You are on page 1of 20

Edukasyon Sa

Pagpapakatao
Ikaapat na Markahan – Modyul 2:
PANGARAP, MITHIIN at
PAGPAPASYA
Edukasyon sa Pagpapakatao- IkapitongBaitang
Alternative Delivery Mode
Ika-apat na Markahan – Modyul 2: PANGARAP, MITHIIN AT PAGPAPASYA
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda
ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing
ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may- akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag


sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Panreiyong Direktor: Tolentino G. Aquino


Pangalawang Panrehiyong Direktor: Ronald D. Castillo
Pinuno ng SLMD: Arlene A. Niro

Manunulat Marla Joy P. Opolencia

Mga Tagasuri Racquel C. Caasi, P IV Robelita Pinto


Lyn O. Eson Clarissa L. Calado
Ana Lyn T. Soriano Gladys Joy C. Caasi
Karen Ann C. Calauad Ray-an T. de Leon

Tagalapat Veronica E. De Oño Ray-an T. de Leon


Veronica R. Casuga Karen Ann C. Calauad
Orlando C. Rabaya, Jr.

Tagapamahala Ruth C. Caalaman, Ed.D Mariela N. Calima, Ed.D, P IV

Pansangay na Tagapamahala

Pansangay na Tagapamahala, OIC Ely S. Ubaldo, CESO VI


PangalawangTagapamahala Marciano U. Soriano Jr., CESO VI
Punong Tagamasahid Pansangay, CID Carmina C. Guiterrez, Ed.D
Tagamasid Pansangay, LRMDS Michael E. Rame, Ed.D
Tagamasid Pansangay, Lalaine C. Rosario, Ed.D
Edukasyon sa Pagpapakatao Cielito Fe Angeles, Ed.D

Inilimbag sa Pilipinas ng Schools Division Office I Pangasinan


Department of Education-SDO Pangasinan I
Office Address: Alvear St,. East Capitol Ground, Lingayen, Pangasinan
Telefax: (075) 522-2202
Email Address: pangasinan1@deped.gov.ph

i
7

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikaapat na Markahan – Modyul 2:
PANGARAP, MITHIIN at
PAGPAPASYA

ii
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Ang modyul na ito ay dinisenyo at inilathala upag magsilbing gabay sa


pagtul0ng sa mga mag-aaral na makamit ang mga pamantayang itinakda ng K
to 12 Kurikulum Kagawaran ng Edukasyon.

Sa pamamagitan ng modyul na ito, inaasahang magtatagumpay ang mag-aaral


sa kanyang malayang pagkatuto at paggawa ng mga gawaing ayon sa kanyang
kakayahan, bilis at oras. Nilalayon din nitong matulungan ang mag-aaral na
malinang ang mga kasanayang pang-21 siglo.

Para sa mag-aaral:

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang mga sumusunod ay mga bahagi ng modyul na ito:

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang


mga layunin ng aralin sa modyul na
ito.

Subukin Sa bahaging ito, tatayahin ang


kaalaman mo sa aralin na ito.

Balikan Sa bahaging ito, may pagsasanay o


balik-aral upang matulungan kang
maiugnay ang kasalukuyang aralin
sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ipakikilala sa iyo


ang ang bagong aralin sa
pamamagitan ng isang gawain.

iii
Suriin Sa
bahaging ito, may maikling pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Isaisip Sa bahaging ito, pagtitibayin ang iyong


pang-unawa sa tinalakay na aralin.

Isagawa Sa bahaging ito, tutulungan kang maisalin


ang natutunan mo sa mga sitwasyon o
reyalidad ng buhay.

Pagyamanin Sa bahaging ito, pagtitibayin ang iyong


pagpapahalaga sa tinalakay na aralin.

Tayahin Sa bahaging ito, susukatin ang antas ng


iyong pagkatuto sa layunin ng aralin.

Susi sa Pagwawasto Sa bahaging ito, makikita ang mga tamang


sagot sa lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Sa bahaging ito, makikita ang talaan ng


lahat ng pinagkuhanan sa paglinang ng
modyul na ito.

iv
Ang mga sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang alinmang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang


gawaing napapaloob sa modyul.

3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.

4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain


at sa pagwawasto ng mga kasagutan.

5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.

Kung sakaling mahirapan ka sa pagsagot mga gawain sa modyul na ito,


huwag mag-aalinlangang konsultahin ang iyong guro o tagapagdaloy.
Maaari ka ring humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda
mong kapatid o sinuman sa iyong mga kasama sa bahay na mas
nakatatanda sa iyo.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa
sa aralin.

Kaya mo ito!

Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa upang matugunan ang iba’t ibang


paraan ng pagkatuto ng bawat mag-aaral. Hangad ng modyul na ito na
maunawaan mong lubos ang kaugnayan ng birtud at pagpapahalaga na
magagamit mo sa pagpapaunlad ng iyong pagkatao.

Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod


na kaalaman, kakayahan at pag-unawa:
Nasusuri ang ginawang Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay
kung ito ay may pagsasaalang-alang sa tama at matuwid na pagpapasiya
EsP7PB-IVc-14.2

v
Subukin

Panuto:Basahing mabuti ang mga tanong o pangungusap sa bawat


bilang. Isulat ang titik ng pinakaangkop na sagot sa iyong sagutang
papel.

1. Ano ang ibig sabihin ng pangarap?

a. Ginagamit ito ng marami upang takasan ang kanilang mga


problema.
b. Nangyayari lamang sa iyong isipan habang ikaw ay natutulog.
c. Nagsisilbi itong layunin, mithiin o tunguhin ng isang tao.
d. Lahat ng nabanggit.

2. Ano ang kaibahan ng panaginip sa pangarap?

a. Ang panaginip ay natatapos din kung ikaw ay magising.


b. Ang panaginip ay nangyayari lang sa isip habang natutulog.
c. Ang panaginip ay maaaring piliin ng isang tao.
d. a at b

3. Ano ang kaibahan ng pagpapantasya sa pangarap?

a. Ang pagpapantasya ay likha ng malikhaing isip.


b. Ang pagpapantasya ay pananaginip ng gising.
c. Ang pagpapantasya ay ginagawa ayon sa kagustuhan ng nagpapantasya.
d. a at b

4. Ano ang kahulugan ng bokasyon?


a. Ang bokasyon ay higit sa trabaho, propesyon o negosyo.
b. Ang bokasyon ay kalagayan o gawain na naayon sa plano ng Diyos
sa atin.
c. Ito ay tumutukoy sa mga gawaing hindi nangangailangan ng kapalit
na sweldo o pasahod.
d. a at b

5. Ang iyong kaibigan na si Juan ay hindi nakapasa sa kanyang pagsusulit


sa Matematika kaya sinabi niya sa iyo na hindi na niya itutuloy ang
pangarap niyang maging inhinyero. Ano ang gagawin mo?

a. Hayaan lamang siya at ituloy kung ano man ang ginagawa.


b. Sasabihin sa kanyang pumili na lang siya ng ibang kurso.
c. Sasabihin sa kanyang mag-aral nang mabuti sa susunod
upang makakuha ng mataas na marka.
d. Pagtawanan mo siya.

6. Sa pagtatakda ng mithiin, ang ibig sabihin ng SMARTA ay:

a. S-smart, M-manageable, A-attainable, R- relevant, T- time-bound, A –


action-oriented
1
b. S-smart, M-measurable, A-attainable, R- refreshing, T- time-bound,
A– action-oriented
c. S-smart, M-measurable, A-attainable, R- relevant, T- time-bound, A –
action-oriented
d. S-smart, M-measurable, A-attainable, R- relevant, T- time-bound, A –
affordable

7. Anu-ano ang dalawang hangganan ng pagtatakda ng mithiin?

a. Pangmatagalan at Panghabambuhay
b. Pangmatagalan at Pangmadalian
c. Pangmadalian at Panghabambuhay
d. Pangngayo at Pangkinabukasan

8. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng pangmatagalang mithiin?

a. Maging iskolar hanggang makapagtapos


b. Magrebyu upang makapasa sa pagsusulit
c. Makapasa sa Licensure Examination
d. Kumuha ng kursong gusto at tapusin ito sa tinakdang panahon

9. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kasama sa palatandaan ng taong


may pangarap?
a. Handa siyang kumilos upang maabot ito.
b. Nadarama niya ang higit na pagnanasa tungo sa pangarap.
c. Nadarama niya ang pangangailangang maabot ang mga pangarap.
d. Naniniwala siyang matutupad ang pangarap kahit wala siyang
ginagawa.

10. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kasama sa pamantayan ng


pagtatakda ng mithiin?
a. Tiyak
b. Nasusukat
c. Nakukuha
d. Naaabot

2
Aralin
PANGARAP, MITHIIN
1 at PAGPAPASYA
Bawat tao ay may sariling pangarap sa buhay. Sabi nga nila, “libre
lang daw ang mangarap”. Kaya nga, kung mangangarap ka na rin lang,
lubusin mo na.
Tiyak ikaw din ay may pangarap sa buhay. Nag-aaral ka ngayon para
matupad ang iyong mga pangarap. Tandaan, upang magtagumpay sa
buhay, kailangan mong kumilos kaugnay ng iyong mga pangarap.
Gagabayan ka ng modyul na ito upang lalong lumawak ang iyong pang-
unawa tungkol sa pangarap.

Balikan

Gawain 1:
Natutunan mo sa ikatlong markahan ang pagkakaroon ng higit na
pang-unawa, pagpili ng tama o mali at paggalang sa kapwa.

Panuto: Tukuyin ang gawaing nagpapakita ng birtud at pagpapahalaga.


Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

1. 2.

(https://web.facebook.com/100971644818545/posts/pagmamano-mano- (https://angpagbabalikngpanginoongjesus.home.blog/2020/03/16/pag-
pohonoring-gesture-of-filipino-culture-in-which-when-children-or- aayuno-pagdarasal-pagpanglaw-iglesia/amp/)
/107978420784534/?_rdc=1&_rdr)

3. 4.

(https://ph.lovepik.com/image-400583724/care-for-the-old.html) (https://web.facebook.com/Sk-MolineteLaurelBatangas-
101598278221054/photos/pcb.142110087503206/142108047503410/)

3
Tuklasin

Libro ng Pangarap

Gawain 2

Panuto: Gumawa ng kolads na nagpapakita ng iyong mga pangarap o


ninanais na marating sa buhay. Gumupit ng mga larawan na maaring
makuha sa internet, lumang dyaryo o magasin. Sa baba ng kolads, sumulat
ng maikling paglalarawan ukol dito.

Rubriks:

Paggamit ng angkop na mga larawan - 7 puntos


Naipakita ang iba’t ibang aspeto ng
Pangarap (pinansyal, sosyal, pamilya
At espiritwal - 8 puntos
Malinaw na paglalarawan - 5 puntos
Kabuuan - 20 puntos

Mga katanungan

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan sa iyong


sagutang papel.

1. Alin sa mga pangarap s a k o l a d s ang pinakamahalaga sa


iyo ? Bakit?
2. Ano ang kahalagahan ng pangarap para sa iyo?

Suriin

Ang Pangarap, Panaginip at Pantasya


Ang pangarap ay kakaiba sa panaginip. Ang panaginip ay nangyayari
lamang sa iyong isipan habang ikaw ay natutulog. Kapag nagising ka na,
natatapos din ito.

Hindi rin pagpapantasya ang pangarap. Ang pantasya ay likha ng


malikhaing isip. Ito ay ang pagbuo ng mga sitwasyon o pangyayari ayon sa
iyong kagustuhan. Masarap ang magpantasya dahil lahat ng gusto mo ay

4
posible. Ang pagpapantasya ay ginagamit ng marami upang takasan ang
kanilang mga problema. Marahil dahil dito, sikat na sikat ang mga
telepantasya. Subalit hindi nakatutulong ang mabuhay sa pagpapantasya.
Kailangan mong harapin ang iyong mga suliranin at ang lahat ng mga
nakababagabag na katotohanan sa mundong iyong ginagalawan.

Para magtagumpay ka, kailangan mong magkaroon ng konkretong


pangarap.

Tandaan mo na ang taong may pangarap ay:

1. Handang kumilos upang maabot ito.


2. Nadarama ang higit na pagnanasa tungo sa pangarap.
3. Nadarama ang pangangailangang makuha ang mga pangarap.
4. Naniniwala na magiging totoo ang mga pangarap at kaya niyang
gawing totoo ang mga ito.

Sa ngayon, ang unang hakbang na


kailangan mong gawin ay ang pagtukoy sa iyong
pangarap at pagpapasiya kung ano ang iyong
magiging mithiin o goal.

Ano nga ba ang mithiin o goal? Ito ay


tunguhin o pakay na nais mong marating o makamit
sa hinaharap. Ito ang nais mong mangyari sa iyong
buhay balang araw. Ang mithiin ay makakamit kapag
(https://steemit.com/busy/@hynet
pinagsikapan mong matamo sa abot ng iyong /the-essence-of-goal-setting)
makakaya.

Ang pagkamit nito ang magbibigay ng saysay sa iyong buhay. Kaya


mahalaga ang pagiging mapanagutan sa pagpili ng iyong mithiin.
Kailangang isaalang-alang ang kahihinatnan nito para sa iyong sarili at sa
iyong kapwa. Kung maisasaalang-alang mo ang kalalabasan nito, higit na
magkakaroon ng kahulugan ang iyong mithiin.

Ang Pangmadalian at Pangmatagalang Mithiin

Hindi lamang sapat na itakda ang mithiin kundi dapat ito ay itakda sa
parehong hangganan: pangmadalian at pangmatagalan.

Tandaan:

Ang pangmadaliang mithiin (short-term goal) ay maaaring makamit sa


loob ng isang araw, isang linggo, o ilang buwan lamang.

Ang pangmatagalang mithiin (long-term goal) ay maaring makamit sa


loob ng isang semestre, isang taon, limang taon o sampung taon.

Ang pangmatagalang mithiin ay karaniwang makahulugan at


5
mahalagang mithiin. Ang pagkamit nito ay sa malayong hinaharap. Ang
resulta, nawawala ang tuon sa pagpapanatili ng positibong pananaw na
makakamit ang mithiin sa hinaharap. Ang iba ay pinanghihinaan ng loob
at nagdududa kung makakamit nila ang itinakdang pangmatagalang
mithiin.

Dito nakatutulong ang pagtatakda ng kakailanganing mithiin o


enabling goals. Ang mga ito ay espesyal na uri ng pangmadaliang
mithiin dahil ito ay pantulong sa pagkamit pangmatagalang mithiin. Ang
mga suportang mithiin ay mga hagdang bato na magagamit na panukat ng
pag-usad tungo sa pagkamit ng pangmatagalang mithiin.

Halimbawa, kung nais mong maging isang doktor na may sariling


klinika at ikaw ay nasa unang taon sa Junior High School, kailangan mo
pang maghintay ng maraming taon upang maging isang ganap na doktor at
maaring ilang taon pa para magkaroon ng sariling klinika. Upang tiyaking
hindi ka mawawalan ng pokus sa haba ng panahong dapat mong gugulin sa
pag-abot ng iyong mithiin, dapat kang magtakda ng mga kakailanganing
mithiin o enabling goals. Tingnan ang sumusunod na paglalarawan:

(http://educationalprojams.weebly.com/uploads/
1/0/2/3/102353042/esp_lm_q4.pdf)

Mga pamantayan sa pagtatakda ng mithiin


Upang magkaroon ng higit na pag-unawa sa pagtatakda ng mithiin,
alalahanin ang mga sumusunod na mga praktikal na pamantayan:

Specific

Measurable

Attainable

Relevant

Time-bound

Action-oriented
6
Narito ang mga deskripsyon ng mga ito sa Filipino:

Specific (Tiyak). Tiyak ang iyong mithiin kung malinaw na matukoy ang
nais mong mangyari sa iyong buhay.

Measurable (Nasusukat). Nasusukat mo ang mithiin kung matataya mo


ang progreso sa pag-abot ng iyong mithiin. Puwede kang magtakda ng mga
gawain o kinakailangang pamantayan sa pag-abot ng iyong mithiin.
Pagkatapos suriin sa pana-panahon kung alin sa mga ito kung alin sa mga
ito ang nagawa mo na. Puwede ka ring gumawa ng simpleg checklist para
makita mo kung ano na ang mga nagawa mo para maabot ang iyong mithiin.

Attainable(Naaabot). Ang mithiin ay makatotohanan, maaabot at


mapanghamon. Puwede mong tanungin ang sarili mo – May
mapagkukuhanan ba ako ng mga kakailanganin ko para maabot ang aking
mithiin?

Relevant (Angkop). Angkop ang iyong mithiin kung matutugunan nito ang
pangangailangan mo at/o ng iyong pamilya at pamayanan. Bagaman ang
iyong mithiin ay mahalaga sa iyo, tandaan na dapat mo ring isaalang-alang
kung makabubuti para sa iyong pamilya. Para magawa ito, makatutulong
kung susuriin mo ang iyong prayoridad sa buhay.

Time Bound (Pagtatakda ng Panahon). Ito ang pagtatakda ng panahon na


masasakaw para sa pag-abot ng iyong mithiin. Isaalang-alang na ang
panahong ito ay may kaakibat na paggamit ng lakas at karunungan.
Gayundin, may epekto ito sa iyong mga gastusin.

Action-Oriented (Nakatuon sa Pagkilos). Para maabot ang mithiin mo,


kailangan mong gumawa ng mga praktikal na hakbang patungo sa pag-
abot nito.

Ang proseso ng paggawa ng mabuting pagpapasya

Sa pagsasakatuparan ng iyong mithiin, kailangan mo ang mabuting


pagpapasiya. Ang prosesong ito ay tutulong sa iyo upang malinaw mong
makilala o makita ang pagkakaiba ng mga bagay-bagay. Marami ka pang
gagawing mga pagpapasya sa mga darating na panahon, lalo na sa
pagkamit at pagsasabuhay ng iyong mithiin. Laging isaalang-alang ang
mas mataas na kabutihan 0 higher good sa gagawing pagpapasya.

Mga Hakbang sa Paggawa ng Wastong Pasya

Ang mga sumusunod ay ang mga hakbang sa paggawa ng wastong pagpapasya:

1. Kumuha ng kaalaman. Ang pagiging tama o mali ng isang pagpapasiya ay


nakasalalay sa tumpak na kaalaman. Sa edad mo ngayon, maaaring hindi
pa sapat ang iyong kaalaman ukol sa maraming bagay. Kaya mahalaga na
sumangguni ka sa mga taong mayroong sapat na kaalaman at karanasan
tungkol sa mga bagay na pag-iisipan mo.
Halimbawa, makatutulong nang malaki kung isasangguni mo sa
pinagkakatiwalaan mong guro ang iyong mga agam-agam. Higit na marami
na siyang mga kaalaman at karanasan sa pagbibigay ng payo. Makatutulong
kung malaman mo ang mga pananaw upang maintindihan mo ang iba’t-
ibang anggulo sa isang bagay. Ngunit mahalagang tandaan na magiging
7
makabuluhan ang lahat ng ito kung bukas ang isip mo sa pagtanggap ng mga
mungkahi at payo mula sa ibang tao.

2. Magnilay sa mismong aksyon. Sa anumang pagpapasiya mo, mahalaga


ang pagninilay sa mismong aksyon. Maaari mong gamitin ang mga
sumusunod na gabay:

a. Kailangan mong suriin ang uri ng aksyon. Tanungin mo ang iyong


sarili: Ano ba ang aking binabalak na gawin? Ito ba ay naaayon sa
pamantayan ng Likas na Batas Moral?

b. Mahalagang tanungin mo rin ang iyong sarili:Ano ba talaga ang iyong


personal na hangarin sa iyong isasagawang aksyon? Halimbawa, kung
tutulong ka sa ibang tao sa anumang paraan, suriin kung ano ang
intensyon mo sa paggawa nito.

c. Mahalagang tingnan din ang mga pangyayaring may kaugnayan sa


aksyon. Laging isiping may epekto sa kapwa mo ang mga pagkilos mo.
Kaya, mahalaga na suriin mo muna kung ano ang magiging
kahihinatnan ng mga kilos mo bago ito isagawa. Halimbawa, kung
ikaw ang gagawa ng mga gawaing pang-akademiko o gawaing bahay
ng iyong kapatid, malilinang kaya niya ang pagiging responsable?
Isaalang-alang ang magiging epekto sa kapwa upang makagawa ng
wastong pagpapasya at kilos.

d. Suriin ang damdamin sa napiling isasagawang pasya. Mahalagang


isaalang-alang mo ang iyong damdamin sa iyong gagawing pagpili.
Tandaan na dapat ang pagapasya mo ay magdudulot ng kasiyahan at
magiging makabuluhan para sa iyo. Sa ganitong paraan,
mapaninindigan mo ang iyong isasagawang pagpapasya.

3. Hingin ang gabay ng Diyos sa isasagawang pagpapasya. Ang panalangin


ang pinakamabisang paraan na maaaring gawin upang maging malinaw
kung ano talaga ang plano ng Diyos para sa iyo. Sa panalangin, pwede
mong espisipikong hingiin ang karunungan, gabay at lakas para sa
paggawa ng wastong pagpapasya.

4. Pag-aralang muli ang pasiya. Kung may pag-aalinlangan ka sa iyong


mga pasya, kailangan mong pag-aralan itong muli na may kalakip na
panalangin at mas ibayong pagsusuri. Maging bukas sa posibilidad na
magbago ang pasya pagkatapos ng prosesong pinagdaanan mo.

Isaisip

Gawain 3
Panuto: Lapatan ng tamang salita ang patlang upang mabuo ang kaisipan mula sa
tekstong binasa. Piliin sa kahon ang angkop na salita at isulat ang iyong sagot sa
iyong sagutang papel.

pangarap pangmadaliang mithiin


mithiin enabling goal
panaginip pangmatagalang mithiin

8
1. Ang ________ ay nangyayari lamang sa iyong isipan habang ikaw ay
natutulog.

2. Ang ________ ay ang tunguhin o pakay na iyong nais na marating o


puntahan sa hinaharap.

3. Ang ________ ay likha ng maikling isip.

4. Ang ________ ay maaaring makamit sa loob ng isang araw, isang


linggo, o ilang buwan lamang.

5. Ang ________ ay espesyal na uri ng pangmadaliang mithiin dahil ito ay


pantulong sa pagkamit ng pangmatagalang mithiin.

Isagawa

Gawain 4

Panuto: Gamit ang table sa ibaba, isulat ang mga bagay na hinihingi kaugnay sa tinalakay
na aralin. Kopyahin ang table at sagutin ito sa iyong sagutang papel.

Pangarap Mithiin Paraan ng Mga Pagpapasiyang


Pagsasagawa gagawin
Sarili
Pamilya
Kapuwa
Bansa

Pagyamanin

Panuto: Sumulat ng tatlo hanggang limang pangungusap na nagpapahayag ng iyong


pagpapahalaga sa mga natutunan mo tungkol sa iyong mga pangrap, mithiin, at wastong
pagpapasya. Isulat ito sa iyong sagutang papel.

Rubriks:

Nilalaman - 5 puntos
Organisasyon - 5 puntos
Kabuuan - 10 puntos

9
Tayahin
Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong o pangungusap sa bawat bilang. Isulat
ang titik ng pinakaangkop na sagot sa iyong sagutang papel.

1. “Mas malala pa sa pagiging isang bulag ang may paningin ngunit


walang tinatanaw na kinabukasan.”Ano ang higit na malapit na pakahulugan
ng pahayag ni Helen Keller?

a. Mahirap maging isang bulag.


b. Ang kawalan ng pangarap ay mas masahol sa kawalan ng paningin.
c. Hindi mabuti ang walang pangarap.
d. Hindi garantiya ang pagkakaroon ng paningin sa pagtatagumpay
sa buhay.

____2. Ano ang kaibahan ng panaginip sa pangarap?

a. Ang panaginip ay natatapos din kung ikaw ay magising.


b. Ang panaginip ay nangyayari lang sa isip habang natutulog.
c. Ang panaginip ay maaaring piliin ng isang tao.
d. a at b

3. Ano ang kaibahan ng pagpapantasya sa pangarap?

a. Ang pagpapantasya ay likha ng malikhaing isip.


b. Ang pagpapantasya ay pananaginip ng gising.
c. Ang pagpapantasya ay ginagawa ayon sa kagustuhan ng nagpantasya.
d. a at b

4. Ano ang kahulugan ng bokasyon?


a. Ang bokasyon ay higit sa trabaho, propesyon o negosyo.
b. Ang bokasyon ay kalagayan o gawain na naayon sa plano ng Diyos sa
atin.
c. Ito ay tumutukoy sa mga gawaing hindi nangangailangan ng kapalit na
sweldo o pasahod.
d. a at b

10
5. Ito ay pinaka-tunguhin o pinakapakay na iyong nais na marating sa
hinaharap.

a. Pangarap
b. Mithiin
c. Panaginip
d. Pantasya

6. Sa pagtatakda ng mithiin, ang ibig sabihin ng SMARTA ay:

a. S-smart, M-manageable, A-attainable, R- relevant, T- time-bound,


A – action-oriented
b. S-smart, M-measurable, A-attainable, R- refreshing, T- time- bound,
A – action-oriented
c. S-smart, M-measurable, A-attainable, R- relevant, T- time-bound,
A – action-oriented
d. S-smart, M-measurable, A-attainable, R- relevant, T- time-bound,
A – affordable

7. Anu-ano ang dalawang hangganan ng pagtatakda ng mithiin?

a. Pangmatagalan at Panghabambuhay
b. Pangmatagalan at Pangmadalian
c. Pangmadalian at Panghabambuhay
d. Pangngayon at Pangkinabukasan

8. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng pangmatagalang mithiin?

a. Makapasa sa Licensure Exams for Teachers.


b. Maging guro sa aming pamayanan.
c. Makatapos ng pag-aaral.
d. Maging iskolar ng bayan.

9. Bakit mahalaga ang kakailanganing mithiin o enabling goals?

a. Nakatutulong ang mga ito upang makamit ang itinakdang


pangmatagalang mithiin.
b. Nakatutulong ito sa pagpapanatili ng tuon sa itinakdang mithiin.
c. Napapabilis nitong makamit ang itinakdang mithiin.
d. Wala sa mga nabanggit.

10. Alin sa mga sumusunod ang hakbang sa pagtatakda ng mithiin?

a. Isulat ang iyong itinakdang mithiin at ilagay ito sa ilalim ng unan.


b. Sabihin ang itinakdang mithiin sa mga kaibigan.
c. Ipagpasa-Diyos ang mga itinakdang mithiin.
d. Isulat ang takdang panahon sa pagtupad ng mithiin.

11
Karagdagang Gawain

Gawain 5

Panuto: Gumawa o magsulat ng sarili mong mithiin : (1) Pangmadaliang


mithiin at (2) Pangmatagalang mithiin. Isulat ito sa iyong sagutang papel.

Gawing gabay ang pamantayang SMARTA:

Specific

Measurable

Attainable
Relevant

Time-bound

Action- oriented

Binabati kita! Maaari mo nang pag-aralan ang Modyul Bilang 3.

12
Gawain 3
Isaisip
1. Panaginip
2. Mithiin
3. Pagpapantasya
4. Pangmadaliang
mithiin
5. Enabling goals
Gawain 4
Maaaring iba-iba ang
sagot
Gawain 5
Maaaring iba-iba ang
sagot
Susi sa Pagwawasto
Mga Sanggunian
http://educationalprojams.weebly.com/uploads/1/0/2/3/102353042/esp_lm_q4.pdf.
(n.d.). Retrieved March 24, 2021, from http://educationalprojams.weebly.com:

http://educationalprojams.weebly.com/uploads/1/0/2/3/102353042/esp_lm_q4.pdf

https://angpagbabalikngpanginoongjesus.home.blog/2020/03/16/pag-aayuno-
pagdarasal-pagpanglaw-iglesia/amp/. (n.d.). Retrieved March 24, 2021, from
https://angpagbabalikngpanginoongjesus.home.blog:

https://angpagbabalikngpanginoongjesus.home.blog/2020/03/16/pag-aayuno-
pagdarasal-pagpanglaw-iglesia/amp/

https://ph.lovepik.com/image-400583724/care-for-the-old.html. (n.d.). Retrieved


March 31, 2021, from https://ph.lovepik.com: https://ph.lovepik.com/image-
400583724/care-for-the-old.html

https://steemit.com/busy/@hynet/the-essence-of-goal-setting. (n.d.). Retrieved March


24, 2021, from https://steemit.com: https://steemit.com/busy/@hynet/the-
essence-of-goal-setting

https://web.facebook.com/100971644818545/posts/pagmamano-mano-pohonoring-
gesture-of-filipino-culture-in-which-when-children-or-
/107978420784534/?_rdc=1&_rdr. (n.d.). Retrieved March 24, 2021, from
https://web.facebook.com:
https://web.facebook.com/100971644818545/posts/pagmamano-mano-
pohonoring-gesture-of-filipino-culture-in-which-when-children-or-
/107978420784534/?_rdc=1&_rdr

https://web.facebook.com/Sk-MolineteLaurelBatangas-
101598278221054/photos/pcb.142110087503206/142108047503410/. (n.d.).
Retrieved March 31, 2021, from https://web.facebook.com:
https://web.facebook.com/Sk-MolineteLaurelBatangas-
101598278221054/photos/pcb.142110087503206/142108047503410/

Dy Jr., M. B., Gayola, S., Leaño, M., Brizuela, M. J., & Querijero, G. E. (2013). Edukasyon sa
Pagpapakatao Kagamitan ng Mag-aaral. Pasig City.

Miranda, A. G., Bontia, M. T., Valdez, J. K., Rafal, J. V., Arnedo, P. J., Jornales, J., et al.
(2020). Edukasyon sa Pagpapakatao. Mga Mudyol para sa Mag-aaral. Pasig: FEP
Printing Corporation.

You might also like