Professional Documents
Culture Documents
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
Division of Ilocos Sur
1
3
PAUNANG SALITA
2
ARALIN
PAGGANYAK/PAGBABALIK-ARAL
1. B A __ K __ T O __ G O __ __ S
2. S __ O R __ A G __ 3. M A __ __ B A __ G P __ S A __ O D
(KONSEPTO)
I O P A M A
Y M L N S N
3
MAIKLING TALAKAYAN
Ang Implasyon
Konsepto ng Implasyon
Kahulugan
- Tumutukoy sa pagtaas ng pangkalahatang presyo ng mga piling produkto na nakapaloob sa
basket of goods ayon sa The Economics Glossary.
- Ayon sa aklat na Economics nina Parkin at Bade (2010), ang implasyon ay patas na
paggalaw ng presyo at ang deplasyon naman ay ang pagbaba sa halaga ng presyo. Kaya
naaapektuhan ang dami ng produktong maaaring bilhin ng mga mamimili dahil sa pagtaas
sa pangkalahatang presyo ng mga bilihin.
Mayroon ding tinatawag na hyperinflation na kung saan ang presyo ay patuloy na
tumataas bawat oras, araw at linggo katulad ng naganap sa bansang Germany noong 1920.
Sa kasalukuyang panahon, ang implasyon ay isang suliraning hindi mapigilan. Dahil
sa pagkalat ng nakakamatay na virus, ang COVID-19, maraming mga pangangailangan ang
itinaas ang presyo. Ang mga pangunahing produkto tulad ng bigas, asukal, manok,
karne, isda at iba pa ay hindi nakaligtas sa pagtaas ng presyo.
Ginagamit ang Consumer Price Index (CPI) upang mapag-aralan ang pagbabago
sa presyo ng mga produkto. Ang pamahalaa ang siyang nagtatalaga ng mga piling
produktong nakapaloob sa basket of goods. Ang mga nasa basket of goods ay mga
produktong kumakatawan sa mga pangunahing pangangailangan at pinagkakagastusan ng
mamamayan.
Mga Uri ng Panukat sa Pagbabago ng Presyo
1. GNP Deflator o GNP Explicit Price Index- Ito ang average price index na ginagamit upang
mapababa ang halaga ng kasalukuyang GNP at masukat ang totoong GNP. Ito ang
sumusukat sa pangkalahatang antas ng presyo ng mga produkto at serbisyong nagawa ng
ekonomiya sa loob ng isang taon.
2. Wholesale or Producer Price Index- Index ng mga presyong binabayaran ng mga
tindahang nagtitingi para sa mga produktong muli nilang ibebenta sa mga mamimili.
3. Consumer Price Index (CPI)- ang nagiging batayan sa pagkompyut ng CPI ang presyo at
dami ng produktong kadalasang kinokonsumo ng bawat pamilya na nasa loob ng tinatawag
na market basket. Ang market basket ay ginagamit din upang masukat ang antas ng
pamumuhay ng mga consumer.
4
Pagkwenta ng CPI
Kahalagahan ng CPI
Ang CPI ay mahalagang instrumento upang mabatid ang kalagayang pang-ekonomiya ng
bansa.
Mababatid ang cost of living o halagang kailangan upang mabuhay at makabili ng mga
produkto na mahalaga sa pamumuhay.
Dito nakabatay ang inflation rate
Ginagamit upang mabatid ang Purchasing Power of Peso o ang kakayahan ng Piso na
makabili ng produkto at serbisyo.
5
Dahilan ng Implasyon
1. Tataas ang demand o ang paggasta kaya mahahatak ang presyo pataas.
2. Kapag tumaas ang palitan ng piso sa dolyar o kaya tumaas ang presyo ng materyales na
inaangkat ang mga produktong umaasa sa importasyon para sa mga hilaw na sangkap ay
nagiging sanhi rin ng pagtaas ng presyo
3. Dahil sa kakulangan ng pumapasok na dolyar, bumababa ang hlaga ng piso. Nagbubunga
ito ng pagtaas ng presyo ng mga produkto
4. Kapag kulang ang supply sa local na pamilihan dahilang produkto ay iniluluwas, magiging
dahilan ito upang tumataas ang presyo ng produkto. Kapag mas mataas ang demand kaysa
sa produkto, ito ay magdudulot ng pagtaas sa presyo.
5. Nakapagkokontrol ng presyo ang sistemang ito. Kapag nakontrol ang presyo at dami ng
produkto, Malaki ang posibilidad na maging mataas ang presyo.
6. Sa halip na magamit sa produksiyon ang bahagi ng pambansang badyet, ito ay napupunta
lamang pagbabayad ng utang.
Kapag ang dahilan ng implasyon ay ang pagtaas ng demand, ang mga negosyante ay
nahihikayat na pataasin at pagbutihin ang produksiyon bunga ng pagkakaroon ng mataas na
presyo ng mga produkto. Dahil ang mataas na presyo ay isang insentibo sa mga
negosyante.
6
Tignan natin ang paikot na daloy na nagpapakita ng epekto ng implasyon.
MATAAS NA
PRESYO
MATAAS NA MARAMING
PASAHOD NEGOSYO
MARAMING
MANGGAGAWA
7
PAGSASANAY/GAWAIN
Gawain I. Panuto: Basahin ang sumusunod na pahayag. Bilugan ang nakangiting mukha
kung TAMA ang pahayag o konsepto. Kung hindi naman, bilugan ang hindi nakangiting
mukha
2. Hyperinflation ang tawag kung ang presyo ng mga piling produkto ay tumataas
bawat oras, araw o linggo.
8
Gawain II. PAGKOMPYUT. Panuto: Ikompyut ang consumer price index ng mga
sumusunod:
Weighted Weighted
Presyo Presyo
Mga Bibilhin Yunit Timbang Price Price
(2015) (2016)
(2015) (2016)
Bigas Kilo 50 28 31
Gulay (Repolyo) Kilo 5 25 30
Isda (Bangus) Kilo 3 100 110
Karne ng Baka Kilo 4 120 140
Total Weighted Price
PAGLALAHAT/PAGLALAGOM
9
PAGSASABUHAY SA ARALIN
10
PAGTATAYA
PANUTO: Basahin at unawain ang sumusunod na pahayag o katanungan. Bilugan ang titik
ng tamang sagot.
1. Tumutukoy ito sa pagtaas ng pangkalahatang presyo ng mga piling produkto na nakapaloob
sa basket of goods.
a. Concumer Price Index
b. Deplasyon
c. Hyperinflation
d. Implasyon
2. Karaniwan itong ginagamit upang mapag-aralan ang pagbabago sa presyo ng mga
produkto.
a. Consumer Price Index
b. Deplasyon
c. Hyperinflation
d. Implasyon
3. Ito ang average price index na ginagamit para mapababa ang halaga ng kasalukuyang GNP
at masukat ang totoong GNP.
a. Consumer Price Index
b. GNP Deflator o GNP Explicit Price Index
c. Wholesale or Producer Price Index
d. Total Weighted Price Index
4. Ang sumusunod ay paglalarawan sa Demand-Pull na dahilan ng implasyon, MALIBAN sa:
a. Pagkakaroon ng shortage sa pamilihan kaya ang presyo ng bilihin ay tumataas.
b. Pagkakaroon ng labis na dami ng salapi sa sirkulasyon
c. Pagkakaroon ng paglaki ng paggasta ang sambahayan, bahay-kalakal, pamahalaan
at panlabas na sector
d. Pagkakaroon ng mataas na gastusing pamproduksiyon
5. Alin sa sumusunod ang bunga ng implasyon kapag mataas ang suplay ng salapi?
a. Bumababa ang halaga ng piso at nagbubunga ito ng pagtaas ng presyo ng mga
produkto
b. Kakulangan ang suplay sa local na pamilihan dahil sa mga produktong iniluluwas.
c. Nakokontrol ang presyo at dami ng produkto sa mga monopoly o kartel
d. Tataas ang demand o paggasta kaya mahahatak ang presyo paitaas
6. Nakikinabang sila sa implasyon sapagkat mahilig silang bumili ng mga produkyong mabilis
tumaas ang presyo. Bibilhin nila ito sa mababang presyo at ibebenta ng mas mahal para
tumubo.
a. Karaniwang negosyante na nasa real estate business at buy-and-sell
b. Mga Mangungutang
c. Mga taong may Di-Tiyak na Kita
d. Mga nagbabayad ng tax
7. Isa ito sa isinasagawa ng Bangko Sentral ng Pilipinas na kapag ang presyo ng mga
produkto ay istabilisado at kapag ang reserba ng dolyar ay sapat dahil kayang tustusan ang
anumang pangangailangan ng reserba.
a. Easy Money Policy
b. Tight Monetary Policy
11
c. Demand Pull
d. Cost Push
12
MGA SANGGUNIAN
3.
4.
5.
Gawain 2
Weighted Weighted
Presyo Presyo
Mga Bibilhin Yunit Timbang Price Price
(2015) (2016)
(2015) (2016)
Bigas Kilo 50 28 31 1, 400 1, 550
Gulay (Repolyo) Kilo 5 25 30 125 150
Isda (Bangus) Kilo 3 100 110 300 330
Karne ng Baka Kilo 4 120 140 480 560
Total Weighted Price 2, 305 2, 590
CPI = 112.36
Gawain 3
15