You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION 4A CALABARZON
DIVISION OF CALAMBA CITY
BUNGGO NATIONAL HIGH SCHOOL
BUNGGO, CALAMBA CITY, LAGUNA

DAILY LESSON LOG


Asignatura Araling Panlipunan Baitang at Pangkat 9 COMPASSIONATE
Petsa at Oras ng Pagtuturo Setyembre 07, 2023 Markahan Unang Markahan
10:50-11:50

I. LAYUNIN
Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa mga pangunahing konsepto ng
A. Pamantayang Pangnilalaman Ekonomiks bilang batayan ng matalino at maunlad na pang-araw-araw na
pamumuhay.
Naisasabuhay ang pag-unawa sa mga pangunahing konsepto ng Ekonomiks bilang
B. Pamantayan sa Pagganap
batayan ng matalino at maunlad na pang-araw-araw na pamumuhay.
C. Pamantayan sa Pagkatuto / Natataya ang kahalagahan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay ng
MELCS bawat pamilya at ng lipunan.AP9MKE-Ia-2
Pagkatapos ng 60-minutong talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang
maisasagawa ang mga sumusunod:
 Naiisa isa ang kahalagahan ng ekonomiks.
 Nasusuri ang isang sitwasyon at nakapaglalahad ng desisyon gamit ang
D. Mga Layunin kaalaman sa mga konsepto, kahulugan at kahalagahan ng ekonomiks sa
pang-araw-araw na pamumuhay bilang mag-aaral, kasapi ng pamilya at
lipunan.
 Nakapagbibigay ng mga halimbawa ng sitwasyon na nagpapakita ng
kahalagahan ng ekonomiks.
II. NILALAMAN
Paksa KAHULUGAN AT KAHALAGAHAN NG EKONOMIKS

Kahalagahan ng Ekonomiks
III. KAGAMITANG
PAMPAGTUTURO
A. Sanggunian EKONOMIKS
1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro Pahina 11-14
2. Mga Pahina sa Kagamitan ng Pahina 12-18
Mag-aaral
3. Mga Pahina sa Teksbuk Pahina 12-18
4. Karagdagang Kagamitan mula
sa portal ng Learning Resource
B. Iba pang Kagamitang Panturo Powerpoint presentation
IV. PAMAMARAAN Panimula:
1. Panalangin
2. Pagkuha ng atendans
3. Maikling Kumustahan

A. Balik-aral sa Nakaraang Aralin Ano ang ekonomiks? Anu-ano ang mga mahahalagang konsepto ng ekonomiks?
at/o Pagsisimula ng Bagong
Aralin
B. Paghahabi sa Layunin ng Aralin Itanong ang mga sumusunod sa mga mag-aaral?
1. Magkano ang inyong baon sa isang araw?
2. Anu-ano ang mga binibili ninyo gamit ang inyong baong pera?
3. Nagkaroon na ba ng pagkakataon na kinulang ang inyong baong pera? Ano ang

Address: Bunggo, Calamba City, Laguna


Email Address: 301512@deped.gov.ph
Facebook page: DepEdtayo Bunggo NHS – Calamba City
inyong ginawa?
C. Pag-uugnay ng mga Halimbawa Gawain 5: Tayo na sa Canteen
sa Bagong Aralin

(LM pahina 18-19)


D. Pagtalakay ng Bagong Konsepto Pamprosesong Tanong:
at Paglalahad ng Bagong
Kasanayan #1 at #2. 1. Anu-ano ang kahalagahan ng ekonomiks?
2. Bakit dapat matutuhan ng isang mag-aaral ang ekonomiks at ano ang
kaugnayan nito sa paggawa ng desisyon?
E. Paglinang sa Kabihasaan (tungo Pagsasagawa ng Gawain 8: Sitwasyon at Aplikasyon (LM pahina 21)
sa Formative Assessment)
Pag-isipan ang sumusunod na sitwasyon:

Si Mat at Tam ay pareho mong kaibigan. Si Mat ay isang negosyanteng


nagmamay-ari ng malawak na palaisdaan at manukan sa inyong komunidad, at si
Tam ay isang sikat na basketball player at nagmamay-ari ng isang kilalang kainan
sa kaparehong komunidad. Kung may kakayahan ang inyong pamilya na magtayo
ng negosyo, ano ang maaari ninyong itayo? Kapareho ba ng mga negosyo nina
Tam at Mat o hindi? Ilahad ang iyong sagot sa pamamagitan ng iyong kaalaman
sa mga konsepto, kahulugan, at kahalagahan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na
pamumuhay bilang mag-aaral, kasapi ng pamilya, at Lipunan.

Gamiting pamantayan sa pagmamarka ang rubrik mula sa pahina 21.

F. Paglalapat sa Aralin sa Pang- Pagsasagawa ng “Pass the Ball”. Ang guro ay magpapatugtog ng musika habang
araw-araw na Buhay ipinapasa ng mga bata ang bola. Kung kanino tumigil ang bola, magbibigay ang
mag-aaral ng halimbawa ng sitwasyon na nagpapakita ng kahalagahan ng
ekonomiks.
G. Paglalahat ng Aralin Bakit mahalaga ang pag-aaral ng ekonomiks?
Bakit dapat na matutunan ng isang mag-aaral ang Ekonomiks at ano ang
kaugnayan nito sa paggawa ng desisyon?
H. Pagtataya ng Aralin PAGKAKAKILANLAN:
Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga tanong. Isulat ang sagot sa iyong
kwaderno.
1. Anong salitang Griyego ang pinagmulan ng ekonomiks?
2. Sino ang Ama ng Makabagong Ekonomiks?
3. Ano ang tumatalakay sa kabuuang gawi ng ekonomiya?
4. Ano ang tawag sa mga bagay na may halaga?
5. Ano ang agham panlipunan na may kinalaman sa pag-aaral ng mga
pagsisikap ng tao at paggamit ng limitadong pinagkukunang yaman.

I. Karagdagang Gawain para sa


Takdang Aralin at Remediation

Address: Bunggo, Calamba City, Laguna


Email Address: 301512@deped.gov.ph
Facebook page: DepEdtayo Bunggo NHS – Calamba City
V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang
gawain para sa remediation
C. Nakatulong ba ang remediation?
Bilang ng mga mag-aaral na
nakaunawa sa aralin
D. Bilang ng mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation
E. Alin sa mga istratehiyang
pagtuturo ang nakatulong ng
lubos? Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking
naranas ang solusyonan sa
tulong ng aking punong-guro at
supervisor?
G. Anong kagamitang pangturo
ang aking nahinuha na nais
kong ibahagi sa kapwa guro?

Inihanda ni:

RYAN A. FERNANDEZ
Teacher I

Sinuri ni:

EUFEMIA S. PANGANIBAN
Head Teacher I
Binigyang-pansin:

SUSANA M. ALCANTARA
Principal 1

Address: Bunggo, Calamba City, Laguna


Email Address: 301512@deped.gov.ph
Facebook page: DepEdtayo Bunggo NHS – Calamba City

You might also like