You are on page 1of 28

9

Edukasyon sa
Pagpapakatao 9
Unang Markahan – Modyul 4:
Lipunang Sibil, Media at Simbahan

Region I
ALAMINOS CITY DIVISION
Alaminos City, Pangasinan
Project Write, Write, Write
Alternative Instructional Module
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasiyam na Baitang
Alternative Instructional Module
Unang Markahan – Modyul 4: Lipunang Sibil, Media at Simbahan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Alaminos City Division


Tagapamahala: Lorna G. Bugayong, PhD, CESO VI
Pangalawang Tagapamahala: Aguedo C. Fernandez, CESO VI

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Janet S. Almonte
Tagapatnugot: Gina O. Liwanag
Tagasuri: Edna C. Caserial, EdD
Tagaguhit: Ma. Christine Joy T. David
Tagalapat: Pinky R. Isidro

Tagapamahala: Dr. Lorna G. Bugayong, CESO VI


Schools Division Superintendent

Dr. Wilfredo E. Sindayen


Curriculum Implementation DivisionChief

Dr. Ronald R. Radoc


EPS in-Charge of LRMS

Dr. Edna C. Caserial


Education Program Supervisor, EsP

Inilimbag sa Pilipinas ng:

Department of Education: Region I – Alaminos City Division


Office Address: San Jose Drive, Poblacion, Alaminos City, Pangasina
Telefax: (075) 205-0644/205-0643
E-mail Address: alaminos.city@deped.gov.ph

ii
9

Edukasyon sa
Pagpapakatao 9
Unang Markahan – Modyul 4:
Lipunang Sibil, Media at Simabahan

iii
Paunang Salita
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 9 ng Alternative


Instructional Module (AIM) para sa araling Lipunang Sibil, Media at Simabahan.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12
habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon
sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon
din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo
habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa
pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung


paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito,
inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang
isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

iv
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao ng Alternative Instructional Module


(AIM) ukol sa Lipunang Sibil, Media at Simabahan.

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at magsakatuparan
ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na ikaw, bilang isang mag-aaral,
ay may angking kakayahang matutuhan ang mga kaugnay na kompetensi at kasanayan.
Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga
kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat


mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na


ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung
nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang bahaging ito ng
modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala


sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin,
gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan
kang maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang


pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari
mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay
gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi
ng modyul.

v
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan
ang patlang ng pangungusap o talata upang
maproseso kung anong natutuhan mo mula sa
aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa


iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat


ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng


mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:


Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa
Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o
sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin
lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong
sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa
bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang


pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.

Kaya mo ito!

vi
Alamin

Matutuklasan sa modyul na ito ang napakagandang talakayin tungkol sa Lipunang


Sibil, Media at Simbahan. Napapaloob sa araling ito, ang pagkakaroon ng mahalagang
kaalaman sa mga nangyayari sa ating lipunan.

Subukan mong tuklasin kung ano ang nangyayari sa lipunan. May alam ka bang mga
organisasyon na tumutulong sa ating mga kababayang mahihirap? Ano ang nagtutulak sa
kanila para gumawa ng ganitong mga bagay na mabuti sa kapwa.

Sa araling ito, malalaman mong dapat mabigyan ng pansin ang pagkukulang ng


pamahalaan at kailangan ang gabay ng mga mamamayan sa aspetong panlipunan. Sa
kasalukuyan, ano nga ba ang mga nangyayari sa ating lipunan? Nawa’y ito ang magbibigay
sa iyo ng sapat na kaalaman upang makibahagi ka sa lipunang kinabibilangan.

Hangad ko ang iyong pagkatuto sa araling ito at daan upang magkaroon ka ng mas
malasakit sa iba. Ang modyul ay napapaloob sa mga sumusunod na paksa.

Aralin at Sakop ng Modyul

Modyul 4: Lipunang Sibil, Media at Simbahan


 Paksa 1 – Lipunang Sibil, Media at Simbahan
 Paksa 2 – Iba’t Ibang Anyo ng Lipunang Sibil

Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto (MELCs)


 Natutukoy ang mga halimbawa ng lipunang sibil at ang kani-kaniyang papel na
ginagampanan ng mga ito upang makamit ang kabutihang panlahat.
EsP9PL -Ig - 4.1

 Nasusuri ang adhikaing nagbubunsod sa mga lipunang sibil upang kumilos tungo sa
kabutihang panlahat.
EsP9PL -Ig - 4.2

 Napapatunayan na:
a. Ang layunin ng Lipunang Sibil, ang likas-kayang pag-unlad, ay isang
ulirang lipunan na pinagkakaisa ang mga panlipunang pagpapahalaga
tulad ng katarungang panlipunan, pang-ekonomiyang pag-unlad(economic
viability), pakikilahok ng mamamayan, pangangalaga sa kapaligiran,
kapayapaan, pagkakapantay-pantay ng mga kababaihan at
kalalakihan(gender equality)at espiritwalidad.
b. Ang layunin ng media ay ang pagpapalutang ng katotohanang kailangan
ng mga mamamayan sa pagpapasya.
c. Sa tulong ng simbahan, nabibigyan ng mataas na antas ng katuturan ang
mga materyal na pangangailangan na tinatamasa natin sa tulong ng
estado at sariling pagkukusa.
EsP9PL -Ih - 4.3

1
 a. Natataya ang adbokasiya ng ibat ibang lipunang sibil batay sa kontribusyon ng
mga ito sa katarungang panlipunan, pang-ekonomiya(economic viability),
pakikilahok ng mga mamamayan, pangangalaga ng kapaligiran, kapayapaan,
pagkakapantay-pantay ng kababaihan at kalalakihan(gender equality) at
espiritwalidad(mga pagpapahalagang kailangan sa isang lipunang
sustainable)
b. Nakapagsasagawa ng mga pananaliksik sa pamayanan upang matukoy
kung may lipunang sibil na kumikilos dito, matukoy ang adbokasiya ng
lipunang sibil sa pamayanan, at mataas ang antas ng pagganap nito sa
pamayanan.
EsP9PL-Ih4.4

Subukin

Sa iyong pagsisimula, inaanyayahan kitang magkaroon ng malawak na pananaw at


pag-iisip sa pag-aaral na ito upang lubos mong maunawaan ang nilalaman ng modyul.

Gawain 1: Paunang Pagtataya

Basahin at unawain ang bawat bilang sa ibaba. Isulat ang tamang letra ng sagot sa
iyong sagutang papel.

1. Ano ang pangunahing layunin ng media bilang isang anyo ng lipunang sibil?
a. Ang tukuyin lamang kung ano ang nangyayari sa lipunan.
b. Ang maghatid ng balita na magbigay kaluguran sa mga mamamayan.
c. Ang magbigay ng katotohanan at tamang impormasyon sa mamamayan.
d. Ang maghatid ng kakaibang balita na pupukaw sa atensyon ng mamamayan.

2. Sino ang nagsabi na “Ang kapangyarihan ng media ay hindi isang lakas na nananalasa
kundi isang pag-ibig na lumikha”?
a. John F. Kennedy c. Papa Juan Luna ,2000
b. Papa Juan Pablo II,1999 d. Santo Thomas de Aquinas

3. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng lipunang sibil?


a. Gabriela b. Ok si Doc! c. kabayan d. kakampi

4. Ano ang pinakamabigat na dahilan bakit kailangan natin ang tulong ng iba?
a. Iba iba tayo ng kakayahan.
b. Nais nating magkaroon ng saysay ang kakayahan ng iba.
c. Magkakaroon tayo ng panahon para sa iba pa nating nais gawin.
d. Hindi lahat ng pangangailangan natin ay matatamo natin mag-isa.

5. Ano ang pangunahing layunin ng lipunang sibil?


a. Pagtalakay sa suliraning panlipunan.
b. Pag-alam ng mga plano ng pamahalaan.
c. Pagmamasid sa mga propaganda ng pamahalaan.
d. Pagbibigay-pansin sa pagkukulang ng pamahalaan.

2
6. Alin ang anyo ng lipunang sibil?
a. Pag-uuri c. Pagiging organisado
b. Pagkukusang-gawa d. Pagiging mapagmalasakit

7. Alin sa mga sumusunod ang katotohan patungkol sa media?


I. Ang media ay hindi isang lakas na nananalasa kundi isang pag-ibig na lumilikha.
II. Ang media ay pinaglalagakan lamang ng mga katotohanang kailangan ng lipunan
para sa ikakabuti nito.
III. Ang media ay saklolohan ng mga kababayang mahihirap upang maiparating sa
gobyerno ang kanilang hinaing.
IV. Ang media ay kadyat ng pagtutuwid sakali mang may naihatid na maling
impormasyon na maaaring batayan ng iba sa pagpapasiya ng ikikilos.
a. I,II,III b. I, II, IV c. I, III, IV d. II, III, IV

8. Sino ang nagwika ng, “walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang”?
a. Fr. Nery Satur c. Santo Tomas Aquinas
b. Fr. Eduardo Magalon d. Fr. Eduardo Hontiveros

9. Anong anyo ng lipunang sibil ang hindi isinasaalang-alang ang kalagayang panlipunan
ng mga kasapi, mayaman o mahirap, may pinag-aralan o wala, kilala o hindi o anuman
ang kasarian?
a. Walang pag-uuri c. Pagiging organisado
b. May isinusulong na pagpapahalaga d. bukas na pakikipagtalastasan

10. Paano mo maisasabuhay ang tunay na layunin ng media?


a. Ipaalam sa bayan ang opinion sa isang isyu sa pamamagitan ng facebook.
b. Maging mapanuri at responsable sa paggamit ng ibat-ibang uri ng mass media
c. Ang paggamit ng radio ay iwasan dahil ito ay hindi na tinatangkilik ng mga kabataan.
d. Iparating sa kapitan ng barangay ang suliranin ng barangay sa pamamagitan ng text
messaging.

11. Ano ang adbokasiya ng GABRIELA?


a. Ipagbawal ang paghahanapbuhay ng mga ina.
b. Bigyan ng hanapbuhay ang lahat ng ina
c. Pangalagaan ang karapatan ng mga kababaihan.
d. Ang araw ng lunes ay ilaan na araw ng pamamahinga at paglilibang ng bawat ina.

12. Alin sa mga sumusunod na samahan ang nagsasagawa ng lipunang sibil?


a. Pagmamasid sa mga ibon b. Pagtatanim ng mg puno
b. Malayuang pagbibisikleta d. Pagsisid sa mga bahura (coral reefs)

13. Bakit kailangan natin ang tulong iba?


a. Iba’t iba tayo ng kakayahan.
b. Nais nating magkaroon ng saysay ang kakayahan ng iba.
c. Magkakaroon tayo ng panahon para sa iba pa nating nais gawin.
d. Hindi lahat ng pangangailangan natin ay matatamo nating mag-isa.

14. Paano mo maipakikita na ikaw ay handang tumulong sa pagtugon sa pangangailangan


ng iyong kapwa?
a. Ang pagtugon sa pangangailangan ng iba ay ginagawa tuwing Christmas
b. Ang pagtulong ay isinasagawa sa tuwing may pagkakataon at kahit hindi hinihingi ng
iba.
c. Tugunan ang pangangailangan ng mga taong humihingi lamang upang matiyak na
angkop ang maibigay

3
b. Ang pagtugon sa pangangailangan ng mga tao ay dapat laging pangunahan ng mga
lider ng bayan.

15. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa paglahad ng kasinungalingan ng mass media?


a. Paghahatid ng sariling kuro-kuro.
b. Paglalahad sa isang panig ng usapin.
c. Pagbanggit ng maliit na detalye tungkol sa usapin.
d. Paglalahad ng mga impormasyong hindi pakikinabangan.

Aralin

4 Lipunang Sibil, Media at Simbahan

Alam mo ba ang nangyayari sa lipunan? Ano ang napapansin mong kaganapan?


Lalo sa panahon ngayon ng pandemya, paano naipakikita ang pagtulong ng iba’t-ibang
sektor ng pamahalaan sa ating mga kapos-palad na mamamayan, ang kanilang malasakit
para sa ating mga mamamayan? Sapat ba ang kanilang ginagawa upang matugunan ng
maayos ang pangangailangan ng bawat isa? Marahil, ilan lamang yan sa iyong mga
katanungan, na nangangailangan ng kasagutan.
Kung kaya, sa araling ito mas mapapalawak ang iyong kamalayan sa ginagawa ng
pamahalaan upang mapalawig ang pagtulong sa mga mahihirap. At sa modyul na ito,
makikita ang kahalagahan ng pag-aaral ng lipunang sibil.

Balikan

Sa bahaging ito, iyong pansinin at saliksikin ang lipunang kinabibilangan. Ito ba ay


nangyayari sa ating lokal na pamahalaan? May malaki bang ambag ito na nakakatulong sa
iba. Sa pamamagitan ng mga pangungusap sa ibaba, magkaroon ng pagninilay na siyang
maging daan ng kaalaman sa lipunan.

Gawain 2: Love and Hate Collide!

Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Isulat ang LOVE kung ito ay gawaing
nakatutulong sa pagkamit ng kabutihang panlahat; HATE kung hindi
_______ 1. Pagbabahagi ng mga punla ng LGU sa mga nais magtanim ng gulay sa kanilang
bakuran.

4
_______ 2. Pagwawalang halaga sa mga benebipisyo ng mga manggagawa.
_______ 3. Pagbibigay ng munisipyo ng libreng cake sa mga Senior Citizen na nagdiriwang
ng kaarawan.
_______ 4. Pagtatrabaho ng kasambahay na lampas sa oras.
_______ 5. Pamimigay ng gobyerno ng iba’t ibang ayuda.
_______ 6. Pagkuha ng ibang lider ng pundo na dapat ay para sa mga mamamayang
mahihirap.
_______ 7. Pagsulong ng programang pangkalusugan sa mga barangay tulad ng libreng
bakuna, pagbibigay ng gamot at libreng check up.
_______ 8. Mahigpit na pagpapatupad ng oras ng curfew lalo ngayong pandemya.
_______ 9. Pagpapabayad ng puwersahang upa sa mga nangungupahan.
_______10. Pagbibigay ng tamang impormasyon ng gobyerno tungkol sa kaayusang
pangkalusugan sa lahat.

Tuklasin

Anong proyekto ng ating lungsod ang alam mong ipinatutupad? Hindi bat
napakainam na malaman na may mga proyetong inilulunsad ang lungsod na ang hangarin
ay mabigyan ng pagkakataon ang ilan sa ating kababayan na mabigyan ng pagkakakitaan.
Ngunit sa panahon ngayon, isa na suliraning kinahaharap ng ating lipunan ay ang
kawalan ng trabaho ng marami nating kababayan dahil sa kasalukuyang pandemyang
problema ng bansa.
Kaya naman, alamin at makibahagi sa mga proyekto ng inyong barangay/lungsod.

Gawain 3: Aware ka dapat!

Magtala ng isinusulong na proyekto ng iyong barangay/munispiyo na nagpapakita ng


likas na pagtulong sa lipunan. Isulat sa sagutang papel at sundan ang pormat sa ibaba.

Pangalan ng Proyekto Uri ng Paglilingkod Layunin sa pagsagawa ng


proyekto
Hal. E-kawayan Project May mga kababayang Pagtangkilik at Pagkilala ng
nabigyan ng regular na produktong lokal ng
trabaho Alaminos
1.
2.
3.

Pamprosesong Tanong: 5
1. Ano ang nagtutulak sa tao o organisasyon na gumawa ng mabuti para sa kapwa?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Suriin

Nakatitiyak ako na ngayon ay malawak na ang kamalayan mo sa inisyal na aralin sa


ating modyul. Ngayon naman mas masusubok ang iyong kahusayan at pangmalawakang
kaalaman tungkol sa talakayang Lipunang Sibil.

Simulan ang gawain ng may buong kagalakan at hamon na matutunan ang aralin na
puno ng pagkatuto sa maraming bagay tungkol sa nagaganap sa lipunan.

Paksa 1: Lipunang Sibil

“Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang” ang mga katagang ito
na binanggit ni Santo Tomas Aquinas ay nangangahulugang nabubuhay tayo upang
maglingkod sa kapwa.
Ano nga ba ang Lipunang Sibil, Media at Simbahan?

A. Lipunang Sibil – Ito ay pag-oorganisa ng ating mga sarili tungo sa sama-sama


pagtuwang sa isa’t isa. Tayong lahat ay kabilang sa lipunang sibil sapagkat tayo ay
mayroong pamilya at ang pamilya ang siyang pangunahing unit ng lipunang sibil.
Layunin ng Lipunang Sibil:

 Tulungan ang mga mamamayan na matugunan ang pangangailangang hindi


kayang tugnan ng pamahalaan.
 Gabayan ang mga mamamayan.
Mga Halimbawa ng Lipunang Sibil at Layunin nito:
1. Gabriela Movement: Pangalagaan ang karapatan ng mga kababaihan. Ang
pagsasabatas nito ay isinulong ni Pia Hontiveros
2. Peace Advocates Zamboanga: Mapaigting ang mabuting ugnayan ng mga
Kristiyano at Muslim, at ng iba pang katutubo.
3. Mga non-government organizations: Tiyakin na maiabot ang tulong ng gobyerno
para sa mahihirap maging sa pinakamalayong komunidad.
4. Charity foundations: Makatulong sa mga taong salat sa iba’t ibang
pangangailangan.

B. Media – Ito ay tumutukoy sa anumang bagay na nasa pagitan o namamagitan sa


nagpapadala at pinapadalhan. Sila ang naghahatid ng balita para sa lahat ng mga
mamamayan.

6
Layunin ng Media
 Magsulong ng ikakabuti ng bawat kasapi ng lipunan.
 Maghatid ng impormasyong pawang katotohanan lamang.

C. Simbahan - Ito ay nagsisilbing gabay natin sa espiritwal na kaganapan.

Pamprosesong Tanong: Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot.


1. Paano nakatutulong ang iba’t-ibang nabanggit na lipunag sibil sa pagkamit ng
kabutihang panlahat?
2. Ilarawan ang lipunang walang gumagabay sa mamayan at walang tumutugon sa
pagkukulang ng pamahalaan.

Gawain 4: Abot Kamay Kita!

Isulat sa pinakamababang kahon ang isang halimbawa ng lipunang sibil. Ilahad sa


mga susunod na kahon ang adhikaing nagbunsod dito sa pagkamit ng kabutihang panlahat.
Isulat ang sagot sa sagutang papel. Sundan ang pormat sa ibaba.

Kabutihang Panlahat...

 Ang Tanong:

1. Paano magiging abot kamay ang pagkamit sa kabutihang panlahat?


_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

Paksa 2: Katangian ng Iba’t-Ibang Anyo ng Lipunang Sibil

7
Sa pamamagitan ng sapat na kaalaman, mas nabubuo ang konkretong pangkaisipan
at pananaw sa lipunan. Kaya naman, mahalaga ang may alam at maging kabahagi sa mga
nangyayari o pangyayari sa lipunan.
Kaya marapat lamang na alamin ang mga katangian ng ibat ibang anyo ng lipunang
sibil.

Handa ka na ba?

Katangian ng iba’t ibang anyo ng Lipunang Sibil:

1. Pagkukusang-Loob
Walang pumilit, nanakot, o nanggipit sa mga kasapi nito upang makisangkot. Malaya
ito mula sa impluwensya ng estado o negosyo. Hindi ito nagsusulong ng pampolitikang
hangarin ng sino mang nasa pamahalaan, o ng pangkomersyong hangarin ng sino mang
negosyante.

2. Bukas na Pagtatalastasan
Walang pinipigilan o dinidiktahan sa pagpapahayag ng saloobin. Ang uri ng
pagtalakay ay pangmadla, kung saan buháy ang diwa ng demokrasya. Sa pagpapalitan
ng lahat ng kuro-kuro ay nalilinaw ang mga usapin; daan upang ang mga kaanib ay
magkaroon ng katiyakan sa gagawin nilang mga pagpapasya.

3. Walang Pang-uuri
Hindi isinasaalang-alang ang kalagayang panlipunan ng mga kasapi: mayaman o
mahirap, may pinag-aralan o wala, kilalá o hindi, anumang kasarian. Sapagkat ang
hinahanap ay kabutihang panlahat, binibigyan ng pagkakataóng mapakinggan ang lahat
ng panig; sa gayon ay walang maiiwang hindi nagtamasa ng bunga ng pagsisikap ng
lipunan.

4. Pagiging Organisado
Bagama’t hindi kasing-organisado katulad ng estado at negosyo, patungo ito sa
pagiging institusyon, ayon sa hinihingi ng pagkakataon. Sapagkat nagbabago ang
kalagayan ayon sa mga natutugunang pangangailangan, nagbabago rin ang kaayusan
ng organisasyon upang tumugma sa kasalukuyang kalagayan.

5. May Isinusulong na Pagpapahalaga


- Ang isinusulong nito ay hindi pansariling interes kundi kabutihang panlahat:
isinusulong ng media ang katotohanan, isinusulong naman ng Simbahan ang espiritwalidad.
Ang pagpapahalagang ito ang nagbubunsod sa mga kasapi upang mapagtagumpayan ang
ano mang balakid.

Gawain 5: Timbangin Mo Kung Ano ang Tama!

Basahin ang mga pangungusap. Alin sa mga sumusunod na katangian ng iba’t ibang
anyo ng lipunan ang ipinapakita sa bawat sitwasyon. Isulat ang letra ng tamang sagot sa
patlang.

A. Pagkukusang-loob B. Pagiging organisado C. Walang pag-uuri


8
D. Bukas na talastasan E. May isinusulong na pagpapahalaga
______ 1. Si Dr. Willie Ong ay malaki ang ambag na tulong sa ating mga kababayan sa
pamamagitan ng pag vlog o pagvideo ng iba’t ibang uri ng karamdaman o
pagbibigay ng mahalagang tips pangkalusugan. Kaya naman, marami ang
sumusubaybay sa kanyang videos.
______ 2. Si Mayor Arth Bryan Celeste ay kilalang pinakabatang mayor sa bansa. Ngunit
hindi hadlang ang pagiging batang mayor pagdating sa pagsulong ng kabutihan
sa kanyang siyudad. Nasubok ang kanyang liderato ngayong panahon ng
pandemya, nakita sa kanyang pamumuno ang walang pagpili ng edad, estado sa
buhay, may pinag-aralan o wala lahat pantay-pantay na binigyan ng relief goods.
______ 3. Naglunsad ang LGU Health Office, katuwang ang Rotary Club para sa Operation
Tuli 2020. Layunin nito, na ngayong bakasyon ay matuli ang mga batang lalaki sa
lungsod. Bago isinagawa ang proyekto pumili sila ng magiging chairman ng
kanilang grupo. Matagumpay ang resulta ng programa.
______ 4. Hindi tumitigil ang ating Pangulong Rodrigo Roa Duterte para matulungan at
mabigyan ng mahalagang impormasyon ang sambayanang Pilipino patungkol sa
pambansang kinahaharap na problema ng bansa, ang corona virus. Sa abot ng
kanyang magagawa, sa pamamagitan ng media o live na video ipinapaabot niya
lagi ang kanyang mensahe upang magkaroon ng sapat na kaalaman ang taong
bayan.
______ 5. Tampok sa AlamiNews at The Philippine STAR-Travel and tourism section ang
ating ipinagmamalaking Hundred Islands National Park at ang 3D Ground Mural
Art sa Lucap Park. Layunin nitong mapaganda lalo ang naturang Park para sa
mga Taga- Alaminians at mahikayat ang maraming turismo na makapasyal sa
Hundred Islands.
______ 6. Nagsagawa ng Online meeting ang City Division ng Alaminos, kasama ang mga
pinuno ng paaralan upang talakayin ang planong pagbubukas ng paaralan sa
gitna ng pandemyang nangyayari. Dahil dito, nagkaroon sila ng deliberasyon
palitan ng kuro-kuro at opinyon upang mas lalong mapalawig ang paghahanda sa
pagbukas ng paaralan.
______ 7. Nagsulong ng Mental Health Program ang lungsod ng Alaminos para sa mga
frontliners. Sila ay sumailalim sa Psychodynamic Activity at Spiritual Stress
Debriefing upang matulungan sila na maging positibo lagi ang pananaw at
kaisipan sa kabila ng panganib na kinakaharap bilang paglilingkod sa kapwa at
bayan.

Sagutin Mo!

1. Ano ang malinaw na adhikain ng lipunang sibil?


___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________

2. Paano magtatagumpay ang lipunang sibil sa mga layunin nito? Ipaliwanag.


___________________________________________________
___________________________________________________
9
___________________________________________________
___________________________________________________
Pagyamanin

Sigurado ako marami ka ng nalaman sa ating aralin. At sa mga natutunan mo lalong


nagkakaroon ng silakbo ang damdamin kung paano makagawa ng mabuting pagtulong sa
kapwa. Makatulong ayon sa iyong sariling lakas at kakayahan na siyang gabay upang
maipadama ang kabutihan at malasakit sa iba bilang tugon sa pagkukulang ng pamahalaan.

Kaya naman, pagsikapang sagutin ang mga inihandang gawain bilang hamon sa
pagpukaw ng iyong kamalayan. Dahil tiyak ang iyong pagkatuto upang maipahayag ang
kaalaman tungkol sa tinalakay na paksa.

Gawain 6: Kompose Naman Tayo!

Sa pamamagitan ng tula, slogan, pick-up line, ilarawan ang layunin ng lipunang


sibil(tula), media(slogan) at simbahan (pick-up line) Tiyakin na mapukaw ang atensyon ng
ibang tao o ng pamahalaan upang makiisa sa layunin ng mga ito. Gawin ito sa sagutang
papel.

…Anong Say
Mo!

A. SLOGAN

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

10
B. TULA

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

C. PICK-UP LINE

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

Pamprosesong Tanong:

1. Paano mo naipahayag ang iyong saloobin na pumukaw sa atensyon ng


pamahalaan upang magkaroon ng programang makatutulong sa mamamayan
tulad ng pangkabuhayan?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

2. Paano mo hinimok ang iba na makibahagi sa layunin ng lipunang sibil, media at


simbahan?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

Gawain 7: Wow, Journal!

11
Gumawa ng talaarawan na nagpapakita ng kamalayan sa mga nangyayari sa lipunan
gamit ang mga salita sa ibaba. Gawin ito sa inyong sagutang papel.

pagsulong media malasakit


simbahan lipunang sibil organisasyon
kusang-loob pagtugon lipunan

.. Wow, Journal!

________________________________________________________

________________________________________________________

________________________________________________________

________________________________________________________

________________________________________________________

________________________________________________________

________________________________________________________

Isaisip

Naks! clap, clap, clap… Malapit mo ng matapos ang inihandang modyul. Hangad ko
ang maraming kaalaman na iyong natutunan sa aralin ito.
Mangyari lamang, tapusin pang sagutin ang mga natitirang gawain upang lubos ang
pagkatuto sa aralin. Dahil tiyak kong marami ka pang madidiskubre at malalaman pa.

Gawain 8: Magka-Match Tayo!

Basahin ang pangungusap. Piliin ang tamang letra ng sagot sa loob ng kahon at
ilagay sa patlang.

Ang _______________, at _________________ ay mga halimbawa ng lipunang sibil


na naglalayong itaguyod ang kabutihang panlahat. Ang layunin ng mga ito ay ang tulungan

12
ang mga mamamayang matugunan ang mga pangangailangang hindi nila kayang makamit
mag-isa

Ang lipunang sibil ay may iba’t ibang anyo. Ang ________________ ay


nangangahulugan ng walang pumilit, nanakot, o nanggipit sa mga kasapi nito upang
makisangkot. Ang __________________ay ang pangingibabaw ng demokrasiya.

Ang paghahangad ng pag-unlad ay pagsulong hindi ng pansariling interes kundi ang


kabutihang panlahat: isinusulong ng __________ ang katotohanan, isinusulong naman ng
________________ ang espiritwalidad.

A. Simbahan B. Gabriela
C. Bukas na Pagtatalastasan D. Media
E. Peace Advocates Zamboanga

Gawain 9: Ipaliwanag Mo!

Sumulat ng pagninilay tungkol sa araling Lipunang Sibil, Media at Simbahan. Sagutin


ito ayon sa iyong pang-unawa sa aralin. Ilagay ang sagot sa sagutang papel.

1. Ano ang aking reyalisasyon patungkol sa lipunang sibil, Media at Simbahan?


______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

2. Anong mga hakbang ang dapat gawin upang mailapat ang kaalaman at reyalisasyon sa
aking buhay?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

3. Sa paanong paraan ko maisasagawa ang kaalamang nakalap sa pang-araw-araw na


buhay? Magbigay ng halimbawa.
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

Isagawa

13
Sigurado akong malawak na ang iyong pang-unawa at kaalaman tungkol sa aralin.
Ang lahat ng ito’y magsisilbing daan upang mapalawig ang pagtugon sa tawag ng lipunang
kinabibilangan. Kung kaya, inaanyayahan kitang magsagawa ng isang gawain na
makapagbibigay kasiyahan para sa kapwa.
Bilang mabuting kabataan, ipakita ang iyong gampanin at pagkakaroon ng hangarin
na makatulong para sa iba, sa maliit at malaking bagay.

Gawain 10: “Take a Note Naman!


Gumawa ng isang linggong talaan ng isinakatuparang gawaing
pangkalinisan/bayanihan/pagtatanim sa barangay/compound sa inyong lugar. Isulat ang
arawang ulat sa long coupon bond. (Kung may larawang kuha idikit bilang patunay)

Mga Araw sa Isang Gawain


Linggo (ilahad sa pamamagitan ng pagsasalaysay o
maaring larawan ang idikit)

Linggo Nagkusang magdamo sa daanan sa aming lugar.


Lunes
Martes
Miyerkules

Huwebes

Biyernes

Sabado

Gawain11: Ipakita ang Husay!


Gumawa ng poster-slogan na humihikyat sa mga tao upang makiisa sa pagsulong sa
adbokasiya ng iba’t-ibang lipunang sibil. Ilagay sa long coupon bond.

Ipakita ang husay!


________________________________________________________

________________________________________________________

________________________________________________________

________________________________________________________

________________________________________________________

14
Tayahin

Ang husay ng iyong ipinakitang angking kakayahan at kagalingan sa ating aralin.


Tunay ngang ipinamalas mo ang iyong angking kagalingan at kasipagan sa pagsagot sa
modyul. Dahil dito, inaanyayahan kita na sagutin ang panghuling pagtataya na susukat sa
iyong kaalaman sa araling ito.
Kaya Mo Yan, di ba!

Gawain 12: Panghuling Pagtataya

1. Bakit mahalaga ang lipunang sibil?


a. Sa ganito natin maipakikita ang ating pagkakaisa.
b. Walang ibang maaaring gumawa nito para sa atin.
c. Ang sama-samang pagkilos ay nagpapagaan sa gawain.
d. Hindi sapat ang kakayahan ng pamahalaan upang tumugon.

2. Alin sa mga sumusunod na proyekto ang makatutugon sa pangangailangang


pangkabuhayan ng mga mamamayan?
a. Clean and Green Program b. Basket Weaving Workshop
b. Give-a-Gift Activity d. Receiving a relief good

3. Ang cellphone ay isa mga halimbawa ng mass media na ginagamit ng


nakararami. Ano ang mass media?
a. Impormasyong hawak ng marami
b. Maramihang paghahatid ng impormasyon
c. Pagtalakay ng mga suliraning panlipunan
d. Pagbibigay-pansin sa pagkukulang ng pamahalaan

4. Alin sa mga sumusunod ang gawain ng isang lipunang sibil?


a. Malayuang pagbibisikleta b. Pagmamasid sa mga ibon
b. Pagtatanim ng mga puno d. Pagsisid sa mga bahura (coral reef)

5. Anong katangian ng lipunang sibil ang pagkakaroon ng kalayaang magpapahayag ng


saloobin?
a. Bukas na pagtatalastasan b. Pakikipagkapwa
b. Walang pag-uuri d. Pagkukusang-loob

6. Ano ang nagbubunsod sa tao upang tugunan ang pangangailangan ng kanilang kapwa
na hindi kayang tugunan ng pamahalaan?
a. Pagmamalasakit at pagtulong
b. Pagkakawanggawa at popularidad
c. Maraming pera at awa sa mga kapus-palad
b. Pagmamahal at pagsulong sa kabutihan ng bawat kasapi sa lipunan.

7. Ano ang pangunahing layunin ng media bilang isang anyo ng lipunang sibil?
a. Pagtalakay ng mga suliraning panlipunan.
b. Pagbibigay –lunas sa suliranin ng karamihan.

15
c. Pagbibigay pansin sa pagkukulang ng mga pinuno.
d. Pagsulong sa ikabubuti ng bawat kasapi sa lipunan.

8. Paano mo maisasabuhay ang tunay na layunin ng media?


a. Maging mapanuri at responsable sa paggamit ng ibat-ibang uri ng mass
media
b. Ipaalam sa bayan ang opinyon sa isang isyu sa pamamagitan ng facebook.
c. Iparating sa kapitan ng barangay ang suliranin ng barangay sa pamamagitan
ng text messaging
d. Ang paggamit ng radyo ay iwasan dahil ito ay hindi na tinatangkilik ng mga
kabataan.

9. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng kasinungalingan sa mass media?


a. Pagbanggit ng maliit na detalye.
b. Paglalahad ng isang panig ng usapin.
c. Pagpapahayag ng sariling kuro-kuro.
d. Paglalahad ng mga impormasyong hindi pakikinabangan.

10. Tungkulin ng mass media ang pagsasaad ng katotohanan. Ano ang ibig sabihin
ng pahayag na ito?
a. Wala tayong ibang mapagkukunan ng impormasyon.
b. Ang mass media ang pinaglalagakan ng impormasyon
c. Nagpapasya tayo ayon sa hawak nating impormasyon.

11. Ano ang dapat iwaksi upang magtagumpay ang isang lipunang sibil sa layunin
nito?
a. Kawalan ng pag-iingitan ng bawat kasapi.
b. Pagkakaroon ng pangmatagalang liderato.
c. Bukas na pakikipagtalastasan ng bawat kasapi.
d. Pagkakaroon ng pagkukusa sa pagganap sa tungkulin ng mga kasapi.

12. Bakit nagkukusa tayo na mag-oragnisa at tugunan ang pangangailangan ng


nakakarami?
a. Sa ganito natin naipapakita ang ating pagkakaisa.
b. Walang ibang maaaring gumawa nito para sa atin.
c. Hindi sapat ang kakayahan ng pamahalaan upang tumugon.
d. Ang sama-samang pagkilos ay nagpapagaan ng gawain.

13. Bakit kailangang isaalang-alang ang kalagayang panlipunan ng mga mamamayan?


a. Dahil isinusulong ang kabutihang panlahat sa lahat ng mamamayan.
b. Dahil alam ng pamahalaan ang pakiramdam ng hindi natutulungan.
c. Dahil isinasagawa ang malawakang pagdinig sa mga hinaing ng nasasakupan.
b. Dahil hindi rin nabibigyan ng pagkakataon ang iba na makatanggap ng tulong mula
sa gobyerno.

14. Ano ang bunga ng pananatiling kaanib sa isang institusyong pangrelihiyon?


a. Ito ay kapangyarihang hawak ng mga lider ang relihiyon.
b. Ito ay kawalang saysay ng buhay sa gitna ng tinatamasa.
c. Ito ay kalakarang kinalimutan natin ang ating mga magulang.
d. Ito ay pagkakatangtong hindi tayo nag-iisa sa paghahanap ng katuturan sa buhay.

16
15. Ano ang adbokasiya ng Peace Advocates Zamboanga?
a. Maisulong ang kapayaan sa Mindanao.
b. Matulungan ang mamamayang mahihirap.
c. Matugunan ang hinaing ng mga Muslim sa Zamboanga.
d. Mapaigting ang magandang ugnayan ng Muslim at Kristiyano.

Karagdagang Gawain

Gawain 13: My Komu-kalidad!

Gumawa ng talaan ng mga kumikilos na lipunang sibil sa inyong barangay. Anu-ano


ang mga adbokasiya ng mga ito? Ano ang antas ng pagganap nito sa pamayanan? Gamitin
ang talaan sa ibaba. Gawin sa iyong sagutang papel.

Mga Lipunang Sibil Mga Adbokasiya Antas ng Pagganap


(1-10)

Maligayang pagbati ng katagumpayan ng pagtatapos sa araling ito! Maraming


kaalaman ang pumukaw at reyalisasyon sa sarili ang iyong napagtanto sa kahalagahan ng
Lipunang Sibil, Media at Simbahan. Nakilala ang iba’t-ibang anyo nito at nagkaroon ng
pagtugon sa pangangailangan ng kapwa. Maaari ka nang tumungo sa susunod na aralin.

17
Susi sa Pagwawasto

Paunang Panghuling
Pagtataya Pagtataya
1. C 1. D
2. C 2. B
3. A 3. B
4. D 4. D
5. D 5. A
6. C 6. D
7. B 7. D
8. B 8. A
9. A 9. B
10.B 10. B
11.D 11. D
12.D 12. C
13.B 13. A
14.B 14. D
15.D 15. D

18
RUBRK SA KOMPOSE NAMAN TAYO”

Napakagaling Magaling Katamtaman Nangangailangan ng


(20puntos) (15puntos) (10puntos) Pagsasanay
(5puntos)
Napakalalim at Malalim at Bahagyang may Mababaw at literal
makahulugan ang makahulugan ang lalim ang kabuuan ang kabuuan ng
kabuuan ng pagkagawa. ng pagkagawa. pagkagawa.
pagkagawa.
Gumamit ng Gumamit ng ilang Gumamit ng 1-2 na Wala ni isang
simbolismo/pahiwatig na simbolismo/pahiwati simbolismo na pagtangkang ginawa
pumukaw sa mga g na bahagyang nakalito sa mga upang makagamit ng
mambabasa. pumukaw sa mga mambabasa. Ang simbolismo.
mambabasa. mga salita ay hindi
gaanong pili.

Rubrik sa Para sa “My Journal”.

Mga Kraytirya Angat ng Nasa Patungo sa Kabuuang


Pamantayan Pamantayan Pamantayan Marka
(10puntos) (3puntos) (1puntos)

Pagsasaayos Naipaliwanag ng Naipapaliwanag Nagtala lamang


at pagbuo ng mag-aaral ang ng bahagya ng ang mag-aaral
ulat kahalagahan ng mag-aaral ang ng kanyang
kanyang tungkulin kahalagahan ng sagot sa
kanyang kanyang
tungkulin tungkuling

Rubrik sa “Ipakita ang Husay”

Mga Kraytirya Mga Antas ng Pagganap


Kabuuang
Angat ng Nasa Patungo sa Marka
Pamantayan (20 Pamantayan Pamantayan
puntos) (15 puntos) (10 puntos)

Paliwanag sa Naipakita ng Naipakita ng Nagtala lamang


implikasyon ng mag-aaral ang mga mag-aaral ang mga mag-
nabuong kahusayan at ang kahusayan aaral ng konting
konsepto ng malinaw na at bahagyang pahayag at di
adbokasiya naipahayag ang naipahayag ang naiugnay sa
patungkol sa saloobin sa saloobin sa adbokasiya ng
lipunang sibil adbokasiya ng adbokasiya ng lipunang sibil
lipunang sibil lipunang sibil

19
Rubrik sa “Ipaliwanag Mo”
Pamantayan 5 3 1

Kalidad ng Napakahusay ng May kaunting Maraming


paglalahad isinulat na kakulangan ang kakulangan sa
pagpapaliwanag sa isinulat na nilalaman na isinulat
paksa. pagpapaliwanag sa sa paksa.
paksa.

20
Sanggunian

K to 12 Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasiyam na Baitang


Modyul Para sa Mag-aaral
Unang Edisyon 2015
ISBN: 978-971-9601-75-3

21
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – City Schools Division of Alaminos

San Jose Drive, Poblacion, Alaminos City, Pangasinan

Telefax: (075) 205-0644/205-0643

Email-Address: alaminos.city@deped.gov.ph

22

You might also like