You are on page 1of 13

9

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikaapat na Markahan- Modyul 4: Mga
Pansariling Salik sa Pagpili ng Track o
Kursong Akademik, Teknikal-Bokasyonal,
Sining at Disenyo, at Isports.
(Ikaapat na Linggo)

NegOr_Q3_EsP9_Modyul4_v2
i
Edukasyong Pagpapakatao – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 4: Mga Pansariling Salik sa Pagpili ng Track o
Kursong Akademik, Teknikal-Bokasyonal, Sining at Disenyo at Isports
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag
sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Amancio M. Gainsan Jr.
Editor: Amancio M. Gainsan Jr.
Tagasuri: Cita J. Bulangis
Tagaguhit:
Tagalapat: Amancio M. Gainsan Jr.
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera
Fay C. Luarez, TM, Ed.D., Ph.D. Maricel S. Rasid
Nilita L. Ragay, Ed.D. Elmar L. Cabrera
Donre B. Mira, Ed.D.

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental

Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental


Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph

i
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 9 ng Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Mga Pansariling Salik sa Pagpili ng Track o
Kursong Akademik, Teknikal-Bokasyonal, Sining at Disenyo at Isports!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12
habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa
pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang
pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa
pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit
sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung


paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito,
inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa
ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9 ng Alternative Delivery Mode
(ADM) Modyul ukol sa Mga Pansariling Salik sa Pagpili ng Track o Kursong Akademik,
Teknikal-Bokasyonal, Sining at Disenyo at Isports!
Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa pamamagitan
ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at magsakatuparan ng gawain. Ang
kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking
kakayahang matutuhan ang mga kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-
akademikong tagumpay ay nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat


mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na


ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung
nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang bahaging ito ng
modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala


sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin,
gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan
kang maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang


pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit
ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan


ang patlang ng pangungusap o talata upang

iii
maproseso kung anong natutuhan mo mula sa
aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa


iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat


ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


panibagong gawain upang pagyamanin ang iyong
kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng


mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat
ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin
lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong sa
iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa
bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang
pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo ito!

iv
Mga Pansariling Salik sa Pagpili ng Track o Kursong
Akademik, Teknikal-Bokasyonal, Sining at Disenyo, at
Isports

Alamin

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO:

Napatutunayan na ang pagiging tugma ng mga personal na salik sa mga pangangailangan


(requirements) sa napiling kursong akademiko, teknikal-bokasyonal, sining at isports o
negosyo ay daan upang magkaroon ng makabuluhang hanapbuhay o negosyo at matiyak ang
pagiging produktibo at pakikibahagi sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa (EsP9PK- IVb-
13.3 )

Natutukoy ang kanyang mga paghahandang gagawin upang makamit ang piniling kursong
akademiko, teknikal-bokasyonal, sining at palakasan o negosyo (hal., pagkuha ng
impormasyon at pag-unawa sa mga tracks sa Senior High School) (EsP9PK- IVb-13.4 )

Mga Layunin

Ang modyul na ito ay ginawa upang maibahagi sa iyo ang mga kaalaman na nararapat
ninyong matutuhan sa nasabing baitang. Pagkatapos pag-aralan ang modyul na ito,
magagawa mo ang sumusunod:
1. Nagkaroon ng kaalaman kung ano ang Technical Vocational Livelihood
2. Nakabubuo ng plano kung pipiliin ang Technical Vocational Livelihood
3. Nakapagninilay-nilay sa mga natukoy kung may interes/hilig saTechnical
Vocational Livelihood bilang paghahanda sa paghahanap- buhay

1 NegOr_Q3_EsP9_Modyul4_v2
Subukin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Isulat ang mga sagot sa iyong
kuwaderno.

1. Ano ang ibig sabihin ng AFAS na under sa TVL track?


a. Agri-Fishery Arts Strand
b. Agro-Fishing Arts Strand
c. Agri-Fishery Act Strand
d. Wala sa mga nabanggit
2. Ano ang ibig sabihin ng HE na under sa TVL track??
a. Humanities and Social Science
b. Home Economic
c. Home Energy
d. Humanities and Economic
3. Ano ang ibig sabihin ng IA na under sa TVL track??
a. Industrial Act
b. Industry Acounting
c. Industrial Arts
d. Wala sa mga nabanggit
4. Ano ang ibig sabihin ng ICT na under sa TVL track??
a. Information and Communication Technology
b. Information and Cell Communication
c. Industrial and Communication Technology
d. Wala sa mga nabanggit
5. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng HE strand specialization?
a. Ecotourism
b. Barbering
c. Caregiving
d. Lahat ng nabanggit
6. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng ICT strand specialization?
a. Animation (NC II)
b. Ecotourism
c. Barbering
d. Caregiving
7. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng AFA strand specialization?
a. Fish Capture (NC II)
b. Horticulture (NC III)
c. Organic Agriculture (NC II)
d. Lahat ng nabanggit
8. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng AFA strand specialization?
a. Carpentry (NC II, NC III)
b. Driving (NC II)
c. Construction Painting (NC II)
d. Lahat ng nabanggit

2 NegOr_Q3_EsP9_Modyul4_v2
9. Alin sa sumusunod ang naiiba?
a. Carpentry
b. Masonry
c. Machining
d. Wala

10. Alin sa sumusunod ang naiiba?


a. Tailoring
b. Masonry
c. Machining
d. Wala

Balikan
Panuto: Sagutin ang tanong sa ibaba. Isulat sa kuwaderno ang sagot.

Ano-ano ang mga maituturing na mahalagang salik sa pagpili ng Academic Track?

Tuklasin

Panuto: Ano ang iyong masasabi sa larawan? Isulat sa kuwaderno ang sagot.

https://tinyurl.com/4pmttewf, cylex-australia, January 13, 2022

3 NegOr_Q3_EsP9_Modyul4_v2
Suriin
n
Ang TVL track ay dinisenyo para sa mabigyan ang mga mag aaral ng kakayahan o
Skills na maari nilang magamit sa darating na panahon. Ang mga kakayahang tinuturo
sa Track na ito ay naayun sa Cerfticate of Competency (COC) at National
Certifications (NC), na kung saan kinakailangan kapag naghahanap ng trabaho lalo
na trabaho sa Electronics, Agriculture, or Trading. Ang TVL track ay may apat na
strand:
AGRI-FISHERY ARTS STRAND (AFAS)
Dito ang mga tinuturo ay kasama sa field production katulad ng agriculture,
horticulture, aquaculture at iba pa kasama na ang food processing. Ang Agri-Fishery
Strand ay may Specialization:
Agricultural Crops Production (NC I, II, III), Animal Health Care Management (NC III),
Animal Production (NC II), Aquaculture (NC II), Artificial Insemination (NC II) Fish
Capture (NC II), Fishing Gear Repair and Maintenance (NC III), Fish Wharf Operation
(NC I), Horticulture (NC III), Landscape Installation and Maintenance (NC II), Organic
Agriculture (NC II), Pest Management (NC II) Rice Machinery Operation (NC II)
Rubber Processing and Production (NC II) at Slaughtering Operation (NC II). Ang mga
kakayahang ito ay makakatulong sa iyo kapag naisin mong mag tayo nag Negosyo.

INDUSTRIAL ARTS STRAND (IAS)


Dito tinutulungan ang mga magaaral na mahasa ang kanilang kakayahang
teknikal. Magagamit ang mga kakayahang matutunan dito sa mga Industry Jobs
kasama na ang carpentry, automotive services, electronics, plumbing, welding at
marami pang iba. Ang Industrial Arts Strand ay may Specialization:
Automotive Servicing (NC I, II), Carpentry ( NC II, III), Construction Painting (NC II),
Driving (NC II), Electric Power Distribution Line Construction (NC II), Electrical
Installation and Maintenance (NC II), Furniture Making (Finishing) (NC II),
Instrumentation and control Servicing (NC II), Electronic Products Assembly and
Servicing (NC II), Machining (NC I, II, II), Masonry (NC II), Mechatronics Servicing (NC
II), Motorcycle/Small Engine Servicing (NC II), Plumbing (NC I, II) Shielded Metal Arc
Welding (NC I, NC II), Tile Setting (NC II) at Transmission Line Installation and
Maintenance (NC II).

HOME ECONOMICS (HE) STRAND


Binibigyang tuon ng strand na ito ang mga Livelihood projects, katulad ng caregiving,
cookery, bartending, baking, handicraft making, tourism, housekeeping, dressmaking,
at iba pa. Malaki ang maitutulong ng strand na ito upang makahanap kaagad ng
trabaho ang mga mag aaral. Ang HE Strand ay may Specialization:
Attractions and Theme Parks Operations with Ecotourism (NC II), Barbering (NC II),
Bartending ( NC II), Beauty/Nail Care (NC II), Bread and Pastry Production (NC II),
Caregiving (NC II), Commercial Cooking (NC III), Cookery (NC II),Dressmaking (NC
II), Events Management Services (NC III), Fashion Design (Apparel) (NC II),
Dressmaking (NC II), Food and Beverages Services (NC II), Front Office Services (NC
II), Hairdressing (NC I, NC II, NC III), Handicraft (Non-NC), Housekeeping (NC II),
Local Guiding Services (NC II), Tailoring (NC II), Promotion Services (NC II), Travel
Services (NC II), Wellness Massage ( NC II). Pag nakatapos ka strand na ito marami
kang pweding pag pilian sa buhay, magnegosyo o mag aral ng College.

4 NegOr_Q3_EsP9_Modyul4_v2
INFORMATION AND COMMUNICATIONS TECHNOLOGY (ICT) STRAND
Ito ay para sa mga mahihilig sa teknolohiya, maari siyang kumuha ng kurso sa College
na may kinalaman sa computers. Dito magkakaroon ka ng pambihirang kakayahan sa
Teknolohiya lalong lalo na sa panahon ngayon. Ang ICT strand ay may Specialization:
Animation (NC II), Broadband Installation (Fixed Wireless System) (NC II) Computer
Systems Servicing (NC II), Computer Programming (Net Technology) (NC III),
Computer Programming (JAVA) (NC III), Computer Programming (Oracle Database)
(NC III), Computer Systems Servicing (NC II), Contact Center Services (NC II),
Illustration (NC II), Medical Transcription (NC II), at Technical Drafting (NC II), Telecom
OSP and Subscriber Line Installation (NC II).

Pagyamanin

Panuto: Basahin at unawain ang katanungan sa ibaba. Isulat sa kuwaderno ang sagot.

1. Bakit mahalagang matukoy ang iyong mga ninanais na specialization sa ICT


strand?

2. Paano mo iuugnay ang mga pansariling salik sa pagpili ng specialization sa ICT


strand sa iyong paghahanda para sa paghahanapbuhay?

Isaisip

Napag-alaman ko na ____________________________________.

Napagtanto ko na _______________________________________

Ang aking gagawin ay ___________________________________

5 NegOr_Q3_EsP9_Modyul4_v2
Isagawa

Alin sa mga TVL Strand ang pumukaw ng iyong damdamin? Magbigay ng limang
dahilan. Isulat sa iyong kwaderno.

Tayahin

Panuto: Magbigay ng mga specialization sa mga sumusunod na TVL strand:


ICT (apat)
HE (tatlo)
AFAS (tatlo)

Karagdagang
Gawain

Gumawa ng listahan sa unang limang kurso na nais mo sa TVL strand at magbigay


ng dahilan kung bakit mo napili ang bawat isa.
Susi sa
Pagwawasto

(Refer to Suriin)
Tayahin ( mga maaring Sagot)
10. a
9. d
8. d
7. d
6. a
5. d
4. a
3. c
2. b
1. a
SUBUKIN

6 NegOr_Q3_EsP9_Modyul4_v2
Gayola, Sheryll T. et.al, 2015, Edukasyon sa Pagpapakatao-Ikasiyam na Baitang, Unang
Edisyon, 5th Floor Mabini Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City Philippines
1600

https://www.ciit.edu.ph/tvl-track/, CIIT College of Arts and Technology, January 13, 2022

https://tinyurl.com/4pmttewf, cylex-australia, January 13, 2022

Division of Negros Oriental ESP DLP Initiated

7 NegOr_Q3_EsP9_Modyul4_v2
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net

You might also like