Professional Documents
Culture Documents
Mga kinakailangan upang maging legal ang search warrant o warrant of arrest:
1. May malinaw na dahilan na personal (probable cause) o matinding paniniwala na gumawa ng
krimen ang akusado o ang mga bagay-bagay na may kinalaman sa krimen ay maaaring mahanap
sa lugar na yaon.
2. Ang dahilan na ito ay pagpapasyahan ng hukom matapos masiyasat ang mayhabla at ang mga
testigong maihaharap;
3. Ang warrant ay tiyakang tinutukoy ang lugar na hahalughugin, at ang mga taong darakpin o mga
bagay na sasamsamin.
Mga Karapatan ng Akusado:
1. Right to free access to the courts and quasi- judicial bodies: Hindi dapat ipagkait sa sino mang
tao ang malayang pagdulog sa mga hukuman at sa mga kalupunang mala-panghukuman.
2. Right to adequate legal assistance: Hindi dapat ipagkait sa sino mang tao ang sapat na tulong
pambatas nang dahil sa karalitaan.
Pauper Litigant and Public Attorneys Office (PAO).
4th and 5th Floors DOJ Agencies Building
NIA Rd. corner East Ave., Diliman, Quezon City
Hotline: (02) 929- 9436 Local 106/107
Email: pao_executive@yahoo.com
3. MIRANDA Rights: Ang sino mang tao na sinisiyasat dahil sa paglabag ay dapat magkaroon ng:
i.
karapatang mapatalastasan ng kanyang karapatang magsawalang-kibo (to be informed of his
right to remain silent)
ii.
Karapatang magkaroon ng abogadong may sapat na kakayahan at malaya na lalong kanais-nais
kung siya ang maypili. Kung hindi niya makakayanan ang paglilingkod ng abogado,
kinakailangang pagkalooban siya ng isa. (Right to counsel)
iii.
Ang mga karapatang ito ay hindi maiwawaglit sa kanya maliban kung may kanyang pasya sa
pamamagitag ng sulat at sa harap ng abogado.
4. Right against torture: Ang akusado ay hindi dapat gamitan ng labis na pagpapahirap, pwersa,
dahas, pananakot, pagbabanta, o ano pa mang paraan na pipinsala sa kanyang malayang
pagpapasya.
5. Right against being held in secret detention: Ipinagbabawal ang mga lihim na kulungan,
solitaryo, ingkomunikado o iba pang katulad na mga anyo ng detensyon.
Right to Bail: Ang lahat ng mga taobago mahatulan ay dapat mapyansahan ng sapat na pyador,
o maaaring palayain sa bisa ng panagot ayon sa maaaring itadhana ng batas.
Bail o Piyansa ang isang seguridad na hinihingi ng korte at ibinibigay para sa panandaliang
paglaya ng akusado na may kasamang kondisyon na ang akusado ay haharap sa korte kapag
kinakailangan.
o Hindi dapat bawahan ang karapatan sa pyansa kahit na suspindido ang pribilehyo
ng writ of habeas corpus.
o Hindi dapat kailanganin ang malabis na pyansa. (Excessive bail)
o Ang karapatan makapag-piyansa ay hindi magagamit ng mga nahahabla sa mga
paglabag na pinarusahan ng reclusion perpetua lalo na kapag matibay ang ebidensya ng
pagkakasala.
C. Writ of Habeas Data ito ay isang remedyo sa kahit na sinong indibidual ang kanyang
karapatang mamuhay, maging malaya at seguridad ay nalabag o lalabagin o nasa peligro dahil sa
kagagawan ng opisyal o empleyado publiko o ng isang pribadong indibidual o organisasyon na
sakop o may kakayahan sa pangangalap, pangongolekta o pag-iimbak ng mga impormasyon
tungkol sa kahit na sinong tao, kanyang pamilya at tahanan.