You are on page 1of 19

7

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 1.3:
MGA ANGKOP AT INAASAHANG
KAKAYAHAN AT KILOS SA PANAHON
NG PAGDADALAGA O PAGBIBINATA
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ika-pitong Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 1.3: MGA ANGKOP AT INAASAHANG KAKAYAHAN AT
KILOS SA PANAHON NG PAGDADALAGA O PAGBIBINATA
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Ms. Rhoda O. Legrama
Editor: Mr. Marbin Pelayo - HT, Ms. Marivic Ruedas - HT
at Ms. Imelda S. Follosco, HT
Tagasuri: Dr. Ruth G. Yap - PSDS, Dr. Corazon P. Zinampan - PSDS at
Dr. Rodolfo de Jesus, EPS - Filipino
Tagaguhit: Ms. Rhoda O. Legrama
Tagalapat: Dr. Heidee F. Ferrer, Brian Spencer B. Reyes
Tagapamahala: Dr. JENILYN ROSE B. CORPUZ, CESO VI, SDS
Dr. FREDIE V. AVENDAÑO, ASDS
Mr. JUAN C. OBIERNA, Chief, CID
Dr. HEIDEE F. FERRER, Tagamasid Pangsangay – LRMS
Ms. MARIETTA CABALLERO, Tagapamasid Pangsangay – EsP

Inilimbag sa Pilipinas ng Schools Division Office- Quezon City

Department of Education

Office Address: Nueva Ecija, St., Bago Bantay, Quezon City


Telefax: 3456-0343
E-mail Address: sdoqcactioncenter@gmail.com
7

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 1.3
MGA ANGKOP AT INAASAHANG
KAKAYAHAN AT KILOS SA
PANAHON NG PAGDADALAGA O
PAGBIBINATA
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 7 ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling: Mga Angkop at
Inaasahang Kakayahan at Kilos sa Panahon ng Pagdadalaga o Pagbibinata!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7 ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Mga Angkop at Inaasahang Kakayahan at
Kilos sa Panahon ng Pagdadalaga o Pagbibinata!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

iii
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Sa modyul na ito ay inaasahang masasagot mo ang Mahalagang Tanong na: Bakit


mahalaga ang paglinang ng mga angkop na inaasahang kakayahan at kilos sa
panahon ng pagdadalaga/pagbibinta?

Sa modyul na ito, inaasahang maipapamalas mo ang sumusunod na kaalaman,


kakayahan, at pag-unawa:
1. Naipaliliwanag na ang paglinang ng mga angkop na inaasahang kakayahan
at kilos (developmental tasks) sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata ay
nakatutulong sa:
a. pagkakaroon ng tiwala sa sarili, at
b. paghahanda sa limang inaasahang kakayahan at kilos na nasa mataas
na antas (phase) ng pagdadalaga/pagbibinata (middle and late
adoscence): (paghahanda sa paghahanapbuhay, paghahanda sa pag-
aasawa / pagpapamilya, at pagkakaroon ng mga pagpapahalagang
gabay sa mabuting asal), at pagiging mabuti at mapanagutang tao
c. pag-unawa ng kabataan sa kanyang mga tungkulin sa sarili, bilang
anak, kapatid, mag-aaral, mamamayan, mananampalataya, kosyumer
ng media at bilang tagapangalaga ng kalikasan ay isang paraan upang
maging mapanagutan bilang paghahanda sa susunod na yugto ng
buhay
(EsP7 S-lb-1.3)

1
Subukin

Panuto: Tukuyin kung Tama o Mali ang sinasaad ng mga pangungusap.

___________ 1. Sa yugto ng maagang pagdadalaga o pagbibinata, inaasahan na ang


pagkakaroon ng tinedyer ng kasintahan (girlfriend/boyfriend).

___________ 2. Masasabi lamang na ganap ang pakikipag-ugnayan kung handang


ipaalam ang lahat sa kapwa.

___________ 3. Ang pakikipag-ugnayan ay walang kondisyon, kaya mahalagang


tanggapin ang isang tao bilang tunay na siya.

___________ 4. Kahit walang tiwala sa isa’t-isa magiging matatag pa rin ang


pundasyon ng pakikipag-ugnayan.

___________ 5. Kailangang maging maingat at hindi padalos-dalos sa mga gagawing


pagpapasya.

___________ 6. Lahat ng mga karanasan, positibo man o hindi, ay may mabuting


ibubunga tungo sa pag-unlad ng iyong pagkatao.

___________ 7. Ang isang kabataang nagdadalaga o nagbibinata ay hindi na kailangan


ng tulong o payo ng isang taong nagmamalasakit sa kanya.

___________ 8. Gaano man kalaki ang hamon sa iyo, kailangan mo pa ring harapin
ang mga ito.

___________ 9. Mahalagang kilalanin ang mga inaasahan at kilos lalo na sa yugto ng


maagang pagdadalaga o pagbibinata.

___________ 10. Ang inaasahang kakayahan at kilos (developmental tasks) sa bawat


yugto ng pagtanda ng tao ay nagsisilbing gabay upang magampanan
ng tama ang mga tungkulin sa lipunan.

2
Balikan

Panuto: Isulat ang mga aspeto sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata at magbigay


ng mga palatandaan ng pag-unlad sa iba’t ibang aspekto ayon sa iyong natutunan
sa nakaraang talakayan.

Mga aspekto sa panahon


ng
pagdadalaga/pagbibinata

Ang mga palatandaan ng pag-unlad bilang isang nagdadalaga/nagbibinata ay


__________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

3
Tuklasin

Gawain: Suriin ang awiting “Batang-Bata Ka Pa”, at sagutin ang mga sumusunod
na tanong.

BATANG-BATA KA PA
Apo Hiking Society

Batang-bata ka pa at marami ka pang


Kailangang malaman at intindihin sa mundo
Yan ang totoo
Nagkakamali ka kung akala mo na ang buhay
Ay isang mumunting paraiso lamang

Batang-bata ka lang at akala mo na, na alam


Mo na ang lahat na kailangan mong malaman
Buhay ay di ganyan
Tanggapin mo na lang ang katotohanan na ikaw
Ay isang musmos lang na wala pang alam
Makinig ka na lang makinig ka na lang

Chorus
Ganyan talaga ang buhay lagi kang nasasabihan
Pagkat ikaw ay bata at wala pang nalalaman
Makinig ka sa 'king payo pagkat musmos ka lamang
At malaman ng maaga ang wasto sa kamalian

Batang-bata ako nalalaman ko 'to


Inamin ko rin na kulang ang aking nalalaman at nauunawaan
Ngunit kahit ganyan ang kinalalagyan alam
Ko na may karapatan ang bawat nilalang
Kahit bata pa man, kahit bata pa man

Nais ko sanang malaman ang mali sa katotohanan


Sariling pagraranas ang aking pamamagitan
Imulat ang isipan sa mga kulay ng buhay
Maging tunay na malaya sa katangi-tanging bata
Batang-bata ka pa at marami ka pang
Kailangang malaman at intindihin sa mundo
Nais ko sanang malaman ang mali sa katotohanan
Batang-bata ka lang at akala mo na na alam mo
Na ang lahat na kailangan mong malaman
Sariling pagraranas ang aking pamamagitan
Nagkakamali ka kung akala mo na ang buhay
Ay isang mumunting paraiso lamang

4
Gabay na Tanong:

1. Ano ang iyong naramdaman pagkatapos mong suriin o awitin ang kanta?

2. Ano ang mensahe ng awitin?

3. Ayon sa awitin, ang kabataan daw ay marami pang dapat malaman at


maintindihan. Ano ang mga linyang lagi mong naririnig o ipinapaalala sa
iyo ng iyong nanay, tatay, at guro ngayong ikaw ay nasa panahon ng
pagdadalaga o pagbibinata?

Suriin

ANG MGA INAASAHANG KAKAYAHAN AT KILOS


SA PANAHON NG PAGDADALAGA O PAGBIBINATA

Anak, sana maintindihan mo


Anak totoo ba na na kaya ka namin madalas
may crush ka na? na hinihigpitan ay para rin sa
naku ang bata mo iyong kabutihan. Dalaga ka
pa para diyan. na kasi!

Ang bata mo pa Dalaga ka na


para makialam sa dapat hindi ka
mga desisyon dito umaalis nang
sa bahay. hindi naaayos. ang
iyong silid.

Ang yugto ng pagdadalaga o pagbibinata ay yugto ng kalituhan, hindi lamang


para sa iyo kundi maging sa mga taong nakapaligid sa iyo. Isa ka bang bata pa o
papunta na sa pagiging matanda?
Bawat tao ay may mga inaasahang kakayahan at kilos (developmental tasks)
sa bawat yugto ng buhay na dapat tugunan o gampanan. Kailangan ang mga ito
upang malinang ang kanyang mga talento at kakayahan at matamo ang kaayusan
sa pamayanan.

5
May tatlong mahalagang layunin ang inaasahang kakayahan at kilos
(developmental tasks) sa bawat yugto ng pagtanda ng tao. Ang mga ito ay
kailangangan upang malinang ang talent at kakayahan ng isang
nagdadalaga/nagbibinata

1. Nagsisilbing gabay ang mga ito kung ano ang inaasahan ng


lipunan sa bawat yugto ng buhay.
2. Nagsisilbing pangganyak o motibasyon ang mga ito sa binatilyo o
dalagita upang gawin niya ang mga inaasahan sa kanya ng lipunan.
3. Malilinang ang kakayahang iakma ang kanyang sarili sa mga
bagong sitwasyon.

Ayon kay Havighurst (isang developmental psychologist) may walong inaasahang


kakayahan at kilos na dapat malinang sa panahon ng pagdadalaga o pagbibinata
(Hurlock, 1982, p.11).

Ang mga ito ay ang sumusunod:

1. pagtatamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan (more mature


relations) sa mga kasing-edad
Mga hakbang:
a. Alamin mo kung ano talaga ang iyong nais
b. Ipakita ang tunay na ikaw
c. Panatilihing bukas ang komunikasyon
d. Tanggapin ang kapwa at kaniyang tunay na pagkatao
e. Panatilihin ang tiwala sa isa’t isa
f. Maglaro at maglibang
g. Mahalin mo ang iyong sarili
2. pagtanggap ng papel sa lipunan na angkop sa babae o lalaki
3. pagtanggap sa mga pagbabago sa katawan at paglapat ng tamang
pamamahala sa mga ito
4. pagnanais at pagtamo ng mapanagutang asal sa pakikipagkapwa
5. pagkakaroon ng kakayahang makagawa ng maingat na pagpapasya
6. paghahanda para sa paghahanapbuhay
Mga hakbang:
a. Kilalanin ang iyong mga talento, hilig, kalakasan at kahinaan.
b. Makipagkaibigan at lumahok sa iba’t ibang gawain sa paaralan
(extra curricular activities).
c. Magkaroon ng plano sa kursong akademiko o teknikal-bokasyonal
na ibig kunin sa hinaharap.
d. Sumangguni sa mga matagumpay na kakilala na may hanapbuhay
o negosyo upang magtanong tungkol sa mga ginagawa nila sa
nasabing hanapbuhay o negosyo.
e. Hubugin ang tiwala sa sarili at ang kakayahan sa pagpapasiya.
f. Hingin ang payo ng mga magulang sa pagpili ng angkop na kurso
g. para sa iyo.
7. paghahanda para sa pag-aasawa at pagpapamilya
8. pagkakaroon ng mga pagpapahalagang gabay sa mabuting asal
Mga hakbang:
a. Hayaang mangibabaw ang iyong mga kalakasan.
b. Huwag matakot na harapin ang mga bagong hamon,
c. Palaging maging positibo sa iyong mga pag-iisip.
d. Isipin mo ang iyong mga kakayahan.

6
Gabay na mga tanong:

1. Ano ang tatlong mahahalagang layunin ng inaasahang kakayahan at


kilos (developmental task) sa bawat yugto ng pagtanda ng tao?
Ipaliwanag ang bawat isa.

2. Bakit mahalagang kilalanin ang mga inaasahang kakayahan at kilos


lalo sa yugto ng maagang pagdadalaga o pagbibinata (early
adolescence)?

3. Dapat bang sumangguni sa mga nakatatanda o awtoridad na higit na


may alam na at nagpapamalas ng mabuting pamumuhay
(hal., magulang o kapatid) sa mga pasiyang gagawin? Pangatwiranan.

4. Bakit mahalaga ang paglinang ng mga angkop na inaasahang


kakayahan at kilos (developmental tasks) sa panahon ng
pagdadalaga/pagbibinata?

Pagyamanin

Gawain
Panuto: Paano mo pinangangasiwaan ang mga sumusunod na sitwasyon na
maaaring maranasan ng isang nagdadalaga/nagbibinata?

1. Pakikipag- ugnayan sa mga kasing edad


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. Pagsasagawa ng mga pasya/desisyon


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

3. Pakikipag-ugnayan sa magulang at pamilya


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

7
4. Mga pagbabago sa katawan
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

5. Pakikipagkaibigan sa katapat na kasarian


_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

Isaisip

Panuto: Gamit ang Graphic Organizer, isulat ang mahahalagang konsepto na


natutunan sa katatapos na talakayan.

LAYUNIN NG INAASAHANG KAKAYAHAN AT


KILOS SA BAWAT YUGTO NG PAGTANDA

INAASAHANG
KAKAYAHAN AT
KILOS NA DAPAT
MALINANG

8
Isagawa

Panuto: Gumawa ng mga alituntuning magsisilbing gabay sa pagbuo at paglinang


ng mga angkop na inaasahang kakayahan at kilos sa panahon ng
pagdadalaga/pagbibinata sa pang-araw-araw na gawain.

Tayahin

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Ano ang mga mahahalagang layunin ng inaasahang kakayahan at kilos


(developmental tasks) sa bawat yugto ng pagtanda ng tao? Ipaliwanag.

2. Bakit mahalaga ang pagtatamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan


sa mga kasing-edad?

3. Paano maipakikita ang pagiging tunay na responsable sa iyong


pakikipagkapwa?

4. Paano masasanay ang sarili na magkaroon ng positibong pag-iisip?

5. Bakit mahalaga ang paglinang ng mga angkop na inaasahang kakayahan


at kilos sa panahon ng pagdadalaga o pagbibinata?

9
Karagdagang Gawain

Panuto: Sumulat ng isang repleksiyon sa isang buong papel, tungkol sa


kahalahagahan ng paglinang ng mga angkop na inaasahang
kakayahan at kilos sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinta sa pang-
araw-araw na gawain.

Rubrik para sa Pagsusuri ng Repleksiyon


5 - Malinaw ang ipinarating na mensahe ng mga pangungusap sa repleksiyon.
4 - Maayos na naisulat ang repleksyon pero may isa hanggang dalawang
pangungusap na hindi malinaw na naiparating.
3 - Mayroong mahigit sa tatlong pangungusap na hindi malinaw ang mensahe at
hindi maayos ang pagkakasulat.
2 - Mayroong mahigit sa limang pangungusap na hindi maayos ang pagkakasulat
at hindi malinaw ang mensahe.
1 - Walang nagawang repleksiyon.

10
11
Tayahin Subukin
Ang mga sagot ay depende sa 1. Mali
pagkakaunawa ng mga mag-aaral 2. Tama
3. Tama
4. Mali
5. Tama
6. Tama
7. Mali
8. Tama
9. Tama
10. Tama
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Mary Jane B. Brizuela, Manuel B. Dy, Jr., Sheryll Gayola, Marivic Leaño, at
Ellanore G. Querijero - Edukasyon sa Pagpapakatao- Ika-Pitong Baitang, Unang
Edisyon 2013
Constantina S. Arrogante, Carmen M, Cabato, Dodie G. Belleza, at VeronicaE.
Ramirez, Ph.D. – Edukasyon sa Pagpapakatao 7, Unang Edisyon, Vibal Group, Inc.

Mula sa Internet
https://www.youtube.com/watch?v=7epf3hlIp4A
https://phsedukasyonsapagpapakataogr7.weebly.com/modyul-1.html
https://www.picturesof.net/_images_300/A_Colorful_Cartoon_Mother_and_Daught
er_Looking_Into_Each_Others_Faces_Royalty_Free_Clipart_Picture_101101-
134118-944053.jpg
https://genius.com/Apo-hiking-society-batang-bata-ka-pa-lyrics

12
13

You might also like