You are on page 1of 10

ISYUNG PANGKASARIAN (Part 2)

• Marami nang mga Pilipino ang tumatawag sa kanilang


sarili bilang Lesbian/Gay/Bisexual/Transgender

• Mayroong mga katutubong salita para sa sexual orient


ation at gender identity katulad ng “bakla”, “bayot”, “b
antut”, “tomboy”, “lesbyana”, “tibo”, “vakler” “beki”, “
bekimon,” atbp.

• Mahalagang respetuhin ang pagtawag sa sarili


MAHALAGANG TANDAAN:
Gender identity (pagkakakilanlang pangkasarian): malalim na
damdamin at personal na karanasang pangkasarian ng
isang tao, na maaaring nakatugma o hindi nakatugma sa
sex niya nang siya’y ipanganak, kabilang ang personal na
pagtuturing niya sa sariling katawan (na maaaring mauwi,
kung malayang pinipili, sa pagbabago ng anyo o kung ano
ang gagawin sa katawan sa pamamagitan ng
pagpapaopera, gamot, o iba pang paraan) at iba pang
ekspresyon ng kasarian, kasama na ang pananamit,
pagsasalita, at pagkilos.
Sexual orientation (oryentasyong sekswal): kakayahan ng
isang tao na makaranas ng malalim na atraksiyong
apeksyonal, emosyonal, sekswal; at ng malalim na
pakikipagrelasyon sa taong ang kasarian ay maaaring
katulad ng sa kanya (homosexual), iba sa kanya
(heterosexual), o kasariang higit sa isa (bisexual).
TRADISYUNAL NA PAGTINGIN
Sex Lalaki Babae • Sexismo—pagtinging ang is
Assignment
ang kasarian ay nangingiba
baw sa iba
Gender Lalaki Babae • Heterosexismo–ang pag-ak
Identity alang lahat ng tao ay heter
osekswal.
Gender Masculine Feminine
Expression
• Homophobia/biphobia
transphobia—pagturing
Sexual Sa babae Sa lalaki o pagtingin sa mga
Orientation lamang lamang
taong LGBT bilang mga mas
ama
MGA ISYU SA KASARIAN AT LIPUNAN

• Diskriminasyon - ang anumang pag-uuri, eksklusyon,


o restriksyon batay sa kasarian na naglalayon o nagigi
ng sanhi ng hindi pagkilala, paggalang, at pagtamasa n
g mga karapatan o kalayaan

• Karahasan – karahasang nangyayari dahil sa di-


pantay na relasyong kapangyarihan at batayang
inaasahan base sa kasarian; mga gawaing nagdudulot
ng pisikal, mental, o sekswal na sakit kasama ang
pagbabanta, pamimilit. Ito ay paglabag sa karapatang
pantao at isang uri ng diskriminasyon.

4
MGA ISYU SA KASARIAN AT LIPUNAN
Ayon sa GABRIELA (General Assembly Binding Women for Reforms,
Integrity, Equality, Leadership, and Action),

ito ang Seven Deadly Sins Against Women:


•Pambubugbog/pananakit

•Panggagahasa

•Incest at iba pang sekswal na pang-aabuso

•Sexual harassment

•Sexual discrimination at exploitation

•Limitadong access sa reproductive health

•Sex trafficking at prostitusyon


MGA ISYU SA KASARIAN AT
LIPUNAN
Istadistika nga karahasan sa kababaihan:

•Isa sa bawat limang babae na nasa edad 15-49 ang nakaranas ng pan
anakit na pisikal simula edad 15, anim na porsyento ang nakaranas ng
pananakit na pisikal.

• 6% ng mga babaeng 15-49 ang nakaranas ng pananakit na seksuwal

•Isa sa apat na mga babaeng kasal na may edad 15-49 ang nakaranas
ng emosyonal, pisikal at/o pananakit na sekswal mula sa kanilang mga
asawa.

• Mula sa mga babaeng may asawa at kasal na nakaranas ng pisikal/se


ksuwal na pang-aabuso sa loob ng 12 buwan bago ang sarbey, 65% an
g nagsabing sila ay nakaranas ng pananakit.
MGA ISYU SA KASARIAN AT
LIPUNAN

-- kalayaang makapag-aral

-- oportunidad sa trabaho, bias sa serbisyong


medikal, pabahay at maging sa edukasyon

-- panggagahasa laban sa mga lesbian; pagpatay


sa mga taong LGBT

-- domestic violence o karahasan sa loob ng


tahanan
RESPONSIBILDAD NG PILIPINAS BILANG
STATE PARTY

1. Ipawalang-bisa ang mga nakagawiang nagdidiskrimina;

2. Ipatupad ang lahat ng patakaran para wakasan ang


diskriminasyon at maglagay ng mga epektibong mekanismo at
sistema kung saan maaring humingi ng hustisya ang babae sa
paglabag ng kanilan karapatan;

3. Itaguyod ang pagkakapantay-pantay sa pamamagitan ng iba’t


ibang hakbang kondisyon at karampatang aksiyon; at

4. Gumawa ng pambansang ulat kada apat (4) na taon tungkol sa


mga isinagawang hakbang para matupad ang mga tungkulin sa
kasunduan.
8
TUGON NG PILIPINAS SA ISYU NG
KARAHASAN AT DISKRIMINASYON

Ang Anti-Violence Against Women and Their Children Act ay


isang batas na nagsasaad ng mga karahasan laban sa kababaihan
at kanilang mga anak, nagbibigay ng lunas at proteksiyon sa mga
biktima nito, at nagtatalaga ng mga kaukulang parusa sa mga
lumalabag dito.

Ang Magna Carta of Women ay isinabatas noong Hulyo 8, 2008


upang alisin ang lahat ng uri ng diskriminasiyon laban sa kababaihan
at sa halip ay itaguyod ang pagkakapantay-pantay ng mga babae at
lalaki sa lahat ng bagay, alinsunod sa mga batas ng Pilipinas at mga
pandaigdigang instrumento, lalo na ang Convention on the
Elimination of All Forms of Discrimination Against Women o
CEDAW.

9
TUGON NG PILIPINAS SA ISYU NG
KARAHASAN AT DISKRIMINASYON

Nobyembre kada taon ay


isinasagawa ang 16 Days of
Activism to End Violence Against
Women habang kada Marso ay
ipinagdiriwang ang National
Women’s Month Celebration.
Sa iba’t ibang lugar naman ay may mga Anti-
Discrimination Ordinance o mga lokal na batas na
pinagbabawal ang diskriminasyon base sa sexual
orientation at gender identity. 10

You might also like