You are on page 1of 12

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VII - Central Visayas
Schools Division of Mandaue City
Centro, Mandaue City

Epekto ng Aktibong Pakikilahok ng


Mamamayan sa mga Gawaing
Pansibiko sa Kabuhayan,
Politika at Lipunan

Araling Panlipunan 10
Ikaapat na Markahan
Gawain Bilang 6

PAMANTAYAN SA PAGKATUTO
Natatalakay ang mga epekto ng aktibong pakikilahok ng mamamayan sa mga
gawaing pansibiko sa kabuhayan, politika at lipunan.

LAYUNIN

1. Nasusuri ang mga epekto ng aktibong pakikilahok ng mamamayan sa mga


gawaing pansibiko sa kabuhayan, politika at lipunan.
2. Naipapaliwanag ang kahalagahan ng pagkakaroon ng kooperasyon ng
mamamayan at pamahalaan sa paglutas sa mga suliraning panlipunan.
3. Naipapahayag ang saloobin sa mahahalagang isyung pampulitika na
kinakaharap ng sariling pamayanan at bansa.
SANGGUNIAN
Kagawaran ng Edukasyon, K-12 Most Essential Learning Competencies in
Araling Panlipunan 10 With Corresponding CG Codes, pages 57-58 Learning
Module in Araling Panlipunan 10 – Gabay ng Guro
Learning Module in Araling Panlipunan 10 – Kagamitan ng Mag-aaral
https://myinfobasket.com/mga-epekto-ng-pakikilahok-sa-mga-
gawaing-pansibiko/
https://brainly.ph/question/1333191
https://lrmds.deped.gov.ph/detail/10587
Araling Panlipunan–Ikaapat na Baitang/Kagamitan ng Mag-aaral/Unang
Edisyon 2015/Yunit IV, Ako sa Pag-unlad ng Aking Bansa, p 327;
https://www.slideshare.net/lhoralight/k-to-12-grade-4-learners-material-in-
araling-panlipunan-q1q4)

ANO ANG DAPAT MALAMAN?

GAWAING PANSIBIKO
Ang gawaing pansibiko ay tumutukoy sa mga gawaing nakatutulong sa
pagpapaunlad ng pamayanan at bansa. Ito ay nakapokus sa mga gawain na makamit ang
common good o ang ikabubuti ng nakararami. Sa proseso ng gawaing pansibiko,
nagsasama-sama at kumikilos ang mga kasapi ng komunidad tulad ng mga sumusunod:
pangkaraniwang mamamayan, mga organisasyon, mga pinunong pansibiko, mga aktibista,
mga propesyonal at iba pa mula sa mga iba’t ibang larangan ng buhay.

Layunin ng Gawaing Pansibiko


Layunin nitong lutasin ang mga suliranin at mula rito ay makapagdulot ng
mabubuting pagbabago sa pamayanan. Pinalalakas din ng mga gawaing pansibiko ang
mga mamamayan upang sila ay magkaroon ng kapangyarihang maglunsad ng mga kapaki-
pakinabang at pangkaunlarang proyekto.
Ang social integration o pagkakabuklod-buklod ng mga mamamayan ay napatatatag
din at nakatutulong sa pag-iwas sa paglaganap ng mga nakapipinsalang gawain sa lipunan
tulad ng pagkalulong sa droga, pagdami ng naliligaw ng landas at dropouts, krimen, at
kawalan ng katarungan.
Sa pamamagitan ng mga gawaing pansibiko, ang civic virtue o ang dedikasyon ng
mga mamamayang maging matulungin at hindi makasarili ay napagyayaman.

2
Mga Halimbawa ng mga Gawaing Pansibiko
Bilang mga mamamayan, tungkulin nating lumahok sa mga gawaing makatutulong
sa pag-unlad ng pamayanan. Tayo ay nararapat ding kumilos nang naaayon sa
pangangailangan at dikta ng ating bansa. May iba't ibang uri ng gawaing pansibiko na
maaari nating lahukan bilang responsableng mga mamamayan tulad ng pagtataguyod ng
mga seminars ukol sa pamumuno, pagsasalita, pakikibagay at pakikipagkapwa-tao

Pangkalusugan
Sa pangkalusugan naman ay tumutulong at nagsasagawa naman ng mga medical
mission ang mga sumusunod tulad ng mga doktor, nars, dentista at mga katulad nila sa
mahihirap na pamayanan.
Paghahandog ng mga gamot o iba pang tulong pang medisina para sa
mga nangangailangan
Pagbibigay ng mga libreng konsulta para sa mga may sakit
Nakatutulong sila sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga gamot, paglilinis ng
mga ngipin, pagtuturo ng wastong pagbubuntis, pagbibigay ng check-up sa mga mata, at
marami pang iba. Ibinibigay nila ang mga ito nang libre.

Pangkalikasan
Naisasakatuparan ito sa pamamagitan ng tree-planting activities, paglilinis ng
maruruming ilog, pagsagip at pagpaparami ng endangered species, at iba pa.

Pang-edukasyon
May mga nagkukusang tumulong at makibahagi sa pagtuturo sa mga mag-aaral
ng Preschool gaya ng pagbabasa ng mga kuwento. Ang mga Donate-a-Book,
Fundraising Walks, at iba pang kagaya nito na naglalayong makapagpatayo ng mga
gusaling pampaaralan at makapagpaaral ng mahihirap na mag-aaral ay nakatutulong din
sa pag-unlad ng edukasyon.

Pampalakasan
Dumarami ang nagsasagawa ng Run-for-a-Cause, pag-eehersisyo nang
sabay-sabay sa mga pampublikong parke, at mga katulad nito.

Pampulitika
Ang pakikilahok sa halalan ay isang paraan ng gawaing pansibiko. Sa pamamagitan
nito, naririnig ang mga saloobin ng mga mamamayan ukol sa pamahalaan at lipunan.
Kasama rito ang regular na pagboto, pagpaparehistro, pagpapaskil ng stickers, pagvo-
volunteer, pagbibigay ng kontribusyon sa mga kandidato, at paghikayat sa iba pa na
bumoto.

Mga Epekto ng Pakikilahok sa Mga Gawaing Pansibiko

Ayon kay Marissa G. Eugenio, ang mga sumusunod ay ilan lamang sa magagandang
epekto ng pakikilahok ng mga mamamayan sa mga gawaing pansibiko:

3
1. Batay sa mga pag-aaral, ang mga mamamayan sa mga estado at bansa na may
mataas na antas ng partisipasyong pansibiko ay may mas mabuting kalusugan at
kalusugang mental—may mas mababang mga antas ng pagkakasakit, problema sa
kalusugan ng isip, depresyon, at pagpapakamatay. Mas mababa rin ang antas ng krimen
sa gayong mga bansa.

2. Nakatutulong ang pakikilahok sa mga gawaing pansibiko upang mapaunlad ng mga tao
ang kanilang kakayahang mag-isip nang malalim, magpahayag ng sarili sa malikhaing
paraan, maunawaan ang mga ideya at isyu sa konteksto, at saliksikin ang tama at totoo.

3. Sa pamamagitan ng civic engagement, tulad ng pagboto at pagboboluntaryo,


napauunlad ng mga mamamayan ang kanilang mga kasanayan at “boses” upang
makalikha ng positibong pagbabago. Ang ganitong mga pagkilos ay makakatulong
upang mapabuti ang kalagayan ng pamayanan.

4. Ayon sa isang pag-aaral, ang civic engagement ng kabataan sa anyo ng


pagboboluntaryo, pagboto, at maging ng pagpoprotesta at aktibismo, ay may kaugnayan sa
pagkakamit ng mataas na antas ng edukasyon at pagkakaroon ng mataas na kita pagsapit
sa sapat na gulang (ayon sa inilathala sa dyornal na Child Development, “Impacts of
Adolescent and Young Adult Civic Engagement on Health and Socioeconomic Status in
Adulthood”). Marapat lamang na maliwanag sa kabataan ang mga limitasyon upang huwag
mahulog ang aktibismo sa mga gawaing labag sa batas.

5. Sa civic engagement, natutunan ng mga mag-aaral ang pagsasalita sa publiko,


kritikal na pag-iisip, pagtutulungan, pangunguna, pamumuno, empatiya, at iba pang mga
kasanayan sa paglutas ng mga problema sa lipunan.

6. Sa pamamagitan ng aktibong paggawa upang matugunan ang mga hamon sa


komunidad, ang mga kabataan ay nakalilikha ng pagbabago sa kanilang sarili.
Nakakatulong ito sa kanila upang mas maunawaan ang mga isyung panlipunan na
nakakaapekto sa kanilang buhay at ang kanilang papel sa paglutas nito. Habang
nakikita nila ang epekto ng kanilang paggawa sa komunidad, sila rin ay nakikinabang
sapagkat nagkakaroon sila ng sense of responsibility at mataas na self-esteem.

7. Sa civic engagement, nagkakaroon ng inspirasyon ang mga tao patungo sa


pagkakaroon ng pagbabago dahil nasasaksihan nila ang mga problemang panlipunan sa
kanilang pamayanan. Nagbibigay ito ng gana sa kanila upang makabuo ng mga solusyon
sa mga problema sa kanilang mga komunidad.

8. Nagbubunga ito ng isang responsableng pakiramdam o sentido na ang mga tao ay may
pananagutang tulungan ang mga kapus-palad o mga nasa laylayan (marginalized sector).

9. Ang civic engagement ay nakatutulong sa kabuhayan ng mga mamamayan.


Nagkakaloob ito ng mga kaalaman ukol sa iba’t ibang pangkabuhayang programa at
pagsasanay na iginagawad ng gobyerno.

4
10. Sa pakikilahok ng mga mamamayan sa mga gawaing pansibiko, maiingganyo ang mga
nahalal na opisyal na lalong maging responsable, mapanagot, at mapagserbisyo sa mga
nasasakupan.

Epekto ng Pakikilahok sa mga Gawain at Usaping Pampulitika

Suriin natin ang epekto ng pakikilahok ng mamamayan sa mga gawain at usaping


pampulitika. Ayon pa kay Marissa G. Eugenio, narito ang ilang epekto sa tao at lipunan
ng political socialization:

1. Sa pamamagitan ng political socialization, ang mga indibidwal ay nakabubuo ng


kanilang pampulitikang perspektibo na kanilang ginagamit upang suriin kung tama ba ang
sistemang pampulitikang umiiral sa kanilang lipunan.

2. Nakatutulong ito para maunawaan nila ang kanilang papel sa lipunan at kung paano
sila dapat kumilos sa mga institusyong pampulitika kung saan sila naninirahan.

3. Hinuhubog nito ang mga opinyon at saloobin ng mga tao tungkol sa mga bagay na
pampulitika tulad ng hatian ng teritoryo, digmaan, nasyonalismo, at pagiging makabayan.

4. Nakalilikha ito ng concern para sa lipunan at nakapag-uudyok din sa mga tao


na itaguyod ang mga karapatan gaya ng ukol sa malayang pagpapahayag.

5. Nakabubuo ang political socialization ng public opinion ukol sa mahahalagang isyu.

6. Tumutulong ito sa paglikha ng malawak na pagkakasundo sa mga


pangunahing demokratikong prinsipyo gaya ng ukol sa pagkakapantay-pantay at
patas na mga oportunidad.

7. Sa pamamagitan nito ay nagkakaroon ng kooperasyon at pagtutulungan sa pagitan


ng gobyerno at mga mamamayan.

8. Sa political socialization ay naipahahayag ng mga tao ang kanilang saloobin at mula


rito ay nasusukat ng mga nasa pamahalaan kung mabisa ang kanilang mga plataporma.

9. Sa pamamagitan ng political socialization ay mararamdaman ng isang indibidwal na


hindi siya nag-iisa bagkus ay mahalagang bahagi siya ng isang bansa.

10. Magkakaroon ang tao ng kamulatan sa pampolitikang kondisyon ng kaniyang bansa


at lalalim ang kaniyang pagkaunawa tungkol sa mahahalagang isyung panlipunan.

Ang Kahalagahan ng Kooperasyon ng Mamamayan at Pamahalaan

Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng kooperasyon ng mamamayan at pamahalaan sa


paglutas sa mga suliraning panlipunan?

Dagdag pa ni Marissa G. Eugenio:

Sa panahon ng COVID-19 crisis, nanawagan ang pamahalaan sa mga mamamayan na


tumulong at makiisa sa pagsisikap na maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease.

5
Nangailangan ng kooperasyon at pakikiiisa ng bawat mamamayan para mapagtagumpayan
ang laban kontra sa nakakahawang sakit.

Sapagkat ang proteksyon ng bawat isa ay proteksyon ng komunidad, inatasan ang publiko,
lalo na sa mga lugar na isinailalim sa enhanced community quarantine (ECQ), na manatili
muna sa kani-kanilang bahay kung hindi rin lang mahalaga ang dahilan para lumabas.
Hinikayat din ang mga mamamayan na tumalima sa paulit-ulit na paalala ng pamahalaan
para sa social distancing, pagsusuot ng face mask, at palagian at tamang paghuhugas ng
kamay gamit ang sabon o alcohol.

Nanawagan din sa mga bumiyahe sa mga dako na may kaso ng COVID-19 na mag-ulat sa
kani-kanilang barangay officials o sa Barangay Health Emergency Response Team
(BHERT) para magabayan sa self-quarantine at monitoring.

Pinaniniwalaan na ang iba ay nahawa sa sakit dahil sa hindi pagsunod sa pamahalaan


at marami naman ang naligtas dahil sa pagtalima. Ang COVID 19 pandemya ay patotoo
na mahalaga ang pagkakaroon ng kooperasyon ng mamamayan at pamahalaan sa
paglutas sa mga suliraning panlipunan.

Bukod dito, ang kooperasyon ng pamahalaan at mga mamamayan ay mahalaga upang ang
demokrasya ay mapanatili at mapagyabong. Mahalaga rin ito para sa kaunlaran sapagkat sa
tulong ng mga tao ay maayos na mailulunsad ang mga programang para sa pag-unlad.

Kapag namamayani ang kooperasyon, naipararating ng mga tao ang kanilang saloobin sa
mga kinauukulan, kaya nalalaman ng gobyerno kung mabisa ba ang kanilang mga
ginagawa para sa mga mamamayan. Magkakaroon din ng peace and order dahil
nabubuklod ng iisang layunin ang gobyerno at mga nasasakupan. Ang kooperasyon ng
mga mamamayan at gobyerno ay isa sa mga pundasyon ng demokrasya at sibil na lipunan

Tandaan:
Ang pakikilahok sa mga gawaing pansibiko ay nakatutulong upang mapaunlad at
maging matagumpay ang mga proyekto na itinataguyod ng komunidad. Ang ilan sa mga
mabubuting dulot ng pakikiisa sa mga gawaing pansibiko ay makikita sa mga sumusunod:

1. Natuturuan ang mga mamamayan ng pagkakaroon ng mga mabuting asal


2. Nagkakaroon ng puwang sa puso ng mga mamamayan ang pagtulong sa kapwa
3. Mas lumalawak ang pagmamahal na mayroon ang mga mamamayan para sa bayan
4. Nagkakaroon ng mas malawak at positibong pananaw ang mga mamamayan
para sa kapwa at bayan
5. Mas nagiging positibo ang anumang pananaw na mayroon ang mga mamamayan
6. Napananatili ang kaayusan para sa bayan na kinabibilangan
7. Mas napabubuti ang pisikal na kalagayan ng mga taong sumasama o nakikiisa
sa mga gawaing pansibiko

6
8. Mas napauunlad ang mga abilidad at kakayahan ng mga nakikilahok

ANO ANG NATUTUNAN?

Panuto: Basahin ang mga tanong sa ibaba. Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Ang sumusunod ay tumutukoy sa gawaing pansibiko MALIBAN sa


A. mga gawaing nakatutulong sa pagpapaunlad ng pamayanan at bansa
B. nakapokus sa mga gawain na makamit ang common good o ang ikabubuti ng
nakararami
C. nagsasama-sama at kumikilos ang mga kasapi ng komunidad
D. nakatuon ito sa mga gawaing pampulitika

2. Ang mga sumusunod ay layunin ng gawaing pansibiko MALIBAN sa


A. malutas ang mga suliranin at makapagdulot ng mabubuting
pagbabago sa pamayanan
B. mapalakas ang mga mamamayan upang sila ay magkaroon ng
kapangyarihang maglunsad ng mga kapaki-pakinabang at pangkaunlarang
proyekto
C. magkakabuklod-buklod ang mga mamamayan
D. maging makasarili ang mga mamamayan

3. Ito ang pagkakabuklod-buklod ng mga mamamayan na napatatatag at nakatutulong sa


pag-iwas sa paglaganap ng mga nakapipinsalang gawain sa lipunan tulad ng pagkalulong
sa droga, pagdami ng naliligaw ng landas at dropouts, krimen, at kawalan ng katarungan.
A. civic engagement C. political socialization
B. c i v i c v i r t u e D . s o c i a l i n t e g r a t i o n

4. Sa pamamagitan ng mga gawaing pansibiko, ang ______________________ o


ang dedikasyon ng mga mamamayang maging matulungin at hindi makasarili ay
napagyayaman.
A. civic engagement C. political socialization
B. c i v i c v i r t u e D . s o c i a l i n t e g r a t i o n

5. Sa pamamagitan ng_______________________________ tulad ng pagboto at


pagboboluntaryo, napauunlad ng mga mamamayan ang kanilang mga kasanayan
at “boses” upang makalikha ng positibong pagbabago.
A. civic engagement C. political socialization
B . civic virtue s D. social integration

7
6. Sa pamamagitan naman ng _____________________ , ang mga indibidwal ay
nakabubuo ng kanilang pampulitikang perspektibo na kanilang ginagamit upang
suriin kung tama ba ang sistemang pampulitikang umiiral sa kanilang lipunan.
A. civic engagement C. political socialization
B. civic virtue D. social integration

7. I. Bilang mga mamamayan, tungkulin nating lumahok sa mga gawaing makatutulong


sa pag-unlad ng pamayanan.
II. Tayo ay nararapat ding kumilos nang naaayon sa pangangailangan at dikta ng
ating bansa.
III. May iba't ibang uri ng gawaing pansibiko na maaari nating lahukan bilang
responsableng mga mamamayan
A. Tama ang dalawa sa tatlong pangungusap at mali ang isang pangungusap
B. Mali ang dalawa sa tatlong pangungusap at tama ang isang pangungusap
C. Tama ang lahat ng pangungsap
D. Mali ang lahat ng pangungsap

8. Tumutulong at nagsasagawa ng mga medical mission ang mga doktor, nars, dentista at
mga katulad nila sa mahihirap na pamayanan. Ito ay halimbawa ng gawaing pansibiko sa
larangang __________________ .
A. pang-edukasyon C. pangkalusugan
B. p a n g k a l i k a s a n D . p a m p u l i t i k a

9. Ang pakikilahok sa halalan ay isang paraan ng gawaing pansibiko. Sa pamamagitan


nito, naririnig ang mga saloobin ng mga mamamayan ukol sa pamahalaan at lipunan. Ito
.
ay napabilang sa aspetong
A. pang-edukasyon C. pangkalusugan
B. p a n g k a l i k a s a n D . p a m p u l i t i k a

10. Ang Donate-a-Book, Fundraising Walks, at iba pang kagaya nito na naglalayong
makapagpatayo ng mga gusaling pampaaralan at makapagpaaral ng mahihirap na mag-
.
aaral ay nakatutulong sa larangang
A. pang-edukasyon C. pangkalusugan
B. p a n g k a l i k a s a n D . p a m p u l i t i k a

11. Sa larangang __________________ naman, naisasakatuparan ang gawaing pansibiko


sa pamamagitan ng tree-planting activities, paglilinis ng maruruming ilog, pagsagip at
pagpaparami ng endangered species, at iba pa.
A. pang-edukasyon C. pangkalusugan
B. p a n g k a l i k a s a n D . p a m p u l i t i k a

8
12. Sa pakikilahok ng mga mamamayan sa mga gawaing pansibiko, maiingganyo ang
mga nahalal na opisyal na lalong maging
A. alerto kung sino ang hindi sumusuporta sa kanila
B. mabait sa mga naging mabait din sa kanila
C. mapagmatyag sa kilos ng kanilang mga kalaban sa politika
D. responsable, mapanagot, at mapagserbisyo sa mga nasasakupan

13. Sa pamamagitan ng pakikilahok sa gawaing pansibiko ay nagkakaroon ng


kooperasyon at pagtutulungan sa pagitan ng gobyerno at mga mamamayan. Ang
pangungusap ay
A . m a l i C . o p i n y o n
B . n a k a k a l i t o D . t a m a

14. Ang sumusunod ay mga mabubuting dulot ng pakikiisa sa mga gawaing pansibiko
MALIBAN sa
A. mas lumalawak ang pagmamahal ng mga mamamayan para sa bayan
B. naging malawak at positibo ang pananaw ng mga mamamayan sa bayan at kapwa
C. nagkakaroon ng puwang sa puso ng mga mamamayan ang pagtulong sa kapwa
D. natuturuan ang mga mamamayan ng modernong teknolohiya.

15. I. Ang COVID 19 pandemya ay patotoo na mahalaga ang pagkakaroon ng


kooperasyon ng mamamayan at pamahalaan sa paglutas sa mga suliraning panlipunan.
II. Ang kooperasyon ng pamahalaan at mga mamamayan ay mahalaga upang ang
demokrasya ay mapanatili at mapagyabong.
III. Ang kooperasyon ng mga mamamayan at gobyerno ay isa sa mga pundasyon
ng demokrasya at sibil na lipunan.

A. Mali ang una at ikalawang pangungusap at tama ang ikatlong pangungusap


B. Mali ang lahat ng pangungsap
C. Tama ang ikalawang pangungusap at mali ang una at ikatlong pangungusap
D. Tama ang lahat ng pangungusap

Mga Karagdagang Gawain

Gawain 1. Suriin Natin!

Suriin ang larawan at isulat ang iyong nakikita rito. Ipahayag ang iyong reaksiyon sa
larawang ito at ang kaugnayan nito sa paksa.

9
Gawain 2. Lamang ang May Alam!

Alamin ang hinihingi ng bawat pangungusap. Buuin ang tinutukoy na konsepto batay sa
ipinahayag sa mga artikulong binasa.

1. Sa proseso ng _________________________ , nagsasama-sama at kumikilos ang mga


kasapi ng komunidad tulad ng mga sumusunod: pangkaraniwang mamamayan, mga
organisasyon, mga pinunong pansibiko, mga aktibista, mga propesyonal at iba pa mula sa
mga iba’t ibang larangan ng buhay.
2. Nakatutulong ang ____________________ sa mga gawaing pansibiko upang mapaunlad
ng mga tao ang kanilang kakayahang mag-isip nang malalim, magpahayag ng sarili sa
malikhaing paraan, maunawaan ang mga ideya at isyu sa konteksto, at saliksikin ang tama
at totoo.

10
3. Nakakatulong ito sa kanila upang mas maunawaan ang mga isyung panlipunan na
nakakaapekto sa kanilang buhay at ang kanilang papel sa paglutas nito. Habang nakikita
nila ang epekto ng kanilang paggawa sa komunidad, sila rin ay nakikinabang sapagkat
nagkakaroon sila ng_____________________ at mataas na self-esteem.
4. Nakabubuo ang political socialization ng ____________________ ukol sa mahahalagang
isyu.
5. Magkakaroon ang tao ng kamulatan sa pampulitikang kondisyon ng kaniyang bansa at
.
lalalim ang kaniyang pagkaunawa tungkol sa mahahalagang

Gawain 3. SLOGAN . . . KAYA MO YAN!

Ilahad ang sariling saloobin hinggil sa iyong pananaw ukol sa epekto ng aktibong
pakikilahok ng mamamayan sa mga gawaing pansibiko sa kabuhayan, politika
at lipunan. Gumawa ng isang slogan na nagpapakita sa mga epektong ito sa
pamumuhay ng mga tao. Gawin itong malikhain gamit ang angkop na
pamamaraan at kagamitan at naayon sa iyong kakayahan.

Rubric sa Pagmamarka ng Slogan


Pamantayan Deskripsyon Puntos Nakuhang Puntos
Nilalaman Buong husay na nailalahad 10
sa slogan ang damdamin o
saloobin ng akda ukol sa
epekto ng mga gawaing
pansibiko.
Kaangkupan Madaling maunawaan ang 10
ginawang slogan at
angkop sa paksa.

Pagkamalikhain Mahusay at maganda ang 5


pagkakagawa ng slogan.

Kabuuan 25

11
SCHOOLS DIVISION OF MANDAUE CITY

FLORANTE O. SASING
Writer

AVE ROSARIO V. ARMECIN PhD


MARITERR P. JUMAO- AS
VERONICA M. ENGLIS
MENCY B. RABANES
ANCIE U. DOMPOR
EVELYN B. MAH
Editors

GIOVANNA P. RAFFIÑAN EdD


Education Program Supervisor in Araling Panlipunan

JAIME P. RUELAN EdD


Chief, Curriculum Implementation Division

ISMAELITA N. DESABILLE EdD


Education Program Supervisor – (LRMDS)

LEAH B. APAO EdD


Assistant Schools Division Superintendent

NIMFA D. BONGO EdD, CESO V


Schools Division Superintendent

You might also like