You are on page 1of 3

SAN JOSE CITY NATIONAL HIGH SCHOOL

Araling Panlipunan 9
UNANG MARKAHAN (SY 2020 – 2021)
Pangalan: _________________________ Pangkat: _____________ Guro: ___________________________

I. MODYUL 3 - SALIK NG PRODUKSIYON

PAGPIPILI. Basahin at unawaing mabuti ang panuto. Piliin ang titk ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.
1. Ang mga produkto ay nabubuo sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga salik ng produksiyon. Ano ang tawag
sa proseso ng pagpapalit anyo ng isang produkto sa pamamagitan ng pinagsama – samang salik nito?
A. Kagustuhan B. Pangangailangan C. Pagkonsumo D. Produksiyon
2. Ang mga bagay na kailangan natin para makabuo ng isang produkto ay tinatawag na ____________:
A. Input B. Materyales C. Output D. Kagamitan
3. Alin sa mga sumusunod ang tawag sa nabuong produkto mula sa pinagsama – samang sangkap?
A. Input B. Materyales C. Output D. Produktibo
4. Bawat produkto at serbisyo ay binibigyan ng kabayaran. Ano ang tawag sa kabayaran ng mga manggagawa sa
paglikha ng mga produkto at serbisyo na tutugon sa mga pangangailangan ng tao?
A. Interes B. Sahod C. Revenue D. Tax
5. Ang sinasabing tagapag – ugnay ng mga salik ng produksiyon upang makabuo ng produkto at serbisyo.
A. Entrepreneur B. Entrepreneurship C. Mangagawa D. Manager
6. Ano ang tawag sa kabayaran para sa isang entrepreneur?
A. Sahod B. Profit C. Upa D. Interes
7. Ito ang tawag sa mga manggagawang may kakayahang pisikal na kailangan ang lakas ng katawan sa paggawa.
A. White Collar Job B. Blue Collar Job C. Lakas Paggawa D. Entrepreneur
8. Ang mga manggagawang ginagamit ang kanilang talas ng isip o kakayahang mental.
A. Blue Collar Job B. Entrepreneur C. Manggagawa D. White Collar Job
9. Ito ang tawag sa kabayaran sa paggamit ng kapital.
A. Upa B. Tubo C. Interes D. Buwis
10. Ang tawag sa kita na tinatanggap ng nagmamay – ari ng lupa sa pagpapagamit nito?
A. Upa B. Tubo C. Interes D. Buwis
II. PAGKILALA. Tukuyin kung ano ang hinihinging kasagutan. Piliin ang sagot sa kahon at isulat ang sagot sa
sagutang papel.

Lupa Lakas Paggawa Kapital


Entrepreneurship Innovator

1. Ang tawag sa pagiging malikhain sa paglikha ng produkto.


2. Sinasabing pinakamahalagang salik ng produksiyon dahil ang mga likas na yaman, mga hilaw na material o
sangkap ay hindi maipoproseso kung wala ito.
3. Binubuo ito ng mga gawang tao na ginagamit sa paggawa ng produkto at serbisyo, halimbawa nito ay mga
makinarya, gusali at iba pang kagamitan.
4. Tumutukoy ito sa kakayahan at kagustuhan ng tao na magsimula ng negosyo.
5. Kabilang dito ang mga sinasaka o tinatamnan ng mga magsasaka at mga yamang mineral, yamang tubig at
yamang gubat.

III. TUKUYIN. Tukuyin kung ang mga sumusunod na mga lakas paggawa ay White Collar Job o Blue Collar Job. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.

1. Guro 6. Inhinyero
2. Drayber 7. Abogado
3. Tindero 8. Construction Worker
4. Doktor 9. Scientist
5. Magsasaka 10. Barbero
PERFORMANCE TASK: KARAGDAGANG GAWAIN. Punan ang hinihingi ng bawat kolum.

Salik ng produksiyon Kinakaharap na suliranin sa Mungkahing Solusyon


kasalukuyan
Lupa
Lakas Paggawa
Kapital
Entrepreneurship

II. MODYUL 4: SALIK NG PAGKONSUMO


PAGPILI. Basahin at unawaing mabuti ang pahayag at piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ito sa inyong sagutang papel.
1. Ito ang tawag sa pagbili at paggamit ng mga produkto o serbisyo.
A. Konsyumer B. Prodyuser C. Pagkonsumo D. Produksiyon
2. Ang tawag sa mga taong gumagamit o bumibili ng mga produkto o serbisyo.
A. Konsyumer B. Prodyuser C. Pagkonsumo D. Produksiyon
3. Kadalasan sila ang iniidolo, gumagawa ng tagline at pabalat ng produkto na pumupukaw sa ating atensiyon upang
tayo ay mapabili ng mga produkto na kanilang iniindorso.
A. Social Media B. Brand endorser C. Demonstration Effect D. Bandwagon
4. Aling salik ng pagkonsumo ang higit na nakaapekto sa tuwing mapapabili tayo ng marami dahil sa sale?
A. Demonstration effect B. Panahon C. Utang D. Kita
5. Dahil sa pandemyang Covid 19 ay naapektuhan ang pamumuhay ng mga tao kabilang dito ang paggamit ng mga
produkto para sa proteksiyon tulad ng face mask at face shield. Ano sa palagay mo ang mangyayari sa
pagkonsumo ng face mask?
A. Bababa B. Tataas C. walang pagbabago D. wala sa nabanggit
6. Aling salik ng pagkonsumo ang tinutukoy na kung saan ay nagiging dahilan ito upang bumaba ang ating
pagkonsumo?
A. Demonstration effect B. Panahon C. Utang D. Kita
7. Ang salik na ito ay kadalasang nagigig motibasyon natin sa ating pagbili maging kung gaano karami ating mabibili.
A. Presyo B. Panahon C. Inaasahan D. Obligasyon
II. PAGTUKOY. Tukuyin kung anong salik ng pagkonsumo ang tinutukoy ng mga sumusunod. Piliin ang sagot sa ulap at
isulat ang sagot sa inyong sagutang papel.

Kita Panahon/Inaasahan Demonstration


Presyo Utang/Obligasyon effect

1. May matatanggap na bonus sa darating na Nobyembre.


2. Pagkain sa KFC dahil sa iniidolong si Daniel Padilla.
3. Pagbabayad ng nabiling mamahaling cellphone gamit ang credit card.
4. Pagkakaroon ng inventory sale sa waltermart dahil matatapos na ang taon.
5. Pagtaas ng presyo ng bilihin dahil sa pandemya.
6. Pag-endorso ni Lyza Soberano ng gatas na Birch Tree.
7. Nalalapit na okasyon tulad ng Pasko at Bagong Taon.
8. Pagbabayad ng mga bayarin buwan - buwan tulad ng internet, kuryente, tubig at iba pa.

PERFORMANCE TASK: KARAGDAGANG GAWAIN


Pumili ng isa sa mga salik at ilarawan ang epekto nito sa iyong pagkonsumo sa pamamagitan ng akrostik. Gamiting gabay
ang rubrik sa ibaba sa paggawa ng iyong akrostik. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

S ____________________ RUBRIK:
A ____________________ Kahusayan sa pag – uugnay ng natutunan sa aralin - 5 puntos
L ____________________ Kaangkupan ng mga salita - 5 puntos
I _____________________ Kagalingan sa paglalarawan - 5 puntos
K ____________________ KABUUAN: - 15 puntos

“ANG PAG – AARAL NA MABUTI AY KAYAMANAN KAYA’T IYONG PAGBUTIHAN”


Guro ng Araling Panlipunan 9

You might also like