You are on page 1of 28

7

EDUKASYON SA
PAGPAPAKATAO
Ikalawang Markahan – Modyul 3:
ANG KONSENSYA AT ANG LIKAS NA
BATAS MORAL

BI n
BI a
LI
G hala
NA ma
PI Pa
I I i ng
ND ar
HI ag-a
P
EdukasyonsaPagpapakatao – Grade 7
Alternative Delivery Mode
IkalawangMarkahan – Modyul3: ANG KONSENSYA AT ANG LIKAS NA BATAS
MORAL
Unang Edisyon, 2019

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaringmagkaroon ng


karapatang-ari (sipi) saanumangakda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunman,
kailanganmuna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaannanaghahanda ng akda kung ito’ypagkakakitaan.
Kabilangsamgamaaaringgawin ng nasabingahensiya o tanggapan ay ang pagtatakda
ng kaukulangbayad.

Ang mgaakda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, ngalan ng produkto o brand names,
tatak o trademarks atbp.) naginamitsaaklatnaito ay sanagtataglay ng karapatang-ari
ng mgaiyon. Pinagsumikapangmatuntonupangmakuha ang pahintulotsapaggamit ng
materyales. Hindi inaangkin ng mgatagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-
aringiyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim:Leonor Magtolis Briones
PangalawangKalihim:
Assistant Secretary:
BumuosaPagsusulat ng Modyul
MgaManunulat: Dory Flor F. Perlas
Editor: Loida S. Pigon,EdD
Tagasuri: Irnanie A. Enrico, Loida S. Pigon, EdD
Tagaguhit: Khristine S. Lacsamana
Tagalapat: Khristine S. Lacsamana
Tagapamahala: Benjamin D. Paragas
Atty. Suzzette T. Gannaban-Medina
Susana M. Bautista
Cynthia Eleanor G. Manalo
Mariflor B. Musa
Freddie Rey R. Ramirez
Danilo C. Padilla
Annabelle M. Marmol
Domingo L. Mendoza, JR.,EdD
Elmer P. Concepcion
Loida S. Pigon, EdD

Inilimbag sa Pilipinasng
Department of Education – MIMAROPA Region
Office Address: Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex
Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (02) 634-1054; 634-1072; 631-4985
E-mail Address:mimaropa.region@deped.gov.ph
7
EDUKASYON
SAPAGPAPAKATAO
IkalawangMarkahan - Modyul3:
ANG KAUGNAYAN NG KONSENSYA
SA LIKAS NA BATAS MORAL
PaunangSalita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 7 ng
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Kinalalagyan ng mga
Lalawigan sa Sariling Rehiyon!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambuliko institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang
pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamonsa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto sa mga gawain ayon sa kanilang
kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang
ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang


kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para saGuro


Sa modyul na ito ay inaasahang masasagot ang mahalagang
tanong na: Paano makakamit at mapananatili ang kabutihang panlahat? Bakit
mahalagang makamit at mapanatili ito?

Nakahanda ka na bang lalong maunawaan kung paano


makakamit ng lipunan ang kabutihang panlahat? Nakahanda kana
bang malaman kung ano ang bahaging iyong nararapat nagampanan?
Simulan na natin, ngayon na!

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at

i
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7 ng Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Kinalalagyan ng mga Lalawigan sa
Sariling Rehiyon!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka saloob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Alamin

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano


na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul.
Kung nakuhamo ang lahat ng tamang sagot
(100%), maaari mong laktawan ang bahaging
ito ng modyul.
Subukin

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Balikan

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

ii
Tuklasin

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Suriin

Binubuo ito ng mga gawaing para sa ma


patnubay at malayang pagsasanay upang
mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto
ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang
Pagyamanin susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.

Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isaisip

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Isagawa

Ito ay gawainnanaglalayongmatasa o
masukat ang antas ng pagkatutosapagkamit
ng natutuhangkompetensi.

Tayahin

Sa bahagingito, may
ibibigaysaiyongpanibagonggawainupangpagy
amanin ang iyongkaalaman o
kasanayansanatutuhangaralin.

iii
Karagdagang Gawain

Naglalamanito ng mgatamangsagotsalahat
ng mgagawainsamodyul.

Susi saPagwawasto

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o paglinang


ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang
gawaing na papaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng
mgagawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang Gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos
nang sagutin lahat ng pagsasanay.

iv
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na
ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy.
Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa na katatanda mong
kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa
iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

v
Aralin ANG KAUGNAYAN NG KONSENSYA SA
1 LIKAS NA BATAS MORAL

ALAMIN

Bahagi ng buhay ng tao ang gumawa ng pasiyaaraw-araw. Mula paggising sa


umaga magsisimula na ang maghapong pagpapasiya. Paano nga ba nasasabing
tama ang isang kilos samantalang mali ang iba? Paano mo ito makikilala? Higit sa
lahat, paano mo ito pipiliin ang mabuting kilos upang ito ang iyong gawin?

Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang mga sumusunod


nakaalaman, kakayahan at pag-unawa:

1. Nakikilala na natatangi sa tao ang Likasna Batas Moral dahil ang pagtungo sa
kabutihan ay may kamalayan at kalayaan. Ang unang prinsipyo nito ay likas sa
tao na dapat gawin ang mabuti at iwasan ang masama. (EsP7PSIIc-6.1)
2. Nailalapat ang wastong paraan upang baguhin ang mga pasya at kilos na
taliwas sa unang prinsipyo ng Likasna Batas Moral (EsP7PSIIc-6.2)

SUBUKIN

Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag sa bawat bilang. Piliin ang titik ng
pinaka -angkop na sagot sa bawat bilang at isulat ito sa iyong kuwaderno.

1. Sobra ang sukli na natanggap niMelody nang bumili siya ng pagkain sa isang
restawran. Alam niyang kulang na ang kanyang pamasahe pauwi sa kanilang bahay
ngunit isinauli pa rin niya ang sobrang pera. Anong uri ng konsensiya ang ginamit ni
Melody?
a. Tamang konsensiya
b. Purong konsensiya

1
1
c. Maling konsensiya
d. Mabuting konsensiya
2. Ano ang bunga ng pagsunod sa tamang konsensiya?
a. Mapalaganap ang kabutihan
b. Makakamit ng tao ang tagumpay
c. Maaabot ng tao ang kanyang kaganapan
d. Mabubuhay ang tao nang walang hanggan
3. Ang mga sumusunod ay katangian ng konsensiya maliban sa:
a. Sa pamamagitan ng konsensiya, nakikilala ng tao na may mga bagay siyang
ginawa o hindi ginawa
b. Sa pamamagitan ng konsensiya, nakikilala ng tao ang tamang bagay na
dapat gawin at masamang dapat iwasan
c. Sa pamamagitan ng konsensiya, nahuhusgahan kung ang bagay na ginawa
ay nagawa nang maayos at tama o nagawa nang di-maayos o mali.
d. Sa pamamagitan ng konsensya lahat n gating ginagawa ay tama.
4. Sino ang natatanging nilalang na nararapat at tumanggap ng batas mula sa
Diyos?
a. halaman c. insekto
b. hayop d. tao
5. Ang Likas na Batas Moral ay nakabatay sa katotohanan. Ito ay hindi nilikha,
naaayon sa reyalidad at hindi naiimpluwensiyahan ng anumang bagay. Anong
katangian ng Likas na Batas Moral ang tinutukoy ng pangungusap?
a. obhektibo c. di – nagbabago
b. unibersal d. walang hanggan
6. Paano nakikilala ng konsensiya ang tama o mali?
a. Kung napag-isipang mabuti ang kilos
b. Pagkatapos pagnilayan at isagawa ang kilos
c. Dahil alam niya ang kilos ay mabuti o masama
d. Kung inilalapat ng tao sa kanyang paghusga sa kilos at obhektibong
pamantayan ng Likas na Batas Moral

19
7. Ang likas Batas na Moral ay likas sa tao dahil sa kaniyang kalayaan. Dahil sa
kalayaan, ang tao ay may kakayahang makilala ang mabuti at masama. Ano ang
ibig sabihin ng pahayag na ito?
a. Ang tao ay may kakayahang gumawa ng mabuti o masama
b. Ang tao ay may kilos-loob
c. Ang tao ay nilikha ng Diyos
d. Ang tao ay may kakayahang mag-isip
8. Bakit ipinagkaloob sa tao ang Likas Batas na Moral
a. Dahil espesyal ang tao sa mata ng Diyos
b. Dahil ang tao ay may konsensiya
c. Dahil sa lahat ng nilikha ng Diyos ang tao ang maraming katangian na
ipinagkaloob Siya
d. Dahil ang tao ang natatanging nilikha na maaaring gumawa ng masama; ang
sumira ng kapwa at sumira ng kaniyang sarili
9. Ano ang maaaring gawin ng tao upang maiwasang gumawa ng masama?
a. Sumimba
b. Magbasa ng Bibliya
c. Magsagawa ng regular na panalangin
d. Sundin ang likas batas na moral
10. Ang Likas na Batas Moral ang pinagbatayan ng paghusga ng konsensiya na
gawin ang mabuti at iwasan ang masama sapagkat may kamalayan at kalayaan ang
pagtungo sa kabutihan. Ang pahayag ay:
a. Tama, dahil nakaukit na sa pagkatao ang isang indibidwal ang Likas Batas
Moral
b. Tama, dahil ang konsensiya ay nakakabit sa isip ng tao
c. Mali, dahil ang tao ay may pagkakataong gumawa ng masama
d. Mali, dahil hindi maiiwasan ng tao na gumawa ng masama

BALIKAN

19
Gawain 1. Pagpapakahulugan

Panuto: Isulat ang salita o mga salita na nagpapahayag ng iyong sariling pagka-unawa sa
mga salitang konsensya at Likas na Batas Moral.
Gawin ito sa iyong kwaderno o “journal notebook”.

KONSENSIYA

LIKAS NA BATAS
MORAL

TUKLASIN
Gawain 2. Sariling Pananaw

Panuto: Tuklasin mo ang paraan ng iyong gagawing pagpili sa sitwasyong ito. Pag-
aralan ang case study sa ibaba. Ano ang iyong gagawin kung ikaw ay nahaharap sa
ganitong sitwasyon?

Naiwan kang mag-isa sa inyong silid-aralan. May nakita kang


pitaka sa ibabaw ng mesa. Nang tingnan mo, naglalaman ito
ng dalawang libong piso. Naroon din ang I.D ng may-ari sa isa
mong kaklase. Maysakit ang tatay
19 mo at kinakapos kayo sa
perang pambili ng kanyang gamot.
Kung ako ang nasa kalagayan ng mag-aaral na nakakita ng pitakang naglalaman ng
pera
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Ano ang nakatulong sa iyo sa paggawa ng desisyong ito?

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Ano ang pinagbatayan mo para sabihing tama o mali ang isang kilos?

___________________________________________________________________
____________________________________________________________ ________
_________________________________________________________________________

SURIIN

Unawain at pagnilayan ang mga sumusunod na babasahin. Magkaroon ng


masayang pag-aaral at ilagay sa isip at puso ang mga hatid na mensahe.
Simulan na at kayang kaya mo yan!

19
ANG KAUGNAYAN NG KONSENSIYA SA LIKAS NA BATAS MORAL

Naaalala mo pa ba noong ikaw ay bata pa? Ano ang sinasabi ng iyong ama at
ina, o ng iyong lolo at lola sa tuwing gumagawa ka ng mabuti o ng masama? Ayon
sa kanila, may dalawang katauhan sa iyong tabi, isa sa iyong kanan at isa sa kaliwa.
Pareho silang nagsisikap na impluwensyahan ka na pumili sa mabuti o masama na
dapat mong gawin sa isang sitwasyon.

Ngayon naman, marahil naririnig mo ang mga katagang: “Malinis ang


konsensiya ko” o kaya naman “Hindi maatim ng aking konsensiya…”Anongaba ang
konsensya?

Ang tao ay biniyayaan ng kakayahan na kumilala ng mabuti o masama. Ang


kakayahang ito ay tinatawag na konsensiya. Ang salitang konsensiya ay mula sa
salitang Latin nacum ibig sabihin ay “with” o mayroon at scientia, na ibig sabihin ay
“knowledge” o kaalaman. Samakatuwid, ang konsensiya ay nangangahulugang
“with knowledge” o mayroong kaalaman. Ipinahihiwatig nito ang kaugnayan ng
kaalaman sa isang bagay; sapagkat naipakikita ang paglalapat ng kaalaman sa
pamamagitan ng kilos na ginawa.

Ang paglalapat ng kaalaman ay maaaring magawa sa pamamagitan ng


sumusunod n aparaan, ayon kay Santo Tomas de Aquino:
a. Sa tulong ng konsensiya, nakikilala ng tao na may bagay siyang ginawa o
hindi ginawa.
Halimbawa: May inutos sa iyo ang nanay na linisan ang inyong harap bahay
ngunit hindi mo naman nagawa.
b. Sa pamamagitan ng konsensiya, nahuhusgahan ng tao kung may bagay na
dapat sana’y isinagawa subalit hindi niya ginawa o hindi niya dapat isinagawa
subalit ginawa.

19
c. Gamit ang konsensiya, nahuhusgahan kung ang bagay na ginawa ay
nagawa nang maayos at tama o nagawanang di maayos o mali .
o kung ang kilos ay masama. Ito ang tinutukoy ng katagang “hindi ako
matahimik, inuusig ako ng aking konsensya”.

Ipinakikita dito na ang konsensiya ay nakakabit sa isip ng tao; kaya’t ito ay


kakayahan ng isip na maghusga ng mabuti at masama. Ang konsensiya ang
batayan ng isip sa paghuhusga ng tama o mali. Paano nga ba nalalaman ng
konsensiya ang mabuti o masama? Ibinabatay ng konsensiya ang pagsukat o
paghusga sa kilos sa obhetibong pamantayan ng Likasna Batas Moral.

Ang Likas na Batas Moral ay ibinigay sa tao noong siya ayl ikhain. Ito ay sa
dahilang nakikibahagi siya sa karunungan at kabutihan ng Diyos. Sa pamamagitan
ng batas na ito, ang tao aymay kakayahang makilala ang mabuti at masama. Dahil
sa kalayaan, ang tao ay may kakayahang gumawa ng mabuti o masama. Nakaugat
ito sa kanyang malayang kilos-loob dahil ang pagtungo sa kabutihan o sakasamaan
ay may kamalayan at kalayaan. Hindi kailangan ng isang tao na pumasok sa
paaralan upang matutuhan o malaman ang batas na ito. Nakaukit ito sapagkatao ng
isang indibiduwal kaya’t ang unang prinsipyo nito ay: Likas sa tao na dapat gawin
ang mabuti at iwasan ang masama.

Ang Likas na Batas Moral ay likas sa tao dahil sa kanyang kalayaan. Kaya’t
ang walang kalayaan ay di sakop ng batas na ito. Nakasaad sa batas na ito ang
dapat gawin at di dapat gawin ng tao; kaya’t ito ang gumagabay sa kilos ng tao.
Layon ng batas-moral na pagkalooban ang tao ng kinakailangang batayan upang
makagawa siya ng tamang pasiya at kilos. Higit sa lahat, layunin ng batas na ito ang
kabutihan ng tao. Ang tao ang iisang nilikha na maaaring gumawa ng masama: ang
sumira ng kapwa at sumira ng kanyangsarili. Ito ang dahilan kung bakit
ipinagkaloob ang Likasna Batas Moral. Maiiwasang gawin ng tao ang masama kung
susundin niya ang batas na ito.

19
Narito ang mga Katangian ng Likas na Batas Moral:
a. Obhetibo– Ang batas na namamahala sa tao ay nakabatay sa katotohanan.
Ito ay nagmula sa mismong katotohanan – ang Diyos. Ang katotohanan ay
hindi nililikha; kaya hindi ito imbensyon ng tao. Ito ay natutuklasan lamang ng
tao. Pangkalahatang katotohanan ito na may makatuwirang pundasyon.
Naaayon sa reyalidad ito at hindi nakabatay sa tao. Hindi ito
naiimpluwensyahan ng anumang bagay lalo na ng pagtingin ng taodito.
Palagi itong umiiral dahil hindi ito naaapektuhan, kilalanin man ito ng tao o
hindi.
b. Pangkalahatan(Unibersal) – Dahil ang Likas na Batas Moral ay para satao,
sinasaklaw nito ang lahat ng tao. Nakapangyayari ito sa lahat ng lahi, kultura,
salahat ng lugar at salahat ng pagkakataon.
c. WalangHanggan (Eternal) – Ito ay umiiral at mananatiling iiral. Ang batasna
ito ay walanghanggan, walangkatapusan at walangkamatayan dahil ito ay
permanente. Ang kalikasan ng tao ay permanente kaya’t ang batas na
sumasaklaw sa kanya ay permanenterin. Ito ay totoo kahit saan at kahit
kailan.
d. Di nagbabago (Immutable) – Hindi nagbabago ang Likasna Batas Moral dahil
hindi nagbabago ang pagkatao ng tao (nature of man). Maging ang layon ng
taosamundo ay hindi nagbabago. Sa kabila ng pagkakaiba-iba ng kultura,
ang Likas na Batas Moral ang nagbibigkis sa lahat ng tao. Ito rin ang
nagpapatupad ng iisang alituntunin para sa lahat.

Ayon kay Lipio, binigyang direksiyon ng batas-moral ang pamumuhay ng tao.


Sinusunod niya ang batas-moral upang magawa ang mabuti, magkaroon ng
paggalang sa kapwa at makipagtulungan sa mga taong binigyan ng kapangyarihang
pangalagaan ang kapakanan ng lahat. Subalit hindi nangangahulugang ang tao ay
natatakpan ng batas na dapat niyang sundin araw –araw, bagkus , kailangan niyang
gawin ang tama ayon sa kanyang pagkatao. Samakatuwid, ang konsensiya ay ang
personal na pamantayang moral ng tao. Ito ang kakayahang isagawa ang mga
malalawak na pangkalahatang batas-moral sa pamamagitan ng sariling kilos. Ito ang

19
ginagamit sa pagpapasiya kung ano ang tama at kung ano ang mali sa
kasalukuyang pagkakataon.

Halimbawa, bagama’t isang obligasyon ang pagsisimba, may pagkakataong hindi


makadalo ang isang tao dahil may tungkulin siyang alagaan ang isang kasapi ng
pamilya na maysakit. Ito ang situwasyon na walang katapat na pangkalahatang
batas para matugunan. Ang kailangan ditto ay personal na pagpapasiya kung saan
ginagamit ng tao ang kaniyang konsensiya. Kailangan lagi ang isang paghatol sa
pagsasagawa ng isang pamantayan o pagtupad sa batas moral at dito kailangan
ang konsensiya. Subali’t, kung ang paghatol ay hindi naayon sa Likas na Batas
Moral, ang konsensiya ay maari pa ring magkamali. Maaaring magkaroon ng
kalituhan kung anong panuntunan ng kilos ang gagamitin. Maaari ring magkamali sa
paraan ng paggamit ng panuntunang ito. Dahil, dito , ang konsensiya ay maaaring
uriin bilang tama at mali ayon sa LIkas na Batas Moral ( Esteban, 1990)

Sanggunian gamit ang format ng Chicago Manual of Style: Kagawaran ng Edukasyon, Edukasyon sa
Pagpapakatao, Baitang 7. Modyul Para sa Mag-aaral. Pasig City: Kagawaran ng Edukasyon, Taon?,
pahina 147-151

PAGYAMANIN

Gawain 3. Kung Ikaw? ang Nasa Sitwasyon


Revise Panuto as follows:

Panuto: Basahin nang mabuti ang sitwasyon. Kung ikaw ang nasa sitwasyon na ito,
ano ang iyong gagawin? Tuklasin mo ang iyong gagawing mga hakbang o
pasiya.Isulat ang iyong mga sagot sa“journal notebook”. Gabay mo ang halimbawa.

19
1. Nakikilala na natatangi sa tao ang Likas na Batas Moral dahil ang pagtungo sa
kabutihan ay may kamalayan at kalayaan. Ang unang prinsipyo nito ay likas sa
tao na dapat gawin ang mabuti at iwasan ang masama. (EsP7PSIIc-6.1)
2. Nailalapat ang wastong paraan upang baguhin ang mga pasya at kilos na
taliwas sa unang prinsipyo ng Likasna Batas Moral (EsP7PSIIc-6.2)
Halimbawa:

Napupuyat sa gabi dahil sa paglalaro sa cellphone kaya tanghali ng gumising sa


umaga na nagiging sanhi na hindi na nakakatulong sa gawaing bahay.
Unang hakbang: Sisikaping mabawasan ang oras ng paglalaro ng
cellphone sa gabi.
Ikalawang hakbang: Magkakaroon ng disiplina sa sarili na makagising ng
maaga sa umaga
Pasya at paliwanag: Napag-alaman ko na ang pagpupuyat ay hindi maganda sa
kalusugan lalo na sa katulad kong kabataan. At ang hindi pagtulong sa magulang
ay hindi magandang gawain ng isang anak sa kanyang magulang. Ang mga
nakasanayan ko na hindi magandang Gawain ay sisikapin ko na mabago ito bilang
pagmamahaal sa sarili at sa magulang.

Ito ang sitwayong susuriin mo:

Nais ni Carol na magkaroon ng “cellphone”dahil sa kanilang magkakaibigan ay siya


na lamang ang wala nito. Malapit narin ang kanilang markahang pagsusulit. Sinabi
ng kanyang magulang na magiging masaya sila kung makakakuha ng mataas na
marka sa markahang pagsusulit at bilang gantimpala nila ay bibilhan siya ng bagong
“cellphone”. Nagsikap na mag-aral at maghanda si Carol para sa kanilang
markahang pagsusulit para matiyak niya na makakuha siya ng mataas na marka.

Nang dumating ang araw ng markahang pagsusulit, nakita ni Carol na parang iilan
lamang sa mga pinag-aaralan niya ang lumabas sa mga tanong. Kayat napapatingin
siya sa kanyang katabi para masigurado na tama ang kanyang mga sagot. Nasabi
ni Carol sa sarili na kung sakaling mangongopya siya, ito ay ngayon lamang niya

19
gagawin dahil sa dalawang dahilan:una ay mapasaya ang kanyang magulang at
pangalawa ay ang magkaroon ng cellphone.

Kung ikaw ang nasa katayuan ni Carol, ano ang pasiya na gagawin mo?

a. Unang hakbang: ________________________________________________


______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

b. Ikalawanghakbang: _____________________________________________
_____________________________________________________________

_____________________________________________________________
c. Pasya at paliwanag: _____________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

Pamantayan sa Paggawa
Pamantayan Puntos Nakuhang
Puntos
Paliwanag: 10
Malinaw ang paliwanag na naibigay sa una at
ikalawang hakbang

Pangangatwiran sa pasya
a. Nakabatay ang paliwanag sa pasya sa 5
una at ikalawang hakbang
b. Tumalima ang pasya sa Likas na Batas
Moral 5
Kabuuan 20 :

ISAISIP
Gawain 4. Buuin Mo.

19
Panuto: Dugtungan mo ng tamang sagot ang mga pangungusap sa iba upang
mabuo ang diwang isip. Isulat ang mga sagot sa kwaderno o sa “journal notebook”.
Maaring maging malikhain sa desenyo na iyong nais.

Ang tao ay biniyayan ng kakayahan na kumilala ng mabuti o masama. Ang


kakayahan na ito ay tinatawag na1. _____________________.

Ang Likas na Batas Moral ay ibinigay sa tao noong siya ay likhain. Kung kaya’t
siya ay nakikibahagi sa 2.______________ at 3.____________ ng Diyos

Dahil sa kalayaan ang tao ay nakakagawa ng 4.______________ o 5. __________.

Likas sa 6 __________na dapat gawin ang mabuti at iwasan ang masama.

Add Gawain 5: Anong mahalagang konsepto ang nahinuha


mo?
Panuto: Anong mahalagang konsepto ang nabuo sa isip mo tungkol sa paksa ng modyul na
ito habang binabasa mo ang babasahin sa Pagsusuri at ginagawa ang Gawain sa
Pagyamanin? Bumuo ng mahalagang konsepto sa isa o dalawang pangungusap. Ilagay ito
sa kahon sa ibaba.

Ang mahalagang konseptong nahinuha ko mula sa aralin:

___________________________________________________
______________________________________________

19
ISAGAWA
Gawain 5.
1. Nakikilala na natatangi sa tao ang Likas na Batas Moral dahil ang pagtungo sa
kabutihan ay may kamalayan at kalayaan. Ang unang prinsipyo nito ay likas sa
tao na dapat gawin ang mabuti at iwasan ang masama. (EsP7PSIIc-6.1)
2. Nailalapat ang wastong paraan upang baguhin ang mga pasya at kilos na
taliwas sa unang prinsipyo ng Likas na Batas Moral (EsP7PSIIc-6.2)

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat sitwasyon sa ibaba. Pag-aralan kung
paano babaguhin ng tauhan ang kanyang pasya o kilos upang tumalima o sumunod ito sa
unang prinsipyo ng Likas na Batas Moral. Gabay mo ang unang halimbawa.

Halimbawa:

Isang araw ng Sabado, ginagawa ni Yesa ang group report ng survey na ginawa nila sa
Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 7. Nakatakdang isumite ito sa Martes sa susunod
na linggo. Nagulat siya ng sinabi ng nanay niya na alagaan si Ayi, ang 3 taong gulang na
kapatid, dahil mamamalengke siya. Nainis si Yesa dahil umalis ang kanyang kuya na
dapat mag-alaga kay Ayi ng umagang iyon. Napilitan siyang sumagot sa kanyang nanay
ng “Opo”, ngunit nagpasya siya na paaalagaan niya ito kay Balong, 6 na taon na gulang
na kapitbahay nila. Gusto na niyang tapusin ang report.

Mga Tanong Mga Sagot


1. Anong dalawang mabuting kilos ang 1. Ang tapusin ang group report ng survey at ang pag-
nagtutunggalian sa sitwasyon na alaga kay Ayi
kinakaharap ni Yesa?
2. Isinaalang-alang ba niya ang mas 2. Hindi dahil ang mas mataas na mabuti (higher good)
mataas na mabuti (higher good) sa sa sitwasyong ito ay ang pag-alaga sa nakababatang
sitwasyong ito sa kanyang pasya? kapatid. Maaari pa niyang ituloy ang report pag dating
Pangatwiranan. ng nanay niya. Sa Martes pa naman isusumite ito.

19
3. Paano niya babaguhin ang kanyang 3. Siya na ang mag-aalaga kay Ayi imbes na
pasya upang tumalima o sumunod ito sa paalagaan ito kay Balong, 6 na taon na gulang na
unang prinsipyo ng Likas na Batas kapitbahay nila. Pananagutan niya kung anoman ang
Moral? mangyari kay Ayi, lalo na bata rin ang mag-aalaga dito.
May panahon pa siya upang tapusin ang group report.
4. Kapag pinili niya ang mas mataas na 4. Hindi dahil sumunod siya sa pinag-uutos ng
mabuting kilos, uusigin kaya siya ng kanyang nanay at mas sigurado siya na ligtas sa
kanyang konsensya? Pangatwiranan. anomang panganib o pagkasugat ang kanyang kapatid
kapag siya ang nag-alaga dito.

Pagkatapos ng klase, inanyayahan si Dessa ng kaniyang mga kaibigan na pumunta


sa mall at manood ng sine. Matagal na rin mula ng huli silang nakalabas bilang
isang grupo. Bago matapos ang palabas, biglang tumawag ang kaniyang ina at pilit
siyang pinauuwi. Mahigpit na ipinagbabawal ng kaniyang mga magulang ang
pamamalagi sa labas, lalo na kung gabi na. ngunit sinabihan si Janine ng kaniyang
mga kaibigan na kapag sinunod niya ang kaniyang ina, ititiwalag na siya sa
kanilang barkada at hindi na iimbitahan pa sa alinmang lakad ng barkada
kailanman. Ano ang dapt gawin ni Janine?

Mga Tanong Mga Sagot


1. Anong dalawang mabuting kilos ang
nagtutunggalian sa sitwasyon na
kinakaharap ni Dessa?

2. Isinaalang-alang ba niya ang mas


mataas na mabuti (higher good) sa
sitwasyong ito sa kanyang pasya?
Pangatwiranan.

3. Paano niya babaguhin ang kanyang


pasya upang tumalima o sumunod ito sa
unang prinsipyo ng Likas na Batas
Moral?

4. Kapag pinili niya ang mas mataas na


mabuting kilos, uusigin kaya siya ng
kanyang konsensya? Pangatwiranan.

19
Nalalapit na ang markahang pagsusulit sa paaralan nila James nang kausapin siya ng
kaniyang ama. Ayon kay Mang Peter, bibilhin niya ang pinakabagong modelo ng
cellphone na gusting-gusto ng kaniyang anak, sa kondisyon na makakuha siya ng
mataas na marka sa lahat ng asignatura. Magandang motibasyon ito para kay John
kaya’t naghanda at nag-aral siya nang mabuti. Nang dumating ang araw na
pinakahihintay, napansin ni John na wala sa kaniyang pinag-aralan ang mga tanong sa
pagsusulit. Kahit kinakabahan, sinimulan niyang sagutin ang mga tanong. Dahil hindi
sigurado, makailang beses siyang natuksong tumingin sa sagutang papel ng kaniyang
katabi lalo na kapag hindi nakatingin ang guro. Naisip niya na ito lamang markahang ito
siya mangongopya at hindi na niya ito uulitin pa. Bukod dito, ayaw niyang mawala ang
pagkakataon na mapapasaya ang kaniyang ama at magkaroon ng bagong cellphone.
Kung ikaw ang nasa kalagayan ni John, ano ang gagawin mo?

Mga Tanong Mga Sagot


1. Anong dalawang mabuting kilos ang
nagtutunggalian sa sitwasyon na
kinakaharap ni James?
2. Isinaalang-alang ba niya ang mas
mataas na mabuti (higher good) sa
sitwasyong ito sa kanyang pasya?
Pangatwiranan.
3. Paano niya babaguhin ang kanyang
pasya upang tumalima o sumunod ito sa
unang prinsipyo ng Likas na Batas
Moral?
4. Kapag pinili niya ang mas mataas na
mabuting kilos, uusigin kaya siya ng
kanyang konsensya? Pangatwiranan.

Sagutin ang mga tanong:


a. Naging madali bas a iyo ang pagsagot sa Gawain? Bakit?
b. Ano ang iyong naging pasiya sa bawat sitwasyon? Sa iyong palagay, tama ba
ang iyong pasiya?

19
TAYAHIN

Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag sa bawat bilang. Piliin ang titik ng
pinaka -angkop na sagot sa bawat bilang at isulat ito sa iyong kuwaderno.

1. Sobra ang sukli na natanggap niMelody nang bumili siya ng pagkain sa isang
restawran. Alam niyang kulang na ang kanyang pamasahe pauwi sa kanilang bahay
ngunit isinauli pa rin niya ang sobrang pera. Anong uri ng konsensiya ang ginamit ni
Melody?
a. Tamang konsensiya
b. Purong konsensiya
c. Maling konsensiya
d. Mabuting konsensiya
2. Ano ang bunga ng pagsunod sa tamang konsensiya?
a. Mapalaganap ang kabutihan
b. Makakamit ng tao ang tagumpay
c. Maaabot ng tao ang kanyang kaganapan
d. Mabubuhay ang tao nang walang hanggan
3.Ang mga sumusunod ay katangian ng konsensiya maliban sa:
a. Sa pamamagitan ng konsensiya, nakikilala ng tao na may mga bagay siyang
ginawa o hindi ginawa
b. Sa pamamagitan ng konsensiya, nakikilala ng tao ang tamang bagay na dapat
gawin at masamang dapat iwasan
c. Sa pamamagitan ng konsensiya, nahuhusgahan kung ang bagay na ginawa ay
nagawa nang maayos at tama o nagawa nang di-maayos o mali.
d. Sa pamamagitan ng konsensya lahat n gating ginagawa ay tama.
4. Sino ang natatanging nilalang na nararapat at tumanggap ng batas mula sa
Diyos?
a. halaman c. insekto
b. hayop d. tao

19
5. Ang Likas na Batas Moral ay nakabatay sa katotohanan. Ito ay hindi nilikha,
naaayon sa reyalidad at hindi naiimpluwensiyahan ng anumang bagay. Anong
katangian ng Likas na Batas Moral ang tinutukoy ng pangungusap?
a. Obhektibo
b. di – nagbabago
c. unibersal
d. walang hanggan
6. Paano nakikilala ng konsensiya ang tama o mali?
a. Kung napag-isipang mabuti ang kilos
b. Pagkatapos pagnilayan at isagawa ang kilos
c. Dahil alam niya ang kilos ay mabuti o masama
d. Kung inilalapat ng tao sa kanyang paghusga sa kilos at obhektibong
pamantayan ng Likas na Batas Moral
7. Ang likas Batas na Moral ay likas sa tao dahil sa kaniyang kalayaan. Dahil sa
kalayaan, ang tao ay may kakayahang makilala ang mabuti at masama. Ano ang
ibig sabihin ng pahayag na ito?
a. Ang tao ay may kakayahang gumawa ng mabuti o masama
b. Ang tao ay may kilos-loob
c. Ang tao ay nilikha ng Diyos
d. Ang tao ay may kakayahang mag-isip
8. Bakit ipinagkaloob sa tao ang Likas Batas na Moral
a. Dahil espesyal ang tao sa mata ng Diyos
b. Dahil ang tao ay may konsensiya
c. Dahil sa lahat ng nilikha ng Diyos ang tao ang maraming katangian na
ipinagkaloob Siya
d. Dahil ang tao ang natatanging nilikha na maaaring gumawa ng masama; ang
sumira ng kapwa at sumira ng kaniyang sarili
9. Ano ang maaaring gawin ng tao upang maiwasang gumawa ng masama?
a. Sumimba
b. Magbasa ng Bibliya
c. Magsagawa ng regular na panalangin
d. Sundin ang likas batas na moral

19
10. Ang Likas na Batas Moral ang pinagbatayan ng paghusga ng konsensiya na
gawin ang mabuti at iwasan ang masama sapagkat may kamalayan at kalayaan ang
pagtungo sa kabutihan. Ang pahayag ay:
a. Tama, dahil nakaukit na sa pagkatao ang isang indibidwal ang Likas Batas
Moral
b. Tama, dahil ang konsensiya ay nakakabit sa isip ng tao
c. Mali, dahil ang tao ay may pagkakataong gumawa ng masama
d. Mali, dahil hindi maiiwasan ng tao na gumawa ng masama

KARAGDAGANG GAWAIN

Gawain 6. Pagninilay - Teka Nga Muna!


Panuto:
a. Pumunta sa isang tahimik na lugar. Gunitain ang isang pasyang ginawa mo noong
nakaraang linggo na nagresulta sa iyong kalungkutan, pagkabagabag o pagsisisi.
b. Sagutin ang mga tanong sa ibaba sa iyong dyornal .

a. Pasyang ginawa: _____________________________________________________


_____________________________________________________
_____________________________________________________

b. Isulat ang iyong sagot sa loob ng kahon


Ano ang kaugnayan ng konsensiya sa Likas Ano ang dapat kong gawin kaugnay nito?
na Batas Moral?

19
Gawain 7. Pagsasabuhay
Malinaw na sa iyo na ang konsensiyang nahubog sa Likas na Batas Moral ay gabay
sa mabuting pagpapasiya at pagkilos. Gawin ang sumusunod:

Panuto:
1. Sa pagkakataong ito, itala ang mga mahalagang pasiya at kilos na isinagawa mo sa
loob ng isang lingo.

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

O, kumusta? Nagawamobanangmaayos ang mga Gawain? Kung oo, pumunta ka


nasasusunodnaModyul. Kung hindi, balikanmo ang mga Gawain samodyulnaito.
Hingin ang tulong o paggabay ng isangkamag-aral o ng guro.

MGA SANGGUNIAN

 EdukasyonsaPagpapakatao; Grade 7 Learners’Material, Modyul 6;


pahina147-151

19
SUSI SA PAGWAWASTO

6. TAO
4-5 MASAMA O MABUTI
2- 3 KARUNUNGAN AT KABUTIHAN
KONSENSYA

ISAISIP

SUBUKIN TAYAHAIN

Para samgakatanungan at puna, sumulat o tumawagsa:

Department of Education, - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (02) 634-1054; 634-1072; 631-4985


19
E-mail Address:blr.lrqad@deped.gov.ph; blr.lrpd@deped.gov

You might also like