You are on page 1of 14

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
Division of Ilocos Sur

SARILING LINANGAN KIT

EDUKASYON SA
9
PAGPAPAKATAO
PAMAGAT NG ARALIN:
KAGALINGAN SA PAGGAWA

QUARTER: 3 MELC NO: 11, WEEK 3

MELC: NATUTUKOY ANG MGA INDIKASYON NA MAY KALIDAD O KAGALINGAN


SA PAGGAWA NG ISANG GAWAIN O PRODUKTO KAAKIBAT ANG WASTONG
PAGGAMIT NG ORAS PARA RITO(EsP9KP-IIIa-11.1)

Pangalan ng Guro: MELODY B. MANLANGIT

Paaralan: RANCHO NATIONAL HIGH SCHOOL

Distrito: SANTA
KWARTER 3

SARLING LINANGAN KIT 3

PAUNANG SALITA

Marami tayong napapanood, nakikita o di naman kaya ay pumukaw talaga ng


iyong atensiyon sa mga bagay na ating nakikita kaya nakakaramdam tayo ng
pagkamangha. Ngunit, minsan naisip mo rin bang darating din ang panahon na ikaw
naman ang makagagawa ng ganoon kung saan iyo ay magiging matagumpay at
makikilala?

Ang pagsasagawa ng isang gawain o paglika ng produkto ay nangangailangan


ng sapat na kasanayan at angking kahusayan. Hindi sapat ang lakas ng katawanat
layunin sa paggawa. May mga particular na kakayahan at kasanayan na kailangan sa
paggawa. Ang pagkakaroon ng propesyon o kursong natapos ay isang salik na dapat
isa-alang-alang, ngunit hindi lang ito ang kailangan upang makagawa ng isang
produkto o gawaing mag-aangat sa iyo bilang tao.

Ang kagalingan sa paggawa ay naisasabuhay kung tataglayin ang sumusunod


na katangian: nagsasabuhay ng mga pagpapahalaga, pagtataglay ng positibong
kakayahan at nagpupuri at nagpapasalamat sa Diyos.

Mapanghamon rin ang takbo ng oras sapagkat kinakailangan mo itong alaming


mabuti kung paano mo ito pamamahalaan sa anumang aspekto ng iyong buhay.
Kailangang maging matalino tayo sa paggamit ng ating oras upang tayo ay mas
maging produktibo, mapaunlad an gating mga kakayahan at talento ay makabahagi
sa kaunlaran ng ating pamilya, pamayanan at bansa.

KASANAYANG PAMPAGKATUTO

Natutukoy ang mga indikasyon na may kalidad o kagalingan


sa paggawa ng isang gawain o produkto kaakibat ang wastong
paggamit ng oras para rito. (EsP9KP-IIIa-11.1)

1
PAGTALAKAY SA ARALIN

PAGGANYAK/PAGBABALIK-ARAL
PANUTO: BE WISE!
Isulat sa loob ng mga bilog ang maaaring pag-uugali o
pagpapahalaga na dapat taglayin ng isang tao upang siya
ay maging matagumpay sa paggawa. Gawin ito sa iyong
sagutang papel/kuwaderno.

PAGGAWA

2
PAGTALAKAY SA ARALIN

Matapos mong maorganisa ang iyong mga paunang kaalaman


tungkol sa implasyon, ihanda mo ang iyong sarili sa susunod na
bahagi ng aralin upang higit mong maunawaan ang konsepto ng
kagalingan sa paggawa.

Kahulugan ng Paggawa
Ang paggawa ay mabuti sa tao dahil sa pamamagitan nito naisasakatuparan niya ang
kaniyang tungkulin sa sarili, kapuwa at sa Diyos. Ang kagustuhang maisabuhay ang layuning ito
ang nagtutulak sa kaniya upang magkaroon ng kagalingan sa paggawa.
Ang kagalingan sa paggawa ay naisasabuhay kung tataglayin mo ang sumusunod na
katangian: (1) nagsasabuhay ng mga pagpapahalaga, (2) pagtataglay ng positibong kakayahaan,
at (3) nagpupuri at nagpapasalamat sa Diyos.
Pagsasabuhay sa mga Pagpapahalaga
Ang mga pagpapahalagang ito ang nagsisilbing gabay upang gumawa ng kakaibang
produkto o serbisyo na may kalidad. Ang mga produktong kaniyang lilikhain ay bunga ng
kasipagan, tiyaga, pagiging masigasig, pagkamalikhain at pagkakaroon ng disiplina sa sarili.
a. Kasipagan – tumutukoy ito sa pagsisikap na gawin o tapusin ang isang gawain nang
buong puso at may malinaw na layunin sa paggawa. Nagreresulta ito nang maayos ,
kahanga-hanga at kapuri-puri. May kagalingan ang produkto o gawain o ang paggawa
sa kabuuan kung ito ay bunga ng pagpapamahal at pagkagustong gawain ito nang
buong husay.
Naglalaan ng buong oras, tapang at
pagmamahal ang ating mga Frontliners
(halimbawa: doktor) upang makontrol ang
pagkalat ng nakakamatay na COVID19 sa
buong mundo. Nagsisikap silang gawin ang
kanilang lahat ng kanilang makakaya upang
matapos ang pagkalat ng virus na ito.
b. Tiyaga – ito ay ang pagpapatuloy sa paggawa sa kabila ng mga hadlang sa kaniyang
paligid. Ang taong matiyaga ay isinasantabi ang mga kaisipang makahahadlang sa
paggawa ng produkto o gawain tulad ng pagrereklamo, pagkukumpara ng gawain sa
likha ng iba, at pag-iisip ng mga dahilan upang hindi isagawa ang gawain. Ang likha ng
taong mga kagalingan sa paggawa bunga ng inspirasyon, turo at gabay na kaniyang
nakukuha sa ibang tao.

3
Ipinapakita ng larawan na
patuloy na kumakayod ang mga
Pilipinong magsasaka kahit na
nagbabadya ang pagkalat ng sakit na
Corona Virus. Hindi alintana sa kanila
ang hadlang na ito upang kumayod at
makapagbigay ng supplay ng pagkain
ng maraming Pilipino.

c. Masigasig – ito ay pagkakaroon ng kasiyahan, pagkagusto at siglang nararamdaman


sa paggawa ng gawain o produkto.
Sa kabila ng pagod na inilalaan
ng mga nurses na Pilipino, makikita pa
rin ang kasiyahan nila sa pagbibigay
serbisyo sa mga kapwa nila Pilipino na
biktima ng COVID19. Labis man ang
kanilang pagod hindi natin ito
mawawari sapagkat masaya silang
naglilingkod sa bayan.

d. Malikhain – Ang produkto o gawaing lilikhain ay bunga ng mayamang pag-iisip at hindi


ng panggagaya o pangongopya ng gawa ng iba.

Gamit ang talento nagiging


malikhain ang isang tao na
magpahayag ng sariling saloobin.

e. Disiplina sa Sarili – ang taong may disiplina sa sarili ay alam ang hangganan ng
kaniyang ginagawa at mayroong paggalang sa ibang tao pagsasantabi sa sariling
kaligayahan para sa kapakanan ng ibang tao.

4
Ipinapakita sa larawan ang
disiplina sa sarili ng mga Ilocano. Dahil
sa pagsulpot ng nakakamatay na virus
ang COVID-19, nagbigay ng paalala
ang mga kinauukulan sa pagbawal ng
pamamasyal sa mga publikong mga
lugar. Isinantabi ng mga mamamayan
ang pagkakataon na mamamasyal at
sinunod ang payo ng mga
namamahala.

Pamamahala ng Oras
Pamamahala ng Oras - Tumutukoy sa kakayahan mo sa epektibo at produktibong paggamit nito
sa paggawa. Ito ay tahasang aksiyon sa pagkontrol sa dami ng oras na gugugulin sa isang
espesipikong gawain. Sa pamamagitan ng wastong pamamahala ng oras tataas ang
produktibidad, pagkamabisa at kagalingan mo sa paggawa.
Balikan natin ang mga paraan sa pagtatakda ng mithiin o layunin sa Modyul 13 ng Baitang
7 upang maging gabay sa pagtatakda ng iyong tunguhin sa paggawa.
a. Tiyak (Specific) – Tiyak ang iyong tunguhin kung ikaw ay nakasisiguro na ito ang nais
mong mangyari sa iyong paggawa.
b. Nasusukat (Measurable) – Kailangan na ang iyong tunguhin ay kaya mong isakatuparan
at kaya mong gawin.
c. Naaabot (Attainable) – Siguraduhing makatotohanan, maaabot at mapanghamon.
d. Reyalistiko (Realistic) – Tingnan ang kaangkopan ng iyong gawain sa pagtugon sa
pangangailangan at timbangin kung alin ang higit na makabubuti.
e. Nasusukat sa Panahon (Time Bound) – Pagtatakda ng panahon o oras kung kailan mo
maisasakatuparan ang iyong tungihin o gawain.

 Narito ang mga indikasyon sa wastong paggamit ng oras para makamit ang kagalingan sa
paggawa:
1. Pagsisimula sa tamang oras
May pagkakataon na kailangan mong bumangon ng maaga upang masimulan mo
ang isang gawain kahit na ayaw pa ito ng katawan mo. Mahalaga ang pagiging
matatag upang malabanan ang hilig ng iyong katawan. Kagaya sa paaralan mayroong
schedule na tinatawag upang magawa ayon sa magkakasunod-sunod na asignatura.
2. Pamamahala sa Pagpapabukas
Ang pagpapabukas ay ang puwang o gap mula sa oras na binabalak mong gawin
ang isang bagay at sa aktuwal na oras ng iyong paggawa. Ang puwang ng oras na ito
ay siya na sanang kukumpleto o tatapos sa bagay na iniiwasan o ipinagpapaliban
mong gawin.

5
Para mapagtagumpayan ang pagpapabukas:
 Tukuyin mo kung ano ang mangyayari kung hindi mo makumpleto ang
gawain.
 Paalalahanan ang iyong sarili na mahalaga ang mararamdaman ng taong
nakatataas sa iyo sa hindi mo paggawa sa ipinapagawa niya sa iyo.
 Unahin mo ang pinakamadali o pinakamabilis na gawain.

3. Magkaroon ng prayoritisasyon
Minsan ay isinusubsob mo masyado ang iyong sarili sa isang gawain subalit
maaaring hindi mo pa rin makakamit ang iyong tunguhin. Marahil, hindi ang siyang
pinakamahalagang gawain ang iyong kasalukuyang ginagawa. Sa pamamagitan ng
prayoritisasyon, mapamahalaan mo ang paggamit ng iyong oras at matapos mo ang
isang gawain.

4. Pag-alam sa pagkakaiba ng importante at sa kailangan agad


Kilalanin mo kung ang kailangang gawin agad na hinihingi sa iyo ay tunay ban a
mahalaga ayon sa kaugnayan nito sa iyong tunguhin, prayoridad at sa papel mo sa
sitwasyong kinaroroonan. Halimbawa ay ang nadaanan mong isang senior citizen na
naghihingalo dahil sa init ng panahon na nakapila. Kaya kailangan mong tumulong
upang isugod siya sa clinic. Ang halimbawa sa sitwasyon na kailangang tugunan agad
subalit hindi naman gaano kaimportante ay ang pagsalansan ng mga listahan ng
mabibigyan ng ayuda.

5. Paggawa ng Iskedyul
Namumuhay tayo sa mundo ng punong-puno ng mga bagay na maaaring aagaw ng
iyong atensiyon at oras mula sa iyong ginagawa kaya nararapat lang na tayo ay
may iskedyul dahil isa itong mabisang paraan upang maiwasan ang mga bagay na
hindi mahalaga sa iyo at sa iyong paggawa.

6
PAGSASANAY/GAWAIN

GAWAIN 1:

Basa Larawan

Sa puntong ito, sasagutan mo ang unang gawain upang


masukat ang iyong kaalaman tungkol sa unang bahagi ng
aralin.

Panuto: Kompletuhin ang mga pahayag. Gamitin ang mga larawan upang magsilbing
basehan sa pagsagot. Isulat ang iyong sagot sa iyong sagutang papel.

_______________________1. Ang ay

mabuti sa tao dahil sa pamamagitan nito naisasakatuparan niya ang kaniyang tungkulin sa

sarili, kapuwa at sa Diyos.

_______________________2. Ang kagalingan sa paggawa ay naisasabuhay kung tataglayin

mo ang sumusunod na katangian: (1) nagsasabuhay ng mga pagpapahalaga, (2) pagtataglay

ng positibong kakayahaan, at (3) .

7
_______________________3. Ang kasipagan ay tumutukoy sa pagsisikap na gawin o

tapusin ang isang gawain nang buong at may malinaw na layunin

sa paggawa.

_______________________4. Ang produkto o gawaing lilikhain ay bunga ng mayamang

at hindi ng panggagaya o pangongopya ng gawa ng iba.

_______________________5. ay ang pagpapatuloy sa paggawa sa

kabila ng mga hadlang sa kaniyang paligid.

8
Gawain 2: Punan mo!

PANUTO: Tukuyin ang inilalarawan ng mga pahayag. Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon na
nasa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa iyong sagutang papel.
____________________1. Sinisigurado ng mga medical experts ang mga resulta ng mga naging
test sa COVID-19 upang maipaalam ang makatotohanang resulta nito sa bayan.
____________________2. Nagtakda ng tamang panahon ang mga namamahala na magsagawa
ng lockdown sa bahagi ng Luzon upang maiwasan ang pagkalat ng nakamamatay na virus.
____________________3. Ito ay tahasang aksiyon sa pagkontrol sa dami ng oras na gugugulin
sa isang espesipikong gawain.
____________________4. Nakakatulong ito upang hindi maagaw ang iyong atensiyon at oras sa
iba pang hindi mahalagang gawain.
____________________5. Sa pamamagitan nito matatapos mo ng maaga ang isang gawain nang
maayos at may pagpupunyagi.

PAGPIPILIAN Tamang Oras Naaabot (Attainable) Nasusukat (Measurable)


Pamamahala sa Oras Iskedyul
Panahon (TimeBound)

9
PAGLALAHAT

 Ano-ano ang mga indikasyon na may kalidad o kagalingan sa paggawa ng


isang produkto kaakibat ang wastong paggamit ng oras para rito?

 Ano ang tinatawag na wastong pamamahala ng oras?

PAGSASABUHAY SA ARALIN

Gumawa ng collage na nagpapakita ng mga indikasyon na may


kalidad o kagalingan sa paggawa ng isang gawain o produkto na
may kaakibat sa wastong paggamit ng oras para rito. Gumupit ng
mga larawan mula sa pahayag o magasin at idikit ang mga ito sa
isang buong cartolina. Lagyan ng maikling pahayag sa ibaba ng
collage tungkol sa kahalagahan ng mga ito at bakit ito kapaki-
pakinabang sa kagalingan sa paggawa.

10
PAGTATAYA

PANUTO: Tukuyin ang sumusunod na pahayag kung TAMA o MALI.


_____________1. Ayon sa Laborem Exercens, ang paggawa ay mabuti sa tao sapagkat
naisasakatuparan nito ang kaniyang tungkulin sa sarili at makamit ang sariling tagumpay nito.
_____________2. Maraming mga scientist ang nagtutuon ng oras upang makalikha ng gamot sa
virus na COVID-19. Hindi alintana sa kanila ang pagod na nararamdaman sapagkat
nakakaramdam sila ng kasiyahan at pagkagusto sa kanilang ginagawa dahil maraming mga
Pilipino ang umaasang mapuksa na ang sakit na ito. Ang sitwasyon ay isang halibawa ng
pagkamasigasig.
_____________3. Patuloy na nagtratrabaho ang mga guro upang masiguro na ang mga mag-
aaral ay maabot ang tamang at may kalidad na edukasyon sa kabila ng patuloy na pagkalat ng
nakakamatay na virus. Ang sitwasyon ay nagpapakita ng pagkamasipag.
_____________4. Nagpapakita ng may disiplina sa sarili ang isang tao kung alam niya ang
kaniyang hangganan ng kaniyang ginagawa at mayroong paggalang sa ibang tao.
_____________5. Ang kakulangan sa epektibo at produktibong pamamahala sa paggamit ng oras
sa paggawa ay maaaring magdulot ng kabiguang aabot sa di mabuting daloy ng paggawa.
_____________6. Nagiging tiyak o specific ang isang gawain kung ang tunguhin mo ay naaabot at
makatotohanan.
_____________7. May mabuting dulot ang pagpapabukas sapagat nabibigyan mo ng prayoridad
ang ibang bagay na kailangan pang tapusin.
_____________8. Si Amihan ay isang mag-aaral sa Baitang 9 na may patong-patong na mga
gawain kaya isinulat niya lahat ito. Pagkatapos ay tinignan niya nang mabuti at sinuri kung alin
ang mg pinakamahalaga para sa kaniya na kailangan unahin. Si Amihan ay nagpakita ng
prayoritisasyon sa kanyang mga gawain.
_____________9. Bago isagawa ang pagpapabukas nararapat na tukuyin kung ano ang
mangyayari kung hindi ito makumpleto.
_____________10. Isang mabisang paraan ang pagkakaroon ng iskedyul dahil maiiwasan ang
mga bagay na hindi mahalaga at sa paggawa.

11
MGA SANGGUNIAN
 Edukasyon sa Pagpapakatao, Modyul para sa Mag-aaral
 Edukasyon sa Pagpapakatao, Gabay ng Guro
 www.slideshare.com
 ph.lovepik.com
 www.crosswalk.com
 www.emaze.com

12
MGA SUSI SA PAGWAWASTO

BE WISE
Pagtataya
 Matiyaga Gawain 1 Gawain 2 1. MALI
 Masigasig 1. Paggawa 1. Naaabot/ 2. TAMA
 Malikhain 2. nagpupuri at Attainable 3. MALI
 Disiplina sa nagpapasalamat 2. Napapanahon/ 4. TAMA
Sarili sa Diyos Time bound 5. TAMA
 Masipag 3. Puso o 3. Pamamahala sa 6. MALI
 Matalino sa Pagmamahal Oras 7. MALI
paggamit ng 4. Pag-iisip 4. Iskedyul 8. TAMA
oras 5. Pagkamalikhain 5. Tamang Oras 9. TAMA
10. TAMA

RUBRIK SA PAGMAMARKA NG COLLAGE


Pamantayan Deskripsiyon Puntos Nakuhang Puntos
1. Nilalaman Naipapakita ang 10
mga
pagpapahalagang
kakailangan upang
magkaroon ng
kagalingan sa
paggawa kaakibat
ang wastong
paggamit ng oras.
2. Presentasyon Maayos at malinis 10
ang presentasyon.
3. Malikhaing Gumamit ng 10
Pagbuo recycled materials at
angkop na disenyo
4. Caption/ Naglalaman ng 10
Pahayag pahayag ng angkop
na paliwanag ukol
sa mga
pagpapahalaga

13

You might also like