You are on page 1of 4

ANTIPOLO NATIONAL HIGH SCHOOL

SY: 2021 – 2022


4th GRADING PERIOD
ARALING PANLIPUNAN 10

LEARNING ACTIVITY SHEET - WEEK 3-4

Learning Competency:

Natatalakay ang mga epekto ng pakikilahok ng pamayanan sa mga gawaing


pansibiko sa kabuhayan, politika at lipunan.

Ang pakikilahok sa gawaing pansibiko ng mga mamamayan ay malaking tulong


para sa kaayusan at ikauunlad ng isang komunidad. Narito ang mga maaaring
maging epekto sa pakikilahok sa gawaing pansibiko.

1. Nabibigyan ng solusyon ang mga suliraning panlipunan.

2. Umuusbong ang bayanihan dahil sa pagtutulungan ng bawat isa.

3. Nalalaman ang halaga ng bawat miyembro ng komunidad.

4. Natitiyak na ang bawat mamamayan ay nabubuhay ng matiwasay at


mapayapa.

5. Nagiging aktibo ang mga miyembro ng komunidad.

6. Natututong magmalasakit sa iba

7. Napapabilis ang proseso ng pag-aabot ng tulong sa mga nasalanta ng


kalamidad.
Ano ang gawaing pansibiko?

Ang salitang sibiko ay mula sa salitang Latin na ang ibig sabihin ay mamamayan. Noong
unang panahon sa lipunang Pranses, tinatawag na civique ang isang mamamayang
nakapagbuwis ng buhay para sa kaniyang kapuwa. Naipagpapalit ito sa salitang civil o
‘sibilyan’ na isang indibidwal na wala sa serbisyo ng pamahalaan o hindi nanunungkulan
bilang sundalo subalit nakatutulong nang malaki sa kaniyang bayan.

Sa kasalukuyan, ginagamit ang salitang sibiko upang pormal na tukuyin ang mga
mamamayang bumubuo ng lipunan.

Kadalasan nang ikinakabit sa salitang ito ang mga katagang “kagalingan” o welfare.
Tinutukoy ng civic welfare o kagalingang pansibiko ang pinakamataas na kabutihang
makakamit at mararanasan ng mga mamamayan. Ang kabutihang ito ay natatamasa
sapagkat nanggagaling sa kagyat na pagtugon at pagmamalasakit ng kapwa
mamamayan. Sa pagganap ng mga tungkulin sa lipunan, ang mga mamamayang may
kamalayang pansibiko ay higit na nakatutuwang sa pamahalaan. Ang kamalayang
pansibiko ay kaisipan na ang bawat isa ay may pananagutan sa kaniyang kapwa. Ito
ay pagkilala na ang indibidwal ay may kakayahang paunlarin ang lipunan sa anumang
paraang kaya niyang tugunan at gampanan. Ang pagkukusang-loob, pagtulong nang
walang inaasahang kapalit, at bayanihan ay mga susing katangiang dapat taglayin sa
gawaing pansibiko. Maaari ding tingnan ang gawaing pansibiko bilang malawakang
pagsasama-sama ng mga tao upang tiyaking nasa pinakamahusay silang pamumuhay
lalo na ang pinakamahihirap. Karaniwang sinasakop ng kagalingang pansibiko ang
mga usapin hinggil sa edukasyon, kalikasan, kabuhayan.
Ang pakikilahok sa mga gawaing pansibiko ay maaaring gawin ninuman maging ang
mga bata. Ang simpleng paggawa ng kabutihan sa kapwa ay maituturing na isang
gawaing pansibiko.
1. Pagtulong sa matanda sa pagtawid sa kalsada.
2. Pagpaplano para sa pagtayo ng kabuhayan sa isang komunidad.
3. Pag-aayos at patulong sa pamimigay ng mga relief goods sa mga nasalanta ng
bagyo at iba pang uri ng kalamidad.
4. Pagtulong sa pagtatanim ng mga puno sa mga kabundukan.
5. Pagboboluntaryo sa pagtuturo sa mga bata sa komunidad.
6. Pagtulong sa paglilinis ng kapaligiran.
7. Pagpapalabas o pagtulong sa mga pagtatanghal na pampubliko
8. Pagbuo ng liga

Katangiang dapat taglayin sa gawaing pansibiko


1. Pagkukusang loob na pagtulong
2. Pagtulong ng walang inaasahang kapalit
3. Pakikipagbayanihan.

Ayon sa lektura ng Propesor na si Jensen DG. Mañebog, ang mga sumusunod ay ilan sa
magagandang epekto ng pakikilahok ng mga mamamayan sa mga gawaing
pansibiko:

1. Batay sa mga pag-aaral, ang mga mamamayan sa mga estado at bansa na may
mataas na antas ng partisipasyong pansibiko ay may mas mabuting kalusugan at
kalusugang mental—may mas mababang mga antas ng pagkakasakit, problema sa
kalusugan ng isip, depresyon, at pagpapakamatay. Mas mababa rin ang antas ng
krimen sa gayong mga bansa.

2. Nakatutulong ang pakikilahok sa mga gawaing pansibiko upang mapaunlad ng mga


tao ang kanilang kakayahang mag-isip nang malalim, magpahayag ng sarili sa
malikhaing paraan, maunawaan ang mga ideya at isyu sa konteksto, at saliksikin ang
tama at totoo.

3. Sa pamamagitan ng civic engagement, tulad ng pagboto at pagboboluntaryo,


napauunlad ng mga mamamayan ang kanilang mga kasanayan at “boses” upang
makalikha ng positibong pagbabago. Ang ganitong mga pagkilos ay makakatulong
upang mapabuti ang kalagayan ng pamayananan.

4. Ayon sa isang pag-aaral, ang civic engagement ng kabataan sa anyo ng


pagboboluntaryo, pagboto, at maging ng pagpoprotesta at aktibismo, ay may
kaugnayan sa pagkakamit ng mataas na antas ng edukasyon at pagkakaroon ng
mataas na kita pagsapit sa sapat na gulang (ayon sa inilathala sa dyornal na Child
Development, “Impacts of Adolescent and Young Adult Civic Engagement on Health
and Socioeconomic Status in Adulthood”) Marapat lamang na maliwanag sa kabataan
ang mga limitasyon upang huwag mahulog ang aktibismo sa mga gawaing labag sa
batas.

5. Sa civic engagement, natutunan ng mga mag-aaral ang pagsasalita sa publiko,


kritikal na pag-iisip, pagtutulungan, pangunguna, pamumuno, empatiya, at iba pang
mga kasanayan sa paglutas ng mga problema sa lipunan.Sa pamamagitan ng aktibong
paggawa upang matugunan ang mga hamon sa komunidad, ang mga kabataan ay
nakalilikha ng pagbabago sa kanilang sarili. Nakakatulong ito sa kanila upang mas
maunawaan ang mga isyung panlipunan na nakakaapekto sa kanilang buhay at ang
kanilang papel sa paglutas nito. Habang nakikita nila ang epekto ng kanilang paggawa
sa komunidad, sila rin ay nakikinabang sapagkat nagkakaroon sila ng sense of
responsibility at mataas na self-esteem.

6. Sa civic engagement, nagkakaroon ng inspirasyon ang mga tao patungo sa


pagkakaroon ng pagbabago dahil nasasaksihan nila ang mga problemang panlipunan
sa kanilang pamayanan. Nagbibigay ito ng gana sa kanila upang makabuo ng mga
solusyon sa mga problema sa kanilang mga komunidad.

7. Nagbubunga ito ng isang responsableng pakiramdam o sentido na ang mga tao ay


may pananagutang tulungan ang mga kapus-palad o mga nasa laylayan
(marginalized sector).

8. Ang civic engagement ay nakatutulong sa kabuhayan ng mga mamamayan.


Nagkakaloob ito ng mga kaalaman ukol sa iba’t ibang pangkabuhayang programa at
pagsasanay na iginagawad ng gobyerno.

9. Sa pakikilahok ng mga mamamayan sa mga gawaing pansibiko, maiingganyo ang


mga nahalal na opisyal na lalong maging responsable, mapanagot, at mapagserbisyo
sa mga nasasakupan. (Kaugnay: Ang Sibiko, Pagkamamamayan, at Civic Engagement)

Learning Competency:
Napapahalagahan ang papel ng mamamayan sa pagkakaroon ng isang
mabuting pamamahala

Lahat tayo ay naghahangad ng mapayapa, matiwasay at maunlad na lipunan.


Magaganap lamang ito kung ang isang bansa ay may mabuting pamamahala o good
governance. Ano nga ba ang mabuting pamamahala o good governance at paano
ito maisasakatuparan?

Mabuting Pamamahala o Good Governance


Ang konsepto ng pamamahala o govenrnace ayon sa United Nations Economic
and Social Commission for Asia and the Pacific o UNESCAP, ay hindi na bago, ito ay
kasing tanda ng sinaunang sibilisasyon. Ito ay isang proseso ng paggawa ng desisyon
kung saan ang desisyong ito ay isinasakatuparan. Ayon sa 1992 Report on Governance
and Development ng World Bank, ang good governance ay isang paraan ng
pagsasakatuparan ng kapangyarihang mangasiwa sa “economic and social resources”
ng bansa para sa kaunlaran nito. Binigyang kahulugan naman ng Office of the High
Commissioner for Human Rights (OHCHR) ang good governance bilang proseso kung
saan ang mga pampublikong institusyon ay naghahatid ng kapakanang pampubliko,
nangangasiwa sa pag-aaring yaman ng publiko, at tinitiyak na mapangalagaan ang
mga karapatang pantao, maging malaya sa pangaabuso at korapsyon, at may
pagpapahalaga sa pagiging sagrado ng batas at ng proseso nito.
Makikita sa diagram sa ibaba ang walong katangian para makamit ang good
governance ayon sa United Nation.
Participation
Accountability Rule of Law

Transparency Good Governance Responsiveness

Consensus Equity and


Orientation Effectiveness Inclusiveness
and Efficiency

➢ Participation – Sa isang mabuting pamamahala, susi ang partisipasyon ng lahat


ng mamamayan, tuwiran man o sa pamamagitan ng mga institusyong kanilang
kinakatawan sa pagbuo ng desisyon. Ito ay nakabatay sa karapatan ng
mamamayan sa pakikilahok at pagpapahayag.
➢ Rule of Law – Nararapat na maipatupad at natatamasa ng lahat ang mga batas,
ginagalang ang karapatang pantao nang patas at walang kinikilingan at
kinikilala ang kapangyarihan ng batas at ng proseso nito.
➢ Accountability – Ang pamahalaan, mga mamamayan at lahat ng sektor ng
lipunan ay may pananagutan sa magiging resulta ng kanilang ginawang
pagpapasyang nakaaapekto sa pangkalahatang interes ng isang pamayanan
at ng bansa sa kabuuan.
➢ Consensus Orientation – kinikilala, pinakikingggan at isinasaalang alang ang
pananaw ng iba at pinahahalagahan ang pag-iral ng pangkalahatang
kabutihan at kung ano ang pinakamabuti sa lahat.
➢ Effectiveness and efficiency – Ito ay responsableng paggamit ng mga yaman ng
bansa upang matugunan ang pangangailangan ng lipunan
➢ Equity and Inclusiveness - pagbibigay sa bawat mamamayan ng pagkakataon
na mapaunlad o mapanatili ang kanilang kagalingan at kabutihan.
➢ Transparency - Tumutukoy ito sa malayang daloy ng impormasyon sa lahat ng
transaksiyon, proseso, desisyon, at ulat ng pamahalaan, binibigyan ng
pagkakataon nito ang mamamayan na magkaroon ng kamalayan sa
nagaganap sa pamahalaan at makalahok sa mga gawain nito
Papel ng Mamamayan sa Pagkakaroon ng Mabuting Pamamahala
Madaling maisasakatuparan ang mabuting pamamahala o good governance
sa mga bansang demokratiko tulad ng Pilipinas dahil pinahihintulutan nito ang
partisipasyon ng mga mamamayan na isa sa katangian ng mabuting pamamahala.
Ayon sa Article II, Section 1 ng 1987 Philippine Constitution, “Ang Pilipinas ay isang
estadong republikano at demokratiko. Ang ganap na kapangyarihan ay angkin ng
sambayanan at nagmumula sa kanila ang lahat ng mga awtoridad na
pampamahalaan.” Samakatuwid, ang kapangyarihan ng isang estado ay nagmumula
sa mga mamamayan nito hindi sa pamahalaan at sa mga taong bumubuo nito.
Karapatan at tungkulin ng mamamayan ang aktibong pakikilahok sa mga usapin sa
pamamahala, katulong ang pamahalaan magkasamang bubuo ng solusyon ang
mamamayan sa mga hamon at suliraning kinakaharap ng lipunan.
Sa Pilipinas, binibigyan ng kapangyarihan at karapatan ng konstitusyon (Article V)
ang lahat ng mamamayang pumili ng kanilang magiging pinuno. Ang pakikilahok sa
eleksyon ang pinakapayak na paraan ng pakikilahok ng mamamayan. Ito ay isang
obligasyon at karapatang politikal at itinuturing na isa sa mga katangian ng mabuting
mamamayan. Isa ring paraan ng pakikilahok ng mamamyan ay ang pagbuo ng mga
samahang direktang makikipag-ugnayan sa pamahalaan upang iparating ang
pangangailangan ng mamamayan tulad ng civil society. Hindi lang sa pagboto at
paglahok sa Civil Society natatapos ang political na pakikilahok ng mga mamamayan,
ang puso at pilosopiya ng demokrasiya ay ang magkaroon ng mamamayang
nakikilahok sa pagpapaunlad ng bayan. Ang participatory governance ay tumutukoy
sa pamamahala na kakikitaan ng partisipasyon ng ordinaryong mamamayan kasama
ang iba’t ibang sektor ay katuwang ng pamahalaan sa pagbalangkas, pagpapanatili,
pagpapatupad at pagtataya ng mga programa at karampatang solusyon sa mga
hamon ng lipunan.
Sa Kasalukuyan, may mga suliranin at hamong kinakaharap ang ating bansa na
tinalakay sa unang tatlong quarter, kasama pa ang pandemyang nararanasan natin at
ang malalang katiwalian sa pamahalaan. Ang mga isyung ito ay dapat matugunan
upang makamit ang lipunang inaasam. Lahat tayo ay dapat maging bahagi ng mga
pagkilos at pagtugon sa mga hamon at isyu ng ating lipunan. Hindi lamang mga lider
sa pamahalaan at iilang mga tao ang may tungkulin nito. Wika ka nga ng dating
pangulo ng Estados Unidos na si Pres. John F. Kennedy, “Huwag mong tanungin ang
magagawa ng bansa para sa iyo, kundi ano ang magagawa mo para sa bansa” Bilang
isang mag-aaral at kabahagi ng lipunang iyong ginagalawan inaasahang magiging
kabahagi ka upang magkaroon ng mabuting pamamahala.

You might also like