You are on page 1of 17

9

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikatlong Markahan - Modyul 3:
Kagalingan sa Paggawa

AIRs - LM
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasiyam na Baitang
Ikatlong Markahan – Modyul 3: Kagalingan sa Paggawa
Unang Edisyon, 2021

Karapatang sipi © 2021


La Union Schools Division
Region I

Ang lahat ng karapatan ay ibinibigay sa may akda. Anumang paggamit o


pagkuha ng bahagi ng walang pahintulot ay hindi pinapayagan.

Bumubuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Joylen Grace D. Mazon, T-II


Editor: SDO La Union, Learning Resource Quality Assurance Team
Tagaguhit: Ernesto F. Ramos Jr., P II

Tagapamahala:

Atty. Donato D. Balderas, Jr.


Schools Division Superintendent
Vivian Luz S. Pagatpatan, Ph.D
Assistant Schools Division Superintendent
German E. Flora, Ph.D, CID Chief
Virgilio C. Boado, Ph.D, EPS in Charge of LRMS
Lorna O. Gaspar, EPS in Charge of Edukasyon sa Pagpapakatao
Michael Jason D. Morales, PDO II
Claire P. Toluyen, Librarian II
Sapulin

“RunRun, Super V”, maaaring ikaw ay nakapaglaro na ng game application


na ito o hindi kaya naman ay narinig o nakita mo na ito. Ang lumikha lang naman
sa larong ito ay si Nico Jose “Nix” Nolledo! Nasubukan mo na rin bang umawit
gamit ang videoke na inimbento ni Roberto del Rosario at makakita ng artipisyal na
coral reef na gamit sa Timog-Silangang Asya na inimbento ni Angel Alcala? Oo,
tama ka! Sila ay mga Pilipino!

Ano-ano kaya ang katangiang taglay nila upang makabup ng ganitong mga
imbensiyon? Ano-ano ang indikasyon ng kagalingan sa paggawa?

Sa nakaraang modyul ay naunawaan mo kung bakit mahalaga ang


pakikibahagi sa lipunan at ang palatandaan ng katarungang panlipunan.

Layunin ng modyul na ito bibigyan ka ng sapat na pang-unawa kung ano


ba ang indikasyon na ang isang gawain ay may kalidad at kung ano-ano ang mga
katangiang dapat taglayin upang makabuo ng isang gawain o produkto na may
kalidad.

Sa pagtatapos ng aralin ang mag-aaral ay inaasahang:


1. Natutukoy ang mga indikasyon na may kalidad o kagalingan sa
paggawa ng isang gawain o produkto kaakibat ang wastong paggamit
ng oras para rito. (EsP9KP-IIIa-11.1)
2. Nakabubuo ng mga hakbang upang magkaroon ng kalidad o
kagalingan sa paggawa ng isang gawain o produkto kasama na ang
pamamahala sa oras na ginugol dito. (EsP9KP-IIIa-11.2)

Handa ka na ba? Simulan na!


Simulan

GAWAIN 1
Panuto. Lagyan ng  ang patlang bago ang bilang kung sa tingin mo ay
nagpapakita ito ng kagalingan sa paggawa at X naman kung hindi.

_____ 1. Kahit may edad na si Mang Kanor ay ginagawa pa rin niya ng buong
puso ang kaniyang mga produktong parol.
_____ 2. Malaki ang demand sa mga paso ngayon kung kaya’t kahit hindi pa
masyadong tapos, ibinibenta na ito ni Aling Julia.
_____ 3. Kahit hirap na hirap na sa buhay si Mang Juan, hindi siya sumusuko
sa hamon ng anumang gawain kahit mahirap ito.
_____ 4. Laging nagpapasalamat sa Diyos si Aling Mila sa mga natapos niyang
gawain at produkto.
_____ 5. Laging ipinagsasabukas ni Maria ang paggawa ng kaniyang takdang
aralin at proyekto hanggang sa dumating ang deadline at wala siyang
naipasa.
_____ 6. Pagkatanggap ni Nardo sa kanyang printed modules, sumasagot na
agad ito at hindi inuunawa ang panuto bago simulant ang gawain.
_____ 7. Bago pa magsimula si Amy sa kaniyang performance task ay
nagpaplano na siya ng paraam kung paano ito gagawin bago simulant
ang naturang gawain.
_____ 8. Laging may bagong ideya at konsepto si Jun sa isang partikular na
gawain o bagay.
_____ 9. Kung sa simula ay nahirapan na si Miguel sa gawain, hindi na niya ito
tinatapos.
_____ 10. Hindi ipinapasa ni Ahron ang kaniyang proyekto kung hindi ito batay
sa pamantayang binigay ng guro.
GAWAIN 2
Panuto: Sagutin ang tanong na nasa speech balloon.

Ano ang
indikasyon o
manipestasyon na
ang isang produkto
ay may kalidad o
kagalingan sa
paggawa?

Rubrik sa Pagsagot
PAMANTAYAN Napakahusay Mahusay Di-gaanong Nangangailangan
mahusay pa ng Kasanayan
4 3 2 1
NILALAMAN Napakahusay Mahusay ang May Nangangailangan
ng sagot. sagot. kahusayan ng kasanayan
Tiyak, Malinaw at ang ang sagot. Hindi
malinaw at maayos ang pagkakabuo malinaw at tiyak
malawak ang pagkakaugnay ng sagot ang mga salita.
kasagutan sa ng sagot sa ngunit
tanong. katanungan. hindi
gaanong
malinaw at
tiyak.
Aralin
Mga Indikasyon ng
1 Kagalingan sa Paggawa

Lakbayin

“Wow! Ang ganda naman niyan! Ang galing! Nakakamangha naman!


Sino ang gumawa? Saan mo nabili? Imported ba yan o gawa dito?”

Ilan lamang ang mga katagang ito na lumalabas sa iyong bibig kapag
nakakakita ka ng isang produkto na talaga naman pumukaw sa iyong
atensiyon.

Sa panahon ng pandemyang ito, nakakamangha kung paano nila


nabuo ang vaccine para sa Covid-19. Kung ilang trial and error ba ang
kinailangan nila upang makuha ang tamang pormula. Kung minsan ba ay
sumagi na rin sa isip mo kung makakagawa ka rin ng isang produkto?
Sisikat din ba? Magtatagumpay at makikilala?

Para sa isang tao, nagbibigay ang paggawa ng pagkakataon na


maitaguyod niya ang kanyang dignidad. Ito’y dahil habang gumagawa ang
isang tao, siya ay posibleng makakuha ng:
o Pera na ginagamit upang maitaguyod ang kanyang sarili at pamilya
o Pangunahing pangangailangan.
o Pang-ambag sa patuloy na pag-unlad at progreso ng agham at
teknolohiya.
o Pagunlad ng moralidad ng kultura sa lipunang kinabibilangan.
Indikasyon ng Kagalingan sa Paggawa
1. Nagsasabuhay ng mga Pagpapahalaga – ang mga pagpapahalagang ito
ang humuhubog sa kaniya upang harapin at lampasan ang anumang
pagsubok na pagdaraanan niya. Magsisilbi din itong gabay para sa
kaniya.
a. Kasipagan – ito ay tumutukoy sa pagsisikap na gawin o tapusin
ang isang gawain nang buong puso at may malinaw na layunin
sa paggawa.
b. Tiyaga – ito ay pagpapatuloy sa paggawa sa kabila ng mga
hadlangsa kaniyang paligid.
c. Masigasig – ito ay ang pagkakaroon ng kasiyahan, pagkagusto
at siglang nararamdaman sa paggawa ng gawain o produkto.
d. Malikhain – ang produkto ay bunga nga mayamang pag-iisip at
hindi ng panggagaya o pangongopya sa gawa ng ibang tao.
e. Disiplina sa Sarili – Alam niya ang hangganan ng kaniyang
ginagawa at mayroong paggalang sa ibang tao.

2. Nagtataglay ng mga Kakailanganing Kasanayan – ito ay tumutukoy sa


basic literacy tulad ng pagbasa, pagsulat, pagkuwenta, pakikinig,
pagsasalita at mga kasanayan sa pagkatuto.
Tatlong Yugto ng Kasanayan sa Pagkatuto
a. Pagkatuto Bago ang Paggawa – yugto ng paggawa ng plano sa
gabay sa pagbuo ng isang gawain o produkto
b. Pagkatuto Habang Ginagawa – ito ang yugto ng pagkilala sa
iba’t-ibang istratehiyang maaaring gamitin upang mapadali ang
pagsasakatuparan ng mga tunguhin sa pamamagitan ng pagtala
ng mga hakbang upang maisagawa ang proyektong napili at
mga posibleng kahaharaping problema at solusyon sa mga ito.
c. Pagkatuto Pagkatapos Gawain ang Isang Gawain – ito ang yugto
ng pagtataya sa naging resulta o kinalabasan ng gawain.
3. Nagpupuri at Nagpapasalamat sa Diyos – sinisimulan at tinatapos ang
gawain sa isang papuri at panalangin sa Diyos.
Iba pang Katangian na Makatutulong sa Pagsasabuhay ng Kagalingan sa
Paggawa
1. Pagiging Palatanong (Curiosity) – pagiging mausisa at may likas na
inklinasyon na alamin ang mga bagay-bagay sa kaniyang paligid. Marami
siyang tanong na hinahanapan ng sagot.
2. Pagpupunyagi at Bukas na Matuto sa Pagkakamali – ito ay ang pagkatuto
mula sa hindi malilimutang karanasan sa buhay upang maging
matagumpay at maiwasang maulit ang anumang pagkakamali.
3. Patuloy na Pagkatuto gamit ang Panlabas na Pandama (Sensazione) –
tumutukoy sa tamang paggamit ng mga pandama sa paraang kapaki-
pakinabang.
4. Bukas sa Pagdududa at Kawalang Katiyakan (Sfumato)
5. Paglalapat ng balanse sa Sining, Siyensiya, Lohika at Imahinasyon.
6. Ang Tamang Pangangalaga sa Kalusugan at Katawan (Corporalita)
7. Ang Pagkilala sa Pagkakaugnay-ugnay ng lahat ng bagay (Connessione)

Galugarin

GAWAIN 3

PANUTO: Isulat kung anong pagpapahalaga o katangian ang


ipinapakita sa bawat sitwasyon. Piliin ang sagot sa kahon at
isulat ang tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

Disiplina sa Sarili Malikhain Masigasig

Tiyaga Kasipagan

__________ 1. Malapit na ang pasukan, kung kaya’t


nagsusumikap si Joy na tapusin ang lahat ng kaniyang
gawain ng malinaw at buong puso.

__________ 2. Kahit maraming problema ang kinahaharap ni


Mang Tony dahil sa pandemya, hindi parin natitinag ang
kaniyang kagustuhang matapos ang kaniyang produkto para
maipamahagi ito.

__________ 3. Makikita sa mga mata ni Ligaya ang


kasiyahan habang tinatapos ang kaniyang performance task
sa MAPEH kung saan siya ay umaawit habang sumasayaw.

__________ 4. Nakaimbento ni Nix Noledo ng isang laro dahil


sa kaniyang mayamang pag-iisip at kakaibang imahinasyon.

__________ 5. Isinantabi ni Din ang kaniyang sariling


kasiyahan para sa kapakanan ng ibang tao dahil alam
niyang mas magiging masaya siya sa ikabubuti ng lahat.

Palalimin

GAWAIN 4
Panuto: Punan ang graphic organizer.

Mga Pagpapahalaga:
1.
Mga Indikasyon sa Kagalingan sa Paggawa

2.
3.
4.
5.

Tatlong Yugto ng Kasanayan sa


Pagkatuto:
1.
2.
3.

Iba pang Katangian


1.
2.
Aralin Hakbang sa Pagbuo ng
Isang Gawain na May
2
Kalidad

Lakbayin

Hindi maitatanggi ang kagustuhan ng bawat indibidwal sa patuloy na


pagkatuto, kung kaya’t lagi tayong bukas sa pagkakaroon ng bagong kaalaman.
Mas madali tayong natututo kung may akses tayo sa mga materyales na nagtuturo
sa atin kung paano ito gagawin ng may kagalingan. Kalimitan, may sinusunod
tayong hakbang o proseso sa paggawa. Hakbang o proseso – ito ay isang salita
kung paano mo gagawin ang isang bagay.

Bago ang pagsisimula ng bawat gawain, kinakailangang bumuo ng mga


hakbang o plano na susundin upang ang isang gawain ay magkaroon ng kalidad o
upang maipakita ang kagalingan sa paggawa.

Mga Kinakailangan sa Pagbuo ng Plano:


a. Pagbuo ng mga Layunin – sa pagbuo ng layunin ng isang gawain,
kailangang maging malinaw ang tunguhin. Ang layunin ay
nangangahulugang tunguhin o mithiin na kailangang makamit o makamtan
na may kaakibat na pagkilos.
b. Paglalarawan ng mga indikasyon ng mga inaasahang kalalabasan –
kailangang bumuo ng mga inaaasahang kalalabasan o expected outcomes
ng proyekto. Ito ay naglalaman ng mga inaasahan mong magiging
kalalabasan ng iyong proyekto o gawain.
c. Pagbuo ng mga Angkop na konsepto na magpapaliwanag sa Gawain – ito
ay tumutukoy sa iyong sariling pananaw sa isang bagay o gawain o di kaya
naman ay ang iyong sariling kaalaman sa ginagawang proyekto o gawain.
d. Pagtukoy ng mga Istratehiya – ito ay tumutukoy sa mga paraan na
kinakailangang sa pagsasagawa ng gawain o proyekto
e. Paghahanda ng mga Kagamitan – ito ay tumutukoy sa mga kagamitan na
kinakailangan (materials needed) sa paggawa o proyekto
f. Pagtukoy sa kung sino-sino ang tutulong sa pagsasagawa – ito ay
tumutukoy sa mga taong sa tingin mo ay makatutulong sa pagsasagawa ng
proyekto o paggawa
g. Pagtatakda ng Kakailanganing panahon – ito ay tumutukoy sa kung gaano
kabilis o katagal ang guguguling panahon sa pagsasawa ng proyekto o
gawain.

Kinakailangan ding isaalang-alang ang SMART sa pagsasagawa ng gawain o


proyekto.
▪ Specific o Tiyak
▪ Measureable o Nasusukat
▪ Attainable o Naaabot
▪ Relevant o Angkop
▪ Time-Bound

Halimbawa ng Plano sa Pagsasagawa ng Proyekto


Proyekto: Pagsasagawa ng Gift Giving sa mga batang lansangan
Layunin Inaasahang Konsepto Paraan o Mga Mga Pana
Kalalabasan Istratehiya Kagamitan Taong -hon
Tutulong
Layunin Inaasahang Ang a. Tipunin Mga regalo – Kapwa Isasag
ng ang mga pagbibigay ang mga maaaring Kabataa awa
gawain batang regalo sa kabataan na damit, laruan n sa
na lansangan ay mga bata gustong o pagkain araw
makapa makatanggap ay isang lumahok sa ng
mahagi ng regalo at uri ng gawain. Pambalot sa pasko
ng mga maging pagkakaw (Maaaring mga regalo .
regalo sa masaya. anggawa magbigay ng
mga na talatanunga Sasakyan na
batang makatutul n upang gagamitin sa
lansanga ong upang malaman pamamahagi
n. magbigay kung gusto ng regalo
saya at nilang
ngiti sa lumahok o
kanilang hindi.
mukha. b. Magplano
kasama ang
kapwa
kabataan
kung ano
ang mga
ibibigay at
sino-sino
ang
makakatang
gap ng
regalo.

Galugarin

GAWAIN 5: Panuto: Basahin ang katanungan at sagutin ito ng makabuluhan.


1. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng plano o mga hakbang na kailangang
sundin sa pagsasagawa ng proyekto o gawaing may
kalidad?_____________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
Rubrik sa Pagsagot
Pamantayan Napakahusay Mahusay Nangangailangan
pa ng
Kahusayan
Nilalaman Napakahusay Mahusay ang May naisulat na
ng kasagutan kasagutan. kasagutan
sa tanong. May May diwa ngunit hindi
diwa at maayos ngunit hindi akma sa
ang masyadong katanungan.
pagkakasagot. maayos.
Palalimin

GAWAIN 6:
Panuto: Bumuo ng isang Gawain o Proyekto gamit ang template sa ibaba.
Pamagat ng Gawain o Proyekto: ____________________________________
Layunin Inaasahang Konsepto Paraan o Mga Mga Panahon
Kalalabasan Istratehiya Kagamitan Taong
Tutulong

Rubrik sa Pagsagot
PAMANTAYAN Napakahusay Mahusay Di-gaanong Nangangailangan
mahusay pa ng Kasanayan
10 8 6 4
NILALAMAN Napakahusay Mahusay May Nangangailangan
ng ang kahusayan ng kahusayan
pagkakabuo pagkakabuo ang ang plano sa
ng plano sa ng plano sa pagkakabuo gawain o
gawain o gawain o ng plano sa proyekto. Hindi
proyekto. proyekto. gawain o malinaw at tiyak
proyekto ang mga salita.
ngunit
hindi
gaanong
malinaw at
tiyak.
Sukatin

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na tanong at isulat sa


patlang ang titik ng wastong sagot.
______ 1. Maganda ang pagkakagawa ng pamilya ni Billie sa mga paso na yari sa
damit o tuwalyang patapon na. Mabili ang mga ito lalo na iyong may
iba’t ibang kulay at disenyo. Alin sa sumusunod na pahayag ang
nagsasabuhay o nagpapakita sa kagalingan ng tao sa paggawa?
A. Nagiging malikhain ang tao sa paggamit ng kanyang mga
kakayahan.
B. Nagkakaroon ng pagkakataon ang tao na magsama-sama sa mithiin
ng lipunan.
C. Nagkakaroon ng kadahilanan ang tao upang mabuhay.
D. Nakagagawa ng paraan ang tao upang iangat ang kanyang
pamumuhay.
______ 2. Sa pagretiro ni Mang Pedro, nakatanggap siya ng mga benepisyong hindi
niya inaasahan mula sa pabrikang kanyang pinaglingkuran ng mahigit
sa 40 taon. Bukod dito, binigyan din siya ng plake ng pagkilala bilang
natatanging manggagawa ng pabrika. Palatandaan ng kagalingan niya sa
paggawa ang pagtanggap ba nang benepisyo at pagkilala ni Mang Pedro?
A. Hindi, binibigay talaga ang parangal at benpisyo sa isang
manggagawa sa oras na siya ay magretiro bilang bahagi ng kanyang
karapatan bilang isang manggagawa.
B. Oo, sapat na basehan ang 40 na taon niyang paglilingkod.
C. Hindi, binigay lang ang parangal upang maging masaya si Mang
Pedro dahil sa edad na mayroon siya.
D. Oo, hindi ibibigay ng isang kumpanya ang pagkilala at benepisyo sa
manggagawang hindi nararapat bigyan o gawaran nito.
______ 3. Ang kagalingan sa paggawa ay maisasbuhay kung tataglayin mo ang
sumusunod na katangian MALIBAN sa _____________.
A. Nagpupuri at nagpapasalamat sa Diyos.
B. Pagtataglay ng positibong kakayahan.
C. Nagsasabuhay ng mga pagpapahalaga.
D. Paggawa nang buong husay at may kalidad.
______ 4. Ang mga Pilipinong nakikilala sa ibang bansa dahil sa kahusayan sa iba’t
ibang larangan ng paggawa ay patunay lamang na maipapakita natin ang
pagmamahal sa bayan sa pamamagitan ng __________.
A. Lakas ng loob na makipagsapalaran
B. Pangingibang –bayan
C. Pakikibagay sa ibang tao.
D. Patuloy na pagkilos at paggawa
______ 5.Ang produkto o gawaing lilikhain ay bunga ng mayamang pag-iisip at
hindi ng panggagaya o pangongopya ng gawa ng iba. Anong pagpapahalaga
ang humubog sa tao para harapin ang hamon na ito?
A. Masigasig B. Malikhain
C. Kasipagan D. Disiplina sa sarili
______ 6. Ang mga sumusunod na katangian ay makatutulong upang magkaroon
ng matalinong pag-iisip na kailangan upang maisabuhay ang kagalingan sa
paggawa MALIBAN sa isa______________.
A. Pananatili ng kalusugan
B. Pagiging mapagduda
C. Pagiging palatanong (curiosity)
D. Pagsubok ng kaalaman gamit ang karanasan at pagpupunyagi
______7. Hindi natapos ni Ben ang kanyang kolehiyo dahil sa hirap ng buhay. Sa
kabila nito, siya ay matagumpay dahil sa negosyong kanyang itinayo at
pinaunlad. Nagiging madali ito para sa kanya dahil ito ay ayon sa
kanyang gusto at hilig. Ano ang katangian na mayroon si Ben?
A. Masipag, madiskarte at matalino.
B. Maganda ang relasyon niya sa Diyos, may pagpapahalaga sa sarili,
kapwa at bansa.
C. May angking kasipagan, pagpupunyagi at tiwala sa sarili.
D. May pananampalataya, malikhain at may disipilna sa sarili.
______ 8. Laging pagod si Loreto sa trabaho niya bilang taga-kolekta ng basura sa
kanilang lugar at sa kakarampot na sahod pero hindi siya nagrereklamo
at nagpapabaya sa kanyang tungkulin. Paano inisasabuhay ni Loreto ang
kagalingan niya sa paggawa?
A. Ang kaganapan ng kanyang pagiging mabuting manggagawa ay
kaganapan ng kanyang pangarap.
B. Ang pagnanais na magkaroon ng karagdagang benepisyo sa
trabahong ginagawa.
C. Ginagawa niya nang may kahusayan ang kanyang tungkulin.
D. May pagmamahal at pagtatangi siya sa kanyang trabaho.
______9. Malapit na ang Araw ng mga Puso, abala na ang mga gumagawa ng mga
palamuting dekorasyong siguradong mabenta. Ano ang magandang
motibasyon na dapat isaalang-alang ng gumagawa ng mga ito?
A. Personal na kaligayahan na makukuha mula ditto.
B. Pag-unlad ng sarili, kapwa at bansa.
C. Materyal na bagay at pagkilala ng lipunan.
D. Kaloob at kagustuhan ng Diyos.
______10. Si Jun ay litung-lito kung ano ang gagawin dahil nagkakataong lahat ng
mga asignatura ay may mga gawain o takdang aralin na kailangan
isumite. Alin sa sumusunod ang mabisang paraan na gagamitin niya sa
pagkakataong ito?
A. Pamahalaan ang pagpapabukas –bukas
B. Gumawa ng prayoritisasyon
C. Magtakda ng tunguhin
D. Bumuo ng iskedyul
______11. Ito ay ang pagkakaroon ng kasiyahan, pagkagusto at siglang
nararamdaman sa paggawa ng gawain o produkto. Ano ito?
A. Tiyaga B. Kasipagan
C. Malikhain D. Masigasig
______12. Hindi natitinag sa paggawa si Mang Jun kahit maraming hadlang ang
dumaan sa kaniyang buhay. Anong pagpapahalaga ang isinasabuhay
niya?
A. Tiyaga B. Kasipagan
C. Malikhain D. Masigasig
______13. Laging may katanungan sa bawat bagay si Sean. Gusto niya ay laging
may kasagutan sa kaniyang mga tanong. Anong pagpapahalaga ang
ipinapakita ni Sean?
A. Pagiging Palatanong
B. Pagpupunyagi
C. Masigasig
D. Pagkatuto gamit ang panlabas na pandama
______14. Ito ay ang pagpapanatili sa malusog at malakas na pangangatawan
upang maisabuhay ang tunay na kahulugan ng paggawa. Anong
katangian ito?
A. Corporalita B. Sfumato
B. Curiosita D. Sensazione
______15. Ito ay ang patuloy na pagkatuto gamit ang panlabas na pandama bilang
paraan upang mabigyang buhay ang karanasan.
A. Corporalita B. Sfumato
B. Curiosita D. Sensazione

Mahusay! Napagtagumpayan mo ang Modyul na ito!

Sanggunian

Mga Aklat

1. Edukasyon sa Pagpapakatao 9, Kagamitan ng Mag-aaral


2. Punsalan, T.G, et.al. (2007) Kaganapan sa Paggawa. Manila: Rex Book Store

Mula sa Internet

3. Behind the Scenes: Run Run Super V Global Launch, mula sa www.altitude-
games.com/behind-scenes-rrsv-global-launch. Hinango noong Disyembre 27, 2020.
4. Hinango noong Disyembre 25, 2020 mula sa
http:www.catholic.pages/documents/laborem_exercens-summary.asp

Links

5. https://brainly.ph/question/2629672

You might also like