Ang Kalayaan ay isang napakahalagang karapatan ng bawa’t tao, kung
mayroon ka nito, walang gumagapos o pumipigil sa anumang iyong ninanais at nilalayon sa buhay. Mayroon kang laya na gampanan ang mga bagay na magpapaunlad at magpapaligaya sa iyo. Malaya kang lumikha, humimok, magtatag, at magsagawa ng mga makabuluhang bagay sa ikakaunlad ng iyong sarili, mga kasamahan, at maging ang iyong pamayanan. Wala kang magiging anuman na agam-agam o inaala-ala, maging maliit o malaki man, sa paggawa ng mga ito. Mapayapa, mahusay, at maligaya ka sa pagtupad ng mga tungkulin bilang masunuring mamamayan. Kilos loob
Ang kilos loob ay nangangahulugan ng pag gawa ng isang bagay ayon sa iyong kalooban o kagustuhan. Mayroon kang sariling desisyon at paniniwala Konsensiya
Ang konsensya ay ang sangkap ng ating pagkatao na umuusig sa ating budhi
sa tuwing atin itong nilalabanan at nagdudulot naman sa atin ng kasiyahan at magandang pakiramdam kung ang ating mga gawa, pagiisip at pananalita ay sumasang ayon sa ating pananaw sa moralidad o sa ating sariling pamantayan ng mabuti at masama. Ang salitang Griyego sa bagong Tipan na isinalin sa salitang ‘konsensya’ ay ‘suneide¯sis’ na nangangahulugang ‘kaalaman sa moralidad’ o ‘kamalayan sa moralidad.’ Ang konsensya ay gumagana kung ang gawa, pagiisip at pananalita ng isang tao ay sumasang-ayon o sumasalungat sa kanyang pamantayan ng mabuti at masama. Dignidad
Ang dignidad ay gaing sa salitang Latin na “dignitas”,mula sa “dignus”,na ang
ibig-sabihin ay “karapat-dapat”.Ang dignidad ay nangangahulugang pagiging karapat-dapat ng tao sa pagpapahalaga at paggalang mula sa kaniyang kapwa. ? Lahat ng tao,anu man ang kanyang gulang,anyo,antas,ng kainangan at kakayahan.ay may dignidad.