You are on page 1of 31

ARALIN 19:

Mga Anyo ng
Diskriminasyon at
Karahasang Pangkasarian
Cueto, Maron; Palas, Kenneth; Ramos, Kyla;
Rosanes, Franchesca
Ano ang
Diskriminasyon?
Presented by: Kyla
Mae L. Ramos
DISKRIMINASYON

 Ang diskriminasyon ay isang attitude o saloobin na mayroon


ang isang indibidwal na sa kaso ng kasarian ay saloobing
nagmamaliit o humahamak sa katauhan ng isang tao dahil sa
kasarian nito,
 Ang diskriminasyon ay mayroong iba’t-ibang uri, ito ay ang
diskriminasyon sa lahi, sexual preference, relihiyon,
kabuhayan, at wika.
 Halimbawa: Isang bakla, tomboy o tibô, bisexual, o
transgender. Nakikita ito sa kaisipan, pananalita, at kilos ng
taong may diskriminasyong pangkasarian.

3
Bakit Nagiging Karahasang
Pangkasarian ito?

Nagiging karahasang pangkasarian ang ganitong saloobin


kapag gumamit ng pisikal na lakas, mapang-abusong pananalita,
pamimilit, o pananakot na nagbubunga ng pisikal at sikolohikal na
pahirap o torture, sa taong dinidiskrimina. Mainam na magbigay ng
mga halimbawa ng diskriminasyon at karahasang pangkasarian.

4
Sa Madaling Salita:
Diskriminasyon
Karahasang Pangkasarian
Ang diskriminasyon ay isang Ito ay ang karahasan na kung
salita na ginagamit upang saan binibigyan katatawanan ang
ilarawan ang hindi pantay na mga bagay na nakapokus sa
pagtrato sa isang indibidwal. kasarian ng bawat tao. Ang
Noon pa man, ang karahasang ito ay patuloy na
diskriminasyon ay isang lumalaganap sa bansa.
malaking problema na narasan
sa buong mundo, lalo ng mga
taong may ibang kulay ng balat.

5
Mayroong Dalawang Uri ng
Diskriminasyon

 Diskriminasyon Laban sa
Kababaihan
 Diskriminasyon Laban sa
mga LGBTQIA+

6
Samantala Mayroon Ring Dalawang Uri
ng Karahasan

 Karahasan laban sa
Babae
 Karahasan laban sa mga
LGBTQIA+

7
Anyo ng Diskriminasyon at Karahasang
Pangkasarian
Depinisyon
Depinisyon At
At Uri
Uri ng
ng
Kasarian
Kasarian

Diskriminasyon Karahasang
Karahasang Pangkasarian
Pangkasarian

Diskriminasyon sa Diskriminasyon
Diskriminasyon Laban
Laban Karahasan Laban sa Karahasan Laban
Laban sa
Kababaihan
Kababaihan sa mga LGBT Babae
Babae mga LGBT
mga LGBT

8
1.
Diskriminasyon
Laban sa
Kababaihan
Presented by:
Franchesca Rine Rosanes
Diskriminasyon Laban sa Kababaihan

Diskriminasyon laban sa Kababaihan

 Gusto mong mag-aplay sa isang bakanteng posisyon sa inyong


opisina pero sinabihan ka na ito ay para sa dalaga o walang
asawa lamang.

 May virginity test bago makuha sa trabaho.

 May pregnancy test bago mabigyan ng visa patungo sa ibang


bansa.

10
Diskriminasyon Laban sa Kababaihan

 Humihingi ng “date” ang superbisor bago bigyan ng


promosyon (promotion) ang isang empleyado.

 Ang tawag dito ay sexual harrassment. Isa pang halimbawa ng


sexual harrassment: Hinihingan ng pabor na seksuwal ang
isang babaeng estudyante, trainee, o iba pa, kapalit ng
pasadong grado, scholarship, at iba pa ng kaniyang propesor,
prinsipal, o trainer.

11
Diskriminasyon Laban sa Kababaihan

 Madalas na pagbibirong seksuwal, panghihipo sa maselang


parte ng katawan ng babae ng isang boss, guro, o superbisor na
may kasamang pananakot na hindi bibigyan ng mataas na
grado, promosyon o stipend, o aalisin sa paaralan o sa trabaho.

 Na-expel ka sa kolehiyo o unibersidad dahil nabuntis ka nang


hindi pa kasal.

12
2.
Karahasan Laban
sa Babae
Karahasan Laban sa Babae

Karahasan laban sa Babae

 Sa ilalim ng karahasang pangkasarian, kabilang ang mga


sumusunod: pisikal, seksuwal, o sikolohikal na pinsala, mga
pagsasamantala, pagpinsala sa kabuhayan, pananakot o
aktuwal na pisikal na pananakit o panggugulpi, pag-aalis ng
kalayaan o pagkulong.

14
Karahasan Laban sa Babae

 Mga halimbawa :

 Karahasan sa loob ng tahanan; pambubugbog ng lalaki sa


asawa, kinakasama, o kasintahan

 Pagsasamantala o panggagahasa

 Pangangaliwa sa asawa (hárapan man o patago)

 Pagkakait ng suporta sa iniwanang pamilya lalo na sa mga


anak

15
Karahasan Laban sa Babae

 Mga halimbawa :

 Pagbabawal sa asawa na magtrabaho

 Labis na pagseselos na may kasamang pananakot, pananakit,


pagkakait ng pinansiyal na pangangailangan

 Pagmumura, paglait sa katauhan ng babae (verbal abuse)

16
3.
Diskriminasyon
Laban sa LGBT
Presented by:
Kenneth Andrei Palas
Diskriminasyon Laban sa LGBT

Diskriminasyon laban sa mga LGBT

 Bawal sa ilang restaurant o bar ang cross dresser (gay na


nakadamit babae).

 Dalawang miyembro sa isang choir ng simbahan ang


itiniwalag dahil sila ay gay.

 Mga gay na makembot maglakad o malababaeng kumilos na


pinagtatawanan.

18
Diskriminasyon Laban sa LGBT

Diskriminasyon laban sa mga LGBT

 Ayaw isama ng mga kaopisinang lalaki dahil gay o lesbian.

 Mababang pagtingin sa mga gay o lesbian na naglaladlad sa


eskuwelahan; inihihiwalay o ayaw tanggapin sa eskuwela.

19
4.
Karahasan Laban
sa LGBT
Karahasan Laban sa LGBT

Karahasan laban sa mga LGBT

 Panggagahasa sa lesbian, gay, bisexual, o transgender.

 Pagpatay dahil nadiskubreng transgender.

 Pambubugbog ng karelasyondahil sa selosan.

 Pangingikil o pang-aabusong pinansiyal ng mga karelasyon.

21
Karahasan Laban sa LGBT

Karahasan laban sa mga LGBT

 Pagpapalayas, pananakit, panlalait.

 Hindi magandang reaksiyon sa tuwing makakasabay sa


palikuran ang isang tomboy o isang bakla.

22
BATAYAN NG
DISKRIMINASYON AT
KARAHASANG
PANGKASARIAN
Presented by: Maron
Cueto
Saan nanggaling ang saloobing
nagdidiskrimina at nagiging marahas sa
kababaihan at LGBT?
 Ayon sa mga feminista, ito ay galing sa ating nakasanayang
patriyarkal na lipunan na kung saan ito ay sistema  na kung
saan ang mga lalaki ang sinasabing mas may higit na
kakayanang magpatakbo ng isang pamilya. Ito ay may sistema
na kung saan ang mga lalaki ay nagtataglay ng pangunahing
kapangyarihan at namamayani sa mga tungkulin ng
pamumuno pampulitika, moral na awtoridad, pribilehiyo ng
lipunan at pagkontrol ng ari-arian.

24
Ano ba ang patriyarkal na lipunan?
 Isang depinisyon nito ay yaong lipunang nagtatakda ng papel o
tungkulin sa dalawang kasarian: ang lalaki at ang babae. Para
sa lipunang ito, ang babae bilang nagbubuntis at nanganganak
ang siyang dapat nakatalaga sa bahay o tahanan.
 Dito, ang pangunahing tungkulin ng babae ay ang pangalagaan
ang kaniyang asawa at mga anak. Ang lalaki naman, dahil sa
pisikal na lakas nito, ang siyang itinuturing na breadwinner o
tagapaghanapuhay. Pangunahing tungkulin niya ang
magtrabaho, buhayin ang pamilya, pag-aralin ang mga anak, at
bigyang proteksiyon ang mag-anak.

25
 Padre de Familia
- tinatawag na padre familia ang isang ama dahil siya ang
inaasahan na magtaguyod para sa kanilang pamilya.
-nakasaad din dito na nasa pangangalaga ng ama ng tahanan
ang buong pamilya simula sa kanilang ikabubuhay hanggang sa
proteksyon.

 Karugtong nito ang mataas na pagtingin sa lalaki at ang


mababang pagpapahalaga sa babae at gawaing pambahay.
Dahil dito, nagiging makapangyarihan ang lalaki sa tahanan at
maging sa labas nito, sa lipunan.

26
 Abnormal
-tawag sa mga tao o sinomang hindi makatugon sa pamantayang
ang mga lalaki ang makapangyarihan sa tahanan at lipunan o tinatatawag
na lipunang patriyarkal.

 Kaya naman, ang babaeng ayaw mag-asawa o walang asawa ay


nagiging kawawa, dahil wala siyang pamilyang kakalinga. Gayondin
ang walang anak kahit may-asawa. Ang lalaki namang tumandang
binata o ayaw mag-asawa ay pinaghihinalaang bakla o gay.
Samantala, ang lahat ay dapat mag-asawa dahil dikta ng lipunan nang
sa gayon ay may seguridad ang bawat isa.

27
 Lipunang Patriyarkal
-Isang lipunang may dalawang pamantayan. (Double Standard)

` -Mayroong hindi pantay ang pagtingin sa hindi nag-asawa kaysa


may-asawa, sa babaeng naghahanapbuhay at sa lalaking naging tatay na,
nanay pa.

28
 Nag-iiba na ang lipunang Pilipino. Mula sa dating pagiging saradong
patriyarkal, untiunti nang nagiging egalitarian.

 Egalitarian
-mas demokratiko at may simpatiya sa iba’t ibang kasarian.

29
TANDAAN:
 Hindi ang pagiging babae o lalaki, lesbian, gay, bisexual, o
transgender ang magtatakda ng kapalaran ng bawat nilalang. Ang
kailangan ay linangin ang sariling kakayahan, hanapin ang gawaing
hiyang sa bawat isa, at maging mahusay at masipag na indibidwal na
may serbisyo sa lipunang ginagalawan niya.

 Hindi na makatotohanan na puro lalaki lamang ang nagtatrabaho.


Pantay ang karapatan ng lalaki at ng babae na magtrabaho. Gayondin,
pareho silang responsable sa pamilya.

30
SALAMAT!

31

You might also like