You are on page 1of 4

Pangalan:________________________________________ Iskor:________

I. Basahin at unawain ang mga tanong sa bawat bilang. Isulat ang titik ng pinakaangkop na sagot bago ang bilang.

1. Ano ang tawag sa sistemang tumutukoy sa kabuuan ng lahat ng salik na may kinalaman sa pormal na pag-aaral sa isang bansa
na kinapalolooban ng mga kurikulum, antas, pondo, programa, guro at kawani, at pasilidad?
a. kagawaran ng edukasyon c. Sistema ng ekonomiya
b. Sistemang pangedukasyon d. sisttemang pangkapaligiran
2. Aling paaralan ang pinupondohan nang malaki ng pamahalaan ng Pilipinas?
a. pampbribado c. pang semi publiko
b. pang semi pribado d. pampubliko
3. Sa anong termino kilala ang kabuuan ng pagkuha ng kaalaman mula Kindergarten hanggang Baitang 12?
a. Kinder to 12 c. k to 12
b. Kindergater to 12 d.kinder to senior
4. Alin ang kumakatig sa konsepto ng “education for all” ng ating pamahalaan?
a. ang mga antas ay nakdisenyo upang matugunan ang panganagilangan ng mga mag-aaral habang umuunlad ang kanilang
kakayahan.
b. kakayahan sa pagaaral ng konsepto o contextualiation
c. ang paguulit-ulit ng mga paksa ngunit papahirap
d. mga batas para sa libreng edukasyon
5. Si Lea ay mag-aaral sa Lirio Elementary School. Napag-alaman nila na hindi na pala kailangang mag-uniporme sa paaralan.
Magkagayunman, may pinaglumaang uniporme ang ate ni Lea. Sa kasong ito, maaari bang magsuot ng pinaglumaang
uniporme si Lea?
a. oo, dahil ang lumang uniporme ay hindi hadlang sa pag-aaral
b. hindi, dahil labag ito sa batas.
c. hindi, dahil hindi ito kaaya-ayang tignan.
d. oo, dahil maaari pa naman itong gamitin.
6. Bakit nakatutulong sa access sa pampublikong paaralan ang mga feeding program?
a. dahil nakakabawas ito ng bilang ng mga mahihirap
b. dahil nakatutulong ito sa mga mag-aaral lalo na sa mga under nourished na mag-aaral.
c. dahil hindi sila nakakain sa kanilang mga bahay.
d. dahil wala silang pambili ng pagkain.
7. Ang katutubong wika ay ginagamit na ring idyum mula ________.
a. kindergarten hanggang highschool
b. kindergarten hanggang senior high school
c. kindergarten hanggang baitang 3
d. kindergarten hanggang kolehiyo
8. ang Republic Act 6655 ay nangangahulugang ________.
a. Free Education Act
b. Free Education Act of 2000
c. Free Secondary Education Act
d. Free Elementary Education Act
9. Alin sa mga sumusunod ang hindikabilang sa programa ng pamahalaan sa Sistema ng edukasyon?
a. no uniform policy c. 4p’s
b. no collection policy d. pamimigay ng pera
10. Ano ang opisyal na wikang ginagamit sa pag-aaral dito sa Pilipinas?
a. Espanyol at Ingles c. Ilokano at Ingles
b. Filipino at Ingles d. Tagalog at Ingles
11. Anong republic act ang Governance of Basic Education Act of 2001 at ito ay ang karapatan ng bawat Pilipino sa de-kalidad
na basic education.
a. R.A 9915 B. RA 9865 C. R.A 9155 D. RA 9655
12. Ano-ano ang dalawang sistema ng alternative learning na ipinatutupad ng gobyerno para sa mga kabataang hindi makapag-
aral nang maayos dahil sa kakulangan ng silid-aralan o kaya ay may problema sa oras, distansiya, pinansiyal, may
kapansanan, at problemang pampamilya?
a. junior at senior high school feeding program
b. study abroad program at open high school program
c. exchange student program at home study program
d. home study program at open high school program
13. Ano ang mga benepisyong natatanggap ng mga guro sa pampublikong paaralan?
a. PPP at PBB b. PEI at PBB c. PCC at PEI d. PBB at PPP
14. Ano ang tawag sa mga gawaing nakatutulong sa pagpapaunlad ng pamayanan at bansa para sa ikabubuti ng nakararami?
a. gawaing pampaaralan c. gawaing pansibiko
b. gawaing pangekonomiya d. gawaing pasibil
15. Ang mga sumusunod ay mga Suliraning Kinahaharap ng Sektor ng Edukasyon maliban sa:
a. pangingibang bansa ng mga guro
b. pagtaas ng bilang mga hindi marunong
c. kakulangan sa pasilidad
d. pagdami ng mga enrollees sa k-12
16. Ito ay ang pagbubuklod-buklod ng mga mamamayan ay napagtatatag at nakatutulong sa pag-iwas sa paglaganap ng mga
nakakapinsalang Gawain sa lipunan tulad ng pagkakalulong sa droga pagdamii ng dropouts, krimen at kawalan ng
katarungan.
a. social cooperation c. social integration
b. social issues d. social concern
17. Ito ay ang dedikasyon ng mga mamamayang maging matulungin at hindi makasarili ay napapayaman.
a. social cooperation c. status
b. civic virtue d. civil status
18. Ang programang k-12 ang pangunahing isinusulng ng gobyerno na paraan para makahabol, makaagapaay, lumamang at
maging _________ ang mga Pilipino.
a. global village c. globally competitive
b. global thinkers d. globally mature
19. Ang mga sumusunod ay mga gawaing pansibiko maliban sa:
a. pagsasagawa ng medical mission
b. pagsasagawa ng run for a cause
c. pagbibigay ng mga donasyon
d. pakikilahok sa mga rayot at gang
20. Ang ________ at _________ ay nagbbigay ng opotunidad sa mga mamamayang ipahayag ang kanilang mga saloobin at
rekomendasyon ay mga epektibong paraan upang mahikayat silang makilahok sa mga gawaing pansibiko.
a. online chatting at online voting
b. online messaging at public discussion
c. online voting at public discussion
d. public discussion at online chatting
21. Ang paglaganap ng ________ ang pagpapakalat ng ordinaryong mamamayan ng mga balita sa social media at sa mga
himpilan ng telebisyon at radio ng mas tiyak na datos, impormasyon, at pangyayari dahil nasa lugar at konteksto mismo ng
pinangyarihan ang primarying datos.
a. slacktvism b. citizenship c. citizen journalism d. consulation
22. Ito ay ang mga aksiyong ginagawa bilang pagsuporta sa kagalingang pampolitika o panlipunan na nangangailangan lamang
ng kaunting panahon o pakikilahok.
a. citizenship b. slacktivism c. consultation d. cooperation
23. Ito ay ang proseso ng sama-samang paggawa maisakatuparan ang iisang layunin.
a. integrasyon b. kooperasyon c. konsultasyon d. mamamayan
24. Ito ay tumutukoy sa lahat ng taong legal (katutubo o naturalisado) na naninirahan sa isang tiyak na komunidad, bansa, o estado.
a. kooperasyon b. pamahalaan c. mamamayan d. interagrasyon
25. Ito ay tumutukoy sa lahat ng taong legal (katutubo o naturalisado) na naninirahan sa isang tiyak na komunidad, bansa, o estado.
a. pamahalaan b. mamamayan c. integrasyon d. kooperasyon
26. Ang pagkamamamayan ng isang tao ay nakabatay sa pagkamamamayan ng kanyang mga magulang.B.
A. jus soli B. jus sanguinis C. de jure D. de facto
27. Ang pagkamamayan ay nakabatay sa lugar kung saan siya ipinanganak.
A. jus soli B. jus sanguinis C. de jure D. de facto
28. Isang legal na paraan kung saan ang isang dayuhan na nais maging mamamayan ng isang bansa ay sasailalim sa isang proseso
sa korte
A. Naturalisasyon B. Lokalisasyon C. Ispesyalisasyon D. Kontekstwalisasyon
29. Si Yumi ay naipanganak sa Estados Unidos. Ang kanyang mga magulang ay parehong Pilipino. Batay sa Republic Act 9225.
Maari siyang maging ____________ sa eded na 18.
A. Dual Person B. Dual Citizen C. Dual Alien D. Dual Merchant
30. Ang sumusunod ay ang mga paraan para mawala ang pagkamamamayan ng isang indibiduwal maliban sa isa.
a. Nawala na ang bisa ngnaturalisasyon.
b. Nagtrabaho sa ibang bansa sa loob ng isang taon.
c. Nanumpa ng katapatan sasaligang batas ng ibang bansa.
d. Hindi naglingkod sa hukbong sandatahan ng ating bansakapag mayroong digmaan.
31. Alin ang halimbawa ng gawaing pansibiko?
A. Pagsasabi ng "po at opo" sa mga nakatatanda C.Pagtawid sa tamang tawiran
B. Pagtangkilik sa mga produkto ng China D.Panonood ng mga gawaing pansibiko sa YouTube
32. Bakit mahalaga ang pagtupad sa mga gawaing pansibiko?
a. Nakaiiwas tayo sa negatibong sasabihin ng ibang tao kung ginagampanan natin ang mga ito.
b. Nakatutulong ito hindi lamang sa pag-unlad ng ating bansa, pati na rin sa pag-unlad ng ating mga sarili.
c. Nakasusunod tayo sa mga kinauukulan kaya dapat tuparin na lamang upang hindi na mapuna.
d. Nakasanayan na nating ginagawa ang mga ito kaya nagiging makabuluhan na ang pagtupad.
33. Ano ang maaaring mangyari kung hindi natin tutuparin ang mga gawaing pansibiko?
A. Maaaring mahadlangan ang pag-unlad. C. Walang magiging epekto.
B. Maaaring magalit ang mga mamamayan. D. Maaaring sapilitang ipaako sa iba.
34. Nakaaapekto o nakaiimpluwensiya ba ang gobyerno sa pagtupad ng mga mamamayan sa kanilang gawaing pansibiko?
a. Oo, dahil kung nakikita ng mga tao na tapat at mahusay ang gobyerno, mas gaganahan silang tuparin ang kanilang mga
gawaing pansibiko.
b. Hindi, dahil ang mga opisyales ng pamahalaan mismo ay hindi rin tumutupad ng kanilang mga gawaing pansibiko.
c. Oo, dahil kapag natatakot sila sa gobyerno, napipilitan silang gampanan ang kanilang mga gawaing pansibiko.
d. Hindi, dahil hindi naman kasali ang gobyerno sa pagtupad ng mga gawaing pansibiko kaya wala itong epekto sa mga
mamamayan.
35. Alin ang mga katangian ng isang mabuting mamamayan?
a. May disiplina sa sarili at sumusunod sa mga batas
b. Aktibo sa pagtupad ng mga gawaing pansibiko
c. Masipag at may kusang-palong gawin ang mga bagay
d. May positibong pagtanggap at pananaw sa mga pangyayari
36. Alin ang mga katangian ng isang aktibong mamamayan?
a. Matapat sa paglilingkod at pagsunod sa mga gawain
b. May mga kasanayan sa pagpaplano, pamumuno, at pangangasiwa
c. Mulat sa mga isyu at gawaing panlipunan
d. May pakialam, nakaiimpluwensiya, at nakahihikayat ng kapwa
37. Ang sumusunod ay mga kuwalipikadong botante ayon sa Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas maliban sa isa.
a. mamamayan ng Pilipinas
b. nakatapos ng hayskul/sekondarya
c. labing-walong taong gulang pataas
d. nanirahan sa Pilipinas ng kahit isang taon at sa lugar kung saan niya gustong bumoto nang hindi bababa sa 6 buwan bago
maghalalan.
38. Alin sasumusunod na situwasiyon ang hindinagpapakita ng lumawak na konsepto ng pagkamamamayan?
a. Si Edna na sumasali sa mga kilos-protesta laban sa katiwalian sa pamahalaan.
b. Si Rowel na nagtatrabaho para matugunan ang kaniyang mga pangangailangan.
c. Si Angelo na kalahok sa proseso ng participatory budgeting ng kanilang lokal na pamahalaan.
d. Si Michael na lumahok sa isang non-governmental organization na naglalayong bantayan ang kaban ng bayan.
39. Ano ang tawag sa mga aksiyong ginagawa sa pamamagitan ng Internet bilang pagsuporta sa kagalingang pampolitika o
panlipunan na nangangailangan lamang ng kaunting panahon o pakikilahok?
A. political efficacy B. blogging C. slacktivism D. relativism
40. Alin ang hindi kasama sa tatlong antas ng pakikilahok sa mga gawain at usaping pampolitika?
A. aktibong pakikilahok B. pagwawasto C. pagsangguni D. kaalaman
41. Ano ang karaniwang tawag sa pag-upload ng mamamayan ng mga larawan o video ukol sa mahahalagang pangyayari at mga
politikal na kaalaman sa social media.
A. citizen publication B. citizen journalism C. citizen action D. citizen account
42. Alin ang aktibong pakikilahok?
a. Pangangampanya at pagboto tuwing halalan
b. Pakikinig ng balita sa radyo at pagbabasa ng diyaryo
c. Pangungolekta ng mga larawan ng community services
d. Paglalahad ng opinyon sa Twitter at iba pang social media
43. Alin ang hindi pagsangguni o pagkonsulta?
a. Gumawa si Leo ng isang Facebook post ukol sa napipisil niyang kandidato.
b. Sumasali si Cherry sa isang survey para sa mga ina na isinasagawa ng DILG at DSWD.
c. Nag-iwan si Jose ng komento sa comment dropbox ng BIR pagkakuha niya ng ITR.
d. Kinikunan ni Lina ng larawan ang mga pulubi para i-post sa Twitter.
44. Ipagpalagay na naglabas ang Kagawaran ng Edukasyon ng isang bagong grading system nang walang konsultasyon sa mga
guro. Kung nagkaroon sana, masasabi ng mga guro na mas maganda pa rin ang lumang sistema dahil ito ay mas epektibong
pansukat ng kakayahan at husay ng mga mag-aaral. Ano ang negatibong epekto ng kawalan ng pagsangguni?
a. Mahihirapan ang mga gurong magbigay ng akmang marka sa mga bata.
b. Gagawa na lamang ang mga guro ng sarili nilang grading system.
c. Hindi magbibigay ng mga marka ang mga guro sa buong taon.
d. Huhulaan na lamang ng guro ang mga marka upang hindi na magtuos.
45. Ito ay ang sektor ng lipunan na hiwalay sa estado kung saan maaaring maiparating ng mamamayan ang kaniyang
pangangailangan sa pamahalaan.
A. Civil Society C. Non-Governmental Organizations
B. Grassroots Organizations D. People’s Organizations
46. Si Celestina ay isang mag-aaral na mulat sa mga nangyayari sa ating lipunan. Nais niyang lumahok sa isang samahang
magtataguyod ng karapatan ng kababaihan. Alin sa sumusunod ang nararapat niyang salihan?
A. Funding-Agency NGOs C. Non-Governmental Organizations
B. Grassroot Support Organizations D. People’s Organizations
47. Anong proseso ang ipinapakita ng diyagram?

a. Participatory Budgeting ng Lungsod ng Naga


b. Participatory Governance ng Lungsod ng Naga
c. Participatory Budgeting ng Porto Alegre
d. Pagbuo ng Council of Fora of Delegates ng Porto Alegre
48. Basahin ang sumusunod na mensahe:
“Ask not what your country can do for you, ask what you can do for your country.”
Ano ang nais ipaabot ng pahayag ni Pangulong John F.Kennedy?
a. Ang pamahalaan at ang mga mamamayan ay may kani-kaniyang karapatan at tungkulin.
b. Ang mga mamamayan ay dapat na palaging mulat sa mga polisiya at proyekto ng pamahalaan.
c. Ang pagiging isang mapanagutang mamamayan ay makatutulong sa pag-unlad ng isang bansa.
d. Ang isang bansang malaya ay may sariling pamahalaan at pamantayan sa pagkamamamayan.
49. Bakit kailangang masiguro ng isang tao ang ligalidad ng kanyang pagkamamamayan sa isang bansa?
a. Upang magkaroon siya ng pagkakakilanlan
b. Upang matiyak ang kaniyang mga tungkulin at pananagutan
c. Upang mabatid niya ang kaniyang mga karapatan at tungkulin
d. Upang maigawad sa kaniya ang mga pribilehiyo na dapat niyang matamasa
50. Suriin ang bahagi ng awiting pinamagatang “Pananagutan”:
Walang sinuman ang nabubuhay
Para sa sarili lamang
Walang sinuman ang namamatay Para sa sarili lamang
Koro:
Tayong lahat ay may pananagutan sa isa't-isa
Tayong lahat ay tinipon ng Diyos na kapiling N'ya
Ano ang mensaheng nais ipahiwatig ng awitin patungkol sa mga mamamayan ng isang bansa?
a. A.Pagkakapantay-pantay ng mga mamamayan anuman ang estado sa buhay.
b. B.Ang mga mamamayan ang siyang tagapagtanggol ng Saligang Batas ng bansa na kaniyang kinabibilangan.
c. C.Makakamit ang kabutihang panlahat at maisusulong ang pambansang interes kung may pagtutulungan
d. D.Nararapat na magtulungan ang pamahalaan at ang mga mamamayan upang makamit ng bansa ang kaunlaran.
51. Bakit mahalagang gamitin natin ang ating karapatang bumoto?
a. Upang hindi mawala ang ating pagkamamamayan kung hindi tayo boboto.
b. Upang maiwasan nating masangkot sa gulo o karahasan tuwing eleksyon.
c. Upang mailuklok natin ang mga opisyal na magbibigay sa atin ng iba’t ibang kagamitan.
d. Upang ating mailuluklok ang mga opisyal na sa tingin natin ay ipaglalaban angkarapatang pantao at kabutihang panlahat.
52. Bakit mahalaga ang pagsasagawa ng participatory governance?
a. mas maraming sasali sa civilsociety
b. mawawalan ng silbi ang mga opisyal ng pamahalaan
c. maiiwasan ang pagtutol sa mga proyekto ng pamahalaan
d. mas magiging matagumpay ang proyekto ng pamahalaan
53. Bakit mahalaga sa isang bansa ang aktibong pakikilahok ng mga mamamayan sa mga nangyayari sa kanilang paligid?
a. sapagkat mapaaktibo man o hindi, makalalahok pa rin ang mga mamamayan sa mga nangyayari sa bansa
b. sapagkat kakikitaan ng mga karapatang pantao ang mga mamamayan batay sa itinakda ng saligang-batas
c. sapagkat malaki ang bahaging ginagampanan ng mga mamamayan na makatugon sa mga isyu at hamong panlipunan
d. sapagkat mas magiging makapangyarihan ang mga opisyal ng pamahalaan kung magiging aktibo ang mga mamamayan sa
bansa
54. Bakit mahalagang sumali sa mga gawaing pansibiko at pampolitika?
a. upang mapaunlad ng ekonomiya
b. upang maging muat sa mga isyu ng lipunan
c. upang masiguro ang mabuting pamamahala ng mga opisyal
d. upang makabuo ng mga bagong programa ang pamahalaan
55. Ang kalagayan o katayuan ng isang tao bilang miyembro ng isang pamayanan o estado.
A. Pagkamamamayan B. Pagboto C. Pagkamakabansa D. Pagkamakabayan
Test II. Ibigay ang kahulugan ng sumusunod na acronym.
1. NGO
2. LGU
3. 4P’S
4. ALS
5. OHSP
6. HSP
7. PBB
8. PEI
9. K-12
10. CHED
11. DEPED
12. PAO
13. DSWD
14. VAWC
15. LGBT

You might also like