You are on page 1of 19

9

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 1
Layunin ng Lipunan: Kabutihang
Panlahat.

1
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ika-siyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 1: Layunin ng Lipunan: Kabutihang Panlahat.
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Ms. Lea O. Ya-on
Editor: Ms. Abegail Benito – MT, Ms. Brenda Cairo – HT,
Ms. Imelda Follosco – HT, at Mr. Noel Jomadjao - HT
Tagasuri: Dr. Ruth G. Yap – PSDS, Dr. Corazon Zinampan – PSDS at
Dr. Rodolfo De Jesus – EPS - Filipino
Tagaguhit: Ms. Lea O. Ya-on
Tagalapat: Dr. Heidee F. Ferrer, Brian Spencer B. Reyes
Tagapamahala: Dr. Jenilyn Rose Corpuz, CESO VI, SDS
Dr. Fredie Avendaño, ASDS
Mr. Juan C. Obierna, Chief - CID
Dr. Heidee Ferrer, EPS - LRMS
Ms. Marietta S. Caballero, EPS - ESP

Inilimbag sa Pilipinas ng Sangay ng mga Paaralang Panlungsod, Lunsod Quezon


Lokal ng Pamahalaan ng Lungsod Quezon

Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon

Office Address: Nueva Ecija St., Bago Bantay, Quezon City


Telepono: 3456 – 0343
Email Address: sdoqcactioncenter@gmail.com

2
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 9 ng
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Layunin ng Lipunan:
Kabutihang Panlahat.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador
mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sapag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at
malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pang-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan samateryal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong
ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para saGuro


Ang modyul na ito ay naglalaman ng
kahalagan ng Layunin ng Lipunan sa
pagkamit ng Kabutihang Panlahat

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo nahigit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mgagawaing nakapaloob sa modyul.

iii
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa (Edukasyon Sa Pagpapakatao 9) ng Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Layunin ng Lipunan: Kabutihang Panlahat.
Ang kamay ay madalas gamit ng simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa
pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.
Ang modyul naito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan samodyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuhamo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan
sapaksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o

iv
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
reyalidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi saPagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul naito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat saiba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago lumipat sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda saiyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

v
Alamin

Ang modyul na ito ay naglalayon na maipabatid sa mga mag-aaral ang mga dahilan
kung bakit mahalaga ang pakikibahagi sa lipunan na ating kinabibilangan. Matutuhan
kung Paano makakamit at mapananatili ang kabutihang panlahat at Bakit mahalagi na
ito ay makamit at mapanatili. Layon ng aralin na ito na matuklasan ng mga mag-aaral
ang kanilang Tunay na kaganapan bilang indibidwal sa pamamagitan ng pakikibahagi
sa lipunan.
Sa modyul na ito, inaasahang maipamalas mo ang mga sumusunod na kaalaman,
kakayahan at pag-unawa. Sa katapusan ng modyul na ito inaasahan na maipamalas
ang mga sumusunod:
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa lipunan at layunin nito ang
Kabutihang panlahat.

• Natutukoy ang mga elemento ng kabutihang panlahat. EsP9PL-la1.1

• Nakapagsusuri ng mga halimbawa ng pagsasaalang-alang sa kabutihang


panlahat sa pamilya, paaralan, pamayanan o lipunan. EsP9PL-la1.2

1
Subukin

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Piliin ang
pinakaangkop na sagot at isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

1. Ayon Kay Dr. Manuel Dy, isang propesor ng Pilosopiya sa Ateneo de Manila
University, binubuo ng mga tao ang lipunan at binubo ng lipunan ang mga tao. Ito
ay nangangahulugang:
a. Ang tao ang gumagawa sa lipunan at kaalinsabay nito ay ang lipunan at hinuhubog
ng lipunan sa mga tao.
b. Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil mula sa kaniyang pagsilang ay nariyan na
ang pamilyang nag-aaruga sa kaniya; binubuo ng lipunan ang tao dahil matatagpuan
ang tao sa lahat ng bahagi nito.
c.Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil ang kanilang mga kontribusyon ang
nagpapalago at nagpapatakbo dito; binubuo ng lipunan ang mga tao dahil ang
lipunan ang nagbubuklod sa lahat ng tao.
d.Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil pamilya ang nag-aarugan sa tao at dahil
matatagpuan ang tao sa lahat ng bahagi nito; binubuo ng lipunan ang tao dahil sa
lipunan makakamit ang kaganapan ng kaniyang pagkatao.

2. Ang sumusunod ay hadlang sa pagkamit ng kabutihang panlahat maliban sa:


a. Paggawa ng tao ayon sa kaniyang pansariling hangad
b. Pagkakaroon ng pakiramdam na mas Malaki ang naiaambag niya ng sarili kaysa sa
nagagawa ng iba
c. Pakikinabang sa benepisyong hatid ng kabutihang panlahat subalit pagtanggi sa
pagbabahagi para sa pagkamit nito.
d. Pagkakait ng tulong para sa kapuwa ng nangangailangan.

3. Ano ang pagkakaiba ng lipunan sa komunidad?


a. Sa lipunan, ang ngangingibabaw ay ang iisang tunguhin o layunin samantalang sa
komunidad ang mahalaga ay ang pagkakabukod-tangi ng mga kabilang dito.
b. Sa lipunan, ang pangkat ng mga tao ay may nagkakaisang interes, mithiin, at
pagpapahalaga samantalang sa komunidad, ang namumuno ang nagbibigay ng
direksiyon sa mga taong kasapi nito.
c. Sa lipunan, ang namumuno ay inaatasan ng mga mamamayan na kamtin ang
mithiin ng mga kasapi nito samantalang sa komunidad, ang mga tao ang
nararapat na manaig sa pagkamit ng kanilang mga mithiin.
d. Sa lipunan mas Malaking pamamahala ang nakasakop samantalang sa
komunidad ay mas maliit na pamahalaan.

4. Ang buhay ng tao ay panlipunan. Ang pangungusap ay:


a. tama dahil sa lipunan lamang siya nakikipamuhay.
b. tama, dahil lahat ng ating ginagawa at ikinikilos ay nakatuon sa ating kapwa.

2
c. Mali, dahil may mga pagkakataong ang tao ang nagnanais na makapag-isa.
d. Mali, dahil may iba pang aspekto ang tao maliban sa pagiging panlipunan.

5. Ang sumusunod ay elemento ng kabutihang panlahat maliban sa:


a. Kapayapaan
b. katiwasayan
c. Paggalang sa indibidwal na tao.
d. Tawag ng katarungan

Aralin Layunin ng Lipunan:


1 Kabutihang Panlahat

MgaTala para saGuro

Pagpapakilala ng sarili sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kanyang nalalaman


tungkol sa lipunan at kanyang papel na ginagampanan bilang bahagi ng lipunan.
Halimbawa: Ako si Tina isang mabuting mag-aaral at kabilang sa lipunan ng mga
mag-aaral na may layuning matuto ng mga mahahalagang bagay na aming
magagamit sa hamon ng buhay upang maging isang ganap na matagumpay na
indibidwal sa hinaharap. Ako din po ay kabilang sa aming pamayanan at
nakikibahgi sa aking munting paraan upang makatulong sa bayan, tulad ng
pagsunod sa batas at paggalang sa aking mga magulang at guro.

3
Balikan

Panuto: Noong ikaw ay nasa Ikawalong Baitang, natutuhan mo na ikaw ay may


responsibilidad sa iyong kapwa. Muli mo itong balikan sa pagkakataong ito gamit ang
graphic organizer sa ibaba. Gawin ito sa isang malinis na papel.

Ang responsibilidad bilang…..

ANAK KAPATID KAIBIGAN

•1. •1. •1.


•2. •2. •2.

Gabay na Tanong:
1. Ano ang kahalagahan ng mga responsibildad na ito sa iyo bilang isang kabataan?
2. Ano ang maitutulong mo sa ikauunlad ng lipunan?

4
Tuklasin

Panuto: Basahin nang mabuti ang malayang tula sa ibaba. Sagutin ang mga tanong
sa ibaba sa isang malinis na papel.

Ikaw ay Kabilang ng Lipunan


Ni: Lea O. Ya-on
Ang buhay ng tao ay panlipunan.
Lahat tayo ay may bahaging ginagampanan.
Walang sinuman, ang nabubuhay para sa sariling kapakanan.
Tayo nilikha upang magtulungan.

Ang buhay mo ay magiging makabuluhan.


Kung ikaw ay makikibahagi sa lipunan.
Tumulong sa kapwa yan ang utos ni bathala.
Yan ang tunay na layunin ng iyong pagkakalikha.

Ang buhay mo ay mahalagang layunin.


kaya dapat lang, tandaan at lagi iispin.
Tayong lahat ay kabilang sa lipunan.
Tayong lahat ay may pananagutan.
Mga Tanong:

1. Ano ang mensahe na nais iparating ng tula?


_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

2. Bakit sinasabing walang sinuman ang nabubuhay sa sarili lamang?


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
3. Paano mo makakamit ang kaganapan ng iyong pagkakalikha?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
4. Sumasang-ayon ka ba na kailangan mong makibagay at makisama sa ibang tao
upang makamit mo ang kaganapan ng iyong pagkakalikha?
_________________________________________________________________________
___________________________________________________________________

5
Suriin

Ayon kay Dr. Manuel Dy Jr. “Ang buhay ng TAO ay PANLIPUNAN”, ang tao ay
likas na sosyal dahil ikaw ay nilikhang sumasalipunan, isa kang panlipunang nilalang.
Ayon kay Jacques Maritain (manunulat ng aklat na the person and the Common
Good, 1996) hahanapin talaga ng tao na mamuhay sa lipunan sa dalawang dahilan:
UNA, ito ay dahil sa katotohanang hindi siya nilikhang perpekto o ganap at dahil likas
para sa kanya ang magbahagi sa kaniyang kapwa ng kaalaman at pagmamahal.
Ayon kay Dr. Manuel Dy, hindi gawa ng dalawang tao ang wika, ito ay galing sa
lipunan.
PANGALAWA, hinahanap ng tao na mamuhay sa lipunan dahil sa kaniyang
pangangailangan o kakulangan mula sa material na kalikasan.
Ayon kay Santo Tomas Aquinas (may akda ng aklat na Summa Theologica), sa
pamamagitan lamang ng lipunan makakamit ng tao ang layunin ng kaniyang
pagkakalikha.
Ayon naman kay John Rawls (American Philosophy), ang KABUTIHANG
PANALAHAT ay ang pangkalahatang kondisyon na pantay na ibinabahagi para sa
kapakinabangan ng lahat ng kasapi ng isang lipunan.-Ang tunay na layunin ng lipunan
ay ang kabutihan ng komunidad na nararapat na bumalik sa lahat ng indibidwal na
kasapi nito.-Ipinaliwanag ni Sto. Tomas Aquinas na ang tunguhin ng lipunan ay
kailangang pareho sa tunguhin ng bawat indibidwal.

Mga Elemento ng Kabutihang Panlahat


1. Ang Paggalang sa indibidwal na tao.
Dahil ang kabutihang panlahat ay nagpapahalaga sa kalikasan ng tao, hindi ito
lubos na iiral kung hindi kikilalanin at pahahalagahan ang kaniyang dignidad.
2. Ang tawag ng katarungan o kapakanang panlipunan ng pangkat.
Ang pag-unlad ang kabuuang pokus ng panlipunang tungkuling kailangang
maibigay sa mga tao. 3. Ang kapayapaan (peace).
Kalimitang sinasabi na ang kapayapaan ay ang pagkakaroon ng katahimikan,
kapanatagan, o kawalan ng kaguluhan sa lahat ng aspekto ng buhay tulad ng isip,
kalooban, pamilya, lipunang ginagalawan at iba pa, subalit ang kapayapaan ay
resulta ng pagkakaroon ng katahimikan, kapanatagan, at kawalan ng kaguluhan.
Mga Hadlang sa Pagkamit ng Kabutihang Panlahat
1. Nakikinabang lamang sa benepisyong hatid ng kabutihang panlahat, subalit
tinatangihan ang bahagaing dapat gampanan upang mag-ambag sa pagkamit nito.
2. Ang indibidwalismo, ibig sabihin ang paggawa ng tao ng kaniyang personal na naisin.
3. Ang pakiramdam na siya ay nalalamangan o masa malaki ang naiaambag niya kaysa
sa nagagawa ng iba.
Mga Kondisyon sa Pagkamit ng Kabutihang Panlahat
1. Ang lahat ng tao ay dapat mabigyan ng pagkakataong makakilos nang Malaya gabay
ang diyalogo, pagmamahal at katarungan.
2. Ang pangunahing karapatang pantao ay nararapat na mapangalagaan.
3. Ang bawat indibidwal ay nararapat na mapaunlad patungo sa kaniyang kaganapan.

6
Lipunan
Ang salitang Lipunan ay nagmula sa salitang ugat na lipon na nangangahulugang
pankat ng tao na mayroong iisang tunguhin o layunin. Ito ay kolektibo ngunit may
pagpapahalaga sa indibidwal ng mga kasapi.
Komunidad
Ang salitang komunidad ay galing sa salitang latin na communis na
nangangahulugang common o pagkakapareho. Ito ay binubuo ng mga indibidwal na
nagkakapareho ng mga interes, ugali o pagpapahalaga.

Panuto:
Bigyan ng kahulugan ang bawat titik ng salitang Lipunan at Komunidad batay sa
iyong pagkakaunawa sa salitang ito. Gawin ito sa iyong kwaderno.

K- _____________________
L- _____________________ O-______________________
I-______________________ M-______________________
P-______________________ U-______________________
U-______________________ N-______________________
N-______________________ I-______________________
A-______________________ D-______________________
N-______________________ A-______________________
D-______________________

7
Pagyamanin

Sitwasyon:
Ang pandaigdigang pandemya na Covid 19 sa kasalukuyang panahon ay
nagdudulot ng malaking suliranin sa lahat ng panig ng daigdig. Mabilis na kumakalat
ang Virus, ang kapasidad ng pagsusuri ay limitado at wala paring bakuna na lulunas
sa sakit. Dahil dito tuluyang bumabagsak ang ekonomiya dahil sa kawalan ng hanap
buhay ng mga tao.

Panuto:
Bilang isang anak sa loob ng tahanan, isang mag-aaral sa paaralan at
mamamayan na bahagi ng pamayanan at pamahalaan. Ano ang magagawa mo
upang masiguro ang pag-iral ng kabutihang panlahat sa bawat sektor ng lipunan sa
kabila ng umiiral ang pandaigdigang pandemiko, ang Covid 19?

PAMILYA
____________________ PAMAYANAN
____________________ ____________________
____________________ ____________________
____________________ ____________________
____________________ ____________________
____________________ ____________________
___________________. ____________________
___________________.

PAARALAN PAMAHALAAN
____________________
____________________
____________________
____________________
____________________
____________________
____________________
____________________
____________________
____________________
____________________
____________________
___________________.
___________________.

8
Isaisip

“Huwag mong itanong kung ano ang


magagawa ng iyong bansa para sa iyo,
kundi itanong mo kung ano ang magagawa
mo para sa iyong bansa.
- John F. Kennedy

9
Isagawa

Panuto: Sumulat ng limang batas na nais mong ipatupad sa iyong tahanan at silid
aralan. Batas na tutulong upang makamit ang kabutihang panlahat. Isulat ito sa long
bond paper.

Batas para sa kabutihang panlahat

1. __________________________________________________
2. ___________________________________________________
3. __________________________________________________
4. __________________________________________________
5. __________________________________________________

10
Tayahin

I.Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag. Isulat ang tama kung ang
pangungusap ay nagpapahayag ng wastong paraan pagkamit ng kabuting panlahat at
Mali kung hindi. Isulat ang sagot sa isang malinis na papel.
____1. May kapayapaan kapag iginagalang ang bawat indibidwal at umiiral ang
katarungan.
____2. Ang paggalang sa indibidwal na tao, tawag ng katarungan at kapayapaan ay mga
mahahalagang elemento ng kabutihang panlahat.
____3. Natutugunan ang tawag ng katarungan kapag walang namamagitan sa mga
alitan ng dalawang panig at hindi naibibigay ang nararapat sa kapwa.
____4. Ang tunay na tunguhin ng ng lipunan ay ang kabutihan ng komunidad na
nararapat na bumalik sa lahat ng indibidwal na kasapi nito.
____5. Makakamit ng tao ang kaniyang personal na kabutihan sa pagiging bahagi nya
sa lipunan.

II. Panuto: Basahin ang pangungusap at sagutin ang sumusunod na mga tanong. Piliin
ang tamang sagot sa loob ng kahon.

Jacques Maritain Kapayapaan


Santo Thomas Aquinas John Rawls
Kabutihang Panlahat Katarungan
Komunidad John F Kennedy
Dr. Manuel Dy Jr. Lipunan

_____________1. Ito ay ang pangkat ng mga tao na may iisang tunguhin o layunin.
_____________2 Siya ang may wika ng Ang buhay ng tao ay panlipunan.
_____________3 Ito ay galing sa salitang latin na communis na nangangahulugang
pagkakapare-pareho.
_____________4. Ito ay ang tunay na tunguhin ng lipunan.
_____________5 Ayon sa kanya hahanapin talaga ng tao na mamuhay sa lipunan sa
dalawang dahilan.
_____________6 Ayon sa kanya sa pamamagitan lamang ng lipunan makakamit ng tao
ang layunin ng kaniyang pagkakalikha.

_____________7. Ito ay ang pagkakaroon ng katahimikan, kapanatagan o kawalan ng


kaguluhan sa lahat ng aspekto ng buhay.

11
_____________8. Siya ang nag wika ng “Huwag mong itanong kung ano ang magagawa
ng iyong bansa para sa iyo, kundi itanong mo kung ano ang magagawa mo para sa
iyong bansa”.
_____________9 Ito ay hindi ito lubos na iiral kung hindi kikilalanin at pahahalagahan
ang dignidad ng tao.
_____________10. Ayon sa kanya ang pangkalahatang kondisyon na pantay na
ibinabahagi para sa kapakinabangan ng lahat ng kasapi ng isang lipunan.

12
Karagdagang Gawain

Gawain A
Panuto: Gumawa ng isang survey. Gawin ang resulta ng survey at ang pagsusuri sa
isang bond paper.

Panuto:
1. Makipag-ugnayan sa guro at kamag-aral gamit ang social media upang
makapagsagawa ng isang survey tungkol sa mga suliraning kinakaharap ng
komunidad o pamayanan.
2. Ang suliranan ay maaring pangkapaligiran, pangkapayapaan, pangkaayusan, o
pag-edukasyon. Maaring may iba pang suliraning Makita sa proseso ng
pagsasagawa nito.
3. Magsagawa ng pagtatanong sa mga naninirahan sa komunidad o pamayanan
kung ano ang kanilang nakikitang suliranin sa kanilang paligid.
4. Mahalagang isama ang mga namumuno sa barangay o pamayanan sa
isasagawang survey.
5. Matapos maglaan ng panahon sa pangangalap ng datos, gumawa ng
pangkalahatang ulat sa naging resulta ng survey.
6. Pumili ng tatlo sa mga nakalap at iantas ang mga ito batay sa kahalagahan.
Pumili ng tatlong pangunahin suliranin.
7. Isulat sa klase ang kalalabasan ng survey gamit ang graph na mayroong
maikling pagsusuri at pagpapaliwanag.

13
14
Most Learning Competencies (MELCs) 2020
Modyul para sa mag-aaral
Edukasyon sa Pagpapakatao 9
Sanggunian:
Tayahin
1. Tama
2. Tama
3. Mali
4. Tama
5. Tama
II.
1.Lipunan
2. Dr. Manuel Dy
3. Komunidad
4. Kabutihang Panglahat
5. Jacques Maritain
6. St. Thomas Aquinas
7. Kapayapaan
8. John F. Kennedy
9. Katarungan
10. John Rawls
Susi sa Pagwawasto

You might also like