talakayin, at matanggap ng iba ang mga bagong
kalakaran sa mga karapatang pantao.
28. Ang karapatan sa mabibisang lunas at pagtutuwid ng kamalian
- Bawat biktima ng paglabag sa mga karapatang pantao, ay may karapatan sa
mabisa, sapat, at karampatang mga remedyo. Ang mga hakbang na naglalayong
magbigay ng reparasyon, o nauukol sa ikabubuti ng mga biktimang may iba-ibang
oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian, ay hindi maihihiwalay
sa karapatan para sa mabibisang lunas at pagtutuwid ng kamalian. Tumiyak na
bukas sa lahat ng tao ang lahat ng kinakailangang impormasyon tungkol sa mga
proseso ng remedyo at pagtutuwid ng kamalian.

29. Pananagutan
- Karapatan ng lahat na biktima ng paglabag sa mga karapatang pantao, kabilang
ang mga nakapaloob sa Mga Prinsipyong ito, na papanagutin ang mga maysala,
sila man ay tuwiran o di-tuwirang responsable, opisyal man ng gobyerno o hindi.
Ang pananagutan nila ay magiging simbigat ng kanilang paglabag. Walang palusot
o kaligtasan para sa mga lumalabag sa mga karapatang pantaong kaugnay ng
oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian.

You might also like