You are on page 1of 16

6

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikatlong Markahan – Modyul 4:
Paggamit nang may Pagpapahalaga at Pananagutan
sa Kabuhayan at Pinagkukunang Yaman

NegOr_Q3_EsP6_Modyul4_v2
Edukasyong Pagpapakatao – Ikaanim na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 4: Paggamit nang may Pagpapahalaga at Pananagutan sa
Kabuhayan at Pinagkukunang Yaman

Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Alvin Z. Aguilar at Felve P. Chua
Editor: Teresita Z. Olasiman
Tagasuri: Teresita Z. Olasiman
Tagaguhit:
Tagalapat: Alvin Z. Aguilar at Felve P. Chua
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera
Fay C. Luarez, TM, Ed.D., Ph.D. Maricel S. Rasid
Nilita L. Ragay, Ed. D. Elmar L. Cabrera
Donre B. Mira, Ed.D.

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental

Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental


Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Paggamit nang may Pagpapahalaga at
Pananagutan sa Kasbuhayan at Pinagkukunang Yaman!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

i
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 6 ng Alternative Delivery


Mode (ADM) Modyul ukol sa Paggalang sa Ideya o Suhestyon ng Kapwa.

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

ii
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iii
Alamin

Ang modyul na ito ay binuo upang maibahagi sa iyo ang mga kaalaman na
nararapat mong matutunan sa nasabing baitang. Nakapaloob dito kung
paano ang paggamit nang may pagpapahalaga at panangutan sa
kabuhayan at pinagkunang-yaman.
MELC: Nakagagamit nang may pagpapahalaga at pananagutan sa
kabuhayan at pinagkunang-yaman. EsP6PPP-IIIe-36

Pagkatapos pag-aralan ang modyul na ito, magagawa mo ang sumusunod:

Mga Layunin:

Kaalaman: Niisa-isa ang mga paraan upang maipakita ang pagpapahalaga at


pananagutan sa kabuhayan at paggamit ng pinagkukunang-yaman.

Saykomotor: Nakakasulat ng plano upang mahikayat ang kapwa na magkaroon ng


pagpapahalaga at pananagutan sa kabuhayan at pinagkukunang-
yaman.
Apektiv: Naisasabuhay ang mga gawaing nagpapakita ng kawalan at
pagpapahalaga at pagiging mapanagutan sa kabuhayan at
pinagkukunang yaman

1 NegOr_Q3_EsP6_Modyul4_v2
Subukin

A. Panuto: Lagyan ng tsek ( / ) sa mga pahayag na nagpapakita ng


pangangalaga sa kabuhayan at pinagkukunang-yaman at ekis (X) kung hindi.

______1. Ang pagkakaingin ay nakakabuti sa pagpapalago ng itinanim na mga puno.


______2. Itapon ang mga basura sa wastong lalagyan.
______3. Makilahok sa mga programa para sa pagsulong ng malinis na kapaligiran.
______4. Hayaang mapuno ang kanal ng mga basura.
______5. Isangguni sa kinauukulan ang mga di-kaaya-ayang gawain ng mga kapitbahay sa
kapaligiran.
______6. Maglaan ng oras sa pagtatanim ng mga puno sa paligid.
______7. Panatilihing malinis ang ating kapaligiran.
______8. Patayin o hulihin ang mga hayop sa kagubatan at kabundukan lalo na ang mga
endangered species o mga hayop na malapit nang maubos.
______9. Iwasang magtapon ng basura sa mga yamang-tubig.
______10. Palitan ang mga pinutol na mga puno.

Balikan

Iguhit ang nagpapakita ng pangangalaga sa kabuhayan at pinagkukunang-yaman at


naman kung hindi.

______1. Sundin ang mga batas ukol sa pangangalaga ng kalikasan.


______2. Sirain ang mga halaman sa paligid.
______3. Huwag gumamit ng dinamita sa pangingisda.
______4. Iwasan ang pagtatapon ng basura sa mga yamang-tubig.
______5. Isagawa ang 4R’s (Reduce, Reuse, Recycle, Replace)

2 NegOr_Q3_EsP6_Modyul4_v2
Tuklasin

Basahin mo ang maikling kwento tungkol sa pangangalaga at


pananagutan sa kabuhayan at pinagkukunang-yaman.

Mapalad sa Kapaligiran
Isinulat ni Felve Pino-Chua

Sa Sitio Mapalad, nakatira ang mag-anak na Rodrigo. Si Tatay Jun


na isang magsasaka, at si Nanay Cita ay nasa bahay lamang. Sila ay may
tatlong anak, sina Jun-Jun, Pia at Maya. Palaging habilin ng kanilang ina
na bago sila lalabas ng bahay ay siguruhing nakasara ang tubig, patay
ang mga ilaw at malinis at maayos ang kanilang bahay.

Tuwing Linggo, nakagawian na ng mag-anak ang magtampisaw sa


ilog malapit sa kanilang bahay. Sa paglalaro ni Maya ay naitapon niya ang
wala ng laman na pinagkainan. Natuwa siyang pagmasdan ang pambalot
na palutang-lutang sa tubig, kalaunay kumuha pa siya ng marami at
pinaglalaruan ito. Walang nakapansin sa pinaggagawa ni Maya at halos
linggo-linggo niya itong ginagawa.

Isang umaga, nagising si Nanay Cita upang magluto ng agahan kaya


lang walang tubig na lumabas sa kanilang gripo. Nagtataka man ay
tinawag ang panganay na anak na nag-igib ng tubig sa ilog. Pagkarating
ni Jun-jun sa ilog ay napansin niyang may mga nakalutang, agad niya
itong nilapitan at kinuha ang mga ito. Laking gulat niya ng mapagtantong
iyon pala ang plastic na pinambalot sa kanilang pagkaing baon linggo-
linggo. Agad na umuwi si Jun-jun at pinagbigay-alam ito sa kanyang ina.

Kinausap niya ang kanyang mga anak. “Sino sa inyo ang nagtatapon
ng mga basura sa ilog?” ang tanong niya sa kanyang mga anak. “Hindi

NegOr_Q3_EsP6_Modyul4_v2
ba ninyo naalala ang lagi kong tagubilin na panatilihing malinis ang ating
kapaligiran? Dahil ito’y babalik sa atin, at dahil din doon hindi nakapagdilig
ng kanyang mga tanim ang inyong ama” mahinahong sabi niya. “Ako po
Nanay, patawad po. Hindi ko na po uulitin”, mahinang tugon ni Maya.

Pagkatapos ng pangyayaring iyon, ay hinakayat ni Nanay Cita na


pumunta ang mga anak at pulutin ang mga basurang nakabara.

Napangiti si Tatay Jun sa nasaksihan at napagtanto ng kanyang mga


anak ang kahalagahan ng kalikasan sa kanilang pangkabuhayan at
nagsimula na siyang magdilig ng kanyang mga pananim.

Suriin

Ibigay ang mga sumusunod na tanong batay sa kwento. Isulat ang


inyong sagot sa kwaderno.

1. Sino-sino ang mga tauhan sa kwento?


2. Ano ang ginawa ni Maya sa tuwing maliligo sila sa ilog?
3. Ano ang naging epekto ng ginawa ni Maya?
4. Bakit sa tingin mo ay nagbara ang daluyan ng tubig papunta sa bahay ng
pamilya Rodrigo?
5. Kung ikaw si Maya, paano ka makakatulong na mapangalagaan at
mapanagutan ang pinagkukunang-yaman?

4 NegOr_Q3_EsP6_Modyul4_v2
PAGYAMANIN

an

Panuto: Buuin ang dayagram. Isulat sa loob ng bawat bilog ang mga pwede mong
maiambag sa pangangalaga at pananagutan sa kabuhayan
at pinagkukunang-yaman. Isulat ang iyong sagot sa kwaderno.

pangangalaga at pananagutan
sa kabuhayan at
pinagkukunang-yaman

5 NegOr_Q3_EsP6_Modyul4_v2
ISAISIP

Napakaraming gawain ang mga tao na nakasisira sa kalikasan. Kinakailangan


tayong mabahala sa kasalukuyang kalagayan ng ating mundo. Nakikita na natin ang
epekto ng padaing ng ating kalikasan.

Dahil sa kagustuhan ng pamahalaan na maisalba ang natitira pang likas na yaman,


hindi lang ng ating bansa kundi ng buong mundo.

Narito ang ilang paraan ng pangangalaga sa likas na yaman.

1. Wastong paggamit at pagtitipid ng tubig.


2. Matutunan ang payak at responsableng paggamit ng mga material na bagay.
3. Pagbubukod ng mga basura mula sa nabubulok at di- nabubulok.
4. Makilahok sa mga proyekto ng pamahalaan para sa kapaligiran at kalikasan.
5. Sumunod sa mga panuntunan at batas na ipinatutupad tungkol sa
pangangalaga ng kapaligiran.

Matatamasa ang tunay na pag-unlad sa pamamagitan ng pagpapahalaga at pagiging


mapanagutan na likas-yaman. Makatugonan ang pangangailangan ng tao at kalikasan sa isa’t
isa. Kapuwa nakasalalay sa tao at kalikasan ang pananatili o patuloy na pag-unlad ng bawat
isa kaya dapat magpatuloy ang pangangalaga sa likas-yaman para matugunan ang
pangangailangan ng tao sa kasalukuyan at sa kinabukasan.

6 NegOr_Q3_EsP6_Modyul4_v2
ISAGAWA

Panuto: Sumulat ng maikling awitin na naghihikayat sa kapwa na magkaroon ng


pagpapahalaga at pananagutan sa kabuhayan ng pinagkukunang-yaman.Isulat ito sa ibaba.

__________________________
Pamagat

_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

7 NegOr_Q3_EsP6_Modyul4_v2
TAYAHIN

Basahin at unawain ang mga pangungusap. Sagutin ng Oo o Hindi. Isulat ang sagot sa
iyong kuwaderno.

_____1. Mkinig sa mga programa ng pamahalaan tungkol sa pangangalaga at pananagutan


sa kabuhayan at likas-yamang pinagkukunan.
.
_____2. Isaisip ang wastong paggamit at pagtitipid ng tubig.

_____3. Isabuhay ang payak at responsableng paggamit ng mga material na bagay.

_____4. Paghihiwalay ng mga basura mula sa nabubulok at di- nabubulok.

_____5. Karapatan ng mga tao na gamitin ng paulit-ullit ang mga likas na yaman hanggang.
sa ito ay maubos.

_____6. Sumali sa mga proyekto ng pamahalaan para sa kapaligiran at kalikasan.

_____7. Sundin ang mga panukala, panuntunan at batas na ipinatutupad tungkol sa


pangangalaga ng kalikasan.

_____8. Maging matalino sa paggamit ng likas na yaman upang matugunan ang


pangangailangan ngayon at sa hinaharap.

_____9. Panatilihin na nasa maayos na kalagayan ang mga likas na yaman para
patuloy itong maggamit.
.
_____10. Gawin ang programang 4R’s (Reduce, Reuse, Recycle, Replace) sa
sa buhay upang maiwasan ang kalat at pagkahalo ng mga basura.

8 NegOr_Q3_EsP6_Modyul4_v2
KARAGDAGANG GAWAIN
PANUTO: Sumulat ng isang pangako kung paano ka magiging isang bayani sa
kapaligiran.

______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
__

PAGNINILAY

Ang natutuhan ko ay _____________________________________

Napag-isipan ko_____________________________________

Gagamitin ko ____________________________________________

9 NegOr_Q3_EsP6_Modyul4_v2
NegOr_Q3_EsP6_Modyul3_v2 10
6. Quezon City: Vibal Group Inc.
et. al, Ylarde, Zenaida R. and Peralta, Gloris A., Ed.D. 2016. Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon
SANGGUNIAN
Tayahin
1. Oo 6. Oo
2. Oo 7. Oo Pagyamanin
3. Oo 8. Oo
4. Oo 9. Oo Answer may vary
5. Hindi 10. Oo
Suriin
1. Nanay Cita, Tatay Jun, Jun-jun, Pia at
Subukin
Maya
2. Answer may vary 1. X
Pinapalutang niya ang mga ballot ng 2. /
kanilang pinagkainan 3. /
3. Answer may vary 4. X
Bumara ang daluyan ng tubig sa kanilang 5. /
gripo at hindi nakapagdilig ng mga 6. /
pananim ang kanyang ama 7. /
4. Answer may vary 8. X
Dahil sa mga basurang nagkakumpol- 9. /
kumpol sa daluyan 10. /
5. Answer may vary
6.
SUSI SA PAGWAWASTO
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net

You might also like