You are on page 1of 9

PAKSA: PAKIKIALAM SA MGA GAWAING PANSIBIKO

Aralin (20)

Introduction
Ang mga gawaing pansibiko na bahagi ng pakikipagtulungan ng mamamayan sa pamahalaan at kapwa
mamamayan na makiisa sa mga gawaing pansibiko para makamit ang maunlad at maayos na komunidad sa
pagtutulungan ng bawat kasapi.

Objectives

a).natatalakay ang mga gawaing pansibiko sa bansa,


b) natutukoy ang mga katangian at epekto ng pakikilahok sa mga gawaing pansibiko, at
c). nabibigyang-halaga ang mga gawaing pansibiko

4 A’s framework for organizing the module/lesson

Try this!

Panuto: Ilarawan at ipaliwanag ang dalawang larawan sa ibaba.

Makikita nating kung gaano kadami ang basurang Makikita nating mayroong mamamayan na nagtutulungan
nakakalat. Ang mga mamamayan ay nagtutulong- upang itanim ang iba’t ibang uri ng halaman. Makikita
tulong sa pagpulot ng mga basura na mahalaga sa nating ang pagtatanim na ito ay para sa ikabubuti ng ating
pagkakaroon ng malinis na kapaligiran. kalikasan dahil sa ngayon ay madalas na pinuputol ang
1|Page mga puno para sa paggawa ng mga bahay, papel, at iba
pang kagamitan.
Mayroong anim na babai na may daladalang
May nakikita akong makina kung saan ang mga
poster na nakasulat ay “Kabataan ang Pag-asa
mamamayan ay nagpapa photocopy para sa kanilang
ng bayan” na sinabi ng bayani na si Dr. Jose
layunin sa paaralan, trabaho, pamahalaan at iba pa.
Rizal. Sa totoo lng pagdating sa iba’t ibang
konsepto ng pananaw ko rito ay mayroon
akong pagsasangayon at mayroon ding hindi.

Think Ahead!
(Analysis)
1. Anu-ano ang mga gawaing pansibiko?
Ang gawaing pansibiko ay mga gawain na nakakatulong sa pamayanan ukol sa mga usaping ng lipunan.
Maraming mga isyu ang lipunan at hindi lamang ang gobyerno ang syang gumagawa ng mga solusyon ukol dito.
Marami din mga organisasyon at indibidwal na may mga proyekot upang mapaunland ang ating bansa. Maaring ang
mga proyektong ito ay may pulitikal na aspeto o wala. Nasa baba ang ilang halimbawa ng mga gawain pansibiko.
Mga halimbawa nito ay nag sumusunod:
 Pagtatanim para sa kalikasan
 Pagsasagawa ng seminar ukol sa usaping pinansyal
 Pagkakaroon ng cleanup drive
 Pagsasagawa ng medical mission
 Pagtulong sa mga magsasaka

2. Magbigay ng suliranin ng iyong naranasan sa mga gawaing pansibiko at ang iyong mga mungkahi?

Isa sa mga suliranin na naranasan ko sa mga gawaing pansibiko ay ang ang paglilinis ng mga basurang
itinatapon ng ng aking mga kakilala dito malapit sa aming bahay. Hindi lang kami ang naninirihan dito at maraming
nakakaamoy ng baho kaya bawal ito sunugin, wala kaming maggawa kaya ay napipilitan kaming ilipat ang mga iyon sa
daanan upang kunin ng garbage truck. Minumungkahi kong magkaroon tayo ng disiplinadong pag-iisip dahil kailangan
nating isipin kung anong mangyayari sa kasalukuyang panahon kung ito ay ipinagpatuloy pa. Posibleng magkaroon ng
land pollution, landslide, at iba pa dahil puro chemical ang nasa lupa at wala ng nabubuhay na halaman.

2|Page
Read and Ponder

(Abstraction)

Gawaing Pansibiko

Katangian sa mga Iba’t-Ibang gawaing Mga Epekto ng mga


pakikilahok sa mga pansibiko sa pamayanan gawaing pansibiko
gawaing pansibiko at bansa.

1. Sibiko ( civics)- ay tumutukoy sa teyuretikal at praktikal na pag-aaral ng mga aspeto ng


pagkamamamayan. Ang mga karapatan at mga tungkulin nakapaloob dito, ang mga tungkulin ng mga
mamamayan sa isa’t isa bilang mga miyembro ng isang politikal na katawan at sa pamahalaan.Ito ay
kinabibilangan ng mga pag-aaral ng batas sibil (civil law) at civil code, at ang pag-aaral ng pamahalaan na
nakapokus sa mga papel na ginagampanan ng mga mamamayan sa operasyon at pangangasiwa ng
pamahalaan.
Sa konteksto ng tradisyong pampolitika o etikal, ang sibiko ay tumutukoy sa pagbibigay-edukasyon sa mga tao
ukol sa kanilang pagkamamamayan. Ang kasaysayan ng sibiko ay nagsimula sa mga sinaunang pilosopiya sa
sibiko nina Confucious ng sinaunang China at Plato ng sinaunang Greece.
2.Pagkamamamayan- ay tumutukoy sa kalagayan ng isang taong kinikilala sa ilalim ng batas o (custom)
bilang isang membro ng isang nagsasariling estado(sovereign state). Ang isang tao ay maaaring magkaroon
ng maramihang pagkamamamayan (multiple citizenship) at ang isang tao na walang citizenship sa ano mang
estado ay sinasabing stateless o walang estado. Kaakibat ng pagkamamamayan ang mga tungkulin,
karapatan at pribilehiyo ng pagiging isang mamamayan ng isang estado.
3.Nasyunalidad- ay madalas na ginagamit bilang isang kasingkahulugan para sa terminong
pagkamamamayan, lalo na sa internasyunal na batas, bagamat ang terminong nasyonalidad ay tumutukoy sa

3|Page
pagiging kasapi ng isang tao sa isang bansa o isang malaking grupong etniko. Sa ilang mga bansa, gaya sa
UNited States at United Kingdom, ang nasyonalidad at pagkamamamayan ay may magkaibang kahulugan.

Ang mga isyung pansibiko at pagkamamamayan, bilang paksa sa araling kontemporaryong isyu, ay tumutukoy
sa mga isyung may kinalaman sa pagiging isang mamamayan ng isang indibidwal. Nakapaloob dito ang mga
karapatan at tungkulin ng isang tao bilang kabilang sa isang pangkat o mamamayan ng isang tao.

Ang ilan sa mga paksa sa ilalim ng isyung pansibiko at pagkamamamayan ay ang prosesong pandemokrasya,
aspetong pampolitika, sistemang panghukuman at mga pampublikong administrasyon.

4. Pakikilahok sa gawaing pansibiko (civil engagement)- ay tumutukoy sa mga indibidwal at kolektibong


aksiyon na dinisenyo upang malaman at matugunan ang isyu ukol sa kapakanang pampubliko (public
concern).
Civic Engagement- ay may ibat ibang anyo, mula sa mga indibidwal na pagboboluntaryo (Individual
volunteerism) hanggang sa pakikilahok sa organisasyon o partisipasyong elektoral. Kabilang dito ang
pagsisikap upang sa komunidad upang malutas ang isang problema, o makipag-ugnayan sa mga institusyon
ng gobyerno. Nakapaloob din dito ang pakiramdam sa personal na responsibilidad (sense of personal
responsibility) na nag- uudyok sa mga mamamayan upang ang kanilang mga obligasyon bilang bahagi ng ano
mang komunidad.

5. Mga katangian sa mga nakikilahok :


May mga katangian dapat tagalayin ang isang aktibong mamamayan na nakikilahok sa mga gawain at usaping
pansibiko. Ang mga katangian at pamantayang ito na dapat taglayin ay may kinalaman sa relasyon sa
sumusunod:(1)sa diyos, (2)sa sarili (3) sa pamilya (4)sa kapwa (5) sa kalikasan at (6)sa pamahalaan.

1. Ang may kinalaman relasyon sa diyos-Nanalig sa salita at kapangyarihan ng diyos.


2. Ang may kinalaman sa relasyon sa sarili
A. Mapayapa at Malaya ang isipan at katauhan
B. Mataas ang antas ng paninindigan , mapaghalaga sa katotohanan at karangalan
C. Kalaban ng kasinungalingan, pagsasamantala, at katiwalaan tapat sa pakikipagkalakalan.
D. Mapangalaga sa kalusugan at malinis sa tahanan, matiwasay, maaliwalis, at masagana ang kabuhayan
E. Mahinahon, magalang, at hindi mayabang. Maagap at matapat sa mga kausap.
F. Masipag at maayos sa gawain. Mapaghanda sa lahat ng kaganapan at mapanatag sa labi ng panganib at
kasawian
G. Matuwid gumanap sa kalayaan at makatao sa paggamit ng kapangyarihan
H. Tagatagubilin sa mga kamalian, kalupitan, at kalabisan sa mga mamamayan
I. Masugid na kaaway ng karahasan at kasamaan
J. Tagapagtaguyod ng katarunungan at kapayapaan

3. Ang may kinalaman sa relasyon sa pamilya


Mapagmahal at mapag-aruga sa pamilya. Magalang sa mga magulang

4. Ang may kinalaman sa relasyon sa kapuwa


A. Mabuti at matapat ng kaibigan o kapuwa-tao, Mapangalaga sa kinabukasan ng kabataan at kaligtasan ng
mga kapitbahay
B. Mapangalaga sa kinabukasan ng kabataan at kaligtasan ng mga kapitbahay.

4|Page
C. Mapagkaisa sa kabutihan ng mga mamamayan at sangkatauhan.Matulungan sa mga tunay na
nangangailangan at mapagdaop palad sa mahihina at may mga karamdaman.
D. Kumikilos at namumuno sa pagpapalaganap ng kalinisan, kalusugan,kapayapaan, katarungan, at
kasaganaan ng mga mamamayan.
5. Ang may kinalaman sa relasyon sa kalikasan-Mapangalaga at makapagkalinga sa kapaligiran at lawak
ng kalikasan
6. Ang may kinalaman sa relasyon sa pamahalaan
A.Nakikialam sa mga hindi kaayusan at kaguluhan ng lipunan
B. Mapanaliksik ng mga kalutasan sa mga problema ng bayan.
C.Mapangalaga sa kultura at mabubuting kaugalian sa bayan
D.Maalab na tagatanggol sa kasarinlan at kalayaan ng bayan.

Ang Ibat Ibang gawaing pansibiko sapamayananat bansa


Ang gawaing pansibiko civic engagement ay pangkaraniwang hinahati sa tatlong kategorya: 1 sibil, electora ,
at boses pampolitika o political voice . Narito ang ilan sa mga aktibidad o pakikilahok sa ilalim ng bawat
kategorya:

1.Sibil
a.) Paglutas ng problema sa komunidad (Community problem solving)
b.) Regular na pagboboltaryo para sa isang hindi electoral na organisasyon ( Regular volunteering for a non –
electoral organisasyon )
c.) Aktibong pagiging kasapi sa isang grupo o asosyon ( Active membership in a Group or association)
d. Ang paglahok sa pagkalap ng pondo gaya ng takbo/lakad/biyahe raising for charity)
e.) Ang paglahok sa pagkalap ng pondo para sa kawanggawa (Other fund raising for charity)
F.) Pagtakbo para sa posisyong political (Run for political office)
g.) Simbolikong hindi pakikilahok (Symbolic nonparticipation)
Ang pagresolba sa mga suliranin sa komunidad ay tumukoy sa mabilisang pagtugon sa
pangangailangan ng isang komunidad.Nakapaloob sa boluntarismo para sa mga hindi electoral na
organisasyon ang pagtulong nang walang kabayaran , halimbawa , sa mga pangkapaligirang organisasyon
( tree palnting , area cleaning ), sa mga serbisyong panlipunan para sa mahihirap at matatanda , at sa mga
organisasyong may kinalaman sa mga bata at kabataan (feeding proram )
2.Elektoral
a.) Regular na pagboto ( Regular voting)
b.) Paghihikayat sa iba na bumoto (Persuading others to vote)
c.) Pagpapakita ng mga buttons ,mga karatula , mga sticker ( Displaying buttons,signs,stickers)
d.) Pagrehistro sa mga botante ( Registering voters)
e.) Pagboboluntaryo para sa kandidato o pampulitikang organisasyon (Volunteering for candidate or political
organizations)
f.) Pagbibigay ng kontribusyon sa kampanya (Campaign contribution )

Ang regular na pagboto ay nangangahulugan ng palagiang pakikilahok sa lokal at nasyonal na


halalan . Ang pagboto ay isang mahalagang bahagi ng sibiko. Ang pagboto ay isang dakilang kapangyarihan
ng mga mamamayan ng bawat lipunan . Nakapaloob sa pagboto ang pagsusuri sa mga kandidato sa balota
upang maunawaan ang kuwalipikasyon ng bawat isa sa kanila . Ang pagboto ay tuwirang nakaapekto sa kung
paano aandar ang pamahalaan sa pamamagitan ng pagpili ng mga kandidato na silang uugit sa gobyerno.

5|Page
May kaugnayan din sa pagboto ang pakikisangkot sa mga proseso ng halalan at maging ang
panghikayat at pang – iimpluwensya sa ibang tao na bumuto sa pamamagitan halimbawa ng
pakikipagtalakayan sa kanila ukol sa mga partido at kandidato o pampolitikang oragnisasyon ay maaaring sa
pamamagitan ng pagtulong sa pangangampanya , pagdisplay ng mga materyales ukol sa halalan ( campaign
materials ,buttons , signs , stickers ), o pagbibigay ng kontribusyon para sa pangangampanya , pagdisplay ,
ng mga materyales ukol sa halalan (campaign materials,buttons,signs,stickers), o pagbibigay ng kontribusyon
para sa pangangampanya.

3. Boses pampolitika

a.) Pakikipag- ugnay sa mga opisyal ( Contacting officials)


b.) Pakikipag-ugnay sa mga print media (Contacting the print media)
c.) Pakikipag – ugnay sa mga broadcast media ( Contacting the broadcast media)
d.) Pagprotesta (Protesting)
e.) Pagpapadala ng petisyon sa pamamagitan ng e- mail ( E –mail petitions)
f.) Pagsulat ng petisyon at pagka – canvass (Writing petitions and canvassing
g.) Pamboboykot ( Boycotting)
Ang pakikipag- ugnayan sa mga opisyal sa mga opisyal ay pakikipag –ugnayan sa mga pampublikong lider
upang humingi ng tulong o magpahayag ng opinyon . Ang pakikipag- ugnayan sa print media ay pakikipag –
ugnayan sa mga diyaryo o magasin upang magpahayag ng damdamin sa mga isyu. Ang pakikipag – ugnayan
sa broadcast media ay maaring sa pamamagitan ng pakikilahok sa mga martsa , rally , o demonstrasyon.
Maaring ipakita ang pamboboykot sa pamamagitan ng pagtangging bumili ng isang produkto alinsulod sa
politikal na pagpapahalaga (political values) ng kompyansang gumawa nito , o pagpapahalaga (political
values) ng kompyang gumawa nito, o pagbili naman ng isang bagay dahil ang kompyansang may gawa ay
may politikal na pagpapahalagang katulad ng sa mamimili.
Ang isa pang mahalagang halimbawa ng pakikilahok sa gawaing pansibiko ay ang pagbubuwis . Ang buwis ay
ang presyong binabayaran para sa isang sibilisadong lipunan. Ang perang ibinibigay sa pagbubuwis ay
ginagamit ng estado para maisakatuparan ang marami nitong digmaan , ang pagpapatupad ng batas at
kaayusang pampubliko (public order),pagbibigay ng proteksiyon sa mga arian- arian ,pang-ekonomiyang
impraestura (mga kalsada , tulay ,at iba pa), iba pang mga public work , subsidy , at ang mismong operasyon
ng pamahalaan .
Ginagamit ng pamahalaan ang buwis upang pondohan ang ukol sa kapakanan ng mga mamamayan at
pampublikong serbisyo. Sa mga ng pagpapangalaga ng kalusugan ,mga pensiyon para sa mga benipisyo
benefit) at pampublikong transportasyon. Ang enerhiya , tubig , at waste management ay itinutituring ding
pampublikong pangangailangan (public utilities ) na tinustusan ng buwis.
Kasama rin sa civic engagement ang mga akitibidad na nagpapaunlad sa kasaysayan ,kadalalubhasaan , at
kaalaman ng mga mamamayan na makatutulong din para sa kaunlaran ng komunidad o bansa . Mahalaga
ang pakikilahok sa gawaing pansibiko sapagkat makatutulong ito upang mas mapaunlad pa ang isang bansa
sa pamamagitan ng pagtutulungan ng mga taong nakatira dito. Ang kabutihang dulot ng civic engagement ay
hindi lamang para sa komunidad o bansa kung hindi maging sa mga individwal na mamamayan na nakatira
dito

6|Page
MGA EPEKTO NG PAKIKILAHOK SA MGA GAWAING PANSIBIKO

Mapapansin na ang civic engagement o pakikilahok sa mga gawaing pansibiko ay pakikilahok sa sa


ilang sibil o politikal na proseso at isyu sa bansa . Ito ay mahalagang sangkap ng demokrasya ng bansa ay
usabg pamamaran upang makapagtulungan ang mga mamamaya na mapabuti ang kalidad ng kanilang buhay
sa komunidad sa pamamagitan ng politikal at hindi politikal na mga proseso. Sinasalamin din nito ang personal
na obligasyon ng isang mamamayan na paunlarin ang lipunan bilang bahagi nito. Ang pakikilahok sa gawaing
pansibiko ay magreresulta ng mas epiktibo at episyenteng pagdesisyon. Ang sumusunod ay ilan pang epekto
ng pakikilahok ng mga mamamayan sa mga gawaing pansibiko.

1. Epekto sa kabuhayan
a.) Mapaunlad pa ng mga mamamayan ang kanilang kabuhayan sa pamamagitan nang pakikilahok
nito sa gawaing pansibiko . Mabibigyan sila nang kaalaman upang yumabong pa ang kanilang
kasanayang may kinalaman sa pag unlad ng kanilang kabuhayan. Sa pamamagitan nang
pakikilahok nito sa gawaing pansibiko , magiging mulat sila sa mga batas na sumasaklaw sa uri ng
kanilang hanpabuhay.
b.) Sa mga feedback na nakukuha ng pamahalaan mula sa mga mamamayan na nakikilahok sa mga
gawaing pansibiko , ay magkakaroon ng mas mahuhusay na patakaran ( Socio – economic policy)
c.) Magkakaroon ng pagkakaisang sosyal (social consensus ) dahil sa pakikilahok ng mga
mamamayan sa mahalagang diskurso. Kung may pamabansang pagkaisa (national consensus) ,
mas maraming dayuhang namumuhunan at mga international donor ang papasok sa bansa.
d.) Magkakaroon ng mga pantay na patakaran (equitable policy) at makatarungan pamamahagi ng
mga benepisyo (fair distribution of benefit) sa mahihina , tulad sa mga dukha.
e.) Kung nakikilahok ang mga mamamayan sa mga gawaing pansibiko , maeenganyo ang mga lider
ng pamayanan na maging responsible at mapanagot (accountable). Magkakaroon ng mas
mahusay na pagpapatupad ng mga patakaran at mga programa , maging ang mga ukol sa
kabuhayan.

2. Epekto sa Politika
A. Magkakaroon ng mas malinis na politika sa bansa kung ang mga tao ay nakikilahok sa mga gawaing
pansibiko Halimbawa, mabibigyan sila ng ideya sa tamang pagboto at maiiwasan ang pagbili o pagbebenta ng
boto (Vote buying o selling)
B. Mapagtitibay ang demokrasya sa bansa sa pamamagitan ng pagiging sangkot ng mga mamamayan sa mga
aspeto at elemento nito.
C. Ang pakikilahok ng mamamayan sa mga prosesong pagplano ay nagbibigay-daan sa kanila na sumama sa
pagdedesisyon kung aling mga tiyak na programa at mga patakarang pampolitiko ang kinakailangan upang
maisulong ang sustainable development na magpoprotekta sa mga pagpapahalaga (shared values) at sa
kalidad ng buhay ng mga residente ng komunidad.
D. Ang civic engagement bilang isang community building strategy, ay isang kilalang mekanismo upang
makabuo ng social capital. Ito ay nagbubunsod sa mga lungsod upang magsulong ng mga programa ukol sa
urban revitalization na may kalakip na pakikisangkot ng mga mamamayan.
E.Ang civic engagement ay kritikal sa paghahanap ng solusyon sa mga komplikadong hamong pampolitika at
panlipunan. Ang pampolitikong patakaran at mga batas ay hindi lang dapat makatarungan kung hindi marapat
ding sinasang-ayunan ng mamamayan para maging mabisa lalo na sa larangan ng pagpapatupad. Ito ay
makakamit kung mataas ang lebel ng civic engagement lalo na sa paglikha ng mga batas at polisiya.
7|Page
Epekto sa lipunan
A. Magkakaroon ng isang magandang lipunan kung saan ang mga mamamayan ay mas nagkakatulungan
para sa ikauunlad ng lahat
B. Ang mga mamamayan ay nagkakaroon ng kumpiyansa sa sarili, panlipunang responsibilidad , at interes na
sumali sa mga bagay -bagay sa komunidad.
C. Nabibigyan ng oportunidad ang mga mamamayang nakikilahok sa gawaing pansibiko na maibahagi ang
kanilang talento,kaalaman, o kasanayan sa komunidad o sa pamahalaan.
D. Nakapagkalolooban ng karanasan ang mga tao na makihalubilo sa kapuwa- tao at makialam sa mga isyu sa
bansa.
E. Sa panig ng kabataan, pinatataas ng civic engagement ang emosyonal na katalinuhan (emotional
intelligence) at nag-uudyok sa kanila sa matapat at makabuluhan na pagkilos o paggawa para sa komunidad.
F. Sa madaling salita, ang civic engagement at civic involvement ay nangangahulugan ng mga mamamayang
konektado sa isa”t isa, may pakialam, at may malasakit ukol sa ikabubuti ng isa”t isa at lalo ng komunidad.
Ang social connectedness na ito ay mahalaga sa pag-unlad ng tao at sa malusog na paggana ng pamilya at ito
ay akma sa lahat ng antas panlipunan at pang-edukasyon sa lipunan. Ang demokrasya at mga pampublikong
patakaran nito ay nakasalalay sa pagkakaroon ng magagandang relasyon at mga shared value ng mga
mamamayan.

TUKLASIN
Panuto: Isulat ang salitang TAMA kung wasto ang isinasaad sa pahayag, MALI kung hindi wasto.

1.TAMA Sa ilang mga bansa, gaya sa united states at Uunnited kingdom, ang nasyunalidad at pagkamamamayn ay may
magkaibang kahulugan.
2.TAMAAng isang tao ay maaring magkaroon ng maaaring magkaroon ng maramihang pagkakamamayan (multiple
citizenship)
3.MALI Ang nasyunalidad ay tumutukoy sa kalagayan ng isang tao na kiniklala sa ilalim ng batas o kustom bilang isang
mimbro ng isang nagsasariling estado.
4.TAMA Ang kasaysayan ng sibiko ay nagsimula sa mga sinaunang pilosopiya sa sibiko nina Confucious ng sinaunang
china at Plato ng sinaunang Greece.
5.TAMA Ang civic engagement ay may ibat ibang anyo, mula sa mga indibidwal na pagboboluntaryo .
6.TAMAAng isang aktibong mamamayan nakikilahok sa mga gawaing at usaping pansibiko ay dapat tagapagtaguyod ng
karunungan at kapayapaan.
7.TAMA NAkapaloob sa mga pagkamamayan ang pakiramdam sa personal na responsibilidad na naguudyok sa mga
mamamayan upang itaguyod ang kanilang obligsyon bilang bahagi ng anumang komunidad. .
8.TAMA Ang sibiko ay tumutukoy sa teyuritikal at praktikal ng mga aspeto ng pagkamamaayan.
9.MALI Ang isang tao ay walang morals sa anumang estado ay sinasabing stateless o walang estado.
10.TAMA Ang pagboto ay isang mahalagang bahagi ng sibiko.

See if you can do this

8|Page
(Application)

Panuto: Piliin at bilugan ang titik para sa inyong tamang sagot.

1. Ito ay tumutukoy sa praktikal at teyurikal na pag-aaral ng gma aspeto ng pagkamamayan.


a. Sibiko b. Nasyunalidad c. Pagkamamamayan d. Sibil
2. Ito ay tumutukoy sa mga indibidwal at kolektibong aksiyon na dinisenyo upang malaman at matugunan ang mga
isyu ukol sa kapakanang pampubliko.
a. Sibiko b. Pakikilahok sa gawaing Pansibiko c. Nasyunalidad d. sibil
3. Ito ang kalagayan ng isang taong kinikilala sa ilalim ng batas o kustomELEK.
a. Nasyunalidad b. Sibiko c. Pagkamamamayan d. Pampubliko
4. Ito ang presyong binabayaran para sa isang sibiliisadong lipunan.
a. Sibiko b. Nasyunalidad c. Buwis d. Elektoral
5.. Ito ang kasingkahulugan para sa terminong pagkamamamayan.
a. Nasyunalidad b. Sibiko c. Sibil d. Buwis
6. Ito ay isang epekto na mapaunlad ang mamamayan ang kani kanilang kabuhayan sa pamamagitan ng
pakikilahok sa ma gawaing pansibiko.
a. Epekto sa lipunan b. Epekto sa kabuhayan c.Epekto sa lipunan d.Sibiko
7. Ito ay epekto na mabibigyan sila nang ideya sa tamang pagbuto at maiwasan ang pagbili o pagbebenta ng buto.
a. Epekto sa lipunan b. Epekto sa kabuhayan c. Epekto sa pulitika d. Sibiko
8. Ito ay epekto ng isang magandang lipunan kung saan ang mga mamamayan ay mas nagkakatulungan para sa
ikauunlad ng lahat.
a. Epekto ng kabuhayan b. Epekto sa Lipunan c Epekto sa Pulitika d. Sibiko
9. Ito ay katangiang dapat taglayin sa mga gawaing pansibiko na nananalig sa salita at kapangyarihan ng diyos.
a. Ang may kinalaman sa relasyon sa Diyos b. Ang may kinalaman sa relasyon sa sarili
c. Ang may kinalaman sa relasyon sa pamilya d. Ang may kinalaman sa relasyon sa kalikasan
10. Ito ay katangian dapat taglayin sa mga gawaing pansibiko na mapangalaga at mapagkalinga sa kapaligiran at lawak
ng kalikasan.
a. Ang may kinalaman sa relasyon sa kalikasan b. Ang may kinalaman sa relasyon sa sarili
c. Ang may kinalaman sa relasyon sa pamilya d. Ang may kinalaman sa sa relasyon sa diyos

Additional information (This should be under abstraction)2

Kahalagahan ng gawaing pansibiko

Nagiging maunlad at maayos ang komunidad dahil tumutugon ito sa mga pangangailangan ng mga kasapi nito ,
nagkakaroon ng sama-samang pagkilos o pagkakaisa ang mga tao upang maabot ang layunin ng pamayanin at
makibahagi ang mamamayan upang bigyang-solusyon ang kanilang suliranin at kapaki-pakinabang at produktibo
ang mamamayan.

9|Page

You might also like